Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 189 - Future with you [1]

Chapter 189 - Future with you [1]

"GOOD MORNING CUPCAKE," nagising si Lexine dahil tinadtad siya ni Night nang halik sa buong mukha. Wala na atang gustong itira na hindi nito mahahalikan.

Hindi pa man tuluyan naididilat ang mga mata niya ay malaki na ang kanyang ngiti, "Good morning," she softly whispered and opened her eyes.

Ang gwapong mukha ni Night ang una niyang nasilayan, gulo-gulo pa ang buhok nito at naniningkit naman ang mga mata.

"I want my every morning to be like this," malambing na hinaplos ni Night ang mukha ni Lexine. She's even prettier in the beginning of the day. Without make up, still sleepy and messy hair. Indeed, such an exquisite beauty.

"I had the best sleep of my life," Night sexily whispered with his husky morning voice.

Lexine can't help but smile. Kung ganito ba naman ang bubungad sa umaga niya araw-araw excited siyang gigising.

"Me too," she said.

Binaba ni Night ang mukha at binigyan siya nang mainit na halik tapos ay tinitigan sa mga mata. His beautiful brown eyes were sparkling with bliss of joy. Her heart flutters.

"Stay with me Lexine. Sa akin ka na tumira, let's live together."

Saglit na nag-hang ang utak ni Lexine, akala niya nanaginip lang siya at napakurap-kurap pa. Nang marealized niyang totoo ang narinig. Natigilan siya at napalunok ng madiin. Hindi niya inaasahan na bibiglain siya ni Night nang ganoon.

Teka lang naman at hindi pa siya handang makipag-live in. Hindi pa nga siya tapos ng college, jusmiyo! At siguradong malilintikan siya sa Papang niya sa oras na malaman nitong titira siya sa iisang bubong na kasama ang nobyo. Ni hindi pa nga niya naipapakilala ng maayos si Night sa pamilya niya.

Sa pangalawang lifetime niya bilang si Sammie, na-adapt na ni Lexine ang pagiging probinsyana. Lalo na at old school ang pagpapalaki sa kanya ng parents niya.

"N-night, masyado pa atang maaga para dumating tayo sa ganon," aniya nag-aalinlangan.

Kumunot ang noo ni Night, "What? You don't want to live with me?" anito sa nagtatampong tono.

"Hindi naman sa ayaw pero… twenty-one pa lang ako Night, I'm still in college, hindi ko pa nga nasasabi kela Mamang at Papang na may boyfriend ako. Siguradong hindi sila papayag na makipag-live in ako," paliwanag niya.

Halata sa mukha ni Night ang pagkadismaya, "That's not a problem, then I'll talk to them. Hihingin ko na ang kamay mo sa kanila."

Mas lalong nagulantang ang brain-cells ni Lexine. This is even worst! Ang aga-aga pero nai-stress na agad siya.

"A-anong hihingin ka diyan! Night 'wag ka ngang magbiro."

"I'm not joking Lexine, I'm deadly serious. I want to marry you and we will have our own family. Don't tell me that until now you're still not sure with us?" tinitigan siya nito sa mga mata nang hindi kumukurap. Mas lalo tuloy siyang na-pressured.

Napahugot ng malalim na hangin si Lexine, "Hindi naman sa ganon Night. I mean… masyado pang maaga, masyado pang mabilis."

Hindi makapaniwala si Night sa naririnig, panay ang pag-iling nito at halata na sa mukha ang iritasyon, "Mabilis? Lexine doon din naman tayo pupunta? Ano'ng mabilis doon?"

Napahawak si Lexine sa sintido at bumangon na sa kama upang umupo nang maayos. Pinangtakip niya ang puting kumot sa hubad na katawan. This is so frustrating for her. She still has a lot of things she wanted to do and having a family is the last in her priorities. Hindi pa nga niya naiisip ang bagay na 'yon! Lalo na ang live in!

"Night… I still want to finish college first, gusto kong mag-apply sa isang advertising company, I wanted to pursue my passion in writing and publish my own books. Gusto ko ako na ang magpapa-aral sa mga kapatid ko kasi matanda na ang parents ko kaya dapat magretiro na sila anytime soon. Ang dami ko pang gustong gawin."

She saw the deep hurt in his eye and her heart compressed tightly.

"Nasaan ako sa mga plano mo Lexine? Ikaw, lahat ng pangarap na binuo ko kasama ka," hindi na maitago ang matinding pagdadamdam sa boses ni Night.

He felt sad by her words. Pakiramdam niya hindi siya ang priority ni Lexine. Samantalang handa niyang ibigay dito ang buong mundo. Hinding hindi na siya papayag na magkahiwalay pa sila. Kung pu-puwede lang ay pakakasalan na niya ito ora mismo. Pero ano itong mga naririnig niya? Naiinis na umiwas siya ng tingin.

Hinawakan ni Lexine ang magkabilang pisngi ni Night at pinilit itong humarap sa kanya kahit umiiwas pa ito, "Night naman, please, initindihin mo naman ako. Ako na lang ang aasahan ng pamilya ko."

"Then I'll take care of your family. I can send your siblings to any univesity they want. Kahit sa Harvard pa 'yan Lexine, you don't have to worry about your parents in Bicol, I can give them millions for their retirement sabihin lang nila kung magkano ang kailangan nila," sunod-sunod na sabi ni Night.

Tuluyang napanganga si Lexine sa mga naririnig mula sa binata, hindi niya nagugustuhan ang mga 'yon.

"You don't need to work Lexine. I can provide everything you need. I'll give you the best of both worlds. I know a lot of CEO's from the top publishing companies in New York. I'll talk to them to publish your book. You see, wala ka nang dapat isipin pa Lexine. I promise that I'll be a good husband and a father to our children."

Natulala sandali si Lexine tapos ay natawa nang mapait, gusto man niyang matuwa sa mga naririnig kay Night pero iba ang nararamdaman niya.

"Lahat ng mga sinabi mo gusto mo. Paano naman ang gusto ko?"

"Para lahat sa'yo 'yon Lexine!" tumaas na ang boses ni Night.

She can't believe this. Hindi na rin niya napigilan ang inis na mabilis na namuo sa kanyang dibdib. Paano naman siya? Paano ang pangarap niya? Ano bubukaka na lang siya gabi-gabi at si Night na ang bahala sa lahat? That's not the kind of life she wanted.

On her first life time as Lexine she was provided with everything at nabuhay siya ng marangya. But her life as Sammy is the exact opposite. Lumaki siya sa probinsya, sa simpleng pamilya, natuto sa mga gawaing bahay higit ang maging madiskarte sa buhay. She was able to taste the sweet and bitterness of life.

Alam ni Lexine na hindi na magiging katulad ng dati ang lahat, hindi na magiging tahimik ang buhay niya na tulad ni Sammy. Marami siyang panganib at laban na dapat kaharapin. Pero gusto niya pa ring mabuhay at maranasan na maging normal. She still wants to live her life the way she dreamed it to be. She wants to have full control in everything. Pati ba naman 'yon ay hindi na pwede?