Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 338 - Happy family

Chapter 338 - Happy family

NAKARATING sila sa Gibbon Mansion kung saan ginaganap ang celebration ng 4th birthday ng panganay na anak ni Eros at Devorah na si Sky. 'Mine Craft' ang theme ng party na si Bruko mismo ang nag-organize. Sinet-up sa malawak na garden ang okasyon. Green at brown ang color motif habang nagkalat ang mga leggo at bricks design sa paligid.

Muling nagka-ayos ang magkakapatid na Gibbon matapos mamamatay ni Lucas, kinasal na rin si Eros at Devorah four years ago. Nagkaroon sila ng dalawang anak, ang panganay na lalaking si Sky at ang one year old na bunsong babae na si Star.

Masiglang binati ng pamilya Fuerdo ang batang lalaki na nasakuot ng all green outfit na may cubes design. May bitbit itong square mask katerno ng costume nito.

"Aye!" masayang lumapit si Sky.

"Happy birthday Sky!" inabot ni Aye ang regalo.

Bumilog ang mata ni Sky at namula ang pisngi, "Thank you Aye, come with me, I'll show you the life size mine craft tree house!"

Nanlaki at kuminang ang mata ni Aye, "Really?! Wow! I wanna see it!"

Lumingon ito sa mga magulang, "Mommy, Daddy, can I play with Sky?"

"Of course baby, just be careful okay?" ngiti ni Lexine.

"Yey!"

Kinuha ni Sky ang kamay ni Aye at tumakbo silang dalawa papunta sa naka-set up na mine craft tree house sa gitna ng garden.

"Ang laki na ni Aye," komento ni Devorah, bitbit nito ang bunsong anak sa bisig.

"Naku, napakapasaway na nga. Nag-time travel na naman kaninang umaga," sagot ni Lexine.

"Ano pa ang kulit nitong si Sky? Nung nakaraang gabi muntik nang mag-gawa ng sunog," kwento ni Eros sabay tawa.

Umikot ang mata ni Devorah, "It's your fault, kung anu-anung magic ang tinuturo mo sa anak natin, he's too young for that anyway."

Umakbay si Eros sa asawa, "Come on, the sooner he learn the better Warlock he will become, just like his great father," tinuro nito ang sarili.

"Whatever!"

Nagkatawanan ang magkakaibigan.

"Nasaan na pala si Elijah at Miyu?" tanong ni Night.

"Oh, ayun na pala sila!" ngumuso si Devorah sa likuran.

Pagharap ng apat, sabay-sabay na dumating ang pamilya Gridwood bitbit ang kambal na si Apollo at Artemis.

"Heypi Birthdaaay!!!" malakas na sigaw ni Elijah sabay yakap sa bawat isa.

Nakipagbeso naman si Miyu na malaki ang tiyan at kabuwanan na sa bunso nilang anak. Sa likuran nakasunod si Madame Winona.

"Lola! Lola! We want to play with Sky and Aye!" tumalon-talon ang apat na taong gulang na si Apollo.

"Yeah lola! We want to play!" dugtong naman ni Artemis.

"Okay, okay, let's go, maiwan ko muna kayo, samahan ko lang ang mga apo ko," nagpaalam si Winona sa anim at nagpahatak sa makulit at bibong 'fraternal twins'

Natanaw nila ang masayang paglalaro ng kani-kanilang mga anak sa mine craft tree house.

"Malapit ka nang manganak Miyu, nakaisip na ba kayo ng pangalan?" tanong ni Lexine.

Nagkatinginan ang mag-asawa habang magka-akbay, "Maybe Ares," sagot ni Elijah.

"Talagang pinangalan niyo na lahat ng anak niyo Greek mythology," komento ni Devorah.

"Of course, mala-Greek God ang kagwapuhan ng tatay nila!"

Nagkatawanan muli ang magkakaibigan sa lakas ng hangin ni Elijah.

Humarap naman si Miyu kay Lexine at hinimas ang kanyang tiyan, "Congratulations, I heard may susunod na kay Aye."

Nakangiting umakbay si Night sa asawa, "Yeah, she's six weeks pregnant, excited na rin kami."

"Our family is getting bigger," masayang dugtong ni Lexine.

Indeed, napakalaki na ng kanilang masayang pamilya.

Natuloy ang birthday party ng mga bata at feeling bata. Imbitado rin ang mga empleyado sa Moonhunters na sila Katya, Emily at Makimoto.

Huling dumating si Ansell at Olive, kasama ang buong pamilya ni Orgon. Two years ago nang umuwi si Ansell ng Pilipinas. Matapos ang ilang taon ay muling nagkausap si Lexine at ang best friend nito. Nagkaayos na sila at masaya si Ansell para sa kanya. Humingi din ito ng tawad dahil ilang taon itong hindi nagparamdam, kinailangan lang nitong lumayo para maka-move on.

Ansell and Olive started dating last year, sa una ay aso at pusa ang dalawa at laging ulan ng tuksuhan ng magbabarkada. Pero 'di nagtagal at nahulog din ang loob nila sa isa't isa.

Matapos ang gabi nang pagkamatay ni Lucas, nagdesisyon ang mga Arkanghel at Elders na hayaang mabuhay si Ayesha. Nasaksihan nila mismo ang espesyal nitong kakayahan na magpagaling at muling magbigay ng buhay.

Nanatiling lihim ng lahat ng mga nilalang na nakasaksi sa gabing iyon ang natatanging kakayahan ni Ayesha. Bilang nais nilang protektahan ang bata sa posibilidad na pag-interesan ito ng mga kalaban.

Inatas kay Cael ang pagbabantay kay Ayesha upang masiguro na hindi ito magiging panganib sa mundo gaya ng hinala ng mga Elders. As long na hindi magdadala ng kaguluhan si Ayesha ay mananatiling tahimik ang mga Elders.

Bukod sa kakayahan nitong magpagaling na pinagkaloob ng Punong Babaylan, nakuha din ng anak nila ang kapangyarihan na tumalon sa oras at panahon. Mas higit pa nga ang kakayahan nito dahil hindi tulad ni Lexine na kailangan pang gumamit ng memory bubbles at ritwal, nagagawa ni Ayesha na tumalon sa time and space ng mas mabilis. Isang bagay na kinababahala din ng mag-asawa lalo na sa tuwing tumatakas ito upang mag-time travel at maglakbay mag-isa.

Kung kaya ganoon na lamang ka-doble ang pagbabantay at pag-iingat ni Lexine at Night sa kanilang anak. Lalo na ngayon na magkakaroon na sila ng pangalawang anghel.

Patuloy sa pamamalakad ng buong Moonhunters ang magkakaibigan. Nagapi man nila ang hari ng kadiliman ngunit hindi pa rin nauubos ang mga demonyo at masasamang dark entities na nagbabadyang sumira sa kapayapaan na kanilang pinapangalagaan.

Patuloy ang lihim nilang misyon na protektahan ang buong mundo sa mga halimaw at demons bilang mga nilalang na kumikilos sa dilim.

Basta't kasama nila ang bawat isa, patuloy na mananaig ang kabutihan at pagmamahalan sa buong mundo at walang kahit sinong makakasira nito.

Related Books

Popular novel hashtag