Chereads / SHE'S A VAMPIRE[TAGALOG NOVEL] / Chapter 18 - SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 16

Chapter 18 - SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 16

Ran's POV

NGAYON AY papasok na ako ulit sa paaralan dahil mabuti na ang kalagayan ko. May pagkakataon na sumasakit pa rin ang sikmura ko dahil sa sugat na natamo ko noong nakaraang araw pero kahit ganoon ay hindi ko na lang ang sakit dahil ayaw kong mag-alala pa sila Papa.

"Kapag may kakaiba kang maramdaman, tumawag ka lang sa akin, ah?" sabi ni Uncle Tommy pagkababa ko sa kotse nito.

Tumango naman ako.

Ilang minuto ay nakarating na ako sa paaralan. Nakakailang kasi lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa akin.

"Ang lakas naman ng loob niyang pumasok pa ulit."

"Bakit pumayag ang Director na pumasok pa siya?!"

"Hindi man lang siya mahiya sa sarili niyang pumasok pa rito!"

Ilan lang iyan sa mga narinig ko habang papasok ako sa loob. Hinayaan ko na lang kung anong gusto nilang isipin at sabihin.

Dumiretso naman ako sa klase ko. Pagpasok ko roon ay may mangilan-ngilan na bumati sa akin at ang iba naman ay ayaw na akong makita. Habang papunta ako sa upuan ko ay nilapitan naman ako ng isa kong kaklase na si Josa.

"Buti naman pumasok ka na," nakangiting saad nito.

Nginitian ko lang siya bilang tugon.

"Akala ko hindi ka na papasok matapos ang nangyari no'ng isang linggo," sabi nito at umupo sa aking katabing upuan.

"Ah, may nangyari lang kasi kaya hindi ako nakapasok kinaumagahan nito," sagot ko naman.

Ayaw ko namang sabihin rito na may grupo ng mga estudyante na sumaksak sa akin. Ayaw kong kaawaan. Habang nagkukwento si Josa ay napatingin ako sa bagong dating.

Si Keith.

"Hi!" nakangiting sambit niya at lumapit sa amin ni Josa. "Buti pumasok ka na?" aniya at hinila ang isang upuan at doon umupo.

Tumango lang naman ako.

"O, ikaw pala iyan, Josa!" sabi pa niya nang makita na kausap ko si Josa.

"Ah, oo. Gusto ko lang kumustahin si Ran," sagot naman nito.

Habang nagkukwentuhan kaming tatlo ay nagulat kami nang biglang may mga estudyanteng sumisigaw sa labas.

"Bakit ano iyon?" tanong ni Keith.

Nagkibit-balikat naman ako.

"Tara, tingnan natin!" sabi niya at hinila kami ni Josa palabas ng classroom.

Nang nasa labas na kami ay nakita namin ang mga ilang babae na nagsisigawan at nagtitilian habang naglalakad si Atoz.

"Anong mayro'n? Bakit siya pinagkakaguluhan?" tanong ni Keith.

Hindi ako nagsasalita.

Nakatingin lang ako kay Atoz habang palapit ito sa amin. Ibang-iba na ang itsura nito. Hindi na siya ang dating Atoz na nakilala ko na napakadisenteng tingnan. Ibang Atoz ang nakikita ko ngayon.

May kulay ang buhok. Bukas ang polong suot nito at may kulay ang panloob na t-shirt. Nakamaong ang pants at naka-rubber shoes.

May hikaw pa!

"Anong nangyari sa kaniya?"

"Naging ganyan si Atoz simula nang hindi ka na pumapasok, Ran."

Napatingin naman ako kay Josa na nagsalita.

"Ano?!" bulalas ni Keith.

Maski si Keith ay hindi makapaniwala.

Ilang linggo rin kasi siyang hindi pumasok dahil siya ang nagbantay sa akin noong masaksak ako.

Nang malapit na ito sa kinaroroonan namin ay nakatingin lang ako kay Atoz at ganoon din ito sa akin.

"Ato"

Hindi ko nasabi ang gusto kong sabihin nang dire-diretso na lang siyang naglakad at hindi man lang ako kinausap.

Bakit parang hindi niya ako nakita?

"OKAY, CLASS! Bibigyan ko kayo isa-isa ng topic at kayo ang mag-didiscuss bukas. Iyon na ang magiging recitation ninyo sa akin at dapat may partner kayo. Ang magiging partner ninyo na lang ay ang mga katabi ninyo," sabi ng teacher namin sa Filipino.

Napatingin naman ako sa katabi ko—Si Atoz.

"Okay, Ran and Atoz. Ang topic ninyo ay tungkol sa Aspekto ng Pandiwa."

Tumango naman ako.

"Kayo naman Keith at Josa, Pitong Pokus ng Pandiwa."

"Sige po, ma'am!" sabay na sagot ng dalawa.

Nang matapos magbigay si Miss Elardo ng mga gagawin namin ay saktong tumunog naman ang school bell hudyat na break time na.

"Okay, class dismissed."

Nang iilan na lang ang tao sa classroom ay napalingon muli ako kay Atoz na may suot-suot na headset at nakatingin sa labas ng bintana. Nilapitan ko naman siya para kausapin para sa report namin.

Bago ako nagsalita ay huminga na muna ako nang malalim. "Atoz," tawag ko sa kaniya.

Hindi siya lumingon.

Kaya mo iyan, Ran.

"Magka-group pala tayo sa Filipino. Anong gagawin natin kasi recitation"

Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang lumingon siya. "Magaling ka, `di ba? Tutal, magaling ka naman, eh ba't `di ikaw na lang gumawa." Pagkasabi niya ay tumayo na siya sa upuan at naglakad palabas. Pero bago makadaan sa kinatatayuan ko ay may sinabi muna siya. "Hindi ako si Atoz," sabi niya at saka ako binangga sa alikat.

"BAKIT ANG tagal mo? Saan ka galing?" tanong sa akin ni Keith nang makalapit ako sa kaniya.

Nauna na kasi siya rito sa canteen.

"Kinausap ko pa kasi si Atoz para sa report namin,"sagot ko sa kaniya.

Tumango-tango naman ito.

"Sige, ako na mag-oorder,".sabi ko at nagsimula na pumila at siya naman ay naghanap na ng mauupuan namin.

Habang nakapila ako ay naagaw ng atensiyon ko ang isang lalaki at babae na pumasok sa canteen. Pumila sila sa tabi ko, sunod sa akin na counter at um-order.

"Anong gusto mo, Camille?" tanong nito sa kasama.

"Kahit ano na lang," sagot naman ng babae.

"Ate, bigyan mo nga ako ng tag-dalawang cookies at soda."

"Abe, hindi ako p'wede sa soda. Okay na ako sa tubig," sabi noong Camille.

Abe?

Kaya ba ayaw niyang tinatawag siyang Atoz kasi mas gusto na niya ang Abe?

Nakatingin lang ako sa kanila habang um-order hanggang sa naghanap na sila ng mauupuan nila.

"Ano sa'yo?"

Napatingin naman ako kay ate na nasa counter. "S-sandwich po at saka tubig." Matapos akong makabayad ay dumiretso na ako sa kinaroroonan ni Keith.

Habang papunta ako ay nakatingin pa rin ako kina Atoz na masayang nagkukwentuhan.

"Bulag ka ba?!"

Nagulat ako nang may lalaking humawak sa braso ko. Iyong hawak kong pagkain ay naitapon ko sa damit nito. "Sorry, hindi ko sinasadya," saad ko at akmang pupunasan na ang damit nang mapatingin ako sa mukha nito.

Nabitiwan ko naman ang hawak kong tray sa kabilang kamay ko nang makita kung sino iyon.

"Oh?" Nagtatakang napatingin ito sa akin. Ang kaninang galit na galit na mukha nito ay napalitan ng pagtataka.

Napaatras naman ako nang humakbang ito palapit sa akin. Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko.

Bakit siya nandito? Anong kailangan niya?

Lalo akong nanginig sa takot nang hilain nito ako sa beywang at bumulong sa akin. "Kumusta ka na?"

Hindi ko kayang igalaw ang mga kamay ko dahil sa sobrang takot at panginginig. Tuwing nakikita ko ito ay naalala ko ang ginawa nito sa akin.

"Gio!"

Napatingin naman ang lalaking nakahawak sa akin doon sa tumawag sa kaniya.

"Dito ka na pala mag-aaral?" sabi ng lalaking lumapit sa Gio raw ang pangalan.

Binitiwan naman nito muna ako bago siya humarap doon sa lalaki.

"Bakit kasama mo ang babae na iyan?" takang tanong nito nang makita nitong magkasama kami ng Gio na ito.

"H-hindi! Nagkakamali ka. M-may tinanong lang siya sa akin," nauutal na saad ko at naglakad na palayo sa kanila pero hindi pa ako nakakalayo nang biglang may humila sa suot kong jacket mula sa likod ko.

"Aray!"

"She's my girl." Nagulat naman ako sa sinabi ni Gio.

Anong pinagsasasabi niya? Hindi ko nga siya kilala, eh!

Napatingin naman kami sa likod nang may marinig kaming bumagsak.

"Abe, wait! Saan ka pupunta?" Habol noong Camille kay Atoz.

Agad ko namang tinulak si Gio na nakaakbay sa akin at agad na tumakbo palapit kay Keith.

"Sino iyon?" Nguso ni Keith doon kay Gio.

"Hindi ko alam pero siya ang lalaking sumaksak sa akin," sagot ko.

"Ano?!" gulat na tanong ni Keith. "Diyan ka lang, Ran. Ipapakita ko sa kaniya kung gaano ka bagsik ang kamao ng nag-iisang Keith Richards," sabi nito at tinaas ang manggas ng damit sa braso at magsisimula na sanang maglakad nang pigilan ko siya. "Bakit? Ayaw mong gantihan ko iyon?" naguguluhan na tanong ni Keith.

"Hayaan mo na. Kalimutan na natin ang nangyari," sabi ko at hinila na siya palabas ng canteen.

"HATID NA kita, Miss Kim."

Napatalon naman ako sa gulat nang bigla na lamang may sumulpot sa harap ko. Si Gio. Pauwi na sana ako at palabas na ng gate nang bigla na lamang itong sumulpot na parang kabute.

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy na lamang ako sa paglalakad.

"Sandali," habol nito sa akin at hinawakan ako sa aking pulsuan.

Agad ko namang binawi ang kamay kong hawak nito.

"Okay okay," sabi nito at umatras habang nakataas ang dalawang mga kamay sa ere. "Alam kong takot at galit ka pa rin sa kin dahil sa nagawa ko sa'yo," anito. "Hindi ko naman sinasadya, eh. Napag-utusan lang."

Hindi ako nagsalita at nagsimula na ulit akong maglakad palayo rito.

"Okay! Naiintindihan kita! Alam kong hindi mo pa ako kayang patawarin dahil sa nagawa ko sa'yo! Pero tandaan mo! Lagi ka pa rin mag-iingat!" sigaw nito. "Gio Concepcion nha pala!" Pahabol pa nito.

"HANDA NA ba ang mga mag-rereport ngayon?"

Napatingin naman ako sa Filipino teacher ko nang pumasok ito sa klase.

"Okay, Miss Kim and Mister Jerusalem. Go in front para sa report ninyo," sabi ng teacher namin at may kinuhang index card sa table bago tumayo at pumunta sa likod.

Tiningnan ko naman ang upuan ni Atoz. Wala pa siya. Mukhang mahuhuli siya sa klase.

"Ano? Absent ba ang dalawang reporter?"

Napalingon naman ako sa teacher namin. Tinaas ko ang aking kamay para kuhanin ang atensiyon nito.

"Yes?"

"Ma'am, wala pa po ang kasama ko," sabi ko rito.

"It's okay, Miss. Hindi ikaw ang maghahabol kung wala siyang recitation. Go, ahead magsimula ka na," sabi naman nito at mukhang may binura ito sa papel na hawak.

Pumunta naman na ako sa harap. Kahit kinakabahan ay pilit kong kinumpostura ang sarili.

"Good morning," bati ko sa mga kaklase ko. "Ang ating tatalakayin ngayong umaga ay tungkol sa Aspekto ng Pandiwa," saad ko at nagsimulang nagsulat sa white board. "Sa inyo, may nakakaalam ba kung ano ang Aspekto ng Pandiwa"

Natigilan ako sa pagsasalita nang biglang pumasok si Atoz at hindi man lang niya binati ang teacher namin.

"Mister Jerusalem, hindi por que Chairman ng school ang papa mo ay p'wede ka n ma-late," Galit na saad ng teacher namin. "Just continue, Ran," sabi naman nito at tiningnan ako.

"Balik tayo sa Aspekto ng Pandiwa," saad ko. "Ang Aspekto ng Pandiwa ay nagsasaad kung naganap na ang kilos o hindi, kung nasimulan na, kung natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa," pagpapatuloy ko habang nakatingin sa mga kaklase ko at kay Atoz na nilalagay na naman ang headset sa kaniyang tainga.

"May tatlo tayong klase ng Aspekto ng Pandiwa. Una, Aspektong perpektibo o pangnagdaan. Ito ay naglalarawan sa kilos o galaw na ginawa na o katatapos pa lang. Halimbawa, kumain. Kumain ako kanina sa labas. Pangalawa, Aspektong imperpektibo o pangkasalukuyan. Ito naman ay naglalarawan sa kilos o galaw na kasalukuyang ginagawa. O, may clue word na kasalukuyang ginagawa. Ibig sabihin ang ginagawa natin ngayon mismo. Halimbawa, nagsasalita. Nagsasalita ako ngayon sa harap ninyo para ibahagi ang aking kaalaman. Naiintindihan po ba?" tanong ko sa kanila.

Tumango naman sila bilang sagot.

"At ang panghuli naman ay ang Aspektong kontemplatibo o panghinaharap. Ano naman ito? Sabi rito, ito raw ay naglalarawan sa kilos o galaw na gagawin pa lamang. Ito naman ay iyong future o hinaharap. Halimbawa, magsasalita. Magsasalita mamaya sa harap si Jam dahil magbibigay ito ng ilang halimbawa tungkol sa tinalakay nila," nakangiting saad ko. "Iyon lamang po at sana may naintindihan kayo," wika ko. "Pero bago ang lahat gusto kong magbigay kayo ng halimbawa tungkol sa tinalakay natin kung may naintindihan nga po kayo," sabi ko sa kanila. "Volunteer? Plus points kay Ma'am," natatawang saad ko.

May nagtaas naman ng kamay kaya tinawag ko. "Okay, Christine," tawag ko sa kaklase kong babae.

Tumayo naman na siya at magsasalita na sana siya nang biglang tumayo si Atoz at siya na ang nagsalita. "Mahal." Napatingin naman lahat sa kaniya ang buong klase. "Salitang ugatmahal. Mahal kita kahit ano ka pa. Aspektong Perpektibo, minahal. Minahal kita higit pa sa buhay ko."

"Okay thank you, Atoz," sabi ko sa kaniya. "Sino pa ang magbibigay ng ibang halimbawa"

"Aspektong imperpektibo, minamahal. Minamahal pa rin kita kahit pinagtutulakan mo ako sa iba."

"Atoz, pagbigyan mo naman iyong iba"

"Aspektong kontemplatibo, mamahalin. Mamahalin pa rin kita kahit ang sakit-sakit na," habang sinasabi niya iyon ay nakatingin lang siya sa akin.

Kaya naman iniwas ko kaagad ang tingin ko dahil hindi ko alam kung ano ang ire-react ko.

"Very good, Miss Kim. Mukhang naintindihan naman nila ang ni-report mo kaya p'wede ka na maupo," sabi ni Ma'am at nagsimula nang maglakad papunta sa harap.

Bumalik naman ako sa upuan ko kung saan katabi ko si Atoz. Nang makaupo na ako ay napalingon ako sa kaniya. Nakasuot na naman siya ng headset at nakatingin sa labas ng bintana.

Gusto ko siyang kausapin pero nauunahan ako ng takot.

Nang umalis na ang teacher namin ay tumayo na ako sa kinauupuan ko at inayos ang aking mga gamit. Habang abala ay napalingon ako sa pinto nang may tumawag sa pangalan ko.

"Ranya Kim!"

Kumunot agad ang noo ko nang makita ko si Gio na papasok ng classroom.

"Halika na! Sabay na tayong magmeryen"

Napatingin naman ako sa mesang bumagsak nang tumayo si Atoz.

"Ano tara?!" masayang tanong sa akin ni Gio.

Inirapan ko lang naman ito at sumunod kay Atoz na lumabas ng classroom.

Ano bang problema ng Gio na iyon at lagi niya akong sinusundan? Baka mamaya kung anong isipin ni Atoz.

Nandito ako ngayon sa harap ng music club dahil gusto kong kausapin si Atoz. Sinundan ko kasi siya kaninang lumabas ng classroom.

Pagpasok ko rito ay nakita ko kaagad siy na nakahawak sa gitara niya. Agad ko naman siyang nilapitan.

"P'wede ba tayong mag-usap?"