"LEXINE!!! LEXINE!!! LEXINE!!!" Ilang beses nang sumigaw si Night pero ume-echo lang ang boses niya sa kawalan. Natatanaw niya ang higanteng mata ng Samsara mula sa dulo ng talampas subalit, kahit anong bakas ni Lexine ay wala siyang makita.
Humihingal na lumuhod si Night habang hindi na mapigilan ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata.
"Where are you Lexine? Please come back to me," bulong niya sa pagitan ng paghikbi. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin at kung saan niya pa hahanapin si Lexine. Nadudurog ang puso niya dahil masyadong malupit sa kanila ang tadhana.
Lexine is the only one he wants to have in this world but why does the fate is punishing him? Torturing him into pieces. Slowly breaking his body limb by limb. Tearing his heart and cutting all its veins, likes there's a chain made of thorns writhed around it and now his chest painfully hurts.
Because it damn really painful. Everything hurts so much.
"Lexine please… where are you? please, come back to me. I love you so much."
Malungkot na nagmamasid si Leonna sa binata, nadudurog ang puso niya sa nakikita. Naalala niya pa kung gaano din naging malupit ang tadhana sa pag-iibigan nila ni Daniel noon at higit na masakit sa kanyang pati ang kanyang anak ay pinagmalupitan din ng pag-ibig.
Nanalangin siya na kung nasaan man naroroon ang kanyang anak, sana ay nakaligtas ito.
Muli, ay sumigaw si Night sa kawalan at nagbabakasakaling makarating ang mga pagtawag niya kung saan parte man ng mundo naroroon ngayon si Lexine.
***
(Flashback)
PATULOY na nahuhulog sa tila walang katapusang kawalan si Lexine. Naaalala niya ang ganitong pakiramdam, katulad ito noong gabing namatay siya. Nararamdaman niya ang mabilis na hangin na humahampas sa kanyang balat, mahapdi ito at malamig. Wala siyang ibang naririnig kundi ang nakabibinging dagundong ng mga kidlat at kulog. Nasa loob na siya ng mata ng Samsara.
Hindi niya sigurado kung gaano na siya katagal nahuhulog, basta patuloy lang siyang bumababa habang pinagigitnaan ng galit na bagyo at madidilim na ulap.
Ito na ba ang magiging kapalaran niya? Mawawala na ba siya sa kawalan at habangbuhay na lang na mahuhulog?
Umiikot sa alaala niya ang bawat taong naging parte ng kanyang buhay, ang mga taong pinapahalagahan at minamahal ng lubos. Mula sa kanyang mga magulang, ang kanyang lolo, mga kaibigan at higit sa lahat ang lalaking nag iisang tinitibok ng kanyang puso. Si Night.
Lahat ng mukha at boses nila ay patuloy niyang inaalala.
Pinikit niya ang mga mata at taimtim na nagdasal sa kanyang isipan.
"Ama… kung ano man ang plano mo para sa'kin, ikaw na po ang bahala. Hindi po ako magsisisi na inaalay ko ang lahat sa inyong mga kamay, masaya po ako sa lahat ng bagay na pinagkaloob niyo sa akin, lahat ng ito ay nangaling sa inyo at kung lahat ng ito ay inyo ring babawiin, malugod ko po itong tatangapin."
Perhaps, this is her fate. God only knows and only God have all the power to turn everything in her life the way it supposed to be. If this is what God wanted for her, she will accept it will all her heart. She's surrending everything to him.
"Ano ang iyong nais aking anak?" Isang napakagandang boses ang kanyang narinig. Tila hinehele at hinahaplos ang kanyang buong pagkatao.
Pagdilat ng mga mata ni Lexine, wala na siya sa gitna ng nakakatakot na bagyo at mga kulog. Hindi na siya nauhulog, bagkus, nakahiga na siya sa pamilyar na lugar. Nararamdaman niya ang lamig at basa sa kanyang likuran. Dahan-dahan siyang bumangon.
Paano siya nakarating dito? She remember this place. The sky is still, it was mixed with a color of orange, purple and pink as the endless water mirrored the wonderful sky.
This is the place where Lilith brought her before. Its marvelous yet frightening beauty. The infinite view of the sky and water reflecting each other.
Ginala niya ang mga mata, saan nangaling ang boses?
"Ano ang gusto ko?" tanong niya sa sarili. Ano nga ba ang kanyang hiling? Ano ang isang bagay na gusto niyang makamit?
Patuloy na tumutulo ang luha niya habang iniisip ang isang bagay. Isang bagay na sinisigaw ng kanyang puso.
Tumingala siya sa kalangitan at sumigaw, "Gusto po nang isang pagkakataon! Just please give me one chance! Just please… one more chance…" tuluyan na siyang humagulgol habang nakatingin sa walang dulong kalangitan.
"Ang isang pagkakataon ay hindi basta-basta naiibigay sa lahat, subalit, tanging pusong may busilak na kalooban ang siyang magpapatunay na karapat dapat siyang muling pagbigyan."
Narinig niya muli ang napakagandang boses. Hindi niya alam kung saan ito nangagaling pero malinaw lahat ng kanyang pandinig.
"Anak… ang isa pang pagkakataon na ibibigay ko sa'yo ay may katapat na tungkulin, isang mabigat na tungkulin na iyong tutuparin."
"Kahit ano po, gagawin ko," sagot ni Lexine.
"Kung gayon anak, ihanda mo ang iyong sarili, dahil ang panibagong buhay na ipagkakaloob ko sa'yo ay may mahalagang papel na dapat mong gampanan. Tanging busilak na puso ang iyong magiging sandata laban sa hari ng kadiliman. Humayo ka anak, magpakatatag, at ipaglaban ang pagmamahal sa ating sanlibutan."
Tumungo si Lexine at tinangap ang lahat ng buong puso. Pinikit niya ang mga mata at tinangap ang tuluyang paglamon sa kanya ng nakasisilaw na liwanag.