Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 151 - Familiar feelings?

Chapter 151 - Familiar feelings?

NAMAMAYANI ang nakabibinging katahimikan sa loob ng private suite number two. Sa gitna ng king sized bed payapang nakahiga at natutulog si Sammie. Sa tabi nito nakaupo si Miyu, sa sala sa couch nakatambay ang isang magandang babae na may pulang buhok habang prenteng nakatayo naman ang Tagsundo sa isang sulok at taimtim na nakatitig sa dalagang natutulog. Malamig pa sa yelo ang mukha nito na hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon. Kanina pa pasimpleng nagmamasid si Miyu sa makisig na Tagasundo.

Kung titignan kasing mabuti––sa mga mata ni Miyu na matalas makaramdam––hindi nito maitatago ang kinikimkim na pag-aalala para sa kanyang kaibigan. Muling sumagi sa isipan niya ang mga nangyari kanina sa first floor. Habang nahahawi siya palayo kay Sammie, naaninag ng mata niya ang mabilis na paggalaw ng Tagasundo upang sagipin ang dalaga.

Bakit ganito na lang ito mag-alala para kay Sammie? Hindi ba't nobyo ito ni Lexine? O hindi kaya dahil sa magkamukha ang dalawang babae? Kanina ay nabanggit ni Sammie na may utang na loob ito sa Tagasundo. May nangyari ba sa pagitan ng dalawa? Lihim siyang na-eexcite sa mga susunod na magaganap. Sa oras na mapatunayan niya ang mga hinala ay para na siyang nanalo sa lotto. Who wouldn't want to unlock the missing puzzle?

`Di nagtagal at pumasok sa loob ng kwarto ang matangkad at maputlang lalaki, sa likuran nito nakasunod ang binatang sumagip kay Sammie. Mabilis na nanigas sa kinauupuan ang magandang babae sa couch habang nakatitig ito sa huli.

"Is she okay?" tanong ng matangkad na binata.

Pasimpleng pinagmasdan ito ni Miyu. Sobrang puti ng balat nito na maihahantulad sa nyebe. Alam na agad niya na isa itong bampira. It's only her third time to visit Black Phantom. And for those nights she already gathered enough information about the man behind the prestigious underground club. She never saw him before but words were all around. Hindi nga nagbibiro ang mga babaeng nakausap niya. The owner was indeed a walking sex with his sexy smile and charming gray eyes. His lips were thin and pink. Too thin for a man, she thought.

Napansin nito na nakatitig siya rito at sa gulat niya ay ngumiti ito. For a second, her mind suddenly stopped functioning. Her cheeks burned. What the hell, Miyu? Kailan ka pa naapektuhan sa mga magagandang lalaki? Pinilig niya ang ulo at tinaas ang isang kilay.

"Of course she's not. She almost got hit by a giant wolf. Ganito ba ka-lousy ang security niyo rito sa club? Hindi niyo kayang patulugin ang isang lobo?"

Nalaglag ang panga ni Elijah sa narinig. Mabilis na umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo. Teka nga, sino ba ang babaeng ito na may weirdong taste sa pananamit? At kung makapag-salita ay napakayabang. And she just insulted his security team. The nerve of this girl. Hindi ba nito alam na may sariling training academy ang Black Phantom in Russia at years kung magsanay ang mga securities niya?

But of course, he is a true gentleman. Pasalamat ito at babae ito kaya hindi niya ito papatulan. He tried so hard to calm his raging emotions. Be cool Elijah. Alam na niya ang ganitong style ng mga babae: kunwari masungit, kunwari tough pero sa bandang huli, isang ngiti niya lang at bibigay rin naman. Ha!

He flashed him his signature smile that has swooned down thousands of women in ages. "I'm really sorry for the incompetence of my security team," he said in a soothing tone. Voice that has made girls wet in their panties.

She narrowed her small eyes at him. "But I promise that I'll do my best to make sure your friend would be in a good state once she wakes up. Kung hindi mo natatanong, we have the worlds most powerful warlock and healers inside this room." Naglakad si Elijah at umupo sa couch sa gitna ng silid sabay tinuro si Devorah. "Devorah came from the Dela Fuentes family, I bet you heard about them. Sa angkan nila umusbong ang mga Babaylan."

That caught Miyu's full attention. Kaya pala may kakaiba siyang nararamdaman sa magandang babae. Sorcerres and Healers are somehow connected. Maganda rin ang samahan ng dalawang lahi. Unlike the Sorcerers who used their power to fight and protect themselves against enemies, Healers were harmless. They have a law that implies to use their power and knowledge only through helping people. Ang mga ito rin ang kilalang tagapangalaga ng kalikasan.

Nagpatuloy si Elijah. "And the man who'd helped your friend." Diniin pa nito ang salitang tulong na tila pinapaala sa kanya kung ano ang ginawa nito para kay Sammie. "He is Eros. The famous and notorious Warlock from the family of Gibbon."

Napasinghap si Miyu sabay napatayo mula sa pagkakaupo. Nanlalaki ang mga mata niya na tila nakakita ng artista. "Oh… my… God..." From a poker face bitched, she instantly turned into a fan girl.

Nakalimutan na niyang may iba siyang kasama sa loob ng silid. Parang bata na lumapit siya kay Eros. Her eyes were twinkling in so much admiration. Nawala na agad ang inis niya sa pasikat nitong entrance kanina. Sino ba ang hindi makakakilala sa Gibbon Family? They are the most powerful warlocks in the world. At ang makisig na lalaking ito ang kilalalang napakamakapangyarihang panganay sa apat na Gibbon siblings.

Noong bata pa si Miyu at nag-aaral ng agham ng mahika, ang ilan sa mga librong nabasa niya ang sinulat ni Eros Gibbon. This guy is a legend of all the Sorcerres and Warlock.

"I've read most of your books. I used them as my reference when I'm still learning how to use my powers," bulalas niya na parang estudyanteng namamangha kay Jose Rizal.

Eros on the other hand, can't help but to feel proud. "Thank you for reading my books. I hope I served you in some ways."

"Of course you do! So much!" Sa sobrang saya ni Miyu kulang na lang magpa-picture siya rito. "Could you please teach me more of your magic?"

Humalukipkip si Eros at hindi maalis ang malaking ngisi sa labi. What's the best way to please a man but stroke his ego? "Sure. I'll mentor you."

Miyu can't hold back herself anymore and shrieked like a teenager.

Pilit na tinatago ni Elijah ang ngiti sa mga labi habang pinagmamasdan ang babae. Hmm. Interesting girl.

Meanwhile, tahimik lang na nagmamasid si Devorah habang pasulyap-sulyap kay Eros. Ganoon din ang huli at sa tuwing nagtatama ang mata nila ay kumakabog nang malakas ang dibdib niya.

Si Night na nanatiling nakatayo at walang pakielam sa mga nangyayari ay taimtim lang na nakamasid kay Sammie at nag-aabang na magising ito. Kanina niya pa nilalaban ang kalooban na yakapin ang babae. Nang makita niya ito na muntik nang tamaan ng loob ay parang nalaglag ang puso niya sa takot.

Why does he feel so protective of her? He only had it to Lexine. Bakit ba masyado siyang naapektuhan sa dalagang ito? Ano ang ginagawa nito sa kanya at nasisiraan na siya ng bait?

Unti-unting nagmulat ang mga mata ni Sammie. Agad napatuwid nang tayo ang prinsipe ng dilim at natatarantang nilapitan ang dalaga.

Pagbukas ng mata ni Sammie ang napaka-gwapong mukha ni Night ang unang bumungad sa kanya. Sa `di maipaliwanag na dahilan ay kumabog ng ubod nang lakas ang dibdib niya na para bang mabibingi na siya. His beautiful brown eyes stared at her. They were comforting, they felt... innocuous.

Kanina halos magulantang ang buong sistema niya sa trauma na dinanas sa muntikang kapamahakan. Pero ngayong nasisilayan niya ang mukha ni Night bakit parang nalusaw ang lahat ng takot niya? She feels like these captivating eyes were the safest place in this world. Under his burning gazed her body feels warm and… serene?

"Night..." Her lips subconsciously whispered his name as if it had molded for it.

The way Sammie softly called his made Night's body wrapped in familiar sensations. Hindi na niya napigilan ang sarili. Tangina, nababaliw na siya! Hinagkan niya ng ubod nang higpit si Sammie. Sa wakas at maayos ang kalagayan nito. Unti-unti nang kumakalma ang puso niya nang sandaling maramdaman ang maliit nitong katawan sa ilalim ng kanyang bisig. This melting feeling he has yearned only eternity knows how long. She was a fire in the middle of the cold and infinite dark forest. She warmed him and provided him light to survive the loneliness.

"Don't you dare do that again you reckless girl. Pinapatay mo `ko sa pag-aalala sa'yo," Night said the words without even thinking. Basta kinokontrol na lang siya ng labis na emosyon.

Natigilan si Sammie. Dapat ay tinutulak na niya ito palayo sa kanya pero hindi nakikinig ang katawan niya. She wanted to keep feeling the heat of his hard body. It felt wonderful… it felt harmony in the middle of her chaotic mind. Isa siyang lamok, lamok na nahihipnotismo sa apoy nito at handa siyang masunog.

Dalawang pusong nalilito ngunit hinahanap ang init ng bawat isa. Sa sarili nilang mundo patuloy nilang nilalasap ang kapayapaan na dulot ng pagkakadikit ng kanilang mga balat.