Chereads / SHE'S A VAMPIRE[TAGALOG NOVEL] / Chapter 17 - SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 15

Chapter 17 - SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 15

Keith's POV

"TITO, DALHIN na kaya natin si Ran sa hospital?" tanong ko sa papa ni Ran.

"Hindi p'wede. Pagpipiyestahan lang nila ang katawan niya roon."

Nang mahanap ko kasi si Ran kanina ay nakita ko siyang nakahandusay sa sahig kaya agad kong tinawag ang Papa niya para buhatin siya at dalhin sa kanilang bahay.

"Tito, wala bang ibang paraan para magamot ang sugat ni Ran? Kanina pa kasi dumudugo, ah," sabi ko.

"Maghihilom din iyan. Hintayin lang natin," sagot naman nito.

Wala na akong nagawa kung hindi maghintay. Ilang minuto pa ang pinalipas namin pero hindi pa rin naghihilom ang sugat ni Ran at nagsisimula ng mamutla ang labi niya. Pinagpapawisan na rin nang buo-buo ang mukha si Ran.

"T-tito!" tawag ko kay Tito Vincentang Papa ni Ran na nasa labas ng kwarto.

"O, bakit?" tanong nito matapos makalapit sa amin.

"Tito, tingnan mo. Anong nangyayari kay Ran?" nag-aalalang tanong ko.

Lumapit naman si Tito sa puwesto ni Ran at hinawakan ang noo ng anak. "Inaapoy siya ng lagnat," sabi nito at tiningnan din ang sugat ni Ran.

Napatakip naman ako sa bibig ko sa aking nakita. Iyong sugat kasi ni Ran, hindi ko mawari kung ano iyon dahil sobrang namamaga na ito na may namumuong nana.

"Bakit ganito?!" bulalas ni Tito Vincent. "Keith, pakitawagan naman ang Uncle Tommy niya," sabi nito sa akin. "Nasa sala ang telepono."

Tumango naman ako at agad na pumunta sa sala at tinawagan ang Uncle ni Ran. Nakatatlong ring muna bago nito sinagot ang aking tawag.

"Hello?"

"Uncle po ba ito ni Ran?" agad na tanong ko.

"Bakit?"

"Tito, may nangyari po kay Ran at kailangan po kayo rito sa bahay nila," nanginginig na sambit ko.

"Sige, papunta na ako."

Nang matapos ko itong makausap ay bumalik ulit ako sa kwarto ni Ran. "Tito, papunta na raw po si Tito Tommy," sabi ko at umupo sa tabi ng aking kaibigan.

Habang hinihintay naming dumating ang Uncle ni Ran ay nagkuwento muna si Tito Vincent.

"Alam mo, Keith. Iyang si Ran, walang ibang ginawa iyan kung `di mamuhay ng isang normal kagaya nating mga tao." Napatingin naman ako kay Tito Vincent. "Araw-araw hindi mo siya makikitaan ng isang bahid ng lungkot sa mukha dahil masiyahin siya. Lagi siyang nakangiti. Kaya kahit sinong nakakasalubong niya ay mapapangiti na rin nahawa sa kaniya. Alam mo bang ngayong taon lang na ito na nagkaroon siya ng kaibigan?" Nilingon ako nito.

Napailing naman ako. Nagsisimula na mag-init ang mga sulok ng mga mata ko. Naaawa ako sa aking kaibigan.

"Alam mo bang bukambibig niya kayo ni Atoz bago paalis at pauwi ng bahay? Sobrang saya ko para sa kanya noon dahil nagkaroon na rin siya ng tinatawag niyang human bestfriends daw. Kasi si Perzeus lang ang kaibigan niya noon pa at isa ring bampira," patuloy pa nito sa pagkukwento.

Nakikinig lang ako sa kaniya. Mabilis na tumulo ang luha ko pero agad ko rin iyong pinunasan.

"Tuwing nakikita ko nga siyang malungkot, nalulungkot din ako. Lalo na no'ng araw na nalaman ninyo raw na bampira siya. Halos hindi na siya kumain at lumabas ng kwarto niya. Tingin niya kasi ay kamumuhian ninyo siya at ipagtatabuyan. Nasasaktan ako dahil sa kalagayan niya, Keith. Kung may paraan lang para mabawasan ang sakit na iyon," sabi pa nito. "Kaya sana huwag mo siyang iiwan, Keith. Kayo lang ang pinagkukuhan niya ng lakas ng loob para mabuhay sa mundong ito."

Ganoon pala ang nararamdaman ni Ran tuwing may nakakaalam kung ano talaga siya.

Sabay kaming napalingon sa pinto ng kwarto ni Ran nang may isang lalaking dumating at hinihingal pa ito.

"Bakit anong nangyari sa pamangkin ko?" tanong nito na habol-habol pa ang paghinga.

Siya siguro iyong tito ni Ran.

"Tingnan mo siya, Tommy," sabi ni Tito Vincent noong nasa harap na namin iyong si Uncle Tommy.

"Sinong gumawa sa kaniya nito?" tanong ni Tito Tommy.

"May mga taong bayan po kasi na sumugod kanina rito at gustong kuhanin si Ran," saad ko.

"At sino ka naman?" tanong nito sa akin at tinaasan ng isang kilay.

"Kaibigan po ako ni Ran," sagot ko.

Bahagyang kumalma ang mukha nito. "Keith? Tama ba?"

Tumango naman ako.

Hinarap muli ni Tito Tommy si Ran at tinaas ang damit nito hanggang sa tiyan.

"Akala ko ba, Tommy naghihilom agad ang sugat ninyong mga bampira?" tanong ni Tito Vincent.

"Oo," sagot nito. "Pero, iba itong kalagayan ni Ran."

"Ano pong ibig niNyong sabihin?" tanong ko. Bumangon ang kaba sa akin dibdib.

"Hindi lang siya basta sugat kung hindi... nalason si Ran."

Vincent (Ran's Dad) POV

"MISTER KIM, hindi po p'wede ang hinihingi ninyong pabor. Ang eskwelahan na ito ay para lang sa mga taong may pangarap sa buhay at hindi para sa anak ninyong isang bampira," sabi ng director ng paaralan sa akin.

Nandito ako sa paaralan ni Ran para makiusap na sana ay tanggapin nila siyang muli.

"Sir, may pangarap din po ang anak ko."

"Aba! Kami rin! May pangarap din ang mga anak namin!" sigaw ng isang magulang na kasama namin ngayon sa opisina ng director. "Ayaw naman naming mapahamak sila dahil sa anak mo kaya mas mabuti na lang siguro kung aalis na siya sa paaralan na ito," suwestiyon ng ibang magulang.

"Tama ka riyan."

"Mas mabuti iyon dahil makasisigurado tayong ligtas ang mga anak natin."

"Pakiusap. Pumayag na po kayong dumito muna ang anak ko. Hindi naman siya masama, eh," nakikiusap na saad ko.

"Mister, bakit ba kasi inaalala mo pa ang bampira na iyon? Hindi mo naman siya tunay na anak, hindi ba?"

Napatingin naman ako sa nagsalita. "Oo, hindi ko nga anak si Ran pero gusto ko siyang tulungan dahil kagaya ng mga anak ninyo ay may pangarap din siya sa buhay," sagot ko sa kaniya.

"Good morning, Director."

Lumingon naman kaming lahat nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng pormal na damit. Naglakad ito papunta sa kinauupuan namin at umupo sa harap ko.

Magkakaharap kami ngayon sa iisang malaking mesa at wala ni isa ang nagsasalita.

"Chairman, ano bang gusto ninyong gawin natin sa isang bampirang estudyante na nag-aaral dito?" tanong ng director sa lalaking kararating lang.

"Bilang isa sa mga chairman ng paaralang ito, gusto kong patalsikin ninyo ang estudyante na iyon."

Biglang uminit ang ulo ko sa narinig. Napasuntok ako sa mesa. "Mali naman yata iyan! Walang masamang ginagawa ang anak ko!" sigaw ko.

"Ano? Hihintayin muna namin na gagawa siya nang masama bago namin siya palayasin dito? Paano kung manakit siya ng mga estudyante? Takutin ang mga ito? May magagawa ka ba kapag nangyari iyon?" tanong nito sa akin.

"Hindi magagawa ng anak ko iyan. Mabait siya," sabi ko habang tumutulo ang aking mga luha.

"Kahit sabihin mo pa kung gaano siya kabait, hindi pa rin maaalis sa isipan ng mga estudyante na isa siyang bampira," sabi nito.

"Nagmamakaawa po ako," pakiusap ko at sabay na lumuhod sa harap nila. Nagulat ang ibang mga magulang na kasama ko sa silid sa akin. Bakas ang gulat sa kanilang mukha.

"Grabe, nakakaawa naman siya."

"Gagawin niya talaga ang lahat para sa anak niya."

"Pakiusap Director Oh and Chairman, tanggapin ninyo po muli sana ang anak ko," umiiyak sa sambit ko.

"Chairman, nakakaawa naman siya. Payagan na kaya"

"Gusto mong dumito muna ang anak mo, hindi ba?" tanong sa akin ni Chairman.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Sige, pumapayag na ako."

"Talaga po?" gulat na tanong ko sa kaniya.

"Chairman! Paano ang mga anak namin!"

"Baka mapahamak ang mga estudyante rito?!"

"Chairman! Pag-isipan mong mabuti! Huwag ka agad magdedesisyon."

"Basta pumayag ka lamang sa gusto kong mangyari at papayagan kong pumasok muli ang anak mo sa paaralang ito," sabi nito sa akin.

Napatayo naman ako sa narinig ko. "Sige, papayag ako sa gusto mong mangyari."

"Kung ganoon, ito ang gusto kong mangyari..."

PAGKAUWI KO sa bahay ay hindi ko inaasahan na magigising na si Ran. "Saan po kayo galing?" tanong niya sa akin pagpasok ko sa kaniyang kwarto.

"Wala. Nagpahangin lang ako," sabi ko at pilit na nginitian siya. "Ikaw, Keith? Hindi ka pa ba uuwi? Ilang araw ka nang nandito. Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo," tanong ko sa kaibigan ni Ran.

"Okay lang po, tito. Nagpaalam naman po ako sa kanila kung saan ako pupunta," nakangiting saad nito.

"Papa," tawag sa akin ni Ran. Napatingin naman ako sa kaniya. "May balita na ba kay Perzeus?" tanong niya.

Hanga talaga ako kay Ran. Kahit siya na ang nasa bingit ng kamatayan ay inaalala pa rin niya ang kaniyang mga kaibigan.

"Wala pa, anak," sagot ko naman. "Sige, magkuwentuhan muna kayo ng kaibigan mo at ipagluluto ko kayo ng meryenda ninyo."

Lumabas naman na ako ng kwarto ni Ran at dumiretso sa kusina. Habang nagluluto ako ay naalala ko ang kondisyon namin ni Chairman.