LUMIPAS ang oras at naparami na nang inom ang lahat. Natulog na ang dalawang bata na si Sandy at Sevi kasama ng mga magulang nila. Ganoon din si Winona na nagpahinga nang maaga sa hotel room. Naiwan sila Night, Lexine, Elijah, Eros, Devorah, Miyu, Ansell at Brusko. Kasalukuyang masarap ang kantahan nang lahat habang nakapalibot sa bonfire. Si Ansell ang tumutugtog ng gitara.
"Sa ilalim nang puting ilaw… sa dilaw na buwan…"
Jamming ang lahat dahil bawat isa ay may tama na ng alak kaya naman malakas na ang loob kumanta higit si Elijah na umaawit pa with feelings.
"Pakingan mo ang aking sigaw… sa dilaw na buwan!" ginagaya pa ni Eljah ang style ng kanta ni Juan Karlos at feeling rockstar, "Saaaaaaaaa ilalim nang puting ilaaaaaaw!"
Tawa nang tawa ang lahat dahil halos lumuhod na si Elijah sa buhangin para lang maabot ang mataas na nota.
"Cupcake, yosi lang ako," paalam ni Night.
"Sige," sagot ni Lexine. Hinalikan siya ni Night sa labi bago tumayo at kinuha ang pakete ng sigarilyo sa bulsa.
Nagtungo si Night sa madilim na parte ng beach front at doon nagsindi ng isang stick ng sigarilyo. Tahimik niyang pinagmamasdan ang puti at bilog na buwan sa madilim na kalangitan habang naririnig ang malakas na hampas ng alon habang nilalasap ang init na dala ng yosi sa kanyang baga.
"Nakakatampo naman, hindi ako invited.
Mabilis na pumihit si Night sa likuran at natagpuan ang batang lalaki na nakapamulsa at nakatayo sa buhangin.
Nagtigas ang bagang niya.
"You forgot about me? I'm hurt," nag-pout si Santi.
Dumilim ang mata ni Night, "What are you doing here?"
Santi smiles mischievously, even in the dark Night can see the flickering of his round eyes. It shows complete danger.
"I'm just here to remind you… lahat ng utang ay may kabayaran Night. You sold your soul to the fruit of sin. You have to face the consequence."
Nanigas si Night sa kinatatayuan at mahigpit na nagkuyom ang isang kamao.
Naglakad palapit si Santi. Tumingala ito sa matangkad na prinsipe ng dilim. Amoy na amoy niya ang takot na nararamdama nito. He can't help but to feel giddy. Ths is going to be another exciting game for him.
"I'll see you again… Grim Reaper."
Isang nakakakilabot na ngiti ang binigay ni Santi kay Night bago ito naging usok at naglaho sa hangin.
"Night!"
Halos mapatalon si Night sa gulat nang makita si Lexine na nakatayo sa kanyang likuran. Napalunok siya nang madiin, narinig ba nito ang usapan nila?
Nakakunot ang noo nito, kinabahan siya nang husto.
"Are you okay? Ang tagal mo kasing bumalik."
Nakahinga siya nang maluwag. Tinapon na niya ang stick ng sigarilyo na hindi man lang niya naubos at naglakad palapit sa nobya.
"Yeah, I'm okay. Let's go back."
Pinulupot ni Lexine ang braso sa bewang niya at sabay na silang naglakad pabalik sa mga kasama. Hindi maiwasan ni Night na lumingon sa likod at isang malaking pangamba ang iniwan sa kanya ng mga salita ni Santi.
Hindi maaring malaman ni Lexine ang tungkol sa kasunduan nila ni Santi dahil siguradong mag-aalala ito. Kailangan niyang harapin nang mag-isa kung ano man ang kabayaran na hihingin ng Dragon ng Kadiliman.
**
KASALUKUYANG pinaliliguan ng magagandang babaeng alipin ang kanilang panginoon habang nakababad ito sa malaking bathub. Humahalimuyak ang bango ng Lavender at Lotus flower na humahalo sa mainit na tubig. Kabilaan ang nagkukuskos sa braso, balikat at likuran ng makisig na lalaki.
Di nagtagal at lumitaw ang itim na usok at humarap ang isang alagad na nagtatago sa itim na balabal. Lumuhod ito at yumuko.
"Panginoon, nagawa ko na po ang ipinag-uutos niyo. Ngayon ay tinutupok na nang malaking sunog ang buong tribu ng 'Mutawi'. Siguradong di magtatagal at magmamakaawa na ang kanilang pack-leader at lalapit sa inyo upang makipag-isa."
Napaismid si Lucas, "Masyadong matigas ang bungo ng mayabang na lobo, tignan lang natin kung hanggang saan. Ano pa ang balita na hatid mo?"
"Kasalukuyang nagkakasiyahan ang Nephilim at Tagasundo kasama ang kanilang mga kaibigan sa La Union."
Sumandal si Lucas sa gilid ng bathub at pumikit habang nilalasap ang sarap nang haplos ng alipin sa kanyang dibdib, "Hayaan lang natin silang magdiwang dahil hindi magtatagal at mawawalan na sila ng panahon na mag-saya."
Gumuhit ang nakakakilabot na ngiti sa labi ni Lucas, "Maari ka nang umalis."
"Salamat Panginoon," at naglaho sa itim na usok ang alagad.
Di nagtagal at tumayo na si Lucas mulas sa bathtub. Lumitaw ang hubad ngunit, napakakisig niyang katawan sa harapan ng mga babaeng alipin. Kinuha ng isang alipin ang itim na silk bathrobe at inalalayan siyang magsuot.
"Iwan niyo na kami," utos niya.
Nagmadaling umalis ang mga alipin. Naglakad siya patungo sa lamesita sa gilid at nagsalin ng gintong alak sa kanyang baso bago sinimsim ang pait niyon.
"Ang ganda ng mga alipin mo, pahingi naman ako ng isa," mula sa madilim na parte ng silid lumitaw ang batang si Santi.
"Kunin mo na silang lahat," sagot ni Lucas. Hinarap niya ang dragon na nagtatago sa katawan ng bata.
Naglakad si Santi at umupo sa couch. Pumitas ito ng grapes na nakapatong sa coffee table at sinimulang kumain. Nagsalita ito kahit may laman pa ang bibig, "Di magtatagal at papasok na sa katawan ni Night ang kapangyarihan."
Napaismid si Lucas at tumingin sa malayo.
Nagpatuloy si Santi sa pagkain ng grapes, "His soul is now tied in my hands. Hawak na natin siya sa leeg. Sinunod ko na ang gusto mo. Baka pwede ko nang makuha ang pabuya ko."
"Makakaasa ka na ibibigay ko sa'yo ang napagkasunduan natin," sagot ni Lucas at muling sumimsim ng alak, "Hindi na ako makapag antay na maisakatuparan ko ang aking mga plano."
Tumawa ang maliit ni tinig ng bata, "Sana lang ay sa pagkakataon ito magtagumpay ka na Lucifer…"
Dumilim ang mata ng hari ng kadiliman dahil sisiguraduhin niya na magbubunga ang matagal na panahon na paghihintay niya. Sa pagkakataong ito, makukuha niya ang buong mundo at walang makakapigil sa kanya. Kahit pa ang pinagmamalaki nilang Bathala.