MAHABANG katahimikan ang namayani sa paligid. Walang ibang maririnig kung 'di ang tunog ng kamay ng wall clock na matatagpuan sa itaas na bahagi ng pintuan ng office. Nagpapalitan nang makahulugang mga tingin ang bawat isa na tila nag-uusap sa mga mata at nagtuturuan kung sino ang unang babasagan ng nakakabinging katahimikan.
Sa gitna ng pabilog na sofa nakaupo si Lexine, katabi si Miyu at Devorah. Si Eros na nakatayo sa likuran ng sofa, si Miguel na nakatayo naman at nakasandal sa pader na malapit sa sofa habang nakahalukipkip. Si Elijah na nakaupo sa katapat na sofa nila Lexine at ang katabi nitong si Night na mula pa kanina ay nakatitig lang kay Lexine at parang batang nag-aasam na bigyan siya nito ng kahit isang sulyap lang.
Ngunit nanatiling nakaiwas ang mga mata ni Lexine sa kanya.
Sa wakas at si Devorah na ang naglakas loob na magsalita, "So welcome back Night, I see that you looked better… than the last time I saw you," awkward na napangiti si Devorah, "Hindi ka na ba… sinasapian?"
"Pfffffft!" pinigilan ni Elijah ang kumakawalang tawa. Masama naman ang tingin sa kanya ni Night.
"Sorry, tinalo mo kasi si Emily Rose pati lahat ng bida sa exorcist movies na napanood ko," biro ni Elijah sabay tawa ng malakas.
Tumikhim si Miyu at pinandilatan ng mata ang nobyo na parang bata sa pagka-immature. Agad na tumahimik sa pagtawa si Elijah.
Tinaas ni Night ang sleeves ng kanyang leather jacket at pinakita ang isang bracelet na gawa sa transparent beads, "This helped me to veiled the cursed."
Sabay-sabay na tumingin ang lahat sa bracelet niya. Maging si Lexine ay 'di napigilan ang sarili at pasimpleng sumulyap din.
"You mean? It prevent you from becoming a monster again?" tanong ni Miyu.
Tumungo si Night, "Nakuha ko ito sa isang matandang Babaylan na pinakilala sa akin ni Valac. This is made of fairy tears. As long as I'm wearing it, I am able to control myself."
"That's a good news then," komento ni Eros.
Tumayo si Night sa sofa at tumingin sa bawat isa maliban kay Miguel. Huminto ang tingin niya kay Lexine na nanatiling nakatingin sa sahig.
"Marami akong kasalanan sa inyo, I hurt you guys and I'm really sorry for all the things that I've done," sinserong sabi ni Night.
Lumambot ang mata ng bawat isa maliban kay Lexine.
"Naiintidihan namin ang sitwasyon mo Night," sabi ni Eros.
"I know how it's been hard on your part to keep on fighting the cursed from the fruit of sin," dugtong ni Devorah.
"That's right. Beside, biktima lang din si Night, diba?" sabi naman ni Elijah at tumingin kay Lexine.
Nag-iwas naman ng tingin si Lexine sa bampira at bumuntonghininga. Napansin ni Miyu ang pagiging un-easy ni Lexine kung kaya't hinawakan niya ang dalawa nitong kamay na nakapatong sa hita.
"But I still did something unforgivable," naghihirap na tumingin ang mga mata ni Night kay Lexine.
Napalunok si Lexine sa narinig dahil sa paninikip ng kanyang dibdib. Nanginginig ang kanyang mga kamay kung kaya't mas hinigpitan ni Miyu ang kapit sa mga iyon.
"I know the reason why you need the athame. Elijah already told me."
Matalim na tumingin si Lexine kay Elijah pero nagkibit balikat lang ang huli, "I need to tell him. Kilala niyo naman kung gaano katigas ang bungo nito, ayaw niyang ibigay ang athame hangga't 'di ko sinasabi sa kanya ang rason," paliwanag nito.
"Don't worry. Tutulungan ko kayo. Gusto kong itama ang mga pagkakamali ko," matatag na sabi ni Night na umaasa pa rin na bibigyan siya ng sulyap ni Lexine.
At sa wakas ay lumingon ito sa kanya, "Paano naman kami makakasigurado na hindi ko kami ta-traydurin?" matalim ang mga mata ni Lexine sa prinsipe ng dilim.
Bumigat ang tensyon sa paligid. Hindi bumibitaw ng tingin si Night sa babae at nasa mata nito ang matinding pagsisisi.
"If I break your trust again, use the athame to kill me," binuka ni Night ang palad at lumitaw ang athame. Naglakad siya palapit kay Lexine at inabot ang punyal.
Tinitigan ni Lexine ang patalim na nasa harapan niya. Nagpalitan silang dalawa ni Night nang mainit na tinginan. Si Miguel na sa isang tabi ay di mapakali pero pinipigilan lang ang sarili na mangielam.
Biglang sumulpot si Elijah at kinuha ang athame, "Mabuti pa ako na ang magtatago nito. Kasi ako kaya kitang patayin kahit magkaibigan tayo. I would surely do it, if it's really needed. But I doubt if Lexine can."
Nalukot nang husto ang mukha ni Lexine sa bampira na ngayon ay may nakakalokong ngiti.
"What? Am I wrong? Kung kaya mong patayin si Night dapat pinatay mo siya noong may pagkakataon ka. Pero di mo ginawa kasi…" lumapit si Elijah kay Night at hinawakan ang magkabila nitong pisngi saka umarte at nagboses babae.
"Hindi ako titigil hangga't di ka bumabalik sa dati. Kung ikaw sumuko na pwes ako hindi. Kasi kahit ano'ng mangyari, kahit ano ang pagsubog ang ibigay sa atin, lalaban ako. Ipaglalaban kita dahil mahal na mahal kita Night," with feelings na inakting ni Elijah ang drama ni Lexine noon.
Napanganga nang malaki si Lexine at mabilis na namula ang mukha. Nagtawanan naman ang mga kaibigan nila.
Galit na tumayo si Lexine,"Hayop ka! Ikaw ang papatayin ko!" umamba si Lexine na sasapakin si Elijah pero mabilis itong nagtago sa likuran ni Miyu.
"Babe, babe, I'm so scared," sumiksik ito na parang bata.
Lumakas lalo ang tawanan ng lahat pera lang kay Miguel na umirap sa hangin. Nangigigil na tinignan ni Lexine si Elijah dahil talagang gusto na niya itong sakalin.
Napagawi naman ang tingin ni Lexine kay Night na malaki ang pagkakangisi. Sa inis niya ay binulyawan niya ito, "Ano'ng nginisi-ngisi mo dyan? May nakakatawa?"
Mas lalong lumaki ang ngisi ni Night, "Masama na ba ang ngumiti? Pati ba 'yun bawal na rin?"
"Oo! Sa'yo bawal!"
"It was one of the best speech you said to me," di nagpatinag si Night at lalong nang-asar.
"Meron pa akong naalala. Gusto niyong marinig?" sabi ni Elijah na tumayo at aktong aarte ulit pero mabilis na dinampot ni Lexine ang unan sa sofa at binato sa mukha si Elijah.
Napuno nang tawanan ang buong office.
"Those were the days," natatawang komento ni Eros.
Biglang nagseryoso si Lexine, "Parte na yun ng nakaraan. Let's move forward."
Natahimik ang lahat sa biglang pagbaba ng mood.
Nag-vibrate ang cellphone ni Lexine. Kinuha niya ito at inopen ang notifications. Nag-launch ang app at lumabas ang tracker. Nagdilim ang kanyang mukha.
"There's a demon spotted at V-Mall," aniya.
Tumayo si Miyu, "Let's go."
"Huwag na, I can handle this," dinampot ni Lexine ang jacket sa sofa at nagmadaling lumabas ng office.
Agad naman sumunod sa kanya si Miguel, "Lexine wait. I'll come with you."
Saglit na tinignan ni Lexine ang nakikiusap na mata ni Miguel, "Hey, I'm still your trainee here remember?"
Napabuntonghinga si Lexine, "Okay fine. Let's go."
Malaki ang ngisi ni Miguel. Bago pa sila tuluyang makalabas ng pinto ay tinignan niya si Night gamit ang nang-iinis na mukha na tila sinasabing "I win motherfucker!"
"Ano Night, tutunganga ka na lang ba diyan? May umaagaw na sa cupcake mo," pang-aalaska ni Elijah.
"Well, in fairness kay Cap, may romantic side," natatawang sabi ni Devorah.
"Hey, di ba ako romantic? Pinuno ko ng flowers ang buong bahay mo on our anniversary," sabi ni Eros.
"Actually, kinilig ako sa pasabog ni Cap," komento ni Miyu na parang teenager sa ngiti.
Nalukot ang mukha ni Elijah, "What the fuck, don't tell me sa akin hindi ka kinikilig?"
"Minsan lang," biro ni Miyu sabay umirap sa hangin.
"What? Minsan lang? Are you kidding me?!"
Patuloy na nag-asaran ang magkakaibigan habang nanatiling nakatingin si Night sa pintuan kung saan lumabas si Lexine at Miguel.