Chereads / The CEO and the FUCK BUDDY / Chapter 22 - Chapter 22

Chapter 22 - Chapter 22

Tumalikod ako kaagad sa kanya at agad  naman niya akong hinawakan sa braso para pigilan.

"Please Dyanne kahit ngayong gabi lang makapag-usap  tayo. I just wanna explain everything. Pinagsisihan ko ng malaki ang nagawa ko sayo noon. Inaamin ko na napakatanga ko dahil pinakawalan ko ang isang katulad mo." pagmamakaawa niya sa akin.

Habang nagsasalita siya hindi ko mapigilan ang sarili ko na 'di siya titigan. He is still the same Zadrich, mga matang nangungusap, labing manipis at mapula pa kesa sa akin, ilong na matangos na akala mo'y tila babae ang may-ari nito at higit sa lahat ay ang pangahan nitong mukha na lalong nagpadagdag sa physical features nito.

Ang mga features and qualities nito ang siyang minahal ko ng ilang taon. Binalewala lamang niya at binasura ang pagmamahal na binigay ko para sa kanya.

Kaya anuman ang laro niya ngayon ay tatanggapin ko bilang hamon.

Hindi ko na pinatagal pa ang kanyang sasabihin dahil alam ko naman kung saan hahantong ang pagmamakaawa nito.

"Enough Zadrich!" sabay lagay ng daliri ko sa kanyang labi bilang pagpapatigil sa kanyang pagsasalita.

"Wala nang halaga pa na ungkatin ang nakaraan lalo na't nagdulot ito ng sobrang sakit." malumanay kong salita sa kanya.

Since na pumasok siya dito as a guess buddy.

Might as well na sulitin ko ito. Tutal nagngingitngit pa rin naman ako ngayon gabi dahil sa babaeng iyon!

Kaya naman hinawakan ko siya sa kamay para igiya siya paupo sa couch.

"Since nagpanggap ka na Guess Buddy ko, akin ka na muna ngayong gabi." habang kinukuha ko ang isang shot glass ng tequilla at ibinigay ito sa kanya.

Kinuha naman niya ito at sinalinan niya ng tequilla  ang mga shot glass namin.

Habang si Cheska naman ay nanggigil na nakatingin sa akin.

I mouthed her it's okay.

Kinuha ko ang binigay sa akin na tequilla at kumuha ako ng isang slice ng lemon at binudbod ko naman ang iodized sa aking wrist.

Alam kong pinagmamasdan ni Zadrich ang bawat kilos ko kaya sinisiguro ko na maakit siya ngayong gabi sa akin.

Hindi pa tayo tapos Zadrich, sa tuwing maglalandas ang ating mga daan mas lalo akong nagkakaroon ng chance na makaganti saiyo.

Matapos ang ilang shots, naramdaman ko na ang pag-iinit ng aking mukha at buong katawan kaya para akong naeenganyo na bumaba sa dance floor at yayain si Zadrich na sumayaw.

"Hey, ayokong magkulong dito sa VIP room. Let's  go downstairs and let's have fun." yaya ko sa kanila. Habang nagwa-warning na naman ang tingin sa akin ni Cheska.

Ngumiti lang ako sa kanya at binigyan ng flying kiss bago ko hinatak patayo si Zadrich.

Atubili siyang tumayo kaya naman nasabi ko sa kanya na "Hey, nahihiya ka ba na kasama ako sa baba? Well, oo nga naman pala ikaw pala ang may-ari nito at nakakahiya nga naman na makita ka nila  na ganyan ang suot mo at nagpanggap pa na Guess buddy ko." sabay smirk sa kanya at iniwan.

Bababa akong mag-isa kung ayaw nila. The hell i care, nandito ako para makalimot sa sakit na dulot nila Roah at ng babae na iyon.

Maya-maya lamang nakasunod na pala si Zadrich sa likuran ko pagkalabas ko ng pinto.

Hmm, susunod rin pala.

Pagdating sa dancefloor.

Napalibutan kaagad ako ng mga kalalakihan pero bigla na lamang pumagitna si Zadrich at humarap sa kanila.

"Sorry bro, she's mine!" and he smirk.

Pumailanlang ang isang mabagal at malamyos na tugtog kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Zadrich na mahapit ang katawan ko padikit sa kanyang katawan.

Dala ng alak na aking ininom ay tila nag-init ang aking pakiramdam ng madama ko ang katigasan ng kanyang katawan at maging ng kanyang pagkalalaki.

"But wait! Pagkalalaki? Shit ramdam na ramdam ko nga ang katigasan nito. Sa tantiya ko ay nasa 12 pulgada na ito kapag ganitong naninigas." sabi ko sa aking sarili habang dinadama ito.

Napapikit ako ng idikit ni Zadrich ang kanyang mukha sa aking leeg, habang ang kanyang mga kamay ay banayad niyang hinahaplos ang aking likod.

Halos makuryente ako sa ginagawa ni Zadrich sa akin na siyang dahilan upang mas lalo akong mapayakap sa kanya.

Wala kaming pakialam kung marami ang tumitingin o sumusulyap sa amin.

Hanggang sa bahagyang inilayo ni Zadrich ang kanyang katawan upang ako'y mapagmasdan.

Unti-unti ay para akong nalulunod sa kanyang mga titig kaya bago pa man ako bumigay ay inunahan ko na siya.

Kinabig ko ang kanyang leeg papalapit sa akin at siniil ko siya ng mainit na halik na siyang dahilan upang lalong nag-init ang aking pakiramdam.

Mas lalo niyang hinapit ang katawan ko upang mas lalong mapagdikit namin ang aming mga katawan.

Patuloy kami sa palitan ng mainit na paghalik na siyang nakakuha ng attention ng maraming tao.

Tapos na pala ang music pero kami ay nanatili pa rin sa aming kinatatayuan at magkahinang pa rin ang aming mga labi nang...

Isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ni Zadrich na aking ikinagulat.

Nasa likuran ko na sina Cheska at Zack ng mapansin kong nagkakagulo.

Galit na galit na pinagsusuntok ni Roah si Zadrich na halos 'di na makita ang mukha nito sa daming dugo ang tumutulo na rito.

Sa takot ko na baka mapatay ni Roah si Zadrich ay sinabayan ko na ang mga bouncer na awatin sila.

Ako kay Roah at sila naman ay kay Zadrich...

Pulang-pula ang mukha ni Roah sa galit nang siya ay humarap sa akin...

"Sumunod ako rito Dyanne sa sobrang pag-aalala dahil sa nakita mo kanina nang tayo ay nasa Tagaytay. Gustong-gusto kong magpaliwanag saiyo dahil ayokong mag-isip ka ng kung anu-ano sa nakita mo pero ako, ako Dyanne ang nasurpresa sa aking nasaksihan." habol hiningang salita niya sa aking habang tumutulo na ang kanyang mga luha.

"Bakit Dyanne? Siya pa rin ba?" may halong pait na kanyang tinuran.

Natulala ako  at napinid sa aking kinatatayuan dahil sa kauna-unahang pagkakataon nakita ko ang sakit na nagmumula sa kanyang mga mata.

Gustong bumuka ng bibig ko upang magpaliwanag ngunit 'di ko magawa. Natatakot akong lapitan siya kahit gustong-gusto ko na siyang yakapin.

At dahil sa wala siyang narinig na anuman salita mula sa akin ay umalis siya at naglakad ng mabilis palabas ng Bar.

Doon na ako parang natauhan, kaya tumakbo akong sumunod sa kanya palabas ngunit huli na para mahabol ko pa dahil nakalayo na siya sakay ng kanyang sasakyan.

Walang humpay na ang pagpatak ng aking mga luha habang habol ko siya ng tanaw...

"Roah please come back..." i whisper between my sobbed.

"Dyanne let's go inside first and fixed yourself." yaya ni Cheska sa akin. Habang si Zadrich naman ay isinakay sa ambulance na ngayon ay nawalan ng malay tao.

Yakap-yakap ko ang sarili ko habang papasok kami ng VIP room para kunin ang mga gamit sa loob.

Paglabas namin sa Bar 'di hinayaan ni Zack na ako ang magmaneho ng sasakyan ko kaya siya na ang nagprisinta at iniwan na lamang niya sa parking area ng mga staff ng bar ang kanyang sasakyan at babalikan na lamang pagkahatid sa amin.

Wala pang isang oras ay nasa penthouse na kami nila Cheska pero walang Roah akong nadatnan doon.

Nanghihina akong napaupo sa aking kama.

Cheska:

"Zack alam mo ba kung nasaan si Roah ngayon. Worried din kasi ako sa kapatid mo. Alam kong masyado siyang nasaktan sa nakita niya kanina." tanong ko kay Zack na ngayon ay hinahalo ang kapeng tinimpla ko for him.

"Mamaya sa condo nya ako sasaglit. Check ko kung nandoon siya." habang nakatingin ito sa kapeng kanyang hinahalo.

"Believe me Zack, mahal na ni Dyanne ang kapatid mo. At iyong nasaksihan natin ay part of her plan para gantihan niya si Zadrich. Hindi ko kasi dapat pangunahan si Dyanne pero sana hintayin na lang natin na magkalakas na ng loob ang kaibigan ko na sabihin ang tunay na niyang nararamdaman for Roah." pakiusap ko kay Zack na alam kong naguguluhan na rin sa nangyayari.

"Hayaan na lang natin sila. Ang maitutulong na lamang siguro natin dalawa ay pagtagpuin sila para makapag-usap sila ng maayos."

"Okay i will call you as soon as malaman ko kung  saang location ang kapatid ko." tumayo na ito matapos niyang ubusin ang kanyang kape.

Pagpasok namin sa kwarto ni Dyanne nakita namin itong nakaupo pa rin at tahimik na lumuluha.

"Dyanne mauuna na muna ako, si Cheska na ang bahala saiyo. Kailangan kong puntahan si Zadrich para malaman kalagayan niya." paalam ni Zach.

Tumango si Dyanne at nagpasalamat.