Pakiusap, basahin mo muna ito bago ka mag-proceed sa chapter 1 dahil mahalaga ang mga sasabihin ko. Please...
Hindi ko alam kung makararamdam kayo ng pagkabagot sa mga unang kabanata nitong 32 in Calendar. Sa totoo lang, nakailang edit at revise na ako sa kuwentong ito. Nalulungkot nga ako dahil parang walang pumapansin sa istoryang ito. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa mga unang kabanata nito. Kapag sinasali ko rin ang 32 in Calendar sa mga contest dito sa Wattpad, hindi ito nananalo lalo na kung hanggang 1-5 o 1-10 na chapter lang ang babasahin. Nakalulungkot dahil hindi man lang nila binibigyang pagkakataong basahin ito nang buo para malaman nila kung gaano nakaaantig ang kuwentong ito.
Sa katunayan, ako man ay nagandahan sa plot nito hindi lang dahil ako ang may gawa nito kung hindi bukod sa kilig, kapupulutan din ninyo ito ng napakaraming aral. Noong isinali ko ito sa isang kompetisyon na Romance Stories Award, ito ang itinanghal na grand winner dahil sa pa-contest na iyon ay talagang binasa nila nang buo ang mga story na kalahok.
Sa totoo lang din, 2017 pa ang 32 in Calendar dito sa Wattpad. Ayokong magsinungaling pero parang nilalangaw na lang ang istoryang ito. Sobra akong nalulungkot dahil napakarami kong pinagdaanan para lang maibahagi ito sa Wattpad. Naroong muntikan pang mawala sa akin ang cellphone ko kung saan naka-save ang lahat ng soft copy nito. Buti na lang, mabait sa akin ang Diyos dahil hindi niya hinayaang mawala sa akin ang kuwentong pinaglaanan ko ng maraming oras. Makailang beses na ring nabura ang maraming chapter nito pero dahil sa kagustuhan kong maibahagi ito sa Wattpad, muli kong ginawa ang maraming chapter na nabura. Mula sa 1st POV, ginawa ko itong 3rd POV at mula sa imformal na pagsulat, ginawa ko itong formal.
Kaya kung binabasa mo ang mensahe kong ito, sana bigyan mo nang pagkakataong mabasa ito nang buo. Kapag natapos mo ito, alam kong sasabihin mong hindi nasayang ang oras mo dahil kapupulutan mo ito ng mga aral na puwede mong magamit sa totoong buhay.