Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 304 - Ikaw at ako

Chapter 304 - Ikaw at ako

SA FERNWOODS GARDENS sa Quezon City ang napili nila na maging venue para sa wedding ceremony at reception. Tulad nang nais ni Lexine ay simpleng kasal lang ang gusto nito. Naka-arrange ang mga puting upuan na may mga white synthetic flowers decorations para sa mga bisita habang ang mahabang aisle na lalakaran ay nilagyan nila ng mga glass jars na may nakasinding candles sa loob. Napakaganda tignan ng mga maliliit na apoy na nagtuturo sa lalakaran ng bride patungo sa unahan. Napaliligiran naman ng mga berdeng halaman ang kabuuan ng glass venue na mas lalong nagpaganda ng serene and nature ambience.

Naka-ready na ang lahat by five thirty in the evening. Kabado at namamawis ang mga palad ni Night habang nakaabang na ito sa unahan. Panay ang tingin niya sa wrist watch at hinihiling na sana'y mas bumilis ang oras. He can't wait to see her beautiful bride.

"Relax man, konting tiis na lang," tinapik siya ni Elijah sa balikat.

Navy blue na slack and suit, at white polo ang suot ng napaka gwapong groom. Ganoon din ang kulay ng mga grooms men na sila Elijah, Eros, at Orgon. Si Miyu, Devorah at Olive naman ay old rose pink na halter top long dress.

Ilang ulit na humugot ng malalim na hangin si Night para pakalmahin ang sarili pero kahit anong gawin niya hindi nagpapaawat ang kabog ng dibdib niya.

"Shit dude, this is crazy," he hissed under his breaths.

"Don't worry sigurado naman kaming sisiputin ka ni Lexine sa kasal," dagdag ni Eros.

"Not unless magbago ang isip niya on the last minute," pang-aalaska ni Elijah.

"If I were her, magdadalawang isip talaga akong magpatali sa demonyong ito."

"Eh sobrang matibay ang helmet na binigay ni Night eh."

Pasimpleng sinuntok ni Night sa balikat ang dalawang alaskador, "Hindi kayo nakakatulong. Get out my face you two!"

Mas lalo siyang kinantyawan ng dalawa sa kakatawa.

"Nandyan na ang bride! Ready! Ready na lahat! Punta na sa mga positions niyo! Bilis! Double time!" impit na nagtitili si Brusko sa lahat.

Mas dumoble ang kabog ng dibdib ni Night sa kaba habang buong pag-aasam na nakatingin sa nakasarang pintuan. Ilang sandali pa at nagsimula nang tumugtog na ang kantang "Ikaw at Ako" by Moira Dela Torre.

~ ~ Sabi nila

Balang araw darating

Ang iyong tanging hinihiling ~~

Naunang naglakad ang pari kasunod si Elijah.

Si Johan ang tumayong kapamilya ni Night. Sabay silang naglakad papunta sa unahan. Pakiramdam nito ay kumpleto na ang paninilbihan nito kay Night sa loob ng maraming taon. Ang makita ang young Master na maging tunay na masaya ay kaligayahan na rin ni Johan.

"Congratulations Young Master," niyakap niya si Night nang makarating sila sa unahan.

"Thank you for everything Yohan."

"It's my honor to serve you until my last breath."

~~ At nung dumating

Ang aking panalangin

Ay hindi na maikubli ~ ~

Sumunod ang mga Principal Sponsor na sila General Benjamin at Madame Winona. Sa likuran nila nakasunod ang ring bearer, coin bearer, bible bearer at flower girl na mga bata mula sa Moonhunters Orphanage.

Sumunod si Eros at Devorah, Orgon at Olive. Isa-isa silang yumakap, humalik at nakipagkamay kay Night, "Congratulations!"

~ ~ Ang pag-asang nahanap ko

Sayong mga mata

At ang takot kong sakali mang

Ika'y mawawala ~~

Nakaabang ang bawat bisita habang naka-ready na ang kani-kanilang mga cellphone. Lahat ay sabik na makita ang inaabangang bride. Sa gilid hindi mapakali si Camille, Katya at Emily na tumatalon-talon pa sa sobrang excitement. Katabi nila si Makimoto na wala pa man ay umiiyak na at nagpupunas ng tissue.

Clear na ang buong aisle nang makapwesto ang lahat. Mas naging triple ang kabog ng dibdib ni Night habang buong pag-aasam na nag-aabang.

~ ~ Ang pag-asang nahanap ko

Sayong mga mata

At ang takot kong sakali mang

Ika'y mawawala ~~

Bumagal ang lahat sa mga mata ni Night. Tila naglaho ang lahat ng mga bisita. Tumamihik ang buong mundo niya. Wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng dibdib habang pigil ang kanyang paghinga. Dahan-dahan na bumukas ang pinto at bumungad ang isang napakagandang babae na namumukod tangi sa mundo. The sole reason of his every smile, laughters and happiness.

~~ At ngayon, nandyan ka na

'Di mapaliwanag ang nadarama ~~

Lexine was smiling wholeheartedly as she slowly moved her feet forward. Her angelic beauty was exquisite under the white veil. Her hair was simply bun with a few strands of loose hair. Her v-neck, white as snow wedding dress symbolized the pureness of her heart. She doesn't need a glamour gown as her natural beauty was enough to make everyone awe in admiration.

~~ Handa ako sa walang hanggan

'Di paaasahin

'Di ka sasaktan

Mula noon

Hanggang ngayon

Ikaw at ako ~~

Isa-isang bumalik sa kanilang isipan ang lahat ng pinagdaanan. Mula nang gabing ginawaran ni Night ng kiss of death si Lexine. Ang muling pagkikita nila sa party at lahat ng pag-aaway at sigawan nilang dalawa na nasusundan ng mga tawanan, lambingan at mainit na halikan.

~~ At sa wakas

Ay nahanap ko na rin

Ang aking tanging hinihiling

Pangako sa'yo

Na ika'y uunahin

At hindi naitatanggi ~~

Ang bawat pakikipaglaban, giyera at digmaan na kanilang pinagdaanan. Hanggang sa pinakamalungkot na yugto ng kanilang relasyon. Nang mahulog si Lexine, noong nagkahiwalay sila, at ang mga kasalanan at sakitan na nagawa nila sa isa't isa.

~~ Ang tadhanang nahanap ko

Sa'yong pagmamahal

Ang dudulot sa pag-ibig

Natin na magtatagal ~~

Di lahat ng relasyon ay masaya, mas madalas na mas marami ang lungkot at 'di pagkakaunawaan. Ang istorya ni Lexine at Night ay maihahantulad sa nilalakaran aisle. Mahaba ngunit diretso lang ang direksyon. At sa dinami-dami ng mga pagsubok na kailangan nilang lagpasan. Hangga't magkahawak kamay silang humahakbang. Magkasama nilang mararating ang dulo nito.

~~ At ngayon, nandyan ka na

'Di mapaliwanag ang nadarama

Handa ako… ~~

Hindi na namalayan ni Night na basang-basa na pala ang mukha niya sa pag-iyak nang makarating si Lexine sa kanyang harapan. Inabot ni Sergio at Katherine ang kanilang anak sa mapapangasawa nito.

"Take care of our daughter," mahigpit na habilin ni Sergio. Tumungo si Night bilang pag-sang ayon.

Kinuha niya ang kamay ni Lexine. Until today, he feels everything is just like a dream. Ang babaeng pinapangarap niya, ay ngayon abot kamay niya at ang mga kamay na ito na hinding hindi niya kailanman bibitawan.

"Night, tinatangap mo bang maging kaisang dibdib si Samantha, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay,sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?" tanong ng Pari.

Buong pusong sumagot si Night habang hindi binibitawan ang mga titig sa mata ng kabiyak, "Opo."

"Samantha, tinatangap mo bang maging kaisang dibdib si Night, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay,sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"

Tumulo ang ilang patak ng luha ni Lexine sa kanyang pisngi at buong ngiting sumagot, "Opo."

Sinuot nila ang wedding ring sa isa't isa.

"You may now kiss the bride," masayang anunsyo ng Pari. Naghiyawan ang mga tao sa paligid at nag-aabang sa kanilang unang halik bilang mag-asawa.

"Bigyan mo ng malupit na kiss!" sigaw ni Elijah.

"Yung hindi ka makakalimutan!" dugtong naman ni Eros. Nagtawanan ang lahat.

Buong pagmamahal na kinulong ni Night sa mga palad ang mukha ni Lexine at binigyan ito ng mainit, masarap at matagal na halik.

Sa harap ng kanilang pamilya at mga kaibigan, at sa basbas mula sa Maykapal. Ipinapangako nila na mamahalin at aalagaan ang isa't isa habang buhay.