Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 69 - I'm sorry

Chapter 69 - I'm sorry

BUONG PAG-IINGAT na binuhat ni Night ang lantang gulay na katawan ni Lexine. Nawalan ito ng malay. May isang malaking kamay ang pumipiga sa dibdib niya nang mga sandaling iyon habang pinagmamasdan ang kalunos-lunos na nangyari sa dalaga. Tadtad ito ng sugat, bugbog ang mukha at buong katawan nito. Halos natatakpan ng dugo ang leeg at kalahati ng mukha nito. Matapos masigurong ligtas si Alejandro ay saka niya dinala si Lexine sa kwarto nito. Tinawag niya si Ira at inutusang pagalingin ang dalaga.

Tahimik niya itong pinagmamasdan habang natutulog. Nanginginig pa rin ang bawat kalamnan niya sa katawan dahil sa matinding galit na nararamdaman. Ang makita ang babae na duguan at sugatan ay tila isang martilyo na paulit-ulit na pumupukpok sa kanyang dibdib. Tila ba bumalik siya noong unang gabi niya itong nakitang unting-unting nalalagutan ng hininga habang nakahiga sa malamig na sahig ng bodega. Isang matinding emosyon ang nabuhay sa kanyang kalooban. Isang bagay na matagal na niyang hindi nararamdaman.

Kasalanan niya ang lahat ng ito. Kung hindi sana siya naging sensitibo noong nakaraang gabi at hindi niya ito iniwan mag-isa sa Paris ay hindi sana nasaktan si Lexine. Halos masiraan siya ng bait nang maaabutang wala na ito sa mansion niya. Buong akala niya'y nakuha na ito ng mga kalaban. His chest was pounding so hard he almost lost his mind. At nang makita niya itong duguan at sinasaktan ng lethium demon ay tuluyang naggising ang natutulog na halimaw sa kanyang kalooban.

"No, please, no, no, please, " natatarantang bumulong si Lexine. Binabangungot ito. Agad siyang lumapit dito.

"Lexine, wake up," mahina niyang saad habang hinihimas ang pawisan nitong noo.

"Ayokong sumama sa inyo! No! Please, no, no! NOOOOO!!!" Dumilat ito. Binati siya ng matinding takot sa mga mata nito. Bigla siya nitong pinagtutulak at pinaghahampas. "Bitawan mo `ko! Bitawan mo `ko!"

"Shhh, hey, hey, it's me. Lexine, it's me." Bahagya niyang niyugyog ang balikat nito.

Nahinto sa paglaban ang dalaga at dahan-dahang nag-focus ang mga mata nito sa kanya. "Night?"

The way her voice croaked shatters his soul. She was terrified, and it slowly kills him.

"Yes, baby. You're safe. I'm already here," malumanay niyang bulong at panay ang paghimas sa buong mukha nito. Hinalikan niya nang paulit-ulit ang tuktok ng ulo nito kung iyon ang paraan para maniwala ito na totoo siya.

Lumikot ang mga mata ni Lexine. Nang masigurong ligtas na nga ito ay tila batang yumakap sa kanya ang dalaga at humagulgol sa leeg niya. "I'm so scared. I thought I was going to die."

Nadurog ang puso niya. Ang tunog nang pag-iyak nito ay tila asin na kinikiskis sa sugatan niyang damdamin. He hugged her tighter. He doesn't want to let her go. Kung pwede niya lang itong ikulong sa mga bisig niya ay gagawin niya. Simula ngayon ay hinding-hindi na niya hahayaang magkahiwalay pa sila.

"I'm sorry kung iniwan kita. I'm so fucking sorry, baby. This is all my fault, it's all my fucking fault. I'm sorry... I'm sorry... I'm sorry…" Walang ibang lumabas sa bibig niya kundi ang mga katagang iyon. Kung kaya lang pawiin ng mga sorry niya ang pagdudusang dinanas nito sa kamay ng lethium demon. If only he could take away all her pain.

Nahinto si Lexine sa pag-iyak at dahan-dahang bumitiw sa pagkakayakap nito sa batok niya. Namamaga ang ilong at mga mata nito pero hindi man lang iyon nakabawas sa angkin nitong kagandahan. She is the goddess who has tamed the wild beast inside him. He's willing to kneel and bow down his head under this goddess' mercy. Bigyan lang siya nito ng pagkakataon at ibibigay niya rito ang buong mundo.

Nagtagpo ang kanilang mga mata. Namagitan ang mahabang katahimikan sa pagitan nila at walang ibang maririnig kundi ang maliliit na patak ng papatilang ulan sa labas. Their eyes never left each other, even for a second. It was as though their gazes were enough to express the words their hearts were longing to say.

"Night..."

Hearing his name on her velvet voice was like a healing melody of his broken soul. It was not supposed to be like this. Saving her from death five years ago was just a little play to bring another flavor to his eternal and tedious life. Ngunit nang muli niyang makita si Lexine sa kalunos-lunos na kalagayan ay tila may isang malaking bato na pumukpok sa matigas niyang ulo. Ang matibay na yelong pumapalibot sa puso niya ay tuluyang nalusaw. Hindi na niya maloloko ang sarili. Lexine is not just a game... she never was.

For the longest time, Night believed that a monster like him would never be good enough for someone. But when he met her, she gave him new hope that perhaps, he still has a chance to live again.

Related Books

Popular novel hashtag