After akong paliguan ng mabilisan ni Roah nagpasya akong dalhin niya sa garden kung saan may bahay kubo akong pinasadya para maging pahingahan... Gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin... mabuti na lang at di malala ang pagkakaroon ko ng trangkaso, medyo nanghihina pa ang katawan ko pero okay lang dahil sa nakasama ko ang lalaking lihim kong minamahal.
Umalis saglit si Roah kasama ang isa sa mga katiwala ko sa farm dahil gusto niyang makakuha ng fresh na gulay at prutas para sa akin...
Ang farm na pupuntahan nila ay pagmamay-ari ni Cheska na minamanage ko lang. Ayaw ni Cheska na ipaalam ito sa iba dahil sa matinding dahilan na kami lamang dalawa ang nakakaalam...
Isang oras lang ang nakalipas ay tanaw ko na ang sasakyan ni Roah. Binuksan niya ang bintana at kumaway ito sa akin. Oh God, sino ba naman ang di maiin-love sa lalaking ito napakasimpleng tao at ang lakas ng dating...
Bumaba ito at gumawi sa likuran ng sasakyan upang kuhanin ang dalawang basket na malaki na punung-puno ng mga gulay at prutas...
"Hi baby, kamusta na pakiramdam mo?" habang binababa nya ang mga dala-dala niya
"Still not feeling well." sabi ko habang nakatingin sa kanya
Hinipo nya ang aking noo at maging ang aking leeg to check if mataas pa ba ang lagnat ko...
"May sinat ka pa, halika na sa loob baby at masyado nang malamig..." aya nya sa akin sabay buhat sa akin.
"Roah baba mo na ako kaya naman ang maglakad" sabi ko dahil ayokong mahirapan pa siya sa akin
"No, i wont baka mahilo ka at matumba hayaan mo na ako okay, Mang Pilo maaari po ba ninyo kaming tulungan na ipasok sa loob ng bahay ang mga hinarvest po natin?" ang pakiusap niya sa matandang katiwala namin
"Sige po sir iakyat nyo na po si Madam at ako na po ang bahala dito sa mga kinuha natin" sabi ni Mang Pilo
"Salamat po" pasalamat ni Roah sa matanda bago tumalikod
Naglakad na si Roah papasok ng bahay ng magsalita siya sa akin na para bang sa pakiramdam ko ay may anghel na nagbubuhat at nangungusap sa akin
"This time you have to rest baby... no more kissing and loving okay? Mabibinat ka. Don't worry hindi na kita iiwan..." sabay halik nya sa aking noo
Ang sarap lang sa pakiramdam ang ganito pero di ko pa rin maiwasan ang hindi matakot... ganitong-ganito magmahal at mag-alaga si Zadrich sa akin noon pero sa isang iglap bigla na lang nanawa at nagbago.
Ayoko nang umasa pa...
Masakit ang umasa at masaktan, di ko na kakayanin kapag muli akong magtiwala at magmahal ng lubos...
Sapat na ang tanging ibinibigay ko kay Roah...
Sapat na ang katawan ko na lamang huwag ang buong puso ko na nagsisimula ng magmahal para sa kanya...
Nakakatakot...
Baka ikamatay ko na sa bandang huli...
Pagpasok sa room ko, maingat niya akong inihiga sa aking kama at doon ay kinumutan niya ako't hinalikan sa noo.
"Sleep well, baba muna ako para makapag-prepare ng kakainin natin mamayang dinner... i love you so much baby" ang sabi habang hinahaplos niya ang aking mukha
I nod and smile to him...
Tumayo na siya at chineck ang sliding window kung maayos ba itong nakalock at hininaan ang temperature ng aircon upang di ako malamigan ng husto...
Pagbaba...
Roah:
"Mang Pilo okay na po ba ang ilang sangkap na kakailanganin ko para sa hapunan natin mamaya?"
"Opo sir Roah at natanggalan na rin po ng balahibo ang manok na kinatay ko kanina bago tayo umalis... Hinihiwa na lamang ni Filomena ang gulay na isasangkap mo para sa iyong tinolang manok" habang nagpapaningas ng uleng sa malaking kalan
"Bakit iho dito mo nga pala gustong magluto sa kalan-de-uling samantalang meron naman gas stove sa loob ng kusina?" tanong naman ni Aling Filomena na ngayon hinuhugasan maigi ang palayok na gagamitin ko para sa tinola
"Masarap po kasi ang lasa kapag sa palayok at kalan-de-uling lulutuin ang tinolang manok, lumalabas po ang linamnam ng manok at ang sangkap po nito. Ahm, Aling Filomena pwede po bang pakidagdagan po ang luyang ipanggigisa ko po kasi para maibsan po ang pananakit ng lalamunan ni Dyanne."
"Ah okay sige po at dadagdagan ko po." sabay kuha ni Aling Filomena sa lalagyanan ng mga luya
Habang naghihintay na maluto ang tinolang manok minabuti ko munang umakyat sa taas para i-check si Dyanne...
Pagpasok ko sa loob ng kwarto niya ay maingat kong nilapitan ito at inayos ang kumot na nalihis sa pagkakakumot sa kanyang katawan...
Nagpasya na akong bumaba para tingnan kung luto na ba ang nakasalang kong ulam...
"Oh andyan ka na pala hijo tikman mo na ang iyong niluluto at sobra kaming nagutom dahil sa amoy nito, mukha ngang mas malinamnam kapag sa palayok lulutuin ang anumang sinabawang karne o isda man lang." nakangiting turan naman ni Mang Pilo
Kaagad naman akong kumuha ng kutsara at pananandok para tikman ang lasa ng aking tinola... Hmm... masarap at tumatagos sa lalamunan ang soothing effect ng luya dito... excited na akong ipakain sa kanya ang aking niluto.
"Okay na po Mang Pilo pwede na po tayong maghain at ng makapaghapunan na tayong lahat... Hihingi lang po sana ako ng extra pot para sa tinola ni Dyanne... Iaakyat ko na lamang po sa kanya ang pagkain namin."
"Oh siya sige anak at ng di na bumaba pa si Mam Dyanne... eto ang hinihingi mo at tutulungan na rin kitang maghanda pa ng ilan... Nagtimpla pala ako ng fresh lemonade at sigurado akong mapapasarap ang kain ni Mam niyan" sagot naman ni Aling Filomena habang nilalagay sa tray ang isang pitsel ng lemonade at 2 baso
Samantala naman ako ay nakahanda na ang tinola at kanin na lang ang kulang para makaakyat na ako sa itaas...

Hmm napakalinamnam amuyin...
Kaya naman ako at si Aling Filomena ay umakyat na sa taas para ilagay na ang lahat ng kakainin at iinumin ni Dyanne para sa hapunan...
"Maraming salamat po maaari na po kayong kumain nila Mang Pilo at sana ay magustuhan ninyo ang lasa ng tinolang niluto ko" sabay ngiti sa kanya
Tinapik niya ako sa aking balikat at ngumiti bago lumabas ng kwarto..
Inayos ko muna sa table ang lahat bago ako marahang umupo sa gilid ng kanyang higaan upang siya ay gisingin... Hinaplos ko ang kanyang pisngi at nalaman kong wala na ang kanyang lagnat although medyo maputla pa ang kanyang kulay marahil sa di maayos ang kanyang pagkain ng mga ilang araw... di bale mula ngayon bubusugin ko siya sa masustansyang pagkain at sisiguraduhin kong manunumbalik kaagad ang kanyang lakas.
"Baby, baby wake up... the dinner is ready"
and she open her eyes staring straight to my face and suddenly her sweet smile shows on her face...
What a beautiful face i've ever seen...
"Kain na tayo... Pinagluto kita ng Chicken Tinola... Halika alalayan kitang maupo" sabay hawak sa kanyang braso at likod para maiangat ko siya't maiupo ng maayos
"Hmm, ang sarap ng amoy baby... nakakagutom" Dyanne said sabay dampot ng kutsara at higop ng sabaw
"Ouch ang init napaso ako!" napatili siya dahil pati sa hita nya ay doon na hulog ang kutsarang hawak nya kanina
Dali-dali kong idinikit ang labi ko sa kanyang labi upang maibsan ang init sa labi nya... May gulat man sa kanyang mga mata di ko na inalintana sa kagustuhan ko lang mawala ang hapdi nito...
"Dahan-dahan kasi dahil bagong luto lamang yan baby ko" malambing kong turan sa kanya habang pinupunasan ang kanyang labi at hitang nalaglagan ng kutsara...
"Relax ka lang okay at ako na ang magsusubo sayo." sabi ko na kanya namang sinunod kaagad
Una ko muna siyang pinakain bago ako...
Marami rin ang kanyang nakain at ngayon ay umiinom naman siya ng lemonadang timpla naman ni Aling Filomena...
Pagkatapos kong kumain ay ibinigay ko sa kanya ang mga gamot na kanyang iinumin...
Ininom muna niya ito atsaka nagpaalam na pupunta siya ng bathroom para maglinis at makapag-toothbrush daw...
Pagkatapos nyang maglinis at magpalit ng damit saka ako nagpaalam na ibababa ko ang mga kasangkapang aming ginamit...
She nod and gave me peck on my lips...
"Thank you so much baby." pasalamat niya bago ako lumabas ng kwarto...