Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 123 - Black Phantom Club [1]

Chapter 123 - Black Phantom Club [1]

ANG BLACK PHANTOM ay isang underground club na matatagpuan sa ilalim ng siyudad ng Marikina. Sa pagitan ng Marikina River at Marikina Sports Complex matutumbok ang barangay ng Sta. Elena kung saan nakatayo ang Marikina Public Market. Doon naka destino ang Presinto Tres, sa tabi nito may isang lumang pinto na magdadala sayo sa sikretong lugar.

Isang hagdan ang iyong susundan at sa dulo niyon makikita ang pulang pintuan na may pulang ilaw. Wala itong doorknob o kahit anong hawakan maliban sa maliit na parihabang butas sa bandang itaas ng pinto. Kakatok ka roon ng tatlong beses at aantayin mong bumukas ang bintana. Isang bantay ang nasa likod niyon.

"Password?" tanong ng lalaking bantay na may namumutok na pangangatawan. Namumula ang dalawa nitong mata na konti na lang at luluwa na palabas ng eye-socket nito.

Binulong ng binata—nasa edad bente singko—ang secret password. Ilang sandali pa at bumukas ang pinto. Agad pumasok ang binata. Bumungad agad sa kanya ang malakas na music gawa ng naglalakihang speakers na nakapalibot sa buong club. Iba't ibang kulay ng nagsasayawang strobelights ang tanging liwanag sa kadiliman ng lugar.

Pagpasok sa loob makikita agad sa gitna ang malaking stage kung saan nagpi-play ang DJ. Sa likod niyon nakatayo ang isang malaking LED screen na halos sumasakop sa kalahati ng dingding habang pinapalabas ang nakahihipnotismong visuals na siguradong kukuha ng atensyon ng kahit na sinong makakakita niyon. Sa mataas na kisame isang napakalaking chandelier ang nakasabit sa gitna. Gawa iyon sa pinaghalong bungo ng tao at hayop na kinulayan ng gintong pintura. Dinikitan din iyon ng milyong dolyar na worth ng swarovskis. Mas lalo iyong kumikinang sa ganda sa tuwing tinataman ng malilikot na ilaw.

Ang bawat walls ng club ay nababalutan ng totoong snake skin na pinatungan ng de kalidad na coating wax upang ma-preserve ang natural na ganda ng kaliskis. May malalaking paintings ang nakasabit sa bawat dingding. Mga larawan nng hubad na babae at lalaki habang nagtatalik. Kamasutra kung tawagin. Ito ang mga obra maestra ng sikat at award winning Japanese painter na si Yayoi Kusama.

Nagkalat ang mga black and red high quality leather sofa's sa buong paligid. Bawat lamesa ay may LED lights sa ilalim. Dalawang mahabang bar counter ang matatagpuan sa magkabilang side ng club. Parehong may vertical pole ang mga iyon kung saan sumasayaw ang mga pole dancer na halos wala ng saplot sa sobrang nipis ng mga suot.

Napakalawak din ng dance floor sa gitna ng club. Kasalukuyang kainitan ng party. Nagwawala na ang lahat ng mga guest sa pagsasayaw at pagkiskisan ng mga pawis habang lulong ang bawat isa sa alak at droga.

Bukod sa nakakamangha at high-class interior design ng kabuuan ng naturang club, dekalidad din ang security technology doon. Sandamakmak na high-breed CCTV cameras ang nagkalat sa bawat sulok ng lugar. Sa paligid naman alertong nakabantay ang buong security team na puro nakasuot ng itim na amerikana at black-shades. May special technology ang shades na iyon, bukod sa night vision, ay may x-ray vision din iyon na kayang mag-identify ng iba't ibang bagay. Nagagamit din iyon bilang communication device.

Two floors ang club. Tanging VIP members lamang ng Black Phantom ang makakaakyat. Sa second floor may mga private room. Bawat isa ay mayroong malaking two-way mirror upang matanaw ang buong first floor habang nananitiling pribado ang loob niyon. Mga piling silid din ang may casino tables upang makapagsugal.

Nandito sa lugar na ito ang lahat ng bisyo at kabalastugan na maari mong gawin. Ngunit ang pinakasikreto ng Black Phantom kung kaya ito ay underground ay dahil lahat ng members nito ay demonyo, bampira, shapeshifters, sorceress, warlocks, hybrids at lahat ng mga nilalalang na nagtatago sa dilim at mata ng mga tao.

This is the most prestigious yet dangerous underground club in the Philippines.

Walang ordinaryong tao ang makakapasok dito unless na alam nito ang password. Kung makapasok man ay napaka-liit ng porsyento na makakaalis ito ng buhay.

"Hey lover boy… would you like a body shot?" buong pang-aakit na bulong ni Cazzie. Dinidikit nang husto ng babaeng bampira ang malago niyang hinaharap sa dibdib ng binatang inaakit. Naka-ready na sa kamay niya ang isang shot ng Silver Patron Tequila habang ang isang palad naman niya ay gumagapang sa matigas na abs ng lalaki.

Nang hindi ito kumibo ay mas lalong na-challenge si Cazzie. Walang kahit sino ang nakakatanggi sa alindog niya. Unang kita pa lang niya sa binata pagpasok nito sa nighclub ay napukaw na agad nito ang atensyon niya. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa sikat na Hottest Grim Reaper in the history?

Bukod pa roon ay talagang crush ni Cassie si Night. Minsan lang ang ganitong pagkakataon na makita ang Tagasundo nang personal kung kaya naman hinanda ng bampira ang sarili at sisiguraduhin niyang mai-kakama niya ang lalaki ngayong gabi.

Mula sa matitigas na abs ni Night, unti-unting bumaba ang palad ni Cazzie sa puson ng binata. Habang pinagagapang naman niya ang natural na pouty lips sa leeg at tenga ng binata. Sa sobrang bango ng amoy ng dugo nito hindi napigilan ni Cazzie ang paglitaw ng dalawang matulis na pangil. The way he smells drives her crazy. Craving to taste his blood, Cazzie can feel the pulse on his neck, and it's making her body hot and excited.

Binaba pa ng bampira ang palad hanggang sa pinasok niya ang pantalon ni Night, agad natumbok ng pumipilintik niyang mga daliri ang malagong buhok doon. She can't control her excitement to touch his erect thickness.

Nakagat ni Cazzie ang ibabang labi, anticipating to touch the hiding monster beneath his pants. But her desirousness was cut off when a strong hand grabed her arm and jerked it away. Sa lakas niyon nabitawan niya ang hawak na shot glass. Nabasag `yon sa sahig at nahulog naman siya sa kinauupuan. Unang tumama ang pwetan niya sa lapag.

Disbelief was written all over Cazzie's paled face. Her two fangs revealed itself more. Her red eyes were glowing, ready to strike.

Nagulat din ang lahat ng succubus demons, lethium demons at vampires na nasa loob ng private room. Natahimik ang buong silid habang ang lahat ay nanginginig sa takot.

***

NANINIGAS ang mga panga ni Night. He saw nothing but black spots. He feels nothing but a thumping headache due to his intoxicated state. Unang tingin pa lang ni Night kay Cazzie, he was already disgusted. He used to like women like her: wild, naughty, and definitely a worth-fuck. But that was a long time ago. Since the day he'd admitted to himself that he has fallen in love with Lexine, he never allowed any bitches—humans or not—to touch him. His body will only ache for one girl.

"Get out of my face or I'll fucking kill you!" he hissed.

Natulala pa ng ilang segundo ang babaeng bampira. Hindi ito makapaniwala na hindi siya nito naakit. Ngunit mas nangingibabaw ang takot ni Cazzie at mabilis na umurong ang mga pangil nito na parang asong natakot. Kalat sa buong underworld kung gaano kapanganib ang Tagasundo at isang malaking pagkakamali ang galitin ang prinsipe ng kadiliman.

"I don't want to see any fucking face in this room! Now all of you, get the fuck out!"

Mabilis pa sa alas-kwatro na nagsilabasan ang lahat ng dark entities na naroon. Naiwang mag-isa si Night. Pinisil niya ang gitna ng mata at buong gigil na tinungga ang bote ng Patron sa lamesa.

How many months has it been? Two? Three? Four? Hindi na rin niya mabilang. Basta gabi-gabi na lang siyang nagpupunta sa Black Phantom upang magpakalunod sa alak. Baka-sakaling maibsan ang sakit na nararamdaman niya.

Pero putangina! Kahit alak at droga palkpak para palimutin siya. Pinagmasdan niya ang pakete ng mga ecstacy at cocaine sa ibabaw ng lamesita. He used to hate drugs before, but now, he hated his life more. He just wanted to feel numb, to forget about the pain. Pero sarili niya lang ang niloloko niya. Because he was bound to feel the torture every.fucking.second.of his goddamn life!

Today is 'her' first death anniversary. Just the simple thought of it feels like a thousand knives coming in and out of his body.

Nang maubos ang laman ng bote, galit na hinagis niya `yon sa pader. Nabasag iyon. Kumalat ang mga bubog at tinamaan ang isang pares ng maliit na pulang sneakers.

"Dito lang pala kita makikita," sabi ng isang maliit na tinig.

"Fuck off! Get out of my face! I don't want to talk to anyone." Pinikit ni Night ang mga mata at sinandal ang ulo sa sofa. Saglit din siyang nahilo sa pag-bottoms up ng tequilla.

Tumawa ang maliit na boses. Diretso itong pumasok sa loob ng vip room at umupo sa katapat na couch na tila wala itong narinig.

Ang may-ari niyon ay isang seven-year old boy. Nakasuot ito ng makapal na round-shape eyeglasses na lalong nagpabilog sa mga mata nito. Katerno ng suot nitong red sneakers ay pulang maong jumper na may superman logo sa gitna. Panloob nito ay white t-shirt at may hawak-hawak itong strawberry lollipop na sinisipsip ng maliit nitong bibig.

"It's been a year but you're still here. I thought you wanted to get her? What have you been doing the last few months while sitting your lazy ass in this club? I already gave you the apple."

Mas lalong na-frustrate si Night nang muling maalala ang tungkol doon. Fuck! It's been months since he accepted the apple of sin pero walang silbi iyon kung hindi niya magagawa ang isang bagay.

"I'd been trying pero tangina naman! Saan ko naman hahanapin ang tarantadong kaya `kong patayin? I'd never been so fucking pissed off with my immortality not until now."

Ang tanging paraan upang makapunta siya sa Spirit World ay kung mamamatay siya. He should die first so that his soul can go to the land of the dead. Pero ang mahirap ay hindi niya alam kung paano papatayin ang sarili. He can't even use his own powers against him. Sa loob ng isang taon, nagtungo si Night sa iba't ibang lugar. Sa lungga ng mga bampira, sa teritoryo ng mga shapeshifters, sa tahanan ng mga natitirang sorcerres. Pinuntahan na niya lahat ng lugar na alam niyang delikado at pinamumuguran ng mga kampon ng kadiliman pero wala ni isa ang may kakayahan na patayin siya.

Night never knew that dying was so frustrating. Damn it! Kung hindi siya mamamatay, paano niya masusundan si Lexine sa mundo ng mga kaluluwa? How could he bring her back?

"Time is running, the clock is ticking. Alam mo ba na `di pa nakakatawid ang kaluluwa ni Lexine sa Gates of Judgement?"

That caught his full attention. Napatuwid siya nang upo at hinarap ang dragon na nagtatago sa katawan ng bata. "What did you say?"

Tumawa ang maliit na tinig nito. His round eyes were twinkling in excitement. Maiksi ang pasensya ni Night at wala siyang panahon na makipaglaro sa isip batang ito. "Answer me, fucker!" Hinampas niya ang glass table sa gitna na agad nabasag.

The kid mockingly grinned while savouring the lollipop inside his mouth. He made a "pop" sound when he removed the candy from his lips. "She's still a lost soul. Hindi pa siya nahahatulan. Have you forgotten about the Gates of Judgement? Once a soul passed the gate, she could never get out in the spirit world."

Mentally ay inuuntog ni Night ang sariling ulo sa pader. How could he forget about the Gates of Judgement? Masyado siyang nag-focus sa paghahanap ng paraan kung paano siya mamamatay. Pero kung tama ang sinasabi sa kanya ng matandang isip batang ito––na hindi pa rin nakakatawid si Lexine––ay mas pabor `yon sa kanya. May pag-asa pa upang mabawi niya ang nobya.

Ngunit hanggang kailan? Baka sa tagal niyang mamamatay wala na siyang maabutan. He need to act fast!

Naihilamos niya ang buong palad sa mukha. "I need to die as soon as possible, but fuck how?"

"Maybe I can help?" Isang mabilog at malalim na tinig ang sumagot.

Sabay na napalingon si Night at ang bata sa matangkad na lalaking kampanteng nakasandal sa pintuan. Nakasuot ito ng black suit at sa ilalim niyon ay itim na polo habang nakabukas ang unang dalawang butones niyon. Pitch black and curly ang buhok nito na naka-brush up. Kumikinang ang silver cross earings sa dalawang tenga at sa sobrang puti ng balat nito ay mahihiya kahit ang babaeng lumaklak ng glutathione. His gray eyes were so darkly beautiful at sa tuwing nakikita ni Night ang mga matang `yon ay naiirita siya. Gusto niyang dukutin.

"Elijah."

The four hundred and seventy-six years old vampire entered the room; his feet were as soundless as the wind. Elijah has a certain grace with his every movement. His manners were a fine gentleman, but his smile tells otherwise. He is wickedly grandiose. Umupo ito sa katapat na sofa sa tabi ng bata at nagsalin ng alak na Gold Label sa isang baso sabay inisang tungga iyon. "By the way, who is this kid? I didn't know that you have a son," tanong nito habang pinagmamasda ang batang katabi nito na patuloy lang sa pagsipsip sa lollipop.

Umayos ng upo si Night sabay nagsalin din ng gintong alak sa baso niya. "He's not my son."

"Hi! I'm Santi, nice to meet you." Inilahad nito ang maliit nitong kamay, inabot naman iyon ni Elijah. "By the way, nice club. I like it here, maybe you could introduce me to one of your waitresses. They're all smoking hot like a meat grilling in a barbecue grill. Delicioso!"

Nalukot nang husto ang mukha ni Elijah at lumingon kay Night. "This little fucker is so weird."

"Don't mind him," sagot ni Night. "Now let's go back to business. How can you help me?"