Chereads / Faithfully Yours / Chapter 2 - Muling Bumalik

Chapter 2 - Muling Bumalik

Hindi maiwasan kumunot ang noo ni Elera. Sa lahat ba naman ng pwede niyang puntahan para magbakasyon, ay dito talaga sa lugar kung saan siya pinalaki.

Kaya nga siya umalis eh. Para makalimutan ang mga masasamang alaala na dinala nya noong estudyante pa siya. Hinding hindi niya makakalimutan ang katarantaduhan na ginawa niya.

"Elera, sure ka okay lang sayo? Hindi kasi talaga ako pwede eh. Bawi na lang ako sa susunod ha?" tanong ni Claire, isang matalik niyang kaibigan noong nasa kolehiyo pa siya.

Tumango lang si Elera. Nandito na siya eh. Wala ng backout backout. Buti sana kung pwede. Kaso andito na din yung maleta niya. Sayang din effort.

"Oh sige. Alis na ako, goodluck ha? Wag mong kalimutan umattend ng reunion ah?! Sige ingat ka!" sigaw ni Claire hanggat sa tuluyang lumayo ung kotse.

"Teka... reunion? Aba! Bruha talaga yung babaeng yun ah. Pasalamat siya hindi ko na siya makukutusan." pumasok na lang si Elera sa unit na pinahiram sa kanya ni Claire at nilapag sa sahig ang maleta. Humiga siya sa sofa na malambot.

"Hayst... Sabagay, isang linggo lang naman ako nandito. What could go wrong diba?"

Yun na nga lang, ang hindi alam ni Elera ay yung reunion na pupuntahan niya ang pinagplanuhan ng mga date niyang mga kaklase.

...

Dumating si Aydin sa kanyang probinsya nung ikalawa pa ng marso. Kaya lang naman siya umuwi ay dahil sa kanyang matalik na kaibigan na si James. Kung hindi dahil pinilit siyang magbakasayon dito, ay tuloy tuloy lang siguro siya sa pagtatrabaho.

Inisip na lang ni Aydin na oportunidad ito para makapagpahinga. Minsan na nga lang ata siyang nakapagleave sa trabaho dahil nga madami laging gagawin.

Dahil dyan, binuksan niya na lang ang tv at nanood ng kung ano man merong palabas.

Ang hindi niya nga lang alam, inuto lang siya ni James para makauwi dito. Plano eto ng mga date niyang kaklase na matagal na nilang lahat iniintay.

...

Nagising na lang ulit si Elera ng maggagabi na. Nakatulog siya sa sofa ng nakadapa at medyo tumulo ang laway. "Ano ba naman yan... Nakakahiya eh."

Ng makita na madilim na, nilabas na ni Elera ang kanyang mga damit sa maleta at maayos na inilagay sa drawer ng kwarto. Pagkatapos magbihis ng pangbahay, nagluto na lang si Elera ng instant noodles dahil tinamad siyang magluto ng ulam. "Tsaka na lang kapag sinipag ako."

Pagkatapos ng hapunan, naghilamos na ng mukha si Elera at maagang natulog. Kulang talaga ang tulog niya dahil bago pa siya hinatid ng kaibigan niya, eh ang layo pa ng pinanggalingan niya. Tsaka na lang siya sinundo noong nasa checkpoint na siya.

Kaya nga naman hindi mo masisisi kung bagsak kaagad siya paguwi. Hindi nya man lang namalayan na maraming nagmessage sa kanya.