@International_Pen ((( MISSAMY ))) Nang magising ako… Masakit ulo ko… parang sisipunin ako… sabi ko kasi sayo Charm , wag masyadong negative.. dahil lapitin nga ng sakit yung mga Nega. Tapos makiki-isa ka pa sa kanila. Pero napabalikwas ako ng bangon… na andito ako sa Red Room ni Jeff. Oo, tawagin na nating Red Room.. kahit nga puti na yung ilaw. Maaliwalas ng tignan ang silid. May damit ka pa Missamy…Ibig lang sabihin walang nangyari…Hinipuan pa niya ako?!Napayakap ako sa sarili ko. Pinakiramdaman sarili ko… Buo ka pa Missamy.. nothing to worry.At paano ako makakalabas sa silid na ito. Yung unang pasok ko dito… medyo lakas ng pantasya ko na may maling ginagawa dito si Jeff… pero narealize ko ngayon dahil… puti ang liwanag, parang silid pahingahan lang ni Jeff. Tao din naman talaga siya Missamy, kailangan magpahinga. May full length na bintana… at ng alisin ko ang kurtina…Wow… maningning ang mga butuin sa kalangitan…