HINDI SUMAGOT SI LEXINE. Binuksan ni Lilith ang pintuan at nauna itong pumasok sa loob. Dahan-dahang naglakad si Lexine patungo sa nakabukas na pinto at ganoon na lang ang pagkagilalas niya nang makita kung ano ang nag-aantay sa kanya sa loob ng madilim na silid. Nanlaki ang mga mata niya at ilang ulit na umiling. Humakbang siya paatras at pinangtakip ang dalawang palad sa bibig.
"No, no, hindi ako papasok diyan!"
"Hindi ko kailangan ng permiso mo."
Sa gulat niya ay inangat ni Lilith ang isang kamay nito at isang malakas na pwersa ang humila sa kanya papasok sa loob. Sa isang iglap ay hawak na siya ni Lilith sa leeg.
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya sa mata dahil sa nakagigimbal na mga bagay na nakikita niya sa loob. Isang malaking bilog na pentagram ang naka-drawing sa sahig gamit ang pulang dugo. Sa loob ng bilog ay ang magkapatong na dalawang tatsulok sa magkabaliktad na posisyon. Habang nakapalibot doon ang sandamakmak na kandila. Ngunit ang pinakakinatatakutan ni Lexine ay ang limang bangkay na nakita niyang isa-isang nakasabit sa mga krus na kahoy sa gitna ng bulwagan. Unang tingin pa lang ay halatang walang awang pinaslang ang mga inosenteng buhay.
"Ano'ng ginawa mo sa kanila?" hirap man ay nagsalita pa rin siya.
Binitawan siya ni Lilith. Napaupo siya sa sahig habang hinahabol ang paghinga. Panay ang pag-ubo niya habang hawak ang leeg na may pulang bakat ng mga kuko nito.
"Bilang isang natatanging bunga ng makapangyarihang arkanghel na si Daniel at ng itinakdang babae na si Leonna. Ikaw, Alexine, ang taong tutupad ng sa mga plano ko."
Lalo siyang naguguluhan. Itinakda? Ano'ng ibig nitong sabihin na itinakdang babae ang kanyang ina?
"Paano naging itinakdang babae ang mommy ko? What do you mean by that?"
Tumitig sa kanya ang mala-pusa nitong mga mata bago ito nagpatuloy.
"Ayon sa isang propesiya. Matapos ang ilang libong taon ay muling ipapanganak ang isang itinakdang babae na siyang magdadala sa kanyang sinapupunan ng panibagong Nephilim. Ang sanggol na ito ang siyang magdadala ng natatanging dugo ng isang makapangyarihang nilalang mula sa kalangitan—isang Arkanghel. Ikaw ang bunga ng isang bawal na pag-ibig pero ang bungang `yon ay magtataglay ng isang espesyal na kakayahan."
"Nephilim?"
"Oo, Nephilim. Ilang siglo na'ng nakalilipas noong hindi pa pinapatapon ang mga sinumpang anghel ay malayang nakikipagsalamuha ang mga Anghel mula sa kalangitan at mga tao sa ibabaw ng lupa. Maraming anghel ang nakipag-isa sa mga tao. Ang lahat ng naging bunga ay tinatawag na Nephilim o kalahating anghel at kalahating tao. Marami sa kanila ang namatay dahil hindi kinaya ng babaeng mortal na dalhin sa sinapupunan ng mga ito ang makapangyarihan nilalang. May iilan naman ang nabuhay at nagkaroon ng kakaibang kapangyarihan.
"Hindi normal sa mundo ng mga tao ang katulad ng mga Nephilim kaya't marami ang may tutol na mabuhay ang mga ito dahil para sa mga ordinaryong nilalang sa lupa, isa kayong mga salot sa lipunan. Nagkaroon ng malaking digmaan. Nais ipapatay ng mga tao ang mga batang nephilim. Nakipaglaban ang mga anghel upang proktektahan ang kanilang mga anak. Nagalit ang Ama niyo kaya ipinagbawal na'ng pakikipagsalamuha ng pisikal sa mga mortal at mga anghel sa kalangitan. Doon nagsimula ang banal na kautusan.
"Sa paglipas ng maraming taon. Namatay na'ng lahat ng Nephilim. Tao lang din naman sila na may hangganan ang buhay. Hanggang sa pinanganak ang natatanging mortal na ayon sa propesiya ang siyang nakatakada. Ang `yong ina na si Leonna."
Natahimik lang si Lexine habang pilit na tinatanggap ang lahat ng nalalaman. Kung gano'n ay `yon ang dahilan kung bakit may kakayahan ang mommy niya na makakita ng mga anghel at kung ano-ano pang kakaibang bagay dahil sa isang propesiya? Tinakda ng kapalaran na magkaibigan si Daniel at Leonna upang isilang siya?
"But... I don't know anything `bout that prophecy! Wala `kong kapangyarihan. Kahit kailan `di ako nagkaroon ng espesyal na kakayahan na tulad ng sinasabi mo!"
���Hindi pa dahil tulog pa ang kakayahan mo."
Natigilan siya. Totoo ba talaga ang mga sinasabi nito sa kanya? Ayaw niya itong paniwalaan. Pero bakit naman mag-iinterest ng lubos ang mga kalaban sa kanya kung hindi totoo ang propesiya?
"Madali lang natin gigisingin ang natutulog mong kakayahan sa pamamagitan ng isang ritwal. Ang kakayahan mo upang kontrolin ang oras at panahon. Isang espesyal na kapangyarihan upang baguhin ang nakaraan, kasalukuyan at kinabukasan."
Lalo siyang nagimbal sa mga sinasabi nito. Panahon? Oras? Nagpapatawa ba ito? Paano naman niya gagawin na manipunalahin ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap? Sunud-sunud ang naging pag-iling ni Lexine. Hindi niya kayang gawin ang gusto nito. Ordinaryo lang siya, wala siyang kapangyarihan.
"Anim na buhay ang magsisilbing alay sa kadiliman. Ang dugo mo ang siyang magiging susi, at ang itinakdang mortal ang mag-gagawa ng daan upang bumukas ang pintuan pabalik sa nakaraan."
Lumuhod si Lilith sa harapan ni Lexine at sa gulat niya'y hiniwa nito ang palad niya. Napasinghap siya sa kirot na naramdaman. Kinaladkad siya nito patungo sa gitna ng pentagram at pinatak ang dugo niya sa sahig.
Umupo si Lexine at tuluyang naiyak. "I don't know how to do what you want. Hindi ko kaya," aniya nanghihina na.
Umismid si Lilith. "Madali lang `yan dahil `pag nakita mo ang surpresa ko, sigurado akong gigising na'ng lahat ng dapat gumising sa `yo."
May sinenyasan si Lilith sa mga alagad nito. Dalawang lethium demons ang dumating at may bitbit na babae. Nagilalas si Lexine dahil mukhang ito ang kukumpleto sa anim na buhay na iaalay. Nakayuko ang babae habang natatakpan ng mahaba nitong buhok ang mukha nito. Puro dugo ang kasuotan nito at may malaking gilit sa leeg.
Tinali ng dalawang demon ang bangkay ng babae sa natitirang kahoy na krus sa pinakadulo. At nang umalis ang mga ito ay saka niya lang tuluyan nakita ang mukha ng babaeng alay.
Napatakip sa bibig si Lexine. Namimilog ang kanyang mga mata. Mabilis na tumalon ang kanyang hininga sa paraan na tila hinihika na siya. Sunod-sunod ang pag-iling niya. Hindi na niya napigilan ang malaking bagay na bumabara sa lalamunan niya. Pakiramdam niya tinapon siya sa isang malalim, madilim at malamig na balon. She can't breathe. She was drowning in the darkness. This can't be real. It can't be!
"Ms... G-gar...cia."
Nanatili siyang nakatulala sa duguang bangkay sa kanyang harapan. "Hindi... hindi totoo `to. Bangungot lang `to... gumising ka, Lexine. Hindi totoo `to." Parang baliw na kinakausap niya ang sarili. Ngunit sa tuwing tinataas niya ang mga mata at nakikita ang walang buhay na katawan ng kanyang kaibigan ay sinasampal siya ng realidad.
Tuluyan nang bumuhos ang bagyong luha ni Lexine. Paulit-ulit na dinudurog ang puso niya. Animo dinidikdik iyon sa sobrang sakit.
"Ms. Garcia... Hayop ka... Hayop ka talaga! Hayop! Napakasama mo!!!"
Nagwawala na siya sa poot at matinding sakit. Pinagsisihan niya na pinagdudahan niya si Ms. Garcia kahit isang segundo lang. Inosente ito. Ginamit lang ito ni Lilith para madukot siya. At ngayon ay wala na ito. Pinatay ni Lilith ang babaeng tinuring niyang tunay na kapatid.
Isa-isang bumalik lahat ng memories ni Ms. Garcia sa isip ng dalaga. Mula pagkabata ito na ang nagsanay sa kanyang sumayaw. Binalikan niya ang mga panahon sa tuwing palagi siya nitong kinakamusta. Noong mga sandali na nakikinig ito sa tuwing may problema siya. Nakita niya ang maganda nitong ngiti. Narinig niya ang mga tawanan nila. Naramdaman niya ang mga yakap nito at sa tuwing sinasabi nito kung gaano ito ka-proud sa kanya. Ang mga congratulation nito sa kanya. Noong nagpunta sila sa Pampanga. Mabilis na bumalik ang lahat sa alaala niya at ang mga memory na `yon ay binalot ng pulang dugo.
Labis ang pagdadalamhating nararamdaman ni Lexine ngunit higit na nangingibabaw ang galit at poot sa kanyang puso. Hindi niya ginusto ito. Bakit kailangan may inosenteng buhay ang mawawala ng dahil sa kanya? Kasalanan niya ang lahat ng ito. Siya ang dapat sisihin.
Lumuhod si Lilith sa harapan niya habang para na siyang baliw na binubulungan ang sarili. "I'm sorry, Ms. Garcia. This is all my fault. I'm so sorry... I'm sorry... I'm really sorry."
"Sige mortal. Tama `yan. Magalit ka. Ilabas mo!"
Tinakpan ni Lexine ng kamay ang magkabilang tenga. Pinikit niya ang lumuluhang mga mata at panay ang kanyang pag-iling.
"Magalit ka, Lexine. Magalit ka! Ilabas mo ang natutulog mong kapangyarihan!"
"No! Stop it! Stop! Ayoko na! Tumigil ka na! Stop this!"
Nagsimula nang magliyab ang lahat ng kandila sa paligid ng malaking pentagram.
"Sige pa. Sisihin mo ang sarili mo dahil ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang kaibigan mo."
"Hindi, hindi totoo `yan. Stop it! Ayoko na! Ayoko na! Ayoko na!"
Paulit-ulit na naririnig ni Lexine ang nakakatakot na tawa ni Lilith. Kasabay niyon ang pag-ikot ng kanyang buong mundo. Naghahalo-halo na'ng images ng duguang mukha ni Ms. Garcia sa isipan niya. Parang eksena sa pelikula na mabilis na nagfa-flash ang lahat sa kanyang mga mata. Kasabay niyon ang pag pula ng buong paligid niya. Nakaririnig siya ng demonyong tawa at isang ingay na sobrang sakit sa kanyang tenga.
"AAAAHHHHHH!!!" sinigaw niya ang lahat ng sakit bago sumabog ang isang liwanag at binalot siya ng matinding dilim.