MADILIM na ang langit habang malakas ang hangin sa labas. Nababahalang nakatayo si Devorah sa tapat ng bintana.
"Nasaan na kaya sila Night at Lexine? Malakas na ang snow storm."
Lumapit si Eros na may hawak na dalawang mug ng kape at inabot ang isa kay Devorah, "I'm sure they will be okay. Hindi pababayaan ni Night sa Lexine."
Niyakap ni Eros mula sa likod ang nobya, "Don't worry too much."
Tumungo si Devorah at humigop ng kape. Sana nga ay maayos lang ang dalawa.
Binabalot na ng snow ang buong katawan ni Night at Lexine habang patuloy silang naglalakad sa madilim na gubat. Napakalakas ng ihip ng hangin na ubod ng lamig. Inabot na sila ng snow storm sa daan. Maiging nakaakbay si Night sa nobya na namumutla na sa sobrang panginginig.
"Just stay still, I think we're almost near," aniya nababahala.
Nagchi-chill na ang bibig ni Lexine at nahihirapan na siyang ihakbang ang mga binti. Pakiramdam niya nagyeyelo na ang mga paa niya at namamanhid maging buo niyang katawan.
Naglakad pa sila ng ilang minuto hanggang sa may natanaw si Night na isang kubo may isang metro ang layo, "There, may kubo doon!"
"N-night, d-di k-ko n-na k-kaya m-maglakad," bulong ni Lexine sa nanginginig na boses.
"Okay, sumakay ka sa akin," umupo si Night upang pasanin si Lexine sa likod niya. Nagmamadali niyang tinakbo ang kubo hanggang sa marating nila ito.
Walang ilaw ang kubo at bakante rin. Sinipa niya ng malakas ang kahoy na pinto at nabuksan agad ito. Natatarantang inupo niya si Lexine sa isang bangkuan at sinara ang pinto para di makapasok ang hangin.
"Hey, hey, cupcake, stay with me, don't sleep," buong pag-aalala niyang hinimas ang mukha nito. Color blue na ang labi ni Lexine sa labis na panlalamig. Nababahala si Night sa sobrang lamig ng katawan nito.
Agad siyang naghanap ng mga kahoy sa paligid para makapag bukas ng apoy sa fireplace. Swerte na may gas at lighter sa ibabaw ng chimney at di nagtagal ay nakagawa na siya ng apoy.
Pinakelaman na rin niya ang cabinet at nakakita ng kumot. Naghanap pa siya sa ibang box sa paligid pero isang kumot lang ang nakita niya.
Pinaupo niya si Lexine sa tapat ng fireplace at binalutan ng kumot. Pero hindi pa rin iyon sapat para mainitan ang nanlalamig nitong katawan. Pumipikit na ang mata nito at nababahala si Night.
"Baby, don't sleep, stay with me, please…"
Pinilit ni Lexine na dumilat at wag magpadala sa nararamdaman. Namamanhid na ang buong katawan niya maging mukha sa labis na lamig. Hinubad ni Night ang suot na winter trench coat at pinatong na rin kay Lexine. Maging ang scarf ay tinali na nito sa leeg ng dalaga.
Pero hindi pa rin tumitigil ang pagchi-chill ni Lexine, "Shit!"
Hanggang sa nakaisip siya ng solusyon at nagsimulang maghubad.
Kahit nanginginig ay nagulat pa rin si Lexine sa ginagawa nito, "B-bakit ka n-naghuhubad."
"You need body heat, take off your clothes."
"H-ha?"
"Cupcake, I'm serious, damn it, mamamatay ka sa lamig dito," inalalayan siya ni Night na maghubad at wala na siyang nagawa para tumutol.
Pareho silang naghubad hanggang sa underwear na lang ang suot nila. Pumasok si Night sa loob ng kumot at hinagkan si Lexine nang buong higpit. Nakatulong ang init ng katawan nito at unti-unti ay umaayos na ang pakiramdam niya.
"Do you feel warm?" bulong nito habang hinaplos ang kanyang buhok.
"Y-yes," aniya.
"I can make you feel warmer," he huskily whispered.
Sa inis ni Lexine ay kinurot niya si Night sa kili kili, "Alam mo, gusto mo lang tsumansing sa akin eh!"
He chuckled then hugged her tighter, "I'm just suggesting."
Namayani ang mahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Walang ibang maririnig kung 'di ang malakas na ihip ng hangin sa labas. Pero ang pagkakadikit ng kanilang mga balat ang nagsisilbing panlaban nila sa lamig ng panahon.
Mas siniksik ni Lexine ang sarili sa mainit na mga bisig ni Night, nakatapat ang mukha niya sa dibdib nito at naamoy ang bango nito. This feels home for her. She tried to reflect on her feelings.
Honestly, hindi pa rin niya nakakalimutan ang kasalan na ginawa ni Night sa kanya, hindi naman ito mawawala sa isip niya na parang magic. Pero sa pagkakataong ito, mas gusto niyang kumapit sa tinitibok ng puso niya. Ang pagpapatawad ay isang proseso na kasabay ng paghihilom. Unti-unti sa piling ni Night, maghawak kamay nilang pagagalingan ang mga sugat sa kanilang mga puso.
"Thank you, Lexine."
Tumingala si Lexine nang marinig ang bulong ni Night, "Saan ka nagte-thank you?"
Hinaplos nito ang pisngi niya, "For fighting and believing in me again. For accepting me despite all the wrong things that I've done."
"Lahat ng nangyayari sa atin, pagsubok lang. Pero mas pinatitibay tayo ng mga pagsubok na 'to."
Tumungo si Night, "Sometimes, I still wonder how fortunate I am to be able to be loved by an angel like you. Kahit na hindi na ako mahal ng Diyos, dumating ka pa rin sa buhay ko."
Nabahala si Lexine sa narinig, "Night, mahal ka ng Diyos. Lahat tayo, pantay-pantay sa mata niya."
"Kahit pinabayaan niya akong mag-isa?"
Napabuntonghininga si Lexine at hinaplos ang pisngi nito, "Hindi ka niya pinabayaan, kailangan mo lang palakasin ang tiwala mo sa kanya para maramdaman mo siya."
"Alam mo… nung tinangka kong magpakamatay, naisip ko rin kung bakit kailangan niyang kunin lahat sa akin. Napuno ng galit ang dibdib ko. Sobrang sakit eh. Pakiramdam ko, nabalewala lahat ng paghihirap na ginawa ko para protektahan ang mga taong mahal ko. Pero natutunan ko din ma-realized na… minsan sa buhay kailangan mo lang talagang tangapin na walang permanente. Lahat maaring mawala. Kung may bawiin man siya sa buhay natin, kailangan na lang natin tangapin. Dahil lahat naman ng meron tayo ngayon, galing lahat yun sa Kanya."
Kumunot ang noo ni Night at naalala ang kanyang ina, "Kaya niya ba kinuha ang nanay ko noong bata pa lang ako?"
Nabasa ni Lexine ang sakit sa mga mata ni Night. Minsan niyang nasaksihan ang paghihirap na pinagdaanan nito, isang bagay na nagpalayo ng loob nito sa Maykapal.
"Pero binigay niya ako sa'yo."
May natusok sa puso ni Night sa mga sinabi ni Lexine, "Hindi ka ba niya ulit babawiin sa akin? Papayagan niya ba tayo kahit isinumpa ako ng langit?"
"Night… hindi ka sinumpa. Walang sinumpa sa atin. Yung mga tao na pinili nila ang madilim na daan, hindi rin sila sinumpa. Naliligaw lang sila. Kailangan lang nila ng bagong ilaw na susundan para makabalik sila sa tamang daan."
Para kay Night si Lexine ang naging ilaw niya sa madilim niyang mundo. Ito ang naging gabay niya pabalik sa tama at tuwid na daan. Binigyan siya nito ng bagong pag-asa. Ang mahalin si Lexine, ang tanging tama sa lahat ng pagkakamali niya.
Paulit-ulit man silang subukin ng tadhana, paulit-ulit din silang babalik sa isa't isa. Ang mga problemang kinahakarap nila ay mga malalaking bato na humaharang sa daan na kanilang tinatahak. Madalas, hinihila tayo palayo ng mga batong ito sa paniniwala natin sa Panginoon. At kung hahayaan mong manaig ang mga demonyong bumubulong sa'yo. Doon ka nila titirahin sa mga panahon na mahina ang pananampalataya mo.
Ngunit hanggang may pinanghahawakan kang pag-ibig sa puso mo. Kahit gaano man karaming bato ang humarang sa daan mo. Titibagin mo ito. Magkakaroon ka ng sapat na lakas para itaboy ang mga demonyong humihila sayo. Babalik at babalik ka sa tuwid na daan.
"I love you Lexine…"
"I love you Night…"
Binaba ni Night ang mukha at ginawaran si Lexine nang mainit na halik. Magkahawak kamay nilang haharapin ang lahat. She was her redemption. God gave him Lexine as a messenger to pulled him back to the right path again.
If God truly loves him, he hardly wished that He would allow them to be together eternally.