Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 213 - Broken trust [1]

Chapter 213 - Broken trust [1]

GAMIT ang malakas na kapangyarihan ng mahika ni Eros. Nilagyan nila ang espada ni Lucas ng protection spell upang maitago habang nag-hahanap sila nang paraan kung paano ito masisira. Patuloy na naghahanap si Miyu and Winona ng ritual na maaring makatulong sa kanila.

Lumipas ang mga araw at patuloy rin ang bawat isa sa pakikipag-ugnayan at kausapin ang mga pinuno ng bawat angkan at lahi sa iba't ibang panig ng mundo upang makipagkaisa sa kanila. Marami na silang nakausap mula sa mga bampira, werewolves, sorceress at iba pang entities na makiisa sa kanila. Kung marami ang takot kay Lucas, mas marami din ang nagnanais na tuluyan itong pabagsakin.

Humigit isang oras nang nakatayo si Lexine at nag-aantay sa labas ng employees exit pero wala pa rin si Night. Ang pinagtataka niya ay hindi ito sumasagot sa mga tawag niya. Alam naman nito kung ano ang oras ng tapos ng shift niya.

"Where are you Night?" Nababahala niyang tinignan ang cellphonen. Nakasampung tawag at text na siya pero wala itong sagot.

Muli tuloy niyang naalala ang mga sinabi ni Miyu tungkol sa posibilidad na may ibang babae si Night. Ayaw na sana niyang isipin ang bagay na 'yon dahil malaki ang tiwala niya sa nobyo pero sa paglipas ng mga araw ay mas napapansin niya ang mga pagbabago sa kilos ni Night.

Nagiging bugnutin din ito, minsan pa nga siya nitong sinigawan dahil lang sa maliit na bagay. Madalas din silang magtalo nitong mga nakaraan. Hindi na niya alam kung ano ang dapat isipin at paniwalaan.

"Alexine…"

Paglingon ni Lexine sa likod hindi niya inaasahan kung sino ang makikita.

"C-cael?"

Ngumiti ito. Nanlaki ang mata ni Lexine at mabilis itong tinalon nang yakap. Sobrang tuwa niya na makita itong muli.

"Alexine!"

"Cael! Oh my God, hiniram mo ba ulit ang katawan ni Ansell?" agad niyang tanong matapos itong yakapin.

"Oo, kusang loob na pinahiram sa akin ni Ansell ang katawan niya dahil may kailangan akong sabihin sa'yo," sumeryoso ang muka nito.

Kinabahan si Lexine, "A-ano 'yon?"

Hinatak siya ni Cael sa mas tagong lugar upang makapagusap sila nang pribado, "Alexine, sa susunod na full moon, magaganap ang digmaan na pinaplano ni Lucas."

Napasinghap nang malakas si Lexine, "Isang lingo mula ngayon ang full moon."

Nasa mukha ni Cael ang labis na tensyon, "Kaya kailangan natin maghanda. Bababa ang buong hukbo ng mandirigmang mga anghel, pinanghahandaan na rin namin ang lahat."

Hinawakan siya ni Cael sa magkabilang balikat at tinitigan nang mabuti sa mga mata na may nababahalang emosyon, "Mas malaki pa ang digmaan na ito kumpara sa digmaan natin sa hukbo ni Lilith. Napakarami nang pumanig kay Lucas."

"Alam ko, pero ginagawa na rin namin ang lahat upang humanap ng sapat na tulong. Marami na din ang nakipag-isa sa atin upang lumaban kay Lucas. Isa pa…"

Nilapit ni Lexine ang mukha kay Cael, "Nasa amin ang espada ni Lucife—Lucas."

Nanlaki ang mata ng anghel, "Paano…"

"Mahabang kwento pero nag-hahanap na rin kami nang paraan upang sirain ito nang sa ganoon hindi na ito magamit ni Lucas sa mga plano niya. Baka alam mo kung paano, Cael."

Saglit na nag-isip si Cael, "Pagbalik ko sa Paraiso ng Eden agad akong lalapit sa mga pinuno naming Arkanghel upang makahanap nang solusyon paano natin masisira."

Napangiti si Lexine, "Salamat Cael."

"Basta mag-iingat ka palagi Lexine,"maingat na hinimas nito ang magkabila niyang pisngi, "Masaya akong makita kang muli."

"Masaya rin ako makita ka Cael," matamis siyang ngumiti.

Hindi na nakarating si Night kung kaya't nagpahatid na lang siya kay Cael at ginamit nila ang kotse ni Ansell. Nakarating sila ng Black Phantom matapos ang halos kalahating oras na byahe.

"Dito ka muna, tatawagin ko lang sila," sabi niya kay Cael na naiwan sa sala. Ngumiti ito at tahimik na umupo sa sofa.

Napakatahimik ng buong presidential suite. Dahil mahigit five hundred square meters ito na maraming kwarto sa loob, inisip ni Lexine na baka nasa kwarto sila Elijah at ang iba pa.

Naglalakad siya patungo sa kwarto ni Elijah nang makarinig siya ng ingay sa dulong kwarto ng hallway sa kaliwa niya. Sa kanan dapat syla liliko pero nakuha ang atensyon niya. Bahagyang nakauwang ang pinto nito at bukas ang ilaw.

Dahan-dahan naglakad si Lexine nang marinig niya ang boses ni Night. Ibig sabihin nandito lang ito? Nakalimutan ba nitong sunduin siya? Napakunot agad ang noo niya at bigla siyang nanlamig nang marinig na may kausap itong pamilyar na boses ng babae.

"Night… malalaman at malalaman ito ni Lexine, dapat ipagtapat na natin sa kanya ang totoo," napatakip nang bibig si Lexine nang makilala niya kung sino ang nagsalita.

Related Books

Popular novel hashtag