NAHINTO sa pag-iyak si Sammie matapos marinig na bumukas ang pintuan. Pag-angat niya ng mukha ay sumalubong sa kanya ang isang napakagandang babae. Napatunganga siya dahil pakiramdam niya bumaba ang isang anghel mula sa langit. Malumanay itong ngumiti at dahan-dahang lumapit sa kanya. Inalalayan siya nitong makatayo mula sa pagkakabaluktot. Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang mukha niya. Napasulyap siya sa salamin sa gilid ng silid at natigilan sa itsura niya. She was a complete mess. Gumuhit ang maskara niya sa ilalim ng mata at magang-maga ang ilong niya habang nagmukhang pugad ng ibon naman ang buhok niya.
"My name is Devorah, I'm a friend of Night and Elijah. I believe you're Sammie?"
Nanuot sa ilong ni Sammie ang mamahalin nitong pabango. She smells like wood and after rain. Sophistication was wrapping her like she was born with it. She has green eyes, so deep she felt as though she was looking at a deep dark forest. Her hair was akin to lava flaming in the dark. Her silver and glittered dress fitted perfectly on her hourglass-shaped body. She's a living Goddess. Nahiya tuloy siya sa itsura niyang parang basahan.
"Ako nga," aniya pagkuwan.
Tinulungan siya ni Devorah na mag-ayos ng sarili. Pinaghanda pa siya nito ng warm bath. Habang nagbababad sa bathtub, iniisip ni Sammie ang mga nangyari sa pagitan nila ni Night. Ang buong akala niya ay tuluyan na niyang isusuko ang pinakaiingatan niyang puri sa lalaking hindi niya kilala kapalit ng pera. Sa sobrang emosyonal ni Sammie, hindi na siya nakapag-isip pa nang tuwid. Basta ang umiikot lang sa diwa niya ay ang kaligtasan ng kanyang Papang.
Hindi niya makalimutan ang lamig at dilim sa mga mata ni Night. Nabasa niya roon ang nag-aapoy nitong pagnanasa na makuha siya nang mga sandaling iyon. Sa totoo lang, `di niya alam kung mas napabuti ba na niligtas siya ni Night sa kahihiyan kapalit nang paglantad ng buong pagkatao niya sa harapan ng lalaki.
Nilubog ni Sammie ang kalahati ng ulo sa tubig. Ano na ngayon ang mukhang ihaharap niya kay Night? Nakita na nito ang lahat. Isa pa sa iniisip niya ay kung bakit siya nito tinulungan? Bakit siya nito bibigyan ng isang milyon ng walang hinihinging kapalit? Nakuntento na ba ito nang mapagmasdan ang kahubaran niya?
Isang milyon para sa sight-seeing ng Samantha view? O baka naman dahil lang sa kamukha niya si Lexine? Nagbuga siya ng hangin. Nabuo ang mga bubbles sa tubig. Napapagod na siyang mag-isip. Ang mahalaga, may pera na siya para mapa-opera ang kanyang Papang.
Isang itim na spaghetti strap dress ang pinahirap ni Devorah kay Sammie at tinernuhan ng doll shoes. Nakatulong sa pagkalma niya ang mainit na tsaa na inorder nito. "Thank you," aniya sabay simsim ng mainit na inumin.
Tahimik lang na nakaupo si Sammie sa couch na nakapwesto sa gitna ng private suite habang pinagmamasdan ang napaka-class na mga galaw ni Devorah. Maging sa pag-inom ng tsaa ay napaka-postura nito. "Your welcome, are you feeling better?"
Tahimik siyang tumungo bilang pagtugon at muling uminom ng tsaa.
"If you don't mind me asking, Sammie. Why did you accept that job? By just looking at you, alam kong hindi ka ganung klaseng babae. I can sense your purity."
Nag-angat ng mata si Sammie sa kaharap. Naalala niya ang mga salitang binulong sa kanya ni Night.
"I can smell your innocence, Sammie."
"A body as pure as this should be worship. It shouldn't be exposed by unworthy eyes. It should be touch by a hand, kiss by a lips that would pleasure it in unimaginable ways."
"I once had a taste of purity, exactly like this beautiful body of yours. It was heaven, Sammie. She was heaven."
Muling kumirot ang dibdib niya at hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit masyado siyang naaapektuhan sa mga binitiwan nitong salita. Pinilig niya ang ulo. Hindi niya dapat pinapagod ang utak niya sa pag-iisip sa lalaking iyon. Pinagmasdan niya si Devorah. Magaan agad ang loob niya rito. May kung ano sa presensya ng babae ang nagpapakalma ng kanyang puso. Bilang panganay sa tatlong magkakapatid ay madalas na siya ang umaalalay at nagbabantay sa mga ito. Masarap din pala ang pakiramdam na may ibang taong nag-aalaga sa kanya.
"Kailangan kasi ma-operahan ang Papang ko at malaking pera ang hinihingi sa amin ng doktor."
Lumambot ang mata ni Devorah. "I see, I understand. You're so brave, Sammie. Napaka-swerte ng pamilya mo sa `yo."
"Wala `kong ibang hindi handang gawin para sa kanila. Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Lahat ibibigay ko para masiguro lang ang kaligtasan nila. Kahit wala nang matira sa akin."
"I remember myself to you when I was younger. I also value my family above everything else. I even sacrificed the most precious person I had just to keep my responsibility as the daughter of our clan." Bumakas ang lungkot sa mga mata nito. Natigilan si Sammie. Sa kabila ng ganda at postura nito ay may nagtatago pa lang kalungkutan.
Mas lalong nakaramdam ng paghanga si Devorah kay Sammie. There's something extra-ordinary about this girl. Nararamdaman niya na may espesyal sa batang ito. At kung tama ang narinig niya mula kay Elijah na kamukha ng dalagang ito si Lexine. Ibig sabihin ay ganito pala kaganda ang natatanging Nephilim na binabanggit sa propesiya? Alam niya rin ang tungkol sa bagay na iyon. Isa ang pamilya nila sa mga nakakalaam ng pinaka-iingatang sikreto sa buong mundong.
Bakit kaya kamukha ni Sammie si Lexine? Anu ang sikretong tinatago ng babaeng ito?
Sa tuwing naaalala ni Devorah ang kislap sa mga mata ni Night sa tuwing si Lexine ang pinag-uusapan ay nakikita at nararamdaman niya ang matinding pagmamahal nito sa yumaong nobya. Handa itong ipaglaban ang babaeng iniibig hanggang kamatayan.
Kung ganoon, ano ang nararamdaman ng makisig na Tagasundo para sa babaeng ito?
Wala siya sa posisyon para makielam pero nanabik si Devorah na makita kung saan patungo ang istorya ni Night, Lexine at Sammie.