Chapter 12 - CHAPTER 11

AN: Ito na po ang update sobrang pasensya na po at natagalan ito, dahil nag-uumpisa pa lang ako mag-update sa lahat.

-----------------

RUBY P.O.V

Maaga siyang nagising dahil sa iyak ng sanggol na narinig na niya. Bigla siyang napaiyak nang maalala ang anak niya. Anak kamusta ka na? Hindi pa raw kita puwede makita, pero hanggang kailan? Namiss na kita at paano kung di mo ako kilalanin na iyong ina?

Inaalis na niya ito sa isipan niya dahil kailangan niyang maghanap ng trabaho, dahil konti na lang ang perang hawak niya.

"Ate, ito pala ang pera panggastos dito at bumili naman kayo ng masarap na pagkain."

Napatanga siya sa inabot ni Anna na ilang lilibuhin.

"Sandali, saan galing 'to? Saan mo ito nakuha at--"

"Kailangan ko pa bang sagutin yan? Ang importante, nakatulong ako sa inyo. Saka hindi yan galing sa masama."

Inis na sagot nito hindi na lang niya pinansin ang pagtataray nito at kinuha ang pera. Baka nga talagang gumaw ito ng paraan.

"Sige salamat dito, teka saan ka pupunta ang aga pa ah?"

Imbis na sumagot ito ay nilayasan siya at napailing na lang siya, dahil pakiramdam niya unti-unting nagbabago ang ugali nito at hindi niya alam kung bakit. Nagpasya na lang siyang magkape at maligo na, paglabas niya sa kuwarto nasilip niyang tulog pa ang ina dahil sa nakauwang na pinto.

Nagtimpla siya ng kape at nag-iisip kung saan siya magpupunta upang maghanap ng trabaho. Bigla siyang nakaramdam ng presensya at napatingin siya sa may pinto, nagtataka siya sa sarili dahil lumalakas ang pakiramdam niya.

Hanggang sa tumayo siya dahil pakiramdam niya may tao sa labas ng pinto. Pagbukas ka niya ay nakita niya ang isang babaeng maputi at sobrang ganda. Ngunit sa gulat niya bigla siyang nadala sa likod bahay nila habang sakal siya sa leeg.

"S-Sino k-ka? B-Bitiwan mo ko."

Hirap na hirap na bigkas ko sa kanya pero ang mga mata niya tulad ni Nigel, nag-iba ito ng kulay at tila galit na galit sa kanya.

"Ikaw pala ang nagdala ng anak ni, Nigel. Ito tatandaan mo sa akin lang siya!"

Gigil na sambit nito na mas lalong diniinan ang pagsakal sa kanya, halos kinakapos na siya ng paghinga at naramdaman niya ang paglubog ng katawan niya sa pader dahil sa malakas na puwersa nito. Gumalaw ang kamay niya humawak sa kamay nito na nakasakal sa kanya, nakita niya ang mata nito na nakatingin sa kamay niya.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko may lakas sa kamay niya at natanggal niya ang kamay nitong babae. Nagtataka na tiningnan siya nito habang walang tigil na umuubo siya dahil sa pagkakasakal sa kanya.

"Sino ka? Sino ka talaga? Hindi ka ordinaryong tao lamang. Sabihin mo!"

Sigaw nito umiling lang siya dahil hindi na siya makapagsalita, muling hinawakan siya nito at akmang kakagatin.

"MIRANDA!"

Parehong napatingin sila sa nagsalita at walang iba kung hindi si Nigel. Naglakad ito palapit at masamang tiningnan itong babae.

"Huwag mo siyang pakikilaman!"

Muling wika nito dito sa babae na Miranda pala ang pangalan niya.

"N-Nigel, bakit ganyan ka makatingin sa akin? Hindi mo kilala ang babae na 'yan. Hindi siya ordinaryo na tao lang, naiintindihan mo ba!? Baka isa siyang banta sa atin--"

"Ina siya ng anak ko, kaya wala kang karapatan na saktan siya at gawan ng hindi maganda."

Nakatingin lang siya mga ito at tila ba ang sarap sa pakiramdam na marinig mula kay, Nigel. Ako ang ina ng anak niya.

Bigla naman wala na lang bigla 'yung babae at dalawa na lang kaming naiwan. Mabuti at maaga pa kaya wala pang gaanong dumaraan dito.

"Pumasok ka na sa loob, aalis na ako."

Balak niyang kausapin pa ito ngunit umalis na ito, hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Naglakad na siya at pumasok muli sa loob ng bahay.

Magulo ang isip habang nakaupo dahil sa sinabi no'ng babae at hindi tuloy siya makakilos ng mabuti. Pinasya niyang maligo na lang para malamigan ang isip.

--------

Habang naglalakad sa gilid ng kalasada at naghahanap-hanap ng makikita na hiring. Kahit ano lang basta meron siyang maging trabaho, hanggang sa may lumapit sa kanya na lalaki at nakangiting nakatingin sa kanya.

"Hi, looking for a job?"

Hindi niya alam kung paano nito nalaman na naghahanap siya ng trabaho o kaya naman baka napansin siya nito na palakad-lakad.

"Ha? Oo eh."

Sagot na lang niya dito at ngumiti sa kanya naglabasan ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin.

"Good, halika at naghahanap ang boss namin ng isang service crew kulang kasi kami. Saktong nakita kita na mukhang naghahap ka ng trabaho, actually. Kanina pa ako namimigay ng mga fliers dito."

Nakangiting sagot nito napatangon nalang siya dito at napakapit sa bag, mukha namang mabait ito.

Sinama siya nito malapit lang dito sa kinatayuan niya kanina, nabasa niya ang nakalagay na pangalan sa harap ng entrance. Moonlight Caffe

Ang ganda ng name at mukhang mamahalin ang mga paninda sa loob. Kaya parang nailang siya pumasok kung hindi pa siya muling inaya nitong lalaki na mukhang nagtatrabaho dito.

"Ano pala name mo?"

Tanong nito ng makapasok na sila sa loob at hindi niya maiwasan na hindi tingnan ang mga tao sa loob at mga magagandang kagamitan dito.

"Ruby."

Sagot niya at ngumiti ito sa kanya at lumahad ang kamay nito sa kan'ya.

"Ruby? Ang ganda naman ng pangalan mo, ako naman si Alex. Nice to meet you, alam kong makakasama na kita lagi dito."

Ngiting wika nito na pinagtakhan niya dahil parang sigurado na siyang matatanggap ako dito. Nagpatuloy kami maglakad at huminto sa isang pinto, ewan niya pero biglang kinabahan at tumayo ang balahibo niya.

Kumatok itong lalaki at ilang saglit lang ay binuksan nito ang pinto.

"Boss, Aldous. May aplikante po gustong mag-apply."

Ani niya pagkabukas ng pinto at nilakihan ang pagkakabukas ng pintuan at tumambad sa kanya ang seryosong mukha nitong lalaki.

"Good mornig po."

Sambit niya dahil pakiramdam niya parang natutuyuan siya ng laway, habang nakatingin dito.

"Maupo ka."

Bigkas nito at lumabas na rin si Alex at naiwan sila, napansin niya ang matiim na pagkakatitig nito sa kanya at hindi niya alam kung bakit.

"Dahil kailangang-kailangan ko ng tao ngayon, maaari ka ng magsimula bukas. Alas otso ng umaga dapat narito ka at 'yung mga requiremenst mo pakiiwan na lang."

Medyo naguluhan siya sa bilis ng pangyayari dahil tanggap na siya agad-agad. Tapos start na agad siya bukas? Hindi pa rin siya makapaniwala habang naglalakad pauwi sa kanila.

Habang naglalakad siya at malalim na nag-iisip napansin niya ang dalawang babae na nakatalikod at parehong naka-uniporme na naglalakad. 'Yung isa parang pamilyar sa kanya kaya sinundan muna niya ito bago tawagin dahil baka nagkakamali lang siya.

Lumiko itong dalawang babae at ganon rin ang ginawa niya, at nakita niyang pumasok ito sa sliding door at nakasulat doon ay billiards shop. Hindi ako alam kung susundan pa rin ba niya, pero parang may nagtutulak sa kanya na pumasok rin doon.

Pumasok nga siya doon at sumalubong sa kanya ang mga usok galing sa sigarilyo. Maingay dahil sa music at ingay mula sa mga taong nandito at pansin niya na puros mga studyante ang narito at mas marami ang kalalakihan kaysa sa babae.

Muling umikot ang mga mata niya sa paligid sa mga naglalaro ng billiards, at dito siya natigilan pagkakita sa kapatid na si Anna na may kayakap na lalaki na studyante rin.

Lumakad siya palapit dito upang komprontahin dahil ang alam niya nasa school. Saka maaga itong umalis iniisip niya na baka may gagawin lang sa school, tapos makikita niya ganito? Malalaki ang hakbang na nilapitan ito at tila nakakita ito ng multo pagkakita sa kanya.

"Anna!"

Malakas na sambit niya na kinalingon ng lahat sa kanya.

"A-Ate, anong ginagawa mo dito?"

Ani niya na biglang kumalas sa pagkakayakap sa lalaki na mukhang gangster dahil sa itsura nito.

"Halika na umuwi na tayo."

Kalmado na wika niya dahil biglang nagbago isip niya na komprontahin ito dahil mapahiya siya. Sa bahay na lang niya ito kakausapin.

"Ayoko Ate, dito na lang ako. Ikaw ang umuwi na."

Sagot na pabalang nito at hindi niya nagustuhan ang sagot nito sa kanya kaya tinaasan niya ito ng kilay.

"Anna, huwag mo hintayin magpanting ang tenga ko sa'yo."

Banta ko sa kanya dahil kilala niya ako kapag nagalit.

"Ayoko ng sabi mamaya na ako uuwi."

Muling sagot nito kaya humakbang pa siya at hinatak ito palabas, nagdadabog naman ito ng bitiwan niya ito.

"Ano ba problema mo!? Wala naman akong ginagawang masama, kailangan ipahiya mo ko sa mga kaibigan ko?"

Asar na wika nito at nagpipigil ang galit na tiningnan ito.

"Anna, kailan ka pa natuto ng ganyan? Hindi ka pumasok sa school at nandito ka lang kasama ang mga sinasabi mo na kaibigan mo. Mukhang hindi pagkakatiwalaan ang 'yon."

Ani niya dito at inikotan lang siya nito ng mata.

"Masyado mo naman silang pinag-isipan ng panget, mayayaman ang mga kasama ko doon. Saka may isip na ako para hindi ko alam ang ginagawa ko. Bakit ba kasi pinuntahan mo ako dito!?"

Galit na sagot nito sa kanya at hindi niya alam kung bakit ganon na lang ito magsalita sa kanya.

"Anna, nag-aalala lang ako para sa'yo at Ate mo kaya dapat lang kitang--"

"Hindi kita Ate! Dahil hindi tayo totoong magkapatid!"

Biglang nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi nito at tinalikuran siya.

"Ba-Bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo yan, dahil hindi iyan totoo."

Naguguluhan na sambit niya dito at huminto ito sa paglakad at hinarap muli siya.

"Totoo 'yon, tingnan mo napakalayo ng itsura natin sa isa't-isa. Gusto mo itanong mo kay mama para malaman mo."

Sagot nito at mabilis na lumakad pabalik doon sa billiaran. Siya naman parang nauupos na kandila dahil sa panghihina niya dahil sa nalaman, ayaw niyang maniwala dahil simula nagkaisip siya ay sila na ang namulatan niya.

----------