SA MGA SUMUNOD na araw ay isa-isa nang lumuwas ang bawat angkan at lahi na sasama sa pakikipaglaban. Naging headquarters nila ang Black Phantom. Pansamantalang pinasara ni Elijah ang operation ng club lalo na at dito rin ginaganap ang pagte-training at paghahanda ng bawat isa sa nalalapit na malaking digmaan.
Sa tulong ni Orgon at Eros, sila ang naging trainer ng lahat. Si Orgon sa combat at weapon tactics habang si Eros naman sa pag-gamit ng mahika. Si Elijah ang bumubuo ng strategies, game plan at pagdating sa mga hightech technology na magagamit ng lahat. Nakahanda na rin ang buong security team ng Black Phantom.
Si Miyu at Olive ang namumuno sa pagsasanay sa mga kababaihan, habang punong abala si Madame Winona at Devorah sa paglikha ng mga potion na maaring inumin ng lahat na makakadagdag sa kanilang lakas at resistensya sa darating na digmaan. Syempre, ang buong pamilya Dela Fuentes na siyang pinakamalaking lahi ng mga Babaylan, ang magiging medical team ng buong hukbo.
Iyon nga lang, hindi maiiwasan ang malaking alitan sa pagitan ng mga bampira at werewolves. Madalas na nagiging personal ang sparring ng mga ito at nauuwi sa malaking gulo.
Buti na lamang at nakikinig sila sa oras na pumagitna na si Lexine. Pinakiusapan niya ang dalawang panig na magkasundo. Tila isang anghel na bumaba sa lupa, napasunod niya ang mga ito.
Kasalukuyang nakikapag-sword sparring si Lexine kay Olive nang mapansin niya si Elijah at Miyu na sabay na umalis ng training area. Hindi nakaligtas sa mata niya ang nababahalang mukha ng mga ito. Nagtaka si Lexine at agad nakakutob nang hindi maganda.
Ginala niya ang mata sa training area, nawawala rin si Eros at Devorah. Saan sila nagpunta?
Nagpaalam muna siya kay Olive na magpapahinga sandali. Lihim niyang sinundan si Elijah at Miyu. Nakita niya ang mga ito na pumasok sa office ni Elijah sa dulo ng second floor kung saan ito madalas tumambay. Parang pusa sa gaan ang mga paa niya at maingat na dumikit sa gilid ng nakauwang na pinto. Naiwan nila itong bukas.
Sumilip si Lexine sa loob. Nagulat siya nang makita na nandoon din si Eros at Devorah. Nakabukas ang maraming computer screen pero mayroon silang isang particular na screen na pinagtutuunan nang pansin.
Bakit nagmi-meeting sila nang hindi siya kasama?
"Wala na siya sa Bacolod, he's at Davao City now," sabi ni Elijah.
Nahigit ni Lexine ang hininga. Ano 'to? Matagal nang alam ni Elijah kung nasaan si Night? Pero bakit sa tuwing tinatanong niya ito ang palaging sinasabi sa kanya ni Elijah ay hindi nito nata-tracked ang nobyo niya? All this time ay nagsisinungaling ito sa kanya? Hindi lang si Elijah kung hindi lahat ng mga kaibigan nila.
"How long he has been at Davao?" tanong ni Eros.
"Just an hour ago," sagot ni Elijah.
"Kung ganoon, pwede pa natin siyang maabutan kung kikilos na tayo ngayon," suwestiyon ni Miyu.
"You stay here Miyu, kami na lang ni Elijah ang pupunta," sabi ni Eros.
"Pero baka hanapin kayo ni Lexine, dapat isa inyo ang mag-stay dito," giit ni Miyu.
Hindi na nakapag-tiis si Lexine, hindi siya papayag na hindi siya kasama sa paghahanap kay Night. Agad niyang binuksan ang pinto at nagulat ang apat nang makita siya.
May matinding pagtatampo sa mga mata niya, "Where's Night? Why are you guys hiding this to me?"
Walang nakasagot sa kanila. Lumipat ang tingin ni Lexine kay Elijah na namumutla habang nakaupo at tinatakpan ang computer screen. Agad siyang naglakad papasok pero mabilis na kumilos ang tatlo at hinarang ang mga sarili sa tinitignan nila.
Lalong nagsalubong ang dalawang kilay ni Lexine, "Ano ba ang tinatago niyo? Bakit hindi niyo sinasabi sa akin na nata-tracked niyo si Night?" tumaas na ang boses niya.
"Ah… Lexine, ano kasi…" hindi makasagot nang maayos si Elijah.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Lexine at mabilis na humakbang sabay hinawi ang tatlo. Wala na silang nagawa nang tinulak ni Lexine si Elijah at bumungad sa kanya ang tatlong magkakadikit na flat screen.
Nanlaki ang mata ni Lexine sa mga nakita. Dahil compilation ito ng mga pictures at videos na kuha mula sa mga cctv. Pero ang higit na kinabigla ni Lexine dahil sa loob ng mga footage ay pinapakita ang walang awang pagpaslang ni Night sa iba't ibang inosenteng buhay. Tila isa itong baliw na nilalang na hayok na hayok pumatay.
May mga sinunog itong establishments, ni-rampage na mga underground societies and organizations at maging mga inosenteng mamamayan ay hindi nito pinatawad. Puro dugo at kamatayan ang nakikita ng mga mata ni Lexine. Mabilis na binalot ng lamig ang kanyang buong katawan.
Hindi na nakikilala ni Lexine ang lalaking napapanood niya sa screen. Napatakip siya ng kamay sa bibig nang makita sa isang footage si Night na walang awang pinugutan ng ulo ang grupo ng mga batang warlocks.
"Ano 'to? Ano'ng nangyayari? Bakit 'to ginagawa ni Night?" hindi na niya napigilan ang mga luhang pumatak sa kanyang mata.
Namumutlang humarap sa kanya si Elijah, "I'm sorry Lexine. We're just worried about you sa oras na malaman mo kung ano ang ginagawa ni Night. He's a mad man now Lexine, he's not himself anymore."
Panay ang pag-iling ni Lexine. No, hindi siya naniniwala na magagawa ni Night na pumatay ng mga inosente nang walang dahilan.
"Hindi si Night 'yan!" turo niya sa screen.
"Lexine, ilang araw ko nang tina-tracked si Night. It's really him. Whatever or whoever is controlling him, ito na ang nangyayari kay Night. This is the cursed of the fruit of sin. He's dangerous Lexine. Mapapahamak ka sa oras na lumapit ka pa sa kanya," paliwanag ni Elijah.
"Elijah is right Lexine, nakita mo naman kung paano tayo lahat sinaktan ni Night. He had changed Lexine," dugtong ni Eros.
Hindi naniniwala si Lexine, patuloy ang pag-iling niya habang matalim ang mata sa bawat isa, "How can you say that to him? Kaibigan natin ang pinag-uusapan natin dito. You all know Night will never do these things!" natahimik ang bawat isa.
Alam naman nila ang bagay na iyon, ngunit, hindi din nila isinasawalang bahala ang katotohanan na mapanganib si Night at kahit sino sa kanila ay maaring mapahamak.
"Hindi ko susukuan si Night, he needs our help. Elijah, I want to see him."
Mabilis ang pagtutol ng bawat isa lalo na si Miyu. Pinigilan nito si Lexine sa braso, "Lexine listen, delikado na si Night. Maaari ka niyang saktan naiintindihan mo ba? Hindi namin hahayaan na may mangyaring masama sa'yo."
"Hindi ako sasaktan ni Night. I trust him, please I need to see him. Kakausapin ko siya. Kailangan natin siyang tulungan. Nakikiusap ako sa inyo…" pagsusumama ni Lexine sa mga kaibigan.
Nagpalitan nang tingin ang bawat isa na tila nag-uusap sa mga mata. Pinagmasdan ni Elijah ang nakikiusap na mga mata ni Lexine. Matapos ang ilang minutong katahimikan, napabuntonghininga si Elijah.
"Fine, I'll be with you then. Maiwan kayo dito, kailangan may magbantay sa lahat."
Napangiti si Lexine, "Thank you Elijah."
"Teka lang hindi ako papayag na wala ako. Sasama ako. We need extra hand, Night is dangerous. Mahirap na."
Tinaas ni Elijah ang dalawang kamay, "Okay fine, Eros and Dev. Kayo na muna ang bahala dito. We'll use my private jet going to Davao."
"Sasama rin ako."
Sabay-sabay silang napalingon sa pinto. Nandoon nakatayo si Cael na sumanib sa katawan ni Ansell, "Kailangan kong masiguro ang kaligtasan ni Lexine, kaya sasama ako."
Tumungo si Lexine, "Kung ganon. Tara na."