"WALA? SIGURADO KAYO?"
Naalarma ang kausap nang halos bulyawan na niya.
"O-oo sir, wala kaming ganyan."
"FUCK!"
Gumana ang utak pulis ni Gian at tumakbo palabas.
Malakas ang kutob niyang ang kalaban ang may pakana.
Subalit wala na siyang inabutan.
Doon na kinabahan ng husto ang binata.
Kung si Delavega ang may pakana nito ibig sabihin naghahanap ito ng katibayan upang mapatunayang si Acuesta at Villareal ay iisa.
At isang patunay ang finger print niya!
Naisahan siya ng kalaban!
Tila umakyat ang dugo sa ulo niya at sasabog sa galit.
"DELAVEGA!" sigaw niya sa tindi ng pagkabigo.
Kumikilos na ito!
Hindi lang siya ang manlilinlang!
"Sir, may problema ba?"
Humagkis ang tingin niya sa lumapit na gwardyang may sukbit na mahabang baril sa balikat.
Nilapitan niya ang lalaki.
"May babaeng naka black suit dito nakita mo kung saan nagpunta?"
"Oo sir, kaaalis lang sakay ng pulang kotse."
"Nakuha mo ang plate number?"
"Hindi sir."
"May CCTV rito?"
"Meron sir."
"Gusto kong makita."
"Hindi pwede sir kasi-"
Naudlot ang sinasabi nito nang hablutin niya sa kwelyo ng suot na uniporme.
Hindi ito nakahuma.
"May muntik nang pumatay sa akin pero wala kayong alam!
Ipapakita mo o ipapatanggal kita?"
Umawang ang bibig ng lalaki at sa huli ay pinagbigyan siya.
"Sumama po kayo sa akin sir."
Tumalim ang tingin niya sa kawalan habang sumusunod sa lalaki.
Alam niyang gumagawa na ng paraan ang kalaban upang mapatunayan ang hinala ng mga ito na iisa sila ni Gian at iyon ay sa pamamagitan ng pagkain.
Hindi niya nakain subalit nahawakan niya ang lalagyan maging ang kutsara sapat na 'yon upang makakuha ng katibayan ng finger print niya.
Pinanood niya sa control room ang mga footages.
Kitang-kita ang pagpasok ng isang babae.
Nakasuot ito ng uniporme ng hotel na tinitirhan niya.
May dala itong bag habang palinga-linga.
Nasa restaurant siya ng mga panahong ito.
Kumabog ang dibdib niya nang buksan na nito ang pinto ng restaurant.
Ilang sandali pa ay nilapitan na siya.
Nagtiim ang kanyang bagang sa galit.
Ibang kuha naman ang tiningnan niya, iyong paglabas ng babae at sumakay ng pulang kotse.
Nakuha niya ang plate number ng sasakyan.
"Salamat," wika niya sa nagbabantay.
"Welcome sir."
Agad siyang lumabas at bumalik ng silid.
Nadatnan niya roon si Isabel, nakatayo malapit sa pinto at bihis na bihis.
"O nakahanda ka na ba? Pupunta tayong Pagadian hindi ba?"
Hindi niya ito pinansin at dumeretso sa laptop.
Connected ito sa bahay ni Delavega.
Wala pa ring tao roon.
Tinawagan niya ang kaibigan.
"Magandang gabi Don Gian?"
masiglang tugon nito sa kabilang linya.
"Vince pare, may muntik nang pumatay sa akin sa hotel."
"ANO? TANGINA SINO?"
"My God Gian totoo ba 'yan?" si Isabel na biglang nataranta.
Nakalimutan niyang naroon ang babae.
"Nakuha ko ang plate number ng kotse siguradong si Delavega ang may gawa nito."
"Ibigay mo bilis!"
Ipinasa niya ang imahe ng kotseng may nakuhanang plate number.
"Hindi ako sigurado kung papatayin ba ako o gusto lang makakuha ng ebidensiya na ako talaga si Villareal."
"Mautak ang gago!"
"Gawin mo lahat ng paraan para hindi makarating kay Delavega ang babaeng 'yon Vince! Kapag nakarating 'yon katapusan ko na!"
"Oo pare ipapaharang ko sa lahat ng check point. Ingat ka!"
"Salamat."
Pagkatapos makipag-usap ay hinarap niya si Isabel na humawak sa kanyang balikat.
"Totoo bang may muntik nang pumatay sa' yo?" bakas ang takot at pag-aalala sa mukha ng babae.
"Posibleng hindi pa, maghahanap lang muna ng ebidensiya ang kalaban at kapag napatunayan ay saka nila gagawin 'yon."
"Hindi! Ano bang nangyari?"
"May babaeng nakaunipormeng pang hotel na lumapit sa akin at sinabing may free sample ng pagkain."
"Kinain mo!"
"Hindi."
"Hay salamat naman!" tila nakahinga ng maluwag ang babae.
Wala naman palang nangyari bakit pinapa trace mo pa?"
"Hindi mo nakuha.
Hindi ko man nakain pero nahawakan ko ang box pati ang kutsara sapat na ang finger print ko roon para makuhanan ng kalaban."
Natahimik si Isabel.
"Pero hindi ka ba kapag nakuha ninyo ang babae mas maghihinala si Delavega na ikaw talaga si Gian kasi naharang mo?
Kung pababayaan mo lang hindi sila mag-iisip at mas mapapaniwala mo sila."
"Isabel, kapag nakarating ang babae sa kalaban malalantad na ang tunay kong pagkatao.
Katapusan ko na!
Katapusan na rin ng pangarap mo!
Utak Isabel mag-aabogado ka wala kang isip?"
Lumarawan ang galit na anyo sa babae.
"Ikaw ang hindi nag-iisip! Ang finger print mo bilang Rage ay dapat may finger print din ni Gian na katumbas. Kung wala silang makukuhang finger print ni Gian wala silang basehan!
Ngayon kung maharang ninyo ang babaeng 'yon mas titibay ang hinala ng kaaway!"
Nagdilim ang kanyang anyo sa narinig.
"May finger print ako dati sa presinto bilang Villareal!
Dinakip ako at inimbestigahan!
Ngayon kung makukuha nila ang finger print ko bilang Acuesta katapusan ko na!"
Hindi na kumibo ang babae.
Wala na nga yata itong maitutulong.
Mas lalo naman siyang nagagalit.
" Kung wala kang maitutulong lumabas ka na. "
Walang salitang umalis ang babae.
Tumunog ang cellphone niya at tumatawag ang kaibigan.
Kabadong sinagot niya ang tawag.
"Vince pare nakita niyo ba?"
"Oo pare, nasa Vitali siya patungong Zamboanga nahuli ng check point."
Kumpirmadong patungo nga sa kalaban.
"Magaling Vince!"
"Anong gagawin dito?"
Tumalim ang tingin niya sa kawalan bago nagsalita.
"Itumba ninyo."
"Ano? Pero pare babae ito at-"
"Vince walang kasarian ang kaaway.
Kapag nabuhay 'yan hindi tayo magtatagumpay.
Mamili ka buhay ko o ang buhay ng babaeng 'yan?"
Huminga ito ng malalim bago sumagot.
"Siyempre buhay mo pare."
"Itapon niyo sa tubig o ilog ang bangkay kasama ng dala niyang box ng pagkain pati kutsara.
Lahat!
Naroon ang finger print ko kailangang walang makuhang ebidensiya."
" Sige pare, ako ng bahala."
Ramdam niya ang katamlayan sa tinig ng kaibigan.
"Pasensiya na pare, pero kailangan na nating pumatay ngayon.
Kapag hawak ng kalaban maging bata, matanda, lalaki, babae lahat wala tayong bubuhayin."
"Naiintindihan ko pare."
"Salamat."
Natapos ang kanilang pag-uusap ngunit hindi pa rin kampante ang binata.
Makakahinga lang siya kapag nabalitaang patay na ang babae.
Pinuntahan niya si Isabel sa kwarto nito.
Dinatnan niyang nakahiga ang babae kahit bihis na bihis ito.
"Isabel, maghanda ka na aalis tayo papunta sa bahay ko."
Napabangon ito at hinarap siyang nakakunot ang noo.
"Anong gagawin sa bahay mo?"
"Aalisin lahat ng ebidensiyang magpapatunay sa katauhan ni Gian Villareal."
---
Mula Pagadian ay lumipad ng Vitali si Vince upang sundin ang utos ng kaibigan.
Siya lang ang gagawa sa plano ni Gian.
Nagpanggap siyang concern citizen at ipinadakip
sa mga pulis ang babae at ang dinahilan niya ay droga.
Agad niya itong sinundan sa presinto ng Vitali upang manmanan.
Nakita na niya ang sasakyang pula nito na tugma sa plaka ng numerong ibinigay ni Gian.
Dalawamput-apat na oras ang itatagal ng isang suspek sa loob ng presinto kapag na detain ito.
Ngunit sa kanyang pagtataka ay wala pa siyang kalahating oras nagmanman ay nakalabas na ang babae.
Ibig sabihin wala pang apat na oras ay nakalabas na ito.
May sumalubong na lalaki rito na posibleng kasamahan.
Maya-maya pa ay umalis na ang mga ito.
"Hayop ka talaga Delavega!"
Tumalim ang tingin niya at pinaandar ang sasakyan, sinundan niya sa 'di kalayuan ang sasakyan nito.
Ikinasa niya ang dalawang kwarenta 'y singko na baril at isinukbit sa balikat ang isang M240 machine gun.
Mag-isa man siya tiyak na
hindi kakasa ang mga ito sa kargada niya!
Sa dami ng high powered firearms na nasakote nila noon sa mga bigating sindikato ay ginagamit nila ang iba.
'Malas mo lang Delavega.'
Muntik na siyang mamatay sa kamay nito, ngayon siya naman ang babawi.
Kung hindi lang malaking suliranin na patayin ang hayop na 'yon ay siya na mismo ang gumawa.
Sumulyap siya sa labas ng bintana.
Malalim na ang gabi at wala ng kabahayan ang lugar na dinadaanan nila.
Dito na niya tatapusin ang gagawin.
Inalis niya ang mahabang armas sa balikat.
Dadalawa ang kalaban at ang isa ay babae pa, mukhang hindi pulis ang gumawa kapag nirakrakan niya.
Kailangang palabasin na alagad ng batas ang may gawa at alagad siya ng batas.
Habang nakasunod ay napansin niya ang pag menor ng sinusundang sasakyan.
Alam niyang naghihinala na ito.
Inapakan niya ang silinyador at inunahan ang mga ito.
Sampung dipa ang layo niya bago humarang sabay labas bitbit sa magkabilang kamay ang kwarenta 'y singko subalit sinalubong siya ng bala na ikinakubli niya sa likuran.
Patuloy ang pamamaril.
Sa kailaliman ng gabi ay umalingawngaw ang putok.
"Lintek naunahan ako ah?"
Subalit hindi sunod-sunod ang pamamaril kaya nang makalibre ay tumayo siya at sunod-sunod na pinaputukan ang sasakyan ng kalaban.
"GAGO!"
Wasak na ang windshield ng mga ito ngunit hindi niya tinigilan.
Tumayo siya sa gitna at binirahan ng husto ang mga ito.
Nagliparan ang mga bala.
Nang tila hindi na nanlaban ay nilapitan niya ang sasakyan.
Nang buksan niya ang pinto ay nakahandusay ang dalawa at naliligo ng dugo.
Nakadapa ang babae sa upuan at ang lalaki ay nakasandal sa upuan. Idinampi niya ang daliri sa leeg ng dalawa.
Natiyak niyang wala ng buhay ang mga ito.
Kailangang lumabas na pulis ang may pakana nito upang hindi paghinalaan ng kalaban si Gian.
Mabilis niyang hinalungkat ang bag ng babae at nakitang naka supot ang box ng pagkain.
Pinunit niya ang supot at inilagay sa bulsa, inilabas ang box.
Tinungo niya ang pampang at saka buong lakas na ibinato ang box ng pagkain.
Sa lalim nito imposibleng may makikita pang finger print sa box.
Wasak ito sigurado.
Isinunod niya ang bag ng babae.
Inilaglag niya ang laman para kunwari nahulog din ang pagkain.
Nang makabalik ay binuhat niya ang puno ng dugo na babae at walang anumang inihulog sa pampang.
Gumulong ito pailalim.
Sinunod niya ang lalaki.
Saka walang anumang nilisan ang lugar.
Salvage.
Walang ebidensiya, walang suspek.
Ganyan siya magtrabaho.
Napailing si Vince.
Nang dahil lang sa mango float, pumatay siya.
Kahit lollipop pa 'yan basta may kinalaman sa kalaban hindi niya aatrasan.
Hanggang buhay si Delavega nakahanda siyang maging berdugo ni Gian.
---
Kampanteng nakaupo si senior Delavega sa kanyang mansyon habang umiinom ng alak.
Hindi muna siya bumalik sa rest house dahil sa sinabi ni Acuesta.
Wala na rin namang mahihita ang mga mang ri- raid doon.
Ang resulta, ay hindi naman daw nagtagal ayun sa mga tauhan niya.
Inaalog-alog niya sa kamay ang basong may lamang alak.
Hinihintay ngayon ng senior ang balita sa pinadala niyang espiya sa hotel ni Acuesta.
Ayon dito nakuhanan na raw at pauwi na sana.
Nagkaroon ng kunting problema dahil hinuli daw ng mga pulis dahil sa droga.
Mabuti na lang naayos na niya at ngayon ay pauwi na.
Walang imposible pagdating sa kanya lahat nagagawaan ng paraan.
Lahat nakukuha niya dahil sa impluwensiya, kapangyarihan at pera.
Kahit pa napalagpak siya ng kalabang si Lopez ay hindi naman siya tuluyang bumagsak.
Ngayon itong si Acuesta naman na kamukha ni Villareal na pinsan kuno ang siyang naglalapit sa kanya.
Subalit mautak siya.
Kapag nakuha niya ang kailangang ebidensiya, kay Villareal na lang ang kulang. Mapapanatag na siya dahil lalabas na ang totoo.
Kay Acuesta na nakikita niya ay mabilis lang, ang mahirap kay Villareal.
Hindi na niya kailangang pumunta mismo kay Acuesta para makakuha ng ebidensiya.
Utusan lang niya ang iba wala ng problema.
Kay Villareal na lang.
Kung sanay makakalapit pa siya sa stasyon ng pulisya ay hindi ganito kahirap ang sitwasyon.
Hindi na niya ngayon basta malalapitan ang presinto dahil hawak na ito ni Lopez mula nang matanggal ang kanyang pamangkin bilang hepe.
"Senior!"
Napalingon siya sa kanang kamay na si Warren.
Papalapit ito.
"Nasaan na sila?"
"Senior, masamang balita."
Kinabahan si senior Roman at umupo ng tuwid.
"Ano?"
"Tinambangan ang mga inutusan niyong tauhan."
"PUNYETA!"
Napatayo ang senior at agad lunarawan ang galit sa kanyang anyo.
"Nadale ng pulis dahil daw sa droga."
"Niresolba ko na! Bakit nangyari ito? Sinong pulis 'yan!"
"Wala pong nakakaalam senior. Binalita na po ang nangyari."
Binuksan ni Warren ang telebisyon.
Tumambad ang babaeng nagbabalita.
Nasa background nito ang mga pulis na nakapalibot sa isang sasakyan at nasa pampang ang iba pa.
"Bandang alas diyes ng gabi nang pinagbabaril ang isang pulang SUV na ikinasawi ng isang babae at isang lalaki..."
"HAYOP!" na pasigaw ang senior at naibato ang hawak na inumin.
Naglikha ito ng matinding pagkabasag sa marmol na sahig.
"Dad?" humahangos na napalapit si Xander sa ama.
"Anong nangyari?"
"Xander! Wala na ang inutusan natin! Pinatay siya!"
Agad nagdilim ang anyo nito.
"Sino ang may gawa?"
Si Warren ang sumagot.
"Pulis daw."
"Ang ebidensiya nasaan?"
"Wala na rin."
"ANO!"
"Itinapon sa bangin kasama ng mga tauhan."
Tumalim ang tingin ni Xander sa telebisyon na ipinapakita ang dalawang duguang biktima at wala ng buhay.
Walang babalang pinagbabaril ito ng anak na ikinagulantang ng senior at ng kanang-kamay.
Nagtalsikan ang mga bubog.
"Punyeta Xander!"
"Dad sa tingin niyo ba pulis talaga ang may gawa nito?" hinihingal sa galit na singhal ng anak.
Hindi nakapagsalita ang senior.
"Si Villareal ang may gawa nito! Alam niyang may inutusan tayo!"
"Paano niya nalaman?"
"Alam niya dahil kung hindi niya alam makakarating sa atin ang espiya!"
"Droga daw ang sanhi sir Xander," ani Warren.
"Uto-uto! Naniwala naman kayo? Ganyan mag-isip si Villareal hindi ba't ang sabi ni Mondragon ay naisahan siya noon?"
"Anong gagawin natin ngayon?"
Binalingan siya ng anak.
"Puntahan natin ang bahay ni Villareal dad.
Kung hindi man tayo makakuha sa stasyon ng pulis sigurado sa bahay niya marami."
Kahit paano ay nagkaroon ng pag-asa ang senior.
"Bakit nakalimutan kong may bahay pa siya?"
Binalingan niya ang kanang kamay.
"Hala Warren utusan mo ang mga tauhan natin, halughugin ninyo ang bahay ni Villareal sa Pagadian!"
"Opo senior!"
Mabilis na umalis ang kanang kamay.
"Warren sandali," tawag ni Xander sa alalay na ikinalingon nito.
"Huwag ninyong basta halughugin lang.
Kumuha kayo ng ebidensiya nang hindi nahahalata. Dapat malinis ang trabaho kagaya ni Villareal malinis."
"Opo sir!"
Tuluyan na itong umalis.
"Bakit Xander anong plano mo?"
"Dad, kung pinupuntahan ng Acuesta na 'yon ang bahay malalaman niyang may ibang pumasok kung hahalughugin. Iba ang may kukunin lang sa parang ninakawan."
Napangisi ang senior.
"Magaling anak."
"Malinis magtrabaho ang kalaban dad, tingnan mo't pulis daw ang may gawa."
"Baka si Maravilla lang ang may gawa?"
Nagkatinginan na ang mag-ama.
"Matagal-tagal na rin ang buhay niya ano sa palagay mo?"
"Gano'n din naman si Villareal."
"Alamin muna natin ang totoo bago iligpit ang kalaban.
Sa ngayon magagamit pa natin ang Acuesta na 'yon. May pera at kapangyarihang mailagpak ang kalaban.
Itong pulis na kaibigan ni Villareal ang matagal ng nabubuhay."
"Huwag muna dad, uunahin muna natin ang pagtuklas ng totoo at kapag tama ang hinala natin saka natin pagsasabayin!"
"Mgandang ideya!"
Ngumisi ang anak.
"Tayo na mismo ang kukuha ng ebidensiya kay Acuesta para sigurado."
"Dad huwag na tayong maglalapit sa Acuesta na 'yon mapanganib siya!"
"Xander, hindi tayo magagalaw ni Acuesta kung siya man si Villareal dahil siya mismo ang naglalapit sa atin.
Kapag nakakuha tayo ng ebidensiya sa bahay ni Villareal madali na lang kay Acuesta.
Lalabas din ang totoo."
"Mapapatunayan na natin ang matagal na nating hinala dad.
Oras lang ang kalaban."
"Paano kapag nalaman ng kalaban?"
"Kapag si Acuesta ay si Villareal hahadlangan niya ang plano natin kagaya ng ginawa sa tauhan natin.
Kapag wala siyang ginawa posible ngang magkaiba ang dalawa."
"Ibig sabihin kung may hahadlang na naman sa gagawin natin iisa si Villareal at Acuesta at alam niya ang plano natin."
"Kaya kapag nagtagumpay tayo dad, ibig sabihin posibleng ibang tao nga ang Acuesta na 'to."
"Paano kung mabibigo tayo?"
Tumalim ang tingin ni Xander sa gibang telebisyon.
"Iisa ang kalaban."
---
"Gian talaga bang gagawin mo ang ganito?
Hindi ka ba nanghihinayang?
Nandiyan ang lahat ng pagpapatunay na ikaw si Villareal."
Sunod-sunuran si Isabel sa kanya habang nagliligpit siya ng mga dokumentong mahalaga.
"Hindi na, wala ng silbi ang bahay na 'to kapag nakuha na natin ang kailangan natin."
"Pero sayang eh, napakaganda ng bungalow mo.
Wala ka man lang bang magandang memories dito?"
Bahagyang natigilan ang binata at nilingon ang sala.
Mula sa loob ng silid ay unti-unting nagbabalik ang ala-ala niya sa nakaraan.
Ang mga ala-ala nila ni Ellah nang umamin ito sa kanya.
Dito niya rin inamin kung ano ang tunay niyang pagkatao.
Ang pinagsaluhan nilang mga halik nang walang pag-aalinlangan nang umamin na ang dalaga.
Ang mga panahong nabigo siya ay ito ang naging kanlungan niya.
Nilibot niya ang tingin sa kabuuan.
Sa oras na magbabalik siya sa pagiging Villareal ay wala nang mas igaganda pang ideya kung dadalhin niya rito si Ellah at dito magtapat nang tunay na siya.
Magagalit ito ngunit mapapaiyak niya sa saya.
Napangiti ang binata sa naisip.
"Talaga bang susunugin mo ito?"
Kapag ginawa niya 'yon ay tuluyan ngang maging abo ang lahat.
May dala man siyang pagpapatunay na siya ngunit ang ala-ala ng lahat ng pinagdaanan niya ay maglalaho at magiging abo na lang.
"Isabel, kung hindi ko susunugin anong pinakamagandang gawin?"
Namilog ang mga mata ng babae.
"Pabantayan mo ng private army. May pera ka Gian kaya mong gawin 'yon."
"Hindi kaya magtataka ang kalaban niyan?"
"Hindi, iyon ay kung malalaman nilang ang pamilya ninyo ang gumawa.
Pinsan mo si Villareal iyon ang pagkakaalam nila.
Ngayon kung pamilya ninyo ang may gawa hindi sila maghihinala.
Huwag lang ikaw."
Unti-unti siyang napatango.
Hindi na lang susunugin.
Tama si Isabel sayang ang mga ala-ala.
Tumunog ang cellphone niya at agad niyang tiningnan kung sino.
" Vince pare? " bungad niya nang ini loudspeak ang cellphone upang marinig ng kasama.
" Tapos na ang pinapagawa mo.
Mango float pala ang laman ng ebidensiya."
Napangiti si Gian.
"Natapos mo na nga. Salamat pare. Maraming salamat!"
"Walang anuman pare, kahit maging berdugo ako gagawin ko mawala lang sa landas ang kalaban."
"Gagawin natin ng magkasama pare."
"Wala silang nakuhang ebidensiya sa'yo bilang Acuesta pero paano kung may makukuha sila bilang Villareal?"
"Wala pare."
"Ang bahay mo sa Pagadian puno 'yon pare kailangang wala silang makukuha diyan."
"Nandito kami ngayon."
"Mabuti, pupuntahan kita."
"Huwag na, kasama ko si Isabel kukunin namin lahat ng ebidensiya."
"Anong kukunin? Pare kailangang sunugin mo 'yan."
Nagkatinginan sila ni Isabel. Agad rumehistro ang pagtutol sa mukha nito.
"Kapag sinunog 'to, maghihinala ang kalaban. Malalaman nilang alam natin ang pinaplano nila laban sa akin."
"Pare, hindi nila malalaman ang totoo mapupuno sila ng hinala ngunit ang mahalaga wala silang makukuhang ebidensiya bilang patotoo. "
"Vince pare-" Naudlot ang sasabihin niya nang biglang hablutin ni Isabel at ito ang kumausap.
"Vince, si Isabel 'to."
"O attorney?"
"Tama si Gian, kapag sinunog ito ng mga panahong naghahanap ng ebidensya ang kalaban, hindi na nila kailangan ng ebidensiya pa malalaman na nilang iisa lang si Acuesta at Villareal.
Naharangan na ang ebidensiya para kay Acuesta ngayon mahaharangan din ang kay Villareal?
Kung ako ang kalaban ipapaligpit ko kayo agad. "
" Anong dapat gawin? "
" Pababantayan lang ng army para siguradong-"
Sa pagtataka nila humagalpak ng tawa ang nasa kabilang linya.
Napailing si Gian.
Utak pulis ang kaibigan, iba sa utak ng abogado.
" Gian pare, ano susunod ka ba sa plano ng abogada mo? "
" Aba'y gago pala 'to? " iritadong ibinalik ni Isabel ang cellphone sa kanya.
" Vince pare, susunugin ko rin pero hindi pa sa ngayon.
Mas titibay ang hinala ng kalaban pare kung ngayon ko gagawin."
"At ano palalagpasin mo? Pare naman baka dahil sa desisyon mong 'yan ay siya pang makakapagpahamak sa 'yo? Alam mong kumikilos ang kalaban ngayon, alam mo!
Tapos hahayaan mo sila?"
"Hindi ko naman hahayaan-"
"At ano pababantayan mo? Aba naman pare utak abogado ka na rin ba ngayon?"
Nagtiim ang bagang niya sa narinig.
Nagtutungayaw na si Isabel sa hindi kalayuan.
"Gian ayusin mo 'yan mukhang bobo ang tingin sa akin ng hinayupak na 'yan!"
Inalis na niya ang loudspeaker.
"Gian pare, pauuto ka ba sa simpleng ideya?
Pare hindi magnanakaw ang kalaban mo, sindikato!
Pinakamalaking sindikato sa buong Zamboanga Peninsula tapos papatulan mo ang ganyang ideya?
O sige ipagpalagay na nating may bantay diyan sa palagay mo ba kaya nilang harangan ang bala?
Pare kapag inubos ng demonyong Delavega ang mga bantay mo sa palagay mo ba hindi nila makukuha ang pakay nila?
Samantalang kung susunugin mo wala silang mahihita!
Kumilos ka na pare, siguradong sa mga oras na' to patungo na ang kalaban sa inyo!"
Muli niyang inilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay.
Puno ito ng ala-ala, masakit man o masaya.
" Pare paano ang ala-ala ko sa bahay na 'to? Nakakapanghinayang pare, " pag-amin na niya.
" Ah lumabas din ang totoo.
Ala-ala ninyo ni Ellah ang pinag-alala mo gano' n ba?"
Huminga siya ng malalim.
"Isa na 'yan pare."
"GIAN NAMAN!"
Napaigtad siya sa bulyaw ni Vince.
"Talaga bang ala-ala ang pinoproblema mo! Pare buhay pa kayo ni Ellah! Buhay ka pa! Baka dahil sa desisyon mong 'yan ay ikaw ang maging ala-ala na lang!"
Sa pagkakataong ito natahamik ang binata.
"Huwag mong hintaying mangyayari 'yon.
Para ano pa at naging berdugo mo ako kung mamamatay ka lang sa walang kwentang dahilan!"