NAHIHIYA na bumaling si Lexine sa lahat ng mga kasama niya sa silid. Tumikhim siya bago magsalita.
"Salamat sa inyong lahat. Sa mga tulong niyo para sa amin ni Night," buong sinsero niyang saad.
Malugod na ngumiti ang bawat isa.
"Anak, basta para sa iyo, handa kaming mag-abot ng kahit na anong tulong," nakangiting sabi ni Winona.
"I'm very happy for both of you. Finally, you guys are together again," sunod na sabi ni Devorah.
"Thank you Devorah, Madame Winona," ani Lexine.
Sunod niyang tinapuan ng tingin si Miyu, "Thank you din lalo na sa'yo Miyu, ikaw ang nakaisip na gawin ang tamang ritual upang maibalik ang memories ko from my previous life as Lexine."
Buong proud na ngumiti si Miyu, syempre siya ang naka-unlock ng mysteries. Deeg niya pa ang nanalo sa lotto.
"The first time na nagkakilala tayo sa University, may nakita na akong flashes of images. I saw a girl jumped from a cliff, doon ako nagkaroon ng hinala na maaring connected si Sammie at Lexine. I had read some of the books about reincarnation," kwento ni Miyu.
"So its true, reincarnation is possible," komento ni Eros.
"Oo. Totoo nga dahil nangyari sa akin."
"But how?" tanong ni Ansell.
Tumayo si Lexine mula sa sofa at naglakad gitna ng sala, "Noong tumalon ako sa mata ng Samsara, may narinig akong boses. Tinanong niya ako kung ano ang hiling ko, sinabi ko na gusto ko ng isa pang chance na mabuhay ulit. Ang sabi sa akin ng mahiwagang boses… may tungkulin na kapalit ang ibibigay niyang buhay."
Sumeryoso ang lahat habang nakikinig sa mga kwento ng dalaga.
"Anong tungkulin?" kunot noong tanong ni Night.
Humugot ng malalim na hangin si Lexine at tumitig sa nobyo, "That I need to fight against evil, I need to stop the king of darkness."
Mabilis na nagtigas ang bagang ni Night at nagdilim ang mga mata. Marinig niya lang ang pangalan nito ay nag-aalab na ang galit niya sa dibdib.
Napasinghap nang malakas si Devorah, "You mean…"
Si Eros ang nagpatuloy, "Lucas."
"Oo," sagot ni Lexine, "Siya rin ang may kagagawan ng lahat nang pagtangka sa buhay ko mula noong ako pa si Lexine. Gusto niya akong gamitin sa mga plano niya, katulad nang pag-gamit niya kay Lilith."
"No! Hindi ako papayag," nangigigil na sabi ni Night.
"But how can we defeat him? Masyado siyang malakas. Walang kahit sinong nagtangkang kalabin si Lucas," nababahalang turan ni Devorah.
Mas bumigat ang tensyon sa pagitan ng lahat. Sang-ayon sila sa sinabi ni Devorah. Si Lucas ang pinakamapanganib na hari ng kadiliman na siyang pinakakinatatakutan sa buong underworld, higit pa sa prinsipe ng dilim o kanino man.
"I agree with Dev, lahat nang nagtangkang kalabin si Lucas ay hindi nagtagumpay. Walang makakatalo sa lakas niya," saad ni Elijah.
Hindi basta-basta ang kalaban na kailangan nilang harapin. Kaya kailangan nilang paghandaan nang mabuti ang digmaan na papasukin.
"We have the athame with us. We can use that to kill him," matatag sa saad ni Night.
Tumayo si Eros mula sa pagkakaupo, inalalayan ito ni Devorah. Lumapit siya kay Night at seryosong tumitig dito.
"Night… are you really sure that you will fight against Lucas? He's your father."
Patuloy sa paninigas ang mga panga ni Night at dahan-dahang sumulyap sa Warlock, "It doesn't matter even if we have the same blood. I never treat him as a father at hindi ako magdadalawang isip na patayin siya. I will never let him hurt Lexine."
Nahabag nang husto ang kalooban ni Lexine. Hindi niya gustong ang ideya na kakalabanin nila ni Night ang sarili nitong tatay, ngunit, hindi rin matatahamik ang buong mundo kung magpapatuloy si Lucas sa kasamaan nito.
Kailangan niyang gampanan ang tungkulin na ipinagkaloob sa kanya ng kapalaran. This is what God planned for her. She was born for this.
She was re-born again at sisiguraduhin niya na sa pangalawang pagkakataon na mabuhay hindi niya sasayangin ang pinagkaloob sa kanya ng Maykapal, gagawin niya lahat para tapusin ang kasamaan.
Para sa mga taong mahal niya at para sa buong mundo. Lalaban siya para sa pag-ibig.
Taas noo at buo ang loob niyang hinarap ang mga kasama.
"Ako ang Nephilim na itinakda ng propesiya, kaya ako ang tatapos sa kasamaan ng hari ng kadiliman."