Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Faithfully Yours

šŸ‡µšŸ‡­Kalopsia
--
chs / week
--
NOT RATINGS
19k
Views
Synopsis
Matagal nang minamahal ni Elera si Aydin. Hindi man maisusukli ang pagmamahal niya, basta masaya na siya. Pero bago pa man sila makagraduate, bigla na lang nawala si Elera, at hindi na ulit sila nagkita. Makalipas ang walong taon ay muling bumalik si Elera kung saan nagsimula ang lahat. Ang lugar kung saan marami siyang nagawang masasayang alaala na masarap balikan. Pero nandito din ang mga mapapait na alaala na masarap kalimutan. Hinding hindi inaakala ni Elera na muling magkikita ang dalawa. Pero ngayon na nandiyan na siya, gusto niya kaibiganin si Elera. Kaso, ang gusto lang naman ni Elera ay lumayo sa kanya. Paano na?
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Sa isang magandang paaralan sa probinsya, nanahimik na nagbabasa ng libro si Elera sa ilalim ng malaking puno, nakadequatro ang paa.

"Ah ang saya talaga magbasa! Mas masaya pa ata kesa magaral eh," ngiting sabi ni Elera habang sumandal sa puno. Siya lang mag-isa sa buong campus dahil nga busy ang mga estudyante sa pagtatapos ng kanilang mga kailangan tapusin.

"Edi wag kana mag-aral. Magbasa ka na lang sa bahay," may nagsabi sa likod niya.

Hindi na kailangan tumalikod ni Elera para malaman kung sino yung nagsalita.

"Alam mo, kung saan saan ka na lang sumusulpot. Ano ka, daga?" napasimangot si Elera.

Minsan talaga... Napakasarcastic ng mga sagot ng lalaking to.

"Grabe naman. Nasaktan ako dun..." napahawak ang lalaki sa kanyang dibdib na para bang nasaktan talaga ang kanyang puso.

"Nako, Aydin. Wag ako. Nananahimik ako ditong nagbabasa. Epal ka." naggesture si Elera na umalis yung lalaki, pero dinedma lang siya.

Bumalik na sa pagbabasa si Elera. Okay na sana kaso biglang tumabi sa kanya si Aydin. Although mukhang naiinis na siya, sa totoo lang medyo masaya na din.

Pero hindi din naman masisisi si Elera. Ngayon lang ata si Aydin ang unang lumapit sa kanya. Pero, bakit?

Nung mga nakalipas na araw, pagkatapos nila magusap ng isang beses sa chat, eh parang mas lalo na ata silang naging close? Parang nung mga bata lang sila. Asaran at kakulitan lang ang alam.

Nung una, nagtataka pa si Elera kung bakit ang close nila, pero nawalan din siya ng pake ng marealize niya na tanggaping na lang ang katotohanan. Tutal, wala rin naman nakakaalam kung eto na ba ang huli nilang pagsasama.

"Nakita ko nga pala si pugita kanina," mahinhin na sinabi ni Aydin. Malaki ang kanyang ngiti, kitang kita ang dimple niya.

Ng sinabi ni Aydin eto, hindi din maiwasan ni Elera na hindi ngumiti. Natawa pa nga siya ng onti eh. "Oh, bakit nanaman?"

Lalong lumaki ang ngiti ni Aydin at biglang tumawa ng malakas. "Sabi ni sir turuan ko daw. Eh ayaw nya tanggapin na mali sya. Edi yun, nagwalkout ako tas hinanap kita."

Ay nako! Kinikilig sa loob si Elera. Hindi niya napansin na bumilis ang tibok ang puso niya. "Oh bakit naman?"

Napatingin sa langit si Aydin. Sumandal din siya sa puno sabay napabuntong hininga. Tumingin ulit siya kay Elera pero unlike kanina, seryoso na ang tingin niya. "Diba? May sasabihin ako sayo. Nakalimutan mo na ba?"

Napaiwas ng tingin si Elera. Hindi niya kaya tignan ng matagal si Aydin at feeling niya sasabog puso niya. "Hindi... Pero mukhang importante."

"Bakit? Alam mo naman na gusto ko sabihin hindi ba?"

Mas lalong bumilis tibok ng puso ni Elera. "Aba malay ko ba. Tsaka, ayoko magassume. Baka mali lang pala hinala ko."

"Hindi seryoso na talaga to. Di ako nagbibiro promise."

Nako! Masama to para sa puso ko.

"Oo na! Sabihin mo na kasi jusko po!"

"Okay... Ang totoo talaga ay..."