Chereads / Faithfully Yours / Chapter 4 - Mga Alaala

Chapter 4 - Mga Alaala

Agad naman na nagsuot ng sapatos si Aydin bago niya tuluyang nilabas ang aso. Naaalala niya pa na may malapit na park sa may condo, kaya dali dali naman siyang pumunta at baka biglang maihi itong aso na ito kung saan saan.

Nang makarating sa park, napatingin si Aydin sa malaking field na nasa bandang kaliwa. Walang masyadong pinagbago. Yung puno ng narra na nasa pinakagitna ng buong park ay nandoon parin, iyong upuan na nakapaligid dito ay sira sira na at halatang hindi na inayos.

Yung aso naman, kung saan saan idinadala si Aydin. Minsan sa damuhan iihi minsan naman sa gilid ng puno. Pero kahit na hindi masyadong mahilig si Aydin sa aso, natuto siyang magkagusto dito dahil sa iisang rason. Ay hindi pala, sa iisang tao lang pala.

Dahil dito, hindi maiwasan ni Aydin na isipin ang mga dating alaala na nagawa nilang dalawa dito mismo sa park na eto. Yung mga panahon na dalaga't binata pa sila.

...

"Napaka! Ang kulit mo din eh noh? Umupo ka nga dito. Hindi ka naman niya kakagatin," naiinis na sinabi ng babae.

Iyong lalaki naman, ayaw lumapit sa kanya dahil sa iisang rason lamang.

May aso siyang dala.

Hindi maganda ang tingin ng lalaki sa aso. Noong bata pa siya muntik na siyang kagatin ng aso. Buti na lang at nakapitan agad ng amo iyong tali sa leeg at naiwasan siyang makagat. Pero ngunit hindi siya nasaktan, hindi niya parin makakalimutan ang pakiramdam na para kang prey ng isang predator. Ang malas pa don ay may rabies ata yung aso.

Umiling lalo ang lalaki, maliliit ang hakbang niya papalayo.

"So hindi ka lalapit? Sige. Uuwi na lang ako. Masarap pa naman dala kong pagkain," sabi ng babae. Niligpit niya ang gamit niya at tumayo. Tatalikod na sana siya ng biglang sumingit yung lalaki.

"Teka! Eto na. Lalapit na ako. Wag kang umalis," makaawa ng lalaki. Medyo matinis ang kanyang boses na para bang babae pero dahil lang hindi pa siya nagbibinata.

Nawala ang simangot ng babae at masaya naman siyang ngumiti. Muli siyang umupo sa damuhan at binaba ang kanyang bag. Ang aso sa tabi niya ay tahimik lang na nakadapa habang nakalawit ang dila.

"Oh? Ano pa ang iniintay mo? Lapit." niyaya ng babae.

Napalunok na lang ang lalaki at dahan dahan lumapit sa babae. Medyo pinapasma na ang kanyang palad at mabilis ang tibok ng puso niya. Malapit na siya. Medyo mga tatlong hakbang na lang. Susuko na sana ang lalaki kaso bigla siyang hinatak ng malakas ng babae.

Napalaki ang mata ng lalaki ng mapaupo siya sa tabi ng babae. Ang aso ang nasa gitna nila. "Oh diba? Kaya mo naman pala eh," sabi ng babae.

Napabuntonghinga ang lalaki ng makita niya ang kuntentong ngiti ng babae. Na tila para bang wala na siyang ibang gusto pa.

...

Hindi mapilitan ni Aydin na ngumiti. Napatingin siya sa makulimlim na langit at huminga ng malalim. Kung mas naging matatag siya sana. Kung kinaya niya lang. At higit pa sa lahat... Kung hindi niya lang siya binitawan.

Dahan dahan na naglalakad si Aydin sa sementong daan habang hinihila siya ng aso. Habang naglalakad, hindi niya namalayan na biglang huminto ang aso.

Tumingin siya sa kanyang likod at nakita na may kalaro yung aso. Babae na mukhang nasa twenties nya lang. Siguro mga kasing edad niya lang.

Maikli lang ang kanyang buhok at balot na balot ang katawan. Hindi kagaya ni Aydin na sweater lng ang suot.

Mukhang masaya yung babae dahil hinihimas niya ang tiyan ng aso habang dinidilaan ng aso ang isa niya pang kamay.

Hihilahin na sana ni Aydin ang tali ng aso para matapos na ang paggala nila kaso naunahan siya ng babae na tumayo at tumingin sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Aydin sa gulat. Naramdaman niyang tumibok ng mabilis bigla ang puso niya.

Elera...?