Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 336 - Miracle

Chapter 336 - Miracle

NAGMULAT ng mga mata si Night na nakatayo na siya sa tapat ng isang napakalaking batong tarangkahan. Sa likuran nito ang higante at malawak na stone mountain. May libo-libong batong hagdaanan na nagtuturo sa kanya paakyat sa tuktok nito. Nagmasid siya at napansin nasa gitna siya ng isang gubat, madilim ang kalangitan, at nagkalat ang tila ulap sa kapal na mga fogs. Nag-iisa lang siya sa lugar na ito. Dahan-dahan niyang hinakbang ang mga paa paakyat ng palapag.

Habang umaakyat, isa-isang bumalik sa alaala ni Night ang lahat ng bagay na pinag-daanan niya sa halos isang libong taon pamumuhay sa mundo. Simula ng araw na isinilang siya ng inang si Eleanor, hanggang sa limang taon na nakapiling niya ito. Iyon ang isa sa pinakamasayang mga araw ng buhay niya. Ang mahagkan at maramdaman ang init ng pagmamahal ng kanyang ina.

Malinaw din sa kanyang isipan ang lahat ng masasama at pinakamasasakit na pangyayaring pinagdaanan. Ang galit na binuo niya sa dibdib para sa Ama, sa tiyahin at sa lahat ng tao sa paligid niya. Hanggang sa dumating ang isang gabi na nagbago sa buhay niya. Nang makilala niya si Lexine.

Mabilis na nag-flash ang lahat sa kanyang mga mata na pakiramdam niya pinapanood niya lahat ng bagay at mga pagsubok na pinagdaanan nila ni Lexine. Ang mahalin ang babae ang pinakamagandang biyaya na pinagkalaoob sa kanya ng Maykapal. Binuo ni Lexine ang butas-butas niyang pagkatao. Binigyan liwanag ang madilim niyang mundo, pinagkalooban ng walang katulad na init ang nanlalamig niyang puso na pinatigas ng galit at kalungkutan.

Si Lexine ang kanyang naging gabay upang bumalik sa tamang daan, upang matutong magpasalamat, matutong buksan ang sarili sa mga kaibigan at maramdaman muli ang pagiging 'tao' niya. She loved him despite the horrendeous monster he possess within him.

Sa matagal na panahon hindi siya naniwala sa Diyos, pakiramdam niya tinalikuran siya nito simula nang mamatay si Eleanor sa kanyang harapan. Higit sa katotohanan na anak siya ng isang nilalang na pinatapon mula sa langit. Walang langit sa mga katulad niyang isinumpa.

But when he met Lexine, everything changed in a snap. Through her love, he was able to realize that God still loves him, he was able to comprehend that all this time, God never abandoned him. He was just blinded by hatred, sadness, and agony. Hindi siya kailanman tinalikuran ng Maykapal, kundi siya ang tumalikod dito.

But despite all the sinful things he has committed in this cruel world. Once you surrender everything and believe in Him again, a miracle will embrace your whole being. Your blind eyes would see Him again. Your deaf ears would hear His voice again. Your cold heart would feel His presence again.

God never forsook us, and he resided in our souls for only eternity knows how long. In all our battles, He fights with us. When we're vulnerable, He delivers us strength. If we are frightened, He will carry our hands and encourage us to withstand everything.

God will move the mountain and oceans for his sons and daughters. He promised a sacred land for us. His words are within our spirit, submit ourselves to him, defy the evil, and He will flee from you.

Narating ni Night ang tapat ng 'Gates of Judgement' dahan-dahan at mabagal itong bumukas sa kanyang harapan. Gumuhit ang isang nakasisilaw na liwanag hanggang sa tuluyang naghiwalay ang dalawa at higante nitong tarangkahan. Tumama ang liwanag sa kanyang mukha at siya naglakad papasok.

"Kamusta ang iyong paglalakbay aking anak?"

Pagmulat ng mata ni Night nasa loob siya ng isang kakaiba ngunit napakagandang lugar. Naghahalo ang kulay, orange, purple at pink sa payapa at tila walang katapusang kalangitan. Naapakan niya ang tubig na tila salamin na gumagaya sa repleksyon nito.

An endless place with an endless beauty.

Isang kakaiba ngunit mainit na boses ang narinig niya. Nilibot niya ang mata sa paligid pero wala siyang ideya kung saan ito nangagaling.

"M-mabuti naman," ang sagot niya sa tanong nito, naaalala niya ang mukha ni Lexine at Ayesha, napangiti siya.

"Nahirapan ka ba aking anak?"

Unti-unti siyang tumungo, "Oo, maraming beses na inisip kong hindi ko na kaya… pero binigyan Mo pa rin ako ng lakas para patuloy na bumangon kahit paulit-ulit na akong nadadapa."

"Nasaktan ka ba aking anak?"

"Oo, sa sobrang sakit minsan pakiramdam ko manhid na ako, pero sa tuwing nalulugmok ako, nandyan Ka para itulak ako na patuloy na labanan ang lungkot at sakit."

"Masaya ka ba aking anak?"

Naalala niya ang magandang mukha ni Lexine at Ayesha, "Walang kasing saya…"

Maisip niya ang nakakainis na mukha ni Elijah at Eros. Ang nakangiting labi ni Devorah at Miyu. Ang bawat pagtawag ni Johan sa kanya ng young master. Ang malumanay na ngiti ni Madame Winona, maging ang mukha ni Cael, Ansell, Orgon, Olive at ng lahat ng taong naging parte ng buhay niya.

"Nagpapasalamat ako kasi pinagkalooban Mo ako ng mga taong naging sandalan ko sa mga panahon na mag-isa ako, pinaramdam Mo sa akin na hindi ako nag-iisa."

Unti-unti siyang napaluhod at umagos ang luha sa pisngi, yumuko si Night at tahimik na humikbi.

"Pinagsisihan ko ang mga kasalanan nagawa ko, kahit na tinalikuran Kita, sinumpa Kita, kahit na hindi ako naniwala Sa'yo, ipinagkaloob Mo pa rin sa akin ang asawa at anak ko, lahat ng bagay na mayroon ako, lahat ng iyon nagmula Sa'yo. Kaya lubos akong nagpapasalamat at humihingi ng tawad."

"Anak, kailanman ay hindi ako nagalit sa iyo, kailanman ay hindi ako nawala sa tabi mo, kailanman ay hindi kita tinalikuran at hanggang sa dulo ng walang hangan, hindi ko bibitawan ang kamay mo. Tumayo ka anak."

Sinunod ni Night ang sinabi nito at muling tumingala.

"Marami pa akong inihandang biyaya para sa iyo, ang buhay na pinagkaloob ko, ay iyong ingatan at gamitin sa kabutihan at pagmamahal. Humayo ka anak… hindi pa ito ang oras mo…"

At tuluyan siyang binalot ng nakasisilaw na liwanag.

***

TAHIMIK na nagdadalamhati si Lexine habang yakap sa bisig ang katawan ng asawa. Sa dibdib ni Night nakasandal si Ayesha, nakadilat ang mata nito at dahan-dahang dumikit ang maliit nitong kamay sa dibdib ng kanyang ama.

Gumuhit ang dilaw na liwanag at lumabas ang simbolo ng isang bulaklak na may sampu at patulis na petals. Mula doon gumapang ang liwanag sa kabuuan ng katawan ni Night. Tumubo at umusbong ang napakaraming liwanag na tila sumasayaw ang mga ito sa hangin. Lumaki ang mga ito at bumuo ng isang malaking bulaklak.

Natulala si Lexine at ang lahat sa nangyari habang napako ang mga mata nila sa napakaganda at magical na dilaw na liwanag. Isang-isang sumara at gumaling ang sugat at hiwa sa katawan ni Night. Nag-fade din ang mga pasa nito sa mukha.

"Ang kanyang magagandang palad ay magiging kasing bango ng matatamis na bulaklak, kasing ganda ng bukang liwayway, at kasing init ng araw na siyang magbibigay ng liwanag at buhay sa bawat bagay at nilalang na kanyang mahahawakan."

Tila narinig muli ni Lexine ang boses ni Apo Maan. Ito ang regalo na pinagkaloob ng Punong Babaylan sa kanyang anak.

Nalusaw ang liwanag at namayani ang mahabang katahimikan. Bawat isa ay taitim na nakatingin kay Night, nag-aabang sa susunod na mangyayari.

Unti-unti, dumilat ang mata nito, "Lexine?"

Tumalon sa labis na kaligayahan ang puso ni Lexine at mahigpit na hinalikan ang labi ng asawa. Wala siyang ibang masabi kundi tunog ng pagbubunyag sa panibago na namang milagro na pinagkaloob sa kanila ng Diyos.

Mahigpit na niyakap ni Night at Lexine ang isa't isa habang nasa pagitan nila si Ayesha. Their daughter saved and healed his father. Nakita at nasaksihan ito mismo ng anim na Arkanghel at ng mga kaibigan nila.

Hindi sumpa at kasalanan ang kanilang anak, isa itong malaking biyaya mula sa Maykapal na habang buhay nilang ipagpapasalamat.