HINDI PA RIN tumitigil si Night sa pagsigaw sa pangalan ni Lexine na umaasang naririnig siya nito.
Lumapit si Leonna sa kanya, nakasunod sa likod si Abitto, "Tagasundo, itigil mo na ang iyong pagsigaw, kailangan mo nang bumalik sa iyong mundo dahil hindi maganda na manatili ka dito nang matagal."
Naninigas ang panga ni Night nang lingunin niya ang ina ni Lexine, namumula na ang mata niya sa labis na pag-iyak maging leeg niya dahil sa patuloy na pagsigaw.
Umiling siya, "No! I won't come back until I find her," matatag niyang sagot.
"Wala na siya dito Tagasundo," giit ni Leonna.
"No! She's here, somewhere here… somewhere, I just need to find her, I just need to call her, she will hear me, she's here… Lexine is here…" aniya na tila nababaliw na. Sinasabunutan na niya ang sariling buhok habang hindi mapigilan ang patuloy na pagtulo ng mga luha. Nasasaktan siya dahil ang sakit na sakit na. Hindi na niya kinakaya ang lahat ng ito. Tuluyan na talaga siyang masisirain ng bait kung babalik siya sa mundo ng wala sa kamay niya si Lexine.
"Tagsundo, delikado na magtagal ka dito dahil baka hindi ka na makabalik," ani Leonna.
"Mas mabuti pa siguro na mamamatay na lang ako ng tuluyan kung hindi ko lang din makakapiling si Lexine."
Nabahag nang husto si Leonna sa narinig, panay ang pag-iling niya, "Makinig ka sa aking mabuti Tagasundo," dahan-dahan niyang hinawakan ang nanginginig na balikat nito. Nakayuko lang si Night habang nakaluhod at patuloy sa pag iyak.
"Kailangan mo nang bumalik sa totoong mundo mo, sigurado ako na gagawin din ni Lexine ang lahat upang muli kayong magkita, magtiwala ka lang sa kanya."
Bahagyang natigilan si Night at napalingon kay Leonna na lumuhod na rin sa kanyang tabi.
"Kung mananatili ka dito, paano mo siya mahahanap?"
"But she jumped there!" tinuro ni Night ang mata ng Samara, "Ngayon saan ko siya hahanapin kung—" natigilan si Night at napatingin sa higanteng ulap.
Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad palapit sa talampas.
Nabahala si Leonna sa iniisip nitong gawin..
"Tagasundo, ano ang gagawin mo?"
Tulala lang si Night sa nakakatakot na tanawin habang patuloy sa paghakbang, "She jumped there, I need to follow her," nawawala na ito sa sarili.
Nababahalang napalingon si Leonna kay Abitto. Nagmadali na rin lumapit si Abitto sa kanila at sinubukang pigilan si Night sa binabalak.
"Tagasundo, hindi iyan ang solusyon! Maari kang mawala at mapunta sa ibang lugar sa oras na tumalon ka sa mata ng Samara!" Sigaw ni Abitto.
Pero tila walang naririnig si Night at patuloy sa paghakbang hanggang sa maabot niya ang pinakadulo ng talampas. Tumatama sa mukha niya ang malalaks na ihip ng hangin habang naririnig ang nakakatakot na tunog mula sa sentro ng mata.
"Tagasundo! Makinig ka sa amin! Pakiusap huwag mong gawin iyan!"
"Lexine… Lexine I'll follow you, just wait for me."
Pinikit ni Night ang mga mata at tinaas ang magkabilang braso habang nilalasap ang malakas na ihip ng hangin na tumatama sa buong katawan.
"Lexine… we'll see each other again."
At hinakbang niya ang kanyang mga paa.
"Huwag!"
**
YUMAYANIG na ang buong paligid habang pahina ng pahina ang pagbigkas ni Eros sa orasyon, mas lalong nagwawala ang mga kamay na usok sa katawan ni Night habang nagpapatay sindi ang ilaw sa kwarto. Tuluyan naman nagliyab ng napakataas ang mga apoy mula sa kandila.
"Lexine!"
Agad hinila ni Ansell ang babae kung hindi, ay muntikan na itong tamaan ng apoy.
"Night! Ano'ng nangyayari?" nababahala si Lexine sa mga nakikita, "Night!"
Sinubukan niyang lumapit subalit, pinipigilan siya ni Ansell, masyado nang mataas ang apoy halos natatakpan na nito si Night at Eros.
Nababahala ang lahat sa nakikita, magkahawak kamay si Winona at Miyu sa isang tabi, habang si Devorah na umiiyak na. Dinidikdik ang puso niya habang nakikitang nahihirapan ng husto si Eros. Nauubos na ang lakas nito sa ritual, maging ito ay maaring mapahamak.
Tuluyang bumigay ang katawan ni Eros at napaluhod sa tabi ni Night, subalit, patuloy pa rin ito sa pagbigkas ng orasyon at kumakapit hanggang sa huli.
"Eros!"
Nais sanang tumakbo papalapit ni Devorah ngunit maagap itong pinigilan ni Eliijah.
Masyado nang mataas ang mga apoy nakakagawa na ito ng sunog. Napalilibutan na si Eros at Night nang bilog na sunog.
"Night!"
"Eros!"
Dalawang babaeng nagsusumamo para sa dalawang lalaking kanilang iniibig.
Hanggang sa tuluyang naubos ang pinakahuling upos ng kandila, kasabay niyon ang tuluyang pagbagsak ng katawan ni Eros. Sa huling pagkakataon sumigaw ang nakakatakot na tunog mula sa usok na mga kamay na pumapalibot kay Night hanggang sa unti-unti silang naglaho. Namatay na rin ang mga apoy.
"Eros!" mabilis na tumakbo papalapit si Devorah at Elijah, agad niyang hinagkan si Eros na namumutla at nanghihina. Unti-unti itong nagmulat ng mata.
"I'm sorry, I tried to hold on pero hindi ko na talaga kaya," anito sobrang nanghihina. Malungkot na bumaling ito kay Lexine na tulala lang habang nakatingin sa katawan ni Night na ngayon ay payapa lang na nakahiga.
Hindi makapaniwala si Lexine, no this is not happening. Naghihikahos na gumapang siya palapit kay Night, kinuha niya ang patalim at tinangal ito sa dibdib ng lalaki. Bumagsak ang athame sa sahig.
Inaabangan niyang gumaling ang sugat nito sa dibdib, o dumilat ang mata nito o kumilos kahit dulo ng daliri ni Night pero walang nangyari.
Tuluyan siyang humagulgol.
"No… no… Night! Night gumising ka! Night! Please!" inuga niya ang katawan ni Night, tinapik ang mukha, pinalo niya ito sa dibdib pero wala pa rin.
Nanginginig ang mga kamay na hinaplos niya ang mukha nito habang hindi na siya makahinga sa labis na bigat ng batong nakadagan sa kanyang dibdib.
"Night… I love you so much please come back to me," tuluyang pumatak ang mga luha niya sa mukha nito.
Hinagkan ni Lexine ang katawan nito at patuloy na humagulgol. Nangibabaw sa nakabibinging katahimikan ang maliliit niyang paghikbi habang nakasubsob sa dibdib ni Night at umiiyak.
Malungkot ang lahat sa sinapit ng prinsipe ng dilim
"Night… I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry…"