Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 272 - Epidemic

Chapter 272 - Epidemic

NAHIHIRAPAN lumunok si Lexine ng pagkain dahil sa mga matang nakamasid sa bawat kilos niya. Sa paligid ng dining room nakatayo ang mga butlers at maid habang 'di maitago ang makukulay na mga ngiti sa labi. Maging si Johan na nakatayo sa isang korner ay malaki rin ang pagkakangisi na para bang pasko na.

Higit sa lahat, ang katabi niyang binata na habang umiinom ng kape ay maiging pinapanood siya sa bawat pagsubo niya ng kutsara sa bibig. Hindi nakatiis si Lexine at binaba ang kubyertos.

"Nahihirapan akong kumain," aniya kay Night.

Kumunot ang noo nito, "You don't like the food?" agad tinaas ni Night ang isang daliri at maagap na lumapit si Johan, "Replace all the food."

Agad pinigilan ni Lexine ang matanda, "Hindi yun ang ibig kong sabihin. Walang problema sa pagkain."

"Eh bakit nahihirapan ka?"

Bumuntonghininga si Lexine, "Paano naman ako makakakain kung nakatingin sa akin ang lahat ng tao dito? Isa ka pa!"

Nagbungisngisan ang mga maids at butlers maging si Johan, "I apologized young miss, we are just happy to see you again, it's been a while and the mansion radiates a wonderful ambiance everytime you are here."

Pinagmasdan ni Lexine ang mga kasama nila sa loob ng dining room. Totoo nga na masaya ang mga mukha nila. Nang may naisip siyang ideya, "Mabuti pa, para 'di ako mailang, samahan niyo na lang kaming kumain."

Tumaas ang isang kilay ni Night, "Are you sure?"

"Oo naman," sagot niya.

Sinulyapan ni Night si Johan, "Everyone, sit down and eat."

Nagulat si Johan at ang ibang kasambahay. Ni minsan ay 'di nila nakasabay kumain si Night at ito ang first time na mangyayari ang bagay na ito.

Lumaki ang ngiti ni Lexine, "Let's eat!"

Naiilang man ay sumunod ang mga ito. Si Johan naman ay umupo sa tapat niya. Nagpapakiramdaman pa ang mga ito kung sino ang unang kukuha ng pagkain kaya si Lexine na ang kumilos upang ipasa ang bacon ang pancakes sa iba.

"Huwag kayo mahiya, kumain lang kayo ng kumain."

Di nagtagal at nagsimula nang magsalo-salo ang lahat. Maganda ang ngiti ni Night habang pinagmamasdan si Lexine. Indeed, this woman brings color to his dull life.

"Hindi ka ba kakain?" tanong ni Lexine.

Naningkit ang mata ni Night, "For some reason, hindi ko maigalaw ang mga braso ko."

"Ano naman nangyari sa braso mo?"

"Someone forcefully gripped my arms last night that's why my muscles are badly sore right now."

Nahinto sa pagkain ang lahat at napatingin lahat kay Lexine. Nanlaki naman ang mata niya sa hiya at baka isipin ng mga ito na totoo ang sinasabi ni Night.

"Hindi mo pa rin ba ititigil 'yang pagpapangap mo? Hindi kita pinilit kagabi! Wala akong maalalang ganon!" aniya namumula na parang kamatis.

"How come you know eh wala ka ngang maaalala. This is your fault why I can't move my arms, now feed me, ahh…" binuka ni Night ang bibig.

Umusok ang ilong ni Lexine, "Ano ka imbalido? Bakit di ka kumain mag-isa mo?"

"I told you masakit ang muscles ko. Gusto mo ba i-detailed ko kung paano mo pinagsamantalahan ang kahinaan ko? Kung paano mo niyurak ang pagkatao ko at ninakaw ang kainosentehan ko? Kung paano mo—"

Sa inis ni Lexine ay sinubuan niya ng bacon si Night sa bibig, "Manahimik ka dyan," nangigigil niyang turan at pinandidilitan ito ng mata.

Ngising aso naman si Night, "I want pancakes too, ahh…"

Inis na tumusok si Lexine ng pancake at sinubo sa lalaki. Habang ngumunguya ay 'di maalis ang ngiti sa labi ni Night. Ha! If only he knew this kind of technic would make her anxious, matagal na sana niya itong ginawa.

Kinikilig naman ang mga tao sa paligid nila dahil para na silang lalangamin sa sobrang ka-sweetan. Maging si Johan na sa kabila ng katandaan ay kinikilig din. Masaya siya na makitang tila nagkakamabutihan na ulit ang dalawa.

Samantala, sa labas ng mansion sa tuktok ng malaking puno lihim na nakatayo at nagmamasid si Winter habang nakatanaw sa malaking bintana at pinapanood ang mga nangyayari. Naningkit ang charcoal gray niyang mga mata at masama ang tingin higit kay Lexine.

***

KANINA pa napapansin ni Makimoto na nagbubungisngisan sila Camille, Emily at Katya habang nakatingin sa kani-kanilang mga cellphone. Napakunot ang noo niya at lumapit sa mga ito, magkakatabi sila ng cubicle.

"Ano ang meron sa mga cellphone niya?"

Tumingala si Camille, "Nakakatawa at nakakakilig kasi itong binabasa ko sa Webnovel, ang hot ng bidang lalaki dahil isa siyang vampire," paliwanag nito na kinikilig.

"Oo nga, the whole time na binabasa ko ito, nakangiti lang ako," segundo ni Emily.

"Baliw pa yung bidang babae kaya mas lalong nakaka-aliw basahin," komento naman ni Katya.

"Ano ba yang binabasa niyo?" tanong ni Makimoto na curious na rin.

Sabay-sabay na sumagot ang tatlo, "Strawberry Bite!"

Napangiwi si Makimoto, "Sus, title pa lang korni na!"

Sakto naman na dumaan si Miyu at Devorah, "Uy ano yang binabasa niyo?" curious na tanong ni Miyu.

"Sa webnovel ito Ms. Miyu, basahin niyo rin, kikiligin ka promise," sagot ni Camille.

Tinignan ni Devorah at Miyu ang cellphone ni Camille, "Sige i-send mo sa akin ang link."

After few hours…

"HAHAHAHAHA!"

"Oh my God! HAHAHAHA!"

Nagtataka si Elijah at Eros pagkapasok sa office nang maabutan nilang nagtatawanan ng malakas si Miyu at Devorah habang nakaupo sa sofa at nakatingin sa kanilang cellphone.

"What's funny?" tanong ni Elijah at lumapit.

"Babe, halika, basahin mo ito!" tumabi naman agad ang bampira kay Miyu. Di nagtagal at nakibasa na rin si Eros at Elijah.

Ang ending, apat na silang nagtatawanan habang nakangudngod sa kani-kanilang mga cellphone.

"This is hillarious!" bulalas ni Elijah na nasundan ng tawa.

Sabay na dumating si Night at Lexine sa office at naabutan ang mga kaibigan sa ganoong sitwasyon. Parehong nagtataka ang dalawa dahil maging sa cubicle ng mga empleyado ay nagtatawanan rin habang nakatingin sa cellphone. Gusto sana magalit ni Lexine na sa oras ng trabaho ay nagce-cellphone ang mga ito pero paano naman niya pagagalitan ang mga empleyado kung maging ang mga boss ay ganoon din?

"Kaya naman pala, cellphone ng cellphone yung mga tao sa baba kasi pasimuno kayo, ano ba meron dyan?" lumapit si Lexine sa sala.

Binida ni Miyu ang novel na binabasa kaya ang ending pati si Lexine ay nakibasa na rin lalo na at naging writer din siya noong panahon na siya pa si Sammie.

Si Night lang hindi nakisali kesyo korni at kabaklaan daw ang magbasa ng romance novels.

Kaya tuloy buong araw siyang hindi pinansin ng mga kaibigan dahil lahat ay occupied sa kanilang mga cellphone. Kahit si Lexine ay di man lang siya binigyan kahit isang sulyap at buong araw lang itong nagbabasa sa laptop.

"Why don't you try reading it para maka-relate ka," udyok ni Eros.

"Tss… so gay," umikot ang mata niya.

After few hours at ganoon pa din ang sitwasyon sa office. Hindi na napigilan ni Night ang sarili dahil nacu-curious din siya kung ano ba ang meron sa Strawberry Bite na 'yan at naging tila epidemya ito sa buong Moonhunters headquarters.

Sinend sa kanya ni Eros ang link kanina. Kaya pasimpleng binuksan niya ang cellphone at pinindot ang link. Na-direct siya sa webnovel at sinimulang basahin.

Nasa second chapter pa lang siya nang hindi niya napigilan ang labi sa pag-ngiti sa binabasa. Hanggang sa 'di niya namalayan nakalayo na siya sa binabasa at tumatawa na siya ng malakas dahil nasa part na siya kung kailan kakainin na ng bad vampire ang bidang babae.

Naramdaman niya na may mga matang nakamasid sa kanya. Pag-angat niya ng tingin, nasa likuran niya ang mga kaibigan at nakatingin sa cellphone niya. Nasa mata ng mga ito ang panunudyo.

"So gay pala ah!" kantyaw ni Elijah.

Mabilis na tinago ni Night ang cellphone at tumikhim upang takpan ang pagkapahiya dahil nahuli siya sa akto.

Maging si Lexine ay tinutukso na rin siya, "Try mong basahin yung My Boyfriend is a Grim Reaper."

"What? They also wrote stories about me? Tss… that grim reaper better be handsome and sexy. Baka masira ang reputasyon ko!"

Umikot ang mga mata ng lahat at iniwanan na siyang mag-isa.