"WALA SIYA dito," pinangsuklay ni Lexine ang mga daliri sa buhok sa labis na frustrations. Nilibot na nila ang buong dungeon pero nabigo silang mahanap ang asawa niya.
"Baka nasa first wing, baka nahanap na ni Olive at Orgon si Night ngayon," turan ni Miyu.
"Tama si Miyu, Lexine, mabuti pa umalis na tayo dito," suwestiyun ni Elijah.
Tumungo si Lexine bilang pagsang-ayon sa mga kaibigan. Agad silang tumakbo pabalik sa itaas. Pero paglabas nila sa gate ay agad na silang sinalubong ng sandakmak na mga demonyo.
"Patay na," napalatak si Elijah.
"Well, well, well, ito naman talaga ang pinunta natin dito," umangat ang sulok ng bibig ni Miyu, "Simulan na natin ang bakbakan," inangat niya ang dalawang nagliliwanag na kamay at nagpalabas ng fire ball.
Binuka ni Elijah ang bibig at humaba ang matutulis na pangil, kasabay ang pagpula ng kanyang nanlilisik na mata. Nagliwanag ang gintong singing ni Lexine at lumabas ang golden bow. Hinila niya ang bow string sabay tinutok ang dulo ng arrow sa mga kalaban.
Nagdikit-dikit ang likod nilang tatlo. Handang-handa na sa madugong labanan.
"Let's burn this fucking castle," her eyes flickered like a hot flame.
***
Meanwhile, sa first wing, patuloy na hinahanap ni Olive sa paligid ng dungeon kung nasaan si Night subalit nabigo pa rin siya. Kung hindi mga demonyo ay iba't ibang dark entities ang nakikita niyang nakakulong sa loob ng mga kulungan. Saan kaya nila tinatago ang prinsipe ng dilim?
Pinatalas niya ang senses, bukod sa kalawang at bulok na amoy sa paligid ay may naaamoy siyang malansa. Suminghot-singhot siya habang hinahanap kung saan ito nagmumula.
"Dugo, nakakaamoy ako ng dugo," hindi siya maaring magkamali. Sigurado siyang sariwang dugo ng tao ang naamoy niya.
Sinundan niya ang amoy hanggang sa dinala siya ng ilong sa isang maliit na butas sa pinakailalim ng dingding sa pinakadulo ng dungeon. Dumapa siya at tinapat ang mukha sa butas, amoy basura pero mas lumakas ang lansa ng dugo.
Tinangal niya ang bakal na harang. Maliit lang ang butas at may umaagos na tubig. Buti na lang at maliit siyang babae kaya siguradong kakasya siya doon. Una niyang nilusot ang mga paa at humugot ng malalim na hangin bago tuluyang pinasok ang katawan at nag-slide.
Bumagsak si Olive sa mabahong tubig. Nasa loob na siya ng malaking imburnal sa pinakailalim ng kastilyo. Nakalilito ang tila maze na mga daanan. Pero ginamit niya ang matalas na pang-amoy upang malaman ang tamang daan na dapat tahakin.
Binaybay niya ang madilim na daanan sa kaliwa. Buti na lamang at matalas ang kanyang wolf's eye na may kakayahan makakita sa dilim. Hanggang tuhod ang tubig ng imburnal habang may lumulutang na kung na mga basura, bulok na pagkain at dumi ng mga tao. Naririnig niya ang maliliit na sitsitan ng bubuwit. May gumagapang na mga ipis at gagamba sa paligid ng cylinder na dingding.
Di nagtagal at natunton ni Olive ang hinahanap, sa dulo ng tinatahak na daan naroon si Night. Nakadikit ang mga kadena sa batong dingding at wala itong malay. Nakalaylay lang ang ulo nito at nakayuko.
"Night!" agad lumapit si Olive at tinapik ang pisngi nito, duguan ang buong katawan ng prinsipe ng dilim, punong-puno ng sugat at marka ng latigo. Halata na tinorture ito ng ilang araw.
"Night, gumising ka."
Napaungol ang huli at unti-unting dumilat ang mata. Nabuhayan ng loob si Olive.
"Itatakas kita dito, nag-aantay sa atin si Lexine at sila Elijah!"
Nang marinig ang pangalan ng asawa ay tuluyang nagising si Night, "Lexine? Where's Lexine?" aniya sa napakahinang boses.
"Hinahanap ka rin nila," sinubukang sirain ni Olive ang makakapal na kadena pero nabigo siya, "Tsk, I have no choice."
Lumayo siya sandali kay Night bago pumuwesto na parang hayop sa tubig. Unti-unting lumobo ang katawan niya, nabali ang buto at nagkulay dilaw ang kanyang mata saka napunit ang damit. Mabilis siyang nag-transform sa pagiging kulay brown na werewolf. Gamit ang matutulis na pangil, kinagat niya ang bakal at sinira. Tuluyang nakawala si Night sa kadena at napaluhod.
"Bubuhatin kita, pumasan ka sa'kin."
Sa kabila ng panghihina ay pinilit ni Night na kumilos at pumasan sa mabalbon na likuran ni Olive, "Lexine, I need to see Lexine."
"Kumapit ka lang, malapit mo nang makita ang asawa at anak mo."
Agad nagmadaling tumakbo si Olive habang pasan ang prinsipe ng dilim palabas ng dungeon.
***
"MAARI natin makita ang mangyayari sa kinabukasan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pinuno ng hukbo ng mga anghel na Taga-oras," malakas na sabi ni Gabriel.
Lahat ng mata ay napatingin sa gawi ni Daniel.
"Tama si Gabriel, bakit hindi natin alamin kung ano ang mangyayari pagdating ng panahon nang sa ganoon ay masiguro natin kung talaga bang magiging halimaw ang anak ng Nephilim," saad ng Arkanghel na si Michael.
Nabuhayan ng loob si Cael at Eros. Tila sumasang-ayon ang mga Arkanghel at may iilan sa mga Elders ang tumutungo. Samantalang nagkuyom naman ang mga palad ni Kreios. Nangako siya sa panginoong Lucas na ibibigay niya ang anak ng Nephilim, hindi siya makapapayag na hindi magtagumpay.
Umismid siya, "Hindi naman lahat ng makikita sa kinabukasan ay talagang mangyayari, maari pa itong mabali."
"Bakit tila ba masyadong kang tutol sa lahat ng suwestiyun namin Kreios?" matalim na tumingin si Daniel sa pinuno ng mga Elders.
"May nais ka bang palabasin?" nagkiskis ang ngipin ni Kreios, "Wala akong ibang nais kundi ang protektahan ang balanse ng mundo!"
"Kung ganoon ay hayaan mong ipakita ko sa inyo kung ano ang mangyayari sa hinaharap."
"Tama ang pinunong Daniel, pinunong Kreios, maiging makita muna natin bago tayo magdesisyon," dugtong ng Elder na si Athenna.
"Sinasabi mo bang mali ang aklat ng buhay?"
"Hindi ko pinagsasawalang bahala ang babala ng pulang tinta, subalit maaring may iba itong ibig sabihin."
Tila naputol ang dila ni Kreios at wala siyang maisagot. Nagkasundo ang mga Elders at Arkanghel na ipakita ni Daniel ang mangyayari sa kinabukasan. Wala siyang nagawa kundi lihim na magmukmok ang habang nagdidilim ang buong mukha.
Lumapit si Daniel na nasirang fountain kung saan patuloy pa rin na umaagos ang tubig. Gamit ang kanyang kapangyarihan, hinumpas niya ang kamay at lumitaw mula sa tubig ang piraso ng isang nagliliwanag na bubbles. Sa loob nito makikita ang lahat ng mangyayari mula sa pagkapanganak ni Ayesha hanggang sa ito ay magdalaga.
Lumulutang ang bubbles sa ibabaw ng palad niya. Naglakad siya sa gitna at humarap sa mga Elders at mga Arkanghel. Bawat mata ay maiging nakatutok sa bubbles. Hinagis ito ni Daniel ang bubbles pataas, sumabog ito at naglabas ng nakasisilaw na liwanag. Napatakip ang lahat sa kanilang mga mata.
Matapos ang ilang sandali at nalusaw ang liwanag. Pagdilat ng lahat, nasa harapan na nila ang blurred na images nang sandaling ipinapanganak si Ayesha sa mundo. Maririnig ang malakas na paghiyaw ni Lexine habang pinapa-anakan ito ni Apo Mann. Tila nanonood sila ng pelikula, bawat isa ay nag-a-abang sa kung ano ang makikita nila sa hinaharap.
***
MABILIS NA tumatakbo si Devorah sa kakahuyan habang bitbit niya si Ayesha na nakabalot sa puting tela. Panay ang tingin niya sa likuran sa kaba na baka may sumusunod sa kanila. Kasama niya ang isa pang dalagang Babaylan.
Hingal na hingal na sila ngunit nagpatuloy pa rin sila sa pagtakbo. Hanggang sa makarinig sila ng kaluskos. Napahinto si Devorah at alertong nagmasid sa paligid.
Panay ang paglingon niya sa apat na direksyon, habang kumakabog ng malakas ang dibdib niya sa labis na kaba. Mas humigpit ang kapit niya sa sangol.
Ilang sandali pa at lumabas mula sa anino ang isang bababeng nakasuot ng itim at mahabang balabal.
Binaba nito ang balabal na tumatakip sa ulo at tumingala. Isang pares ng malamig na mata at kulay silver na buhok ang bumungad sa kanila.
Napa-atras si Devorah sa labis na takot habang nanlalaki ang mga mata. Panay ang pag-iling niya habang yakap-yakap ang munting sangol.
"Huwag, please, maawa ka sa bata."