Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 299 - Asawa ko

Chapter 299 - Asawa ko

PAGSAPIT ng gabi ay nag-aya si Sergio na uminom sila ni Night sa labas ng bahay. Isang bote ng lambanog ang nakatayo sa maliit na lamesita na tinernuhan ng bicol express at isang platinong mani.

Mainam na nakatitig si Sergio sa binatang kaharap. Nagsalin siya ng alak sa parehong baso nila. Tinaas niya ang sariling baso, "Tagay!"

Agad na nakipag-cheers si Night sa huli at sabay nilang nilagok ang alak na mainit na gumuhit sa kanilang lalamunan. Napa "Ah" sila pareho sa tapang nito habang nalukot ang mukha.

"Gusto kong sabihin na napahanga mo ako ngayong araw."

Napangiti ng malaki si Night sa narinig, "Salamat po."

Umismid si Sergio at muling sinalinan ang dalawang baso. Nakailang tagay sila hanggang sa medyo tinatamaan na si Sergio at naging madaldal na ito.

"Napakasipag na bata niyan si Samantha. Kahit kailan ay hindi niya kami binigyan ng sakit ng ulo ng Mamang niya. Kaya nga nang magdesisyon siyang mag-aral sa Maynila at maging independent, kahit mahirap sa loob ko na pakawalan siya ay tinangap ko pa rin dahil alam kong doon siya magiging masaya."

"Katulad ng ibang negosyo, ang restaurant namin ay humina din. Dahil doon kinailangan ni Samantha na magtrabaho ng part time habang nag-aaral dahil ayaw na daw niyang makadagdag pa sa gastusin. Napakabait na bata. Hanggang isang araw inatake ako sa puso. Wala naman kaming malaking pera pang-pa-opera pero ginawan pa rin niya ng paraan para matuloy lang ang operasyon ko. Kung wala si Samantha ay baka matagal na akong nakabaon sa ilalim ng lupa."

Muling naalala ni Night noong pumasok na pole dancer si Lexine bilang si Sammie sa Black Phantom Club. Nakita niya kung paano nito nilunok ang dignidad para lang makakuha ng pera. Noon pa man, kahit sa unang lifetime nito ay talagang malaki ang pagmamahal ni Lexine sa pamilya at mga kaibigan. Lahat gagawin nito upang protektahan ang mga mahal sa buhay. Isang bagay na labis niyang ikinahahanga sa babae.

Kahit sa pangalawang lifetime nito bilang si Sammie ay wala pa rin nagbabago. Lexine always think about other people than herself. She maybe looked like a fragile flower outside but the truth is, Lexine was a burning phoenix inside.

She is stronger and powerful, more than what she can imagine. A true angel that possesses a great heart to protect the humanity against evil. The same heart that will do everything for the people around her, who will fight until she dies. The heart who loved and accepted everything about his being including the darkest days of his life.

The woman that he will love, protect and cherish for the rest of eternity.

"Kaya wala akong ibang hiling bilang ama kundi ang maging masaya si Samantha. She deserves nothing but the best in this world."

Maiging tumungo si Night bilang pag-sang ayon. Iyon din ang nais niyang maibigay kay Lexine. Muling nagkampay ang dalawa at nilagok ang alak.

"Mahal mo ba talaga ang anak ko?" maiging tumingin si Sergio sa mata ni Night.

Buong loob naman na sinalubong ng huli ang titig sa kanya at binangit ang mga salita mula sa kaibuturan ng kanyang damdamin, "Mahal na mahal ko po ang anak niyo at pinapangako ko po na aalagaan at mamahalin ko siya habang buhay."

Ilang saglit na tahimik si Sergio na tila ba dina-digest mabuti ang bawat salitang binitiwan niya bago ito unti-unting tumungo. Muli itong nagsalin ng lambanog sa baso at tinaas ang tagay.

"Para sa kasiyahan ni Samantha. Tinatangap na kitang maging asawa niya."

Pakiramdam ni Night, daig niya pa ang naging champion sa marathon dahil higit pa sa kahit anong award o trophy ang nakuha niya. Ang inaasam na basbas sa ama ni Lexine na walang kahit anong katumbas sa mundo.

"Maraming salamat po sir," yumuko siya.

Tumawa si Sergio, "Wag mo na akong tawaging sir. Papang na lang."

Tumingala si Night na bahagyang napauwang ang bibig. Napakurap-kurap pa siya at 'di makapaniwala.

"Sige po… maraming salamat Pa… P-papang."

Mas magiliw na tumawa muli si Sergio at tinaas ang tagay, "Kampay!"

"Kampay!"

Pinagdikit nila ang baso at sabay na uminom. Nasundan pa ng sunod-sunod na tagay ang kanilang inuman at napasarap ng husto ang kanilang kwentuhan na hindi na nila namamalayang naubos na nila ang isang bote ng lambanog.

Ang ending. Lasing silang pareho.

Naalimpungatan si Lexine mula sa pagkakatulog. Pagtingin niya sa orasan ay pasado alas dose na. Bumangon siya upang i-check ang dalawa na nag-iinuman pero paglabas niya ng kwarto hindi niya inaasahan ang nakita.

Sabay na pumasok ng bahay si Night at ang Papang niya habang magkaakbay ang dalawa at panay bungingisan na para bang super close sila.

"Totoo ba ishong ilong mo? Hindi ba ito reshoke aba'y shobrang shangos!" mabagal at puro letter 's' na sabi ni Sergio habang pinipisil ang ilong ni Night.

"Totoo po Papang," buong ngiti na sagot ng huli habang singkit na ang mga mata na halos hindi na makadilat.

"Aba'y shiguradong matangosh din ang magiging ilong ng apo ko! Manugang, gushto ko bigyan niyo ako ni Shamantha ng apo na matangosh ang ilong ha!"

"Opo Papang! Pramish crosh my heart," nag guhit pa ng krus sa dibdib si Night, "Bibigyan ko kayo ng kashing ganda ni Shamanta na apo."

"Ipagdadashal ko 'yan!"

"Don't worry Papang. Besh friend kami ni Lord kaya malakash ako sha kanya!"

Tumawa nang malakas ang dalawa na parang wala ng bukas.

"Papang! Night!" sigaw ni Lexine at nilapitan ang dalawa na halos matumba na sa sobrang kalasingan.

"Oh! maganda kong anak! Hug mo nga si Papang mo! Hug mo ako!" binuka ni Sergio ang dalawang braso at niyakap si Lexine.

Nalukot ang mukha niya sa tapang ng amoy ng chico at kumawala sa yakap ng ama.

"Oh! Maganda kong ashawa! Hug mo din ashawa mo, hug mo din ako!" si Night naman ang sumunod na yumakap sa kanya.

"Night ano ba, bakit ka naglasing?"

"Ganda talaga ng ashawa ko. Kish mo nga ako.. mwuuu," ngumuso ito at tangkang hahalikan na siya pero dinakma niya ang palad sa buong mukha nito at tinulak palayo.

Naiinis na pumamewang si Lexine sa dalawang batang makulit sa kanyang harapan, "Papang naman! Bakit ang dami niyong ininom! Naku lagot kayo kay Mamang niyan!"

"Eh anak, nag-bonding lang kami nitong manugang ko," umakbay ulit si Sergio sa binata.

"Oo nga ashawa ko, 'wag mo na kami awayin ni Papang," segundo ng isa sabay akbay din sa huli.

"Naku! Mapipingot ko kayong dalawa! Hala! Papang pumasok ka na sa kwarto at magpahinga ka na," hinatak ni Lexine ang ama at tinulak papasok ng kwarto nila sa first floor.

"Good night anak kong maganda! Good night kish ni Papang—"

Blag!

Pinagsaraduhan na ni Lexine ng pinto ang makulit na Ama kaya pintuan lang din ang nahalikan nito.

Umikot ang mata ni Lexine nang harapin si Night na nakasubsob na sa hagdanan na parang patay na. Lumapit siya at inalalayan itong makabangon at makaakyat kahit sobrang bigat nito.

Dinala niya ito sa guest room pero dahil sa bigat ni Night kung kaya't kasama siyang napahiga sa kama. Nasubsob siya sa dibdib nito at hinagkan siya nang buong higpit.

"Ashawa ko… ang bango-bango mo," bulong nito sabay inamoy ang tuktok ng kanyang buhok.

"Night, lasing ka na, magpahinga ka na," tinangka ni Lexine na kumawala pero hindi siya nito binitawan.

"Wait, dito ka muna please, I really missed you."

Uminit naman ang puso niya sa paglalambing nito. Ang totoo ay na-missed niya rin ito kahit pa nasa iisang bubong lang sila ay naging occupied masyado si Night sa mga trabahong binigay ng Papang niya kaya halos buong araw silang hindi nagkasama.

"I missed you too," bulong niya pagkuwan.

"Asawa ko…"

"Hmm?"

"Asawa ko…"

"Hmm?"

"Asawa ko…"

"Ano nga yun?"

Night chuckled like a kid, "Wala lang, ang sarap mo kasi tawagin na asawa ko."

Napangiti na rin ng buong tamis si Lexine at mas lalong ninamnam ang init ng mga bisig ni Night. Indeed, masarap madinig sa baritonong boses ng prinsipe ng dilim na tawagin siya nito ng ganoon.

"Good night, asawa ko," aniya at hindi nagtagal ay pareho silang nakatulog sa bisig ng isa't isa.

Related Books

Popular novel hashtag