Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 120 - Touch of Wrath and Blood

Chapter 120 - Touch of Wrath and Blood

Disclaimer: This book is the unrevised version. You may read this, however, expect to see some grammatical errors. I will post the revised version in the second quarter of 2021. I highly suggest for you to wait for the revised version because I deleted and added some scenes that were not included in the old version.

------------

Night...

Night...

Night...

Isang malambing na boses ang paulit-ulit na tumatawag sa kanyang pangalan. Karugtong ng matatamis na tinig ang pag-sikip ng kanyang dibdib. Kilala ito ng bawat ugat, bawat kalamnan at bawat selula ng kanyang katawan. Na tila ba nililok ang kanyang buong pagkatao at kaluluwa kasabay nito.

Siya… siya na walang katulad sa mundo. Siya na katangi-tangi sa lahat. Siya na nag-iisang babaeng may kakayahan na haplusin ang kanyang puso sa paraan na kay sarap, kay saya, kay ganda.

Night...

Siya na nakababaliw, nakalulunod, nakatatakot. Dahil katumbas ng kaligayang ipinagkaloob nito ay ang kirot, pangungulila at lungkot. Kung gaano kalaki ang pagmamahal ay siyang bigat din ng sakit.

Night...

Siya na nag-iisang babae na may kapangyarihan na paulit-ulit na patayin ang kanyang damdamin.

Night...

Sa isang matayog na lugar nagmulat ang mga mata ni Night. Malakas na humahampas sa mukha niya ang hangin na tila yelong kumikiskis sa kanyang balat. Tumutusok at nanunuot `yon sa kanyang ilong, diretso sa kanyang dibdib. The wind freezes his heart, turning it into a boundless abyss same as his soul.

Pamilyar ang lahat ng nasisilayan ng prinsipe ng dilim dahil ilang dekaba na ba niyang binabalik-balikan ang siyudad na ito? Hindi na rin niya mabilang.

Night looked up and watch the scattered stars as they flickered at the shadowed and vast sky. Sa ilalim niyon malaya niyang natatanaw ang malawak na lupain na pinaliligiran ng ibat ibang ilaw mula sa matatayog na building. Pinagsawa niya ang mga mata roon habang nakatayo sa tuktok ng Eiffel Tower.

Night...

Tila isang sinulid ang kumilit sa kanyang tainga, sinundan niya ang pinanggagalingan ng tinig. Mabilis na tumalon ang puso ni Night nang matanaw kung sino ang nakaupo sa bakal ng mas mababang parte ng tower. Isang dalaga ang nakatingala sa kanya. Ang malaking ngiti nito ay animo bala ng baril na lumusot sa kanyang dibdib. A familiar excruciating pain struck Night again. He would never forget this feeling, it was too intense, too much for his now shattered essence.

The girl is wearing a white satin dress perfectly elegant on her porcelain skin. Her almond-shaped eyes shone brighter than the stars above. Long brown hair waves smoothly in the air like swaying branches in the forest. Her beauty was ethereal, her aura was gentle and bright. Sh's a million times more breathtaking than Paris. Night already saw every corner of the world, but she would always be the most beautiful thing he has ever seen.

Humagikgik ang dalaga. Maliliit na kuryente ang gumapang sa buong balat niya sa tunog niyon.

"Night, ano ba'ng tinatayo-tayo mo riyan? Tara na!" Tumayo ito at mabilis na tumakbo paikot sa bakal na platform.

Halos malaglag ang puso ni Night sa ginagawa nito. Sinigaw niya ang pangalan nito at mabilis na sinundan. Malaking alon ng pamilyar na takot ang humampas sa kanya.

"Lexine! Wait! Stop acting like a kid you naughty woman!" Magkahalong kaba at tuwa ang boses niya.

"Habulin mo ako, Night!" Parang isang bata na nakikipaglaro ng habulan si Lexine sa kanya. Napakalakas ng tawa nito at masarap `yon sa kanyang pandinig. Ngunit may pangamba ang pilit na sumisiksik sa dibdib ni Night. That fear was very traumatic for him and he can't bear to experience it again.

Naghabulan pa silang dalawa habang patuloy ang mabilis na pag-ikot ni Lexine palibot ng tower. Wala itong takot na lumulukso habang kumakapit sa mga bakal. Sa bawat paglundag nito ay literal na humihinto ang pagtibok ng puso ni Night. Hindi niya inaalis ang mga mata rito. He can't lose her again, not anymore. Hindi siya papayag na muli itong mapahamak. Dahil kapag nangyari `yon ay tuluyan na siyang mababaliw.

Nanatiling humahabol si Night kay Lexine nang muli itong lumukso at biglang dumulas ang kamay nito sa pinagkakapitang bakal. Agad itong nahulog.

"Lexine!" Umalingawngaw ang sigaw niya.

Mabilis na bumalik ang masamang bangungot na pilit niyang kinalimutan. Two enormous claws of the beast gripped Night's neck. Its venomous howl plunged deep into his ear. No! He wouldn't let his happen again.

Kasing tulin ng kidlat na tumalon si Night. Pinilit niyang abutin ang mga kamay ni Lexine na kumakaway sa hangin. He watched the exact scene in front of his eyes.

Please don't leave me again, Lexine!

Nakahinga nang maluwag si Night nang sa wakas at nahawakan niya mga kamay nito. Agad niyang kinulong sa mga bisig si Lexine habang sabay silang nahuhulog.

"Night!"

"I'll never lose you again."

Nagtagpo ang kanilang mga mata. Mahigpit na kumapit si Lexine sa kanya hanggang sa nilamon sila ng nakasisilaw na liwanag. When Night opened his eyes, nakatayo na siya sa pamilyar na apat na sulok ng kanyang kwarto.

"Night, ano ba'ng ginagawa mo riyan?"

Dahan-dahan siyang lumingon sa likuran. Naroon sa malaking kama nakahiga si Lexine. Nakangiti ito at may nakaaakit na tingin. Napakunot ang noo niya. Paano sila nakarating dito?

Humahalimuyak ang amoy ng bulaklak sa paligid. Saka lamang napansin ni Night na puno pala ng pulang rosas ang buong kwarto niya. Sandamakmak na petals ang nahuhulog mula sa kisame. Kung ano mang klaseng mahika ang ginagamit ni Lexine nang mga sandaling ito ay wala na siyang pakielam.

"Tatayo ka na lang ba riyan, Mr. Grim Reaper?" panunukso ng dalaga sa kanya habang nilalaro sa mga daliri ang dulo ng buhok nito.

Tumaas ang sulok ng bibig ni Night. "Are you seducing me woman?"

Agresibong siyang tumalon sa kama sanhi ng paglindol niyon. Agad siyang umibabaw sa dalaga at kinulong ito sa kanyang bisig. Ang lakas ng halakhak ni Lexine. "`Cause it's fucking working," he whispered in a hoarse voice.

Pinagsawa niya ang mata sa mukha ni Lexine. Ang mata nito na gabi-gabing laman ng panaginip niya, ang boses nito na laging niyang naririnig kahit san siya magpunta at mapupula nitong mga labi—labi na hinding-hindi niya kailanman pagsasawaang angkinin nang paulit-ulit. May bagay na bumara sa kanyang lalamunan. Oh, how much he badly wished to feel her again like this.

Marahang hinaplos ni Night ang malambot na pisngi ni Lexine. He's drinking all the curves and angles of her lovely face. He was so thirsty for her, aching for her. He could kiss her all night but it'll never be enough.

"You have no idea how much I missed you. I can't bear to lose you again, baby. Akala ko hindi na kita ulit mahahawakan nang ganito. Mahal na mahal kita, Lexine… sobrang mahal na mahal."

Now that she's back in his arms again. Araw-araw bibigkasin at ipaparamdam ni Night sa dalaga kung gaano niya ito iniibig.

Namuo ang luha sa gilid ng mata ni Lexine. Hinaplos nito ang magkabila niyang pisngi at siniil siya ng nagbabagang halik.

Does heaven really exist? Para sa isang isinumpang demonyong katulad niya hindi na siya nag-aasam na mararanasan niya pa ang biyaya ng kalangitan. Pero ngayon, sa mga sandaling ito, sa loob ng maliliit nitong braso at malambot na labi. Napatunayan ni Night na may karapatan din pala siyang maging masaya.

Tanging sa piling lamang ng kanyang tunay na anghel, si Alexine.

Night touched her with privileged. He kissed her with entitlement. Night wanted Lexine like he wanted to breathe. Having her beneath him was intoxicating, and it's the best feeling in the world. Oh, how much he has longed for this? Cried for this? What does he need to sacrifice for them to be together forever? Kahit ano ibibigay niya, kahit maubos pa siya, manatili lang si Lexine sa kanyang tabi.

Mas humigpit ang pagkakayakap ng mga braso ni Lexine sa kanyang batok. Night pressed his body on her leaving no space between them.

"Night…"

His name on her velvet voice was a drug that he needed to consume every second of the day. He doesn't want to get over this obsession. He wanted to be under it for the rest of fucking eternity.

"Yes, cupcake?" tugon niya habang nalululong sa mga halik nito.

"Night… help me, I'm scared."

Natigilan siya nang marinig ang sunud-sunud nitong paghikbi. Dahan-dahan siyang kumalas sa kanilang halikan. Nanlaki ang mga mata ni Night nang makitang naliligo ito sa pulang dugo. Naging kumunoy ang kamang kinahihigaan nila habang unti-unti nitong nilalamon si Lexine. Ang mga petal na umuulan galing kisame ay naging dugo na rin. Umiiyak ang buong kwarto ng pulang likido.

"Lexine, what's happening?"

"Night… please, help me." Umiiyak ito, nagsusumamo.

Hinawakan niya ang dalaga sa balikat pero isang malakas na pwersa ang humihigop dito. Mabilis na nilamon na pulang dugo ang buong katawan ni Lexine hanggang sa tuluyan niya itong nabitawan.

"NOOOO!!!"

Habol-habol ang sariling hininga nang magising si Night sa isa na namang bangungot. Nasapo niya ang pawisang mukha at pinanghilamos sa sarili ang dalawang palad. Dahan-dahan siyang bumangon.

Ang lakas ng tibok ng dibdib niya. Pulso ng kaba at matinding takot. Ilang beses na ba niyang napaginipan ang mga bangungot na `yon? Hindi na niya mabilang.

Isang taon na rin ang lumipas simula nang maganap ang pinaka masamang gabi ng kanyang buhay. Ang gabi na kinuha sa kanya ang babaeng minamahal. Hindi niya matanggap. At kahit kailan ay hindi niya `yon tatanggapin.

Night is suffering every single second of the day. He's drowning in so much sorrow. At hindi nakatutulong ang ginagawa niyang paglulong sa kalungkutan. The pain was digging deeper into his skin as the day goes by, and he'd spend the rest of his life torturing himself.

Sa tagal ng panahon na nabubuhay si Night sa mundo, hindi niya kailanman namamalayan ang paglipas ng panahon. Pero ito nang pinakamabagal na mga araw na kanyang nararanasan. Ang isang taon na lumipas ay tila daan-daan taon para sa kanya.

Ang boses ni Lexine ay paulit-ulit na umiikot sa kanyang isipan. Nagmamakaawa, nanghihingi ng tulong. Parang totoo ang lahat. Gusto man niyang isipin na tahimik nang kaluluwa ni Lexine sa Mundo ng mga Kaluluwa ay may kung anung bahala siyang nararamdaman. Kutob niya ay may masamang nangyari rito. Iyon ang isa sa mga bagay na lalong nagpatitibay sa kanyang mga plano.

"Night… help me, I'm scared."

Umalis si Night ng kama, basang-basa nang pawis ang suot niyang t-shirt. Patungo siya sa malaking wardrobe nang magawi ang tingin niya sa kaliwang bedside table. Isang pulang mansanas ang nakapatong sa ibabaw niyon. Dahan-dahan niya itong kinuha at pinagmasdan mabuti.

Kilala ni Night ang nagmamay-ari ng prutas. Humigpit ang pagkakahawak niya rito. Isang desisyon ang binuo niya. Wala na itong atrasan pa. He already sold his soul to the dragon. At handa siyang gawin ang lahat mabawi niya lang si Lexine. He's willing to lose everything for her. Kahit nang kapalit ay walang hanggang pagkalunod sa kasalanan

"Just wait for me, Lexine. I'll bring you back."

+++

TOUCH OF WRATH AND BLOOD (Grim Reaper Chronicles Book Two)

Copyright © 2019 Anj Gee

All Rights Reserved

Ang kwentong ito ay kathang isip lamang mula sa author. Ang mga karakter at pangyayari ay hindi base sa kahit sinung tao o kaganapan. Ang buong nobela ay hindi maaaring kopyahin, i-post, i-print o kahit anung uri ng distribusyon ng walang pahintulot mula sa author. ANG TAONG SUSUWAY AY MAAARING MAKASUHAN, MANAGOT SA BATAS, MAKULONG AT MAGMULTA NG SALAPI.