Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 67 - Curse

Chapter 67 - Curse

KINAGABIHAN biglang naggising si Lexine dahil sa isang malakas na kalabog. Pinakiramdaman niyang mabuti ang paligid. Ilang segundo na katahimikan ang nagdaan bago ang pangalawang kalabog. Tumingala siya sa kisame. Sa third-floor ang kwarto ng kanyang lolo. Kumabog agad ang kanyang dibdib. Nagmadali siyang nagsuot ng silk bathrobe at umakyat sa itaas.

Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob pagkarating sa tapat ng pinto ng kwarto ni Alejandro. Lumangitngit ang ingay ng bisagra niyon habang unti-unti niyang tinutulak. Saglit niyang sinilip ang loob. Madilim ang buong silid at tanging ilaw mula sa machines lang ang nakabukas. Wala siyang napansing kakaiba maliban sa bukas na bintana at malakas na hanging pumapasok sa loob ng silid. Natatanaw ni Lexine ang sunud-sunud na pag-kulog at kidlat. Senyales na may paparating na bagyo. 

Naroon pa rin ang lolo Alejandro niya at tahimik na nakahiga sa kama nito. Nagtungo siya sa bintana at sinara iyon. Pinatalas niya ang pakiramdam. Tila may mali.

Muling bumaling si Lexine sa abuelo. Nilapitan niya ito at inayos ang kumot nito. Agad siyang natigilan nang mapansin ang itim na marka sa leeg ng matanda. Kakaiba ang alpabeto niyon. Saan nanggaling ang marka?

Sabay-sabay tumirik ang mga balahibo ni Lexine. Dalawang kamay ng takot ang yumakap sa kanya at inugat ang mga paa niya sa sahig. Bumilis ang pintig ng dibdib niya habang dahan-dahan siyang tumingala. Halos lumuwa ang mata niya nang makita ang isang itim na bulto. Pabaligtad itong nakadikit sa kisame na parang butiki. Pumihit ang ulo nito. Nakipagtitigan siya sa isang pares ng itim na mga mata. Sumabay sa malakas na kulog ang matining niyang pag-tili.

Sinunggaban siya nito. Natabig ni Lexine ang flower vase sa side-table at bumagsak sila sa sahig. Umibabaw ito sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nito na maihahantulad sa isang itim na holen. Sa kabila ng dilim sa paligid ay nangingibabaw ang maputi at nanunuyot nitong balat.

Inipit ng dalawang kamay nito ang magkabila niyang balikat. Tila malaking oso ang dumadagan sa kanya sa bigat nito. "Ano sa tingin mo ang nangyayari sa `yong pinakamamahal na lolo, mortal?"

"Who the hell are you? Ikaw ba ang may gawa nito sa lolo ko?"

"Ako nga mortal wala ng iba!" Tumawa ito na parang asong ulol.

Sumiklab ang apoy sa dibdib ni Lexine. "Hayop ka! Hayop kang halimaw ka! Anung ginawa mo sa lolo ko!" Panay ang pag-sigaw at paglaban niya rito ngunit kahit anung gawin niya ay higit itong malakas.

"H'wag ka nang manlaban mortal, hindi mo `ko kaya. Ipinautos ng aking kamahalan na lagyan ng lason ang dugo ng `yong pinakamamahal na abuelo. Hindi magtatagal at kakalat ang lason sa kanyang katawan at unti-unti nitong kikitilin ang buhay niya."

Nanlamig ang balat niya. "Bakit niyo ba `to ginagawa? Bakit pati mga inosente dinadamay niyo?"

Sinakal siya ng lalaki gamit ang isa nitong kamay. Kumapit ang dalawa niyang palad sa pulsuhan nito. Hindi siya makahinga. "Nais ng aking kamahalan na isuko mo ang `yong sarili pagdating ng kabilugan ng buwan sa darating na pangatlong gabi. At kapag hindi mo `yon nagawa, magpaalam ka na sa pinakamamahal mong lolo." Gumuhit sa labi nito ang mala-demonyong ngiti.

"Ano ba talagang gusto niyo sa `kin?" Namamaos niyang tanong.

Humalakhak ito at lalo siyang diniinan. Humigpit ang kapit niya sa pulsuhan nitong tila bato sa tigas. Unti-unti na siyang nauubusan ng hangin sa katawan.

"Hindi ako ang sasagot ng mga tanong mo. Pakatatandaan mo ito, mortal. Nasa mga kamay mo ang kaligtasan ng mahal mong abuelo." Binaba nito ang mukha at dinilaan ang kanyang pisngi. Sunud nitong sininghot ang sintido niya at tumirik ang mga mata nito na tila adik na nakasinghot ng bato. "Amoy na amoy ko ang sarap mo mortal. Napakatamis talaga ng halimuyak ng isang birhen."

Nagkiskis ang ngipin niya sa labis na pandidiri at galit. "Bitawan mo `ko!"

Malakas na umalulong ang lalaki at lalong diniinan ang kapit sa kanyang leeg. Muling sumabog ang liwanag ng kidlat at naaninag ni Lexine ang kumikinang na gintong kwintas ilang hakbang ang layo mula sa kinahihigaan niya. Marahil ay nalaglag `yon nang gumulong sila. Nahihirapan siyang gumalaw kaya't imposibleng maabot niya iyon.

Nilibot niya ang mata sa paligid. Sa ilalim ng sofa na katabi nila natanaw niya ang piraso ng nabasag na flower vase. Habang nakikipagtagisan siya ng lakas sa demonyo, unti-unti niyang binatak ang kaliwang braso. `Di nagtagal at naabot niya ang bubog at buong lakas na tinusok ang talim niyon sa leeg ng demonyo. Tumalsik ang dugo nito sa mukha niya kasabay ng malakas nitong hiyaw.

Tinuhod ni Lexine ang tiyan ng lalaki at buong pwersang tinulak ito. Nagmadali siyang bumangon at tumakbo patungong pintuan. Ilang hakbang na lang mula sa pinto nang nahuli ng demonyo ang isang paa niya at malakas siyang hinila. Nadapa siya at malakas na tumama ang mukha niya sa sahig. Tumunog ang buto niya sa ilong at nalasahan ang lansa ng dugo. Tinadyakan niya ang ulo nito at muling gumapang. 

"Ginagalit mo `kong puta ka!"

Nanlilisik ang mga mata na tumayo ang lethium demon at hinablot ang buhok ni Lexine. Halos mapunit ang anit niya sa lakas nito. Kinaladkad siya nito at hinagis sa kabilang side ng kwarto. Bumangga ang payat niyang katawan sa lamp stand. Tumama ang noo niya sa matigas na bagay at mabilis na umagos ang mainit na likido sa kanyang mukha. 

Hindi na niya kayang kumilos. Tila pinipilipit ang tadyang niya at nabali ang buto niya sa balakang. Naninikip ang kanyang dibdib habang sunod-sunod ang kanyang pag-ubo. Unti-unti ng lumalabo ang kanyang paningin. Ramdam niya ang tila higante sa bigat na mga yabag ng lethium demon habang papalapit ito sa kanya. Iisang pangalan lang ang paulit-ulit niyang tinatawag.

'Night, Night... please help me. '

Umibabaw ito sa kanya at sinampal siya ng dalawang beses. Pumutok ang gilid ng labi niya. Nalulunod na siya sa lansa sa kanyang bibig. Hinablot nito ang buhok niya at dinikit ang mukha nito sa kanya. Lumilitaw ang mga galit na ugat nito sa noo. "Masyado kang matapang, ang dapat sa `yo tinuturuan ng leksyon."

Gamit ang matulis nitong kuko, dahan-dahan nitong hiniwa ang leeg niya. Gumuhit ang pulang dugo sa kanyang balat. Napahiyaw siya sa labis na sakit. Hindi na niya kaya ang paghihirap. Gusto na niyang matapos ang lahat ng ito.

Sa isang kurap ay lumipad ang demonyo at nawala sa kanyang harapan. May nabasag na bagay. Sinikap ni Lexine na manatili ang diwa niya. Natatakot siya na `pag tuluyan siyang pumikit ay hindi na siya magising pa. Hindi niya maidilat ang kaliwang mata. Hindi man siya humarap sa salamin ay alam na niyang burado na ang kanyang mukha.

Sa kabilang panig ng kwarto, naroon at nakatayo ang isang matangkad na bulto habang sakal-sakal ang demonyo. Nakaangat ang dalawang paa ng demonyo mula sa sahig.

Muling sumabog ang kidlat at tumama ang liwanag sa nanlilisik na mga mata ng prinsipe ng dilim. "I'm going to fucking kill you!"

Ngumisi ang lethium demon. "Napaka sarap niya, napakatamis ng kanyang balat at pawis." Nababaliw na dinilaan nito ang sariling labi at umalulong.

Nagtigas ang bagang ni Night at binaon ang mga kuko sa leeg nito. "I'll tear you into pieces you son of a bitch!"

Tinapon nito ang demonyo palabas ng bintana. Nabasag ang salamin. Maliksing tumalon si Night at sinunggaban ito. Nagpagulong-gulong ang dalawa sa damuhan ng hardin. Walang awat ang delubyo ng kalikasan na sumasabay sa galit ng prinsipe ng dilim.

Related Books

Popular novel hashtag