Chereads / Faithfully Yours / Chapter 3 - Shi Tzu

Chapter 3 - Shi Tzu

Kinaumagahan, maagang nagising si Elera. Hindi dahil maaga sya natulog, kung hindi dahil nasanay ang katawan niya na gumigising ng maaga. Noong estudyante pa lang ganun na talaga siya kaaga gumising.

Pagkagising, hindi kinalimutan ni Elera na maghilamos ng mukha at magsipilyo. Kung nandito man siguro ang lolo't lola niya, proud na sila dahil hindi niya kinalimutan ang tinuro sa kanya. Dahil medyo sinipag si Elera, nagluto lang siya ng simpleng itlog at naghanda ng tinapay na may palaman.

Pagkatapos kumain, tsaka niya na lang napansin na punong puno ng messages ang kanyang phone. Karamihan doon ay galing sa kanyang matalik na kaibigan, yung iba sa lolo't lola niya, at isa naman ay galing sa isang unfamiliar na number.

Napakunot ng noo si Elera. Hindi naman siya namimigay basta basta ng phone number niya. So bakit may nagmessage sakanya bigla? Baka order? Eh wala naman siyang inoorder eh.

Tinignan niya ang text message at napamulat siya ng mata. "Kailan ka magpapakita? Ang tagal na kitang hindi nakakausap. Pupunta ka ba sa reunion? Message mo agad ako ha?"

Anong kalokohan nanaman toh? Sino ba tong feeling close na ito na bigla bigla na lang nagmemessage? Dateng kaklase? O kaya kaibigan na nakalimutan na?

Napakamot ng ulo si Elera. Hindi niya muna ito nireplyan at tinignan ang message ng iba. Yung kay Claire, sinasabihan siya na kailangab niya pumunta ng reunion. Sa lolo't lola niya naman, pinadala siya ng gulay para hindi siya magutom. Ha? Eh saglit lang naman siya nandito. Isang linggo lang naman siya makakapagbakasyon. Pagkatapos non, balik trabaho na ulit.

"Masasayang lang siguro yung mga gulay... Ano ba yan. Kailangan ko magluto. Katamad naman..." wala talagang balak magluto si Elera dahil gusto niya lang magpahinga buong linggo.

Eh imbes na magpahinga, napilitan siyang umattend ng highschool reunion nila tas kailangan niyang magluto para di masayang mga gulay na ipapadala ng lolo't lola niya. Nako! Malas nga naman.

Napabuntong hinga na lang si Elera. Lalabas na lang siguro siya sa park. Siguro naman wala masyadong nagbago. Dali daling naligo si Elera at nagbihis pangalis, hindi kinalimutan isara ang pinto ng condo bago umalis.

...

Mga alas otso na ata nagising si Aydin. May tumutulo pa ngang laway sa gilid ng kanyang bibig sa sobrang sarap ng tulog niya. Tinignan niya ang phone niya at nakita ang oras.

"Jusmiyo... Late na pala ako nagising... Hayaan mo na. Bakasyon ko naman ngayon." pumunta kaagad si Aydin sa banyo at naghilamos sabay sipilyo. Pagkatapos ay naligo siya saglit sabay nagbihis ng casual.

Habang kumakain ng tinapay, may kumatok sa pinto ng condo unit niya. Sumimangot si Aydin pero binuksan parin ang pinto. Bumungad sa kanya ang matalik niyang kaibigan na si Carson. Kaso, hindi parun nawawala ang simangot niya.

"Grabe! Aga-aga simangot agad," hindi mapigilan na sabihin ni Carson.

"Ano kailangan mo?" hindi pinansin ni Aydin ang sinabi ni Carson.

"Ay hehe. Pwede pabor?" ngumiti na lang ng malaki si Carson.

Lalong lumalim simangot ni Aydin. "Anong klaseng pabor?"

"Ano ksi eh... Pwede ba palakad ng aso ko? May kailangan kasi ako puntahan ngayon kaya di ko siya malalakad." napakamot ng ulo si Carson.

"Eh bakit hindi mo na lang siya ilakad mamaya pagbalik mo?"

"Baka kasi bigla siyang umihi sa condo ko eh hindi pa siya ganun kawell trained. 8 months pa lang siya tsaka hindi naman gaano kakulit. Please?" makaawa ni Carson.

Tatanggihan parin sana ni Aydin kaso kilala niya yung tao eh. Mamaya baka lumuhod yan sa sahig. Edi nagmukha siyang bully non. Tumango na lang si Aydin.

Dahil dito, hindi maiwasan ni Carson na ngumiti. "Eto oh!" tsaka na lang nilagay sa palad ni Aydin ang leash ng aso at mabilis umalis.

Tinignan ni Aydin ang aso at nawala ang simangot niya. Shi tzu yung breed ng aso. White tsaka black ang kulay. Ang nakakatuwa pa, nakatitig lang ito sa kanya na para bang iniintay siya na ilabas ito.