Chereads / (Primero #1) He Abused Me / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Sky POV

Mabuti nalang nakuha ko na ang sign nung client na pinagkabusyhan ko ng ilang linggo rin. Hayss.

"Nakakapagod!"

Sabi ko habang naguunat ng braso at nakasandal sa swivel chair ko.

*knock knock*

Napatingin ako ng wala sa oras sa pinto ng opisina ko,Sino naman kaya 'to?

"Come in."

Salita ko kasabay naman nun ang pagpasok ni Samantha.

Napaayos tuloy ako bigla ng upo, Shit! Baka mamaya sabihin niya na ang tamad kong boss dahil nakasandal lang ako sa swivel chair ko. Baka maturn-off siya!

"Uh? Sir, Pwede po bang maaga po akong mag-out ngayon?"

Tanong niya habang nakayuko, Bakit naman maaga siya ngayong mago-out?

Hindi ko pa man din naitatanong sa kanya yung naiisip ko,pero sinagot na niya.

"Ah, Kasi sir kailangan ko po kasi ngayong bumawi sa mga kaibigan ko dahil daw sa hindi na po ako nakakasama sa kanila.. Kung pwede lang naman po Sir eh,Kung hindi po maiintindihan ko namana po."

Paliwanag niya, haha.Feeling ko isa siyang bata na takot na takot na magpaalam na gumala sa tatay niya. Pero syempre hindi niya ako tatay,pwede pa asawa..Sa future. haha

"Sige, Ok lang."

Payag ko naman sa kanya, Lumawak naman bigla yung ngiti niya at ng dahil din doon napangiti rin ako lalo.Ang cute niya talaga kapag naka-ngiti siya tas ang ganda naman niya kapag naka-serious face siya. Haha

"Talaga po sir?! Thank you!Sige po ah? Balik na po ako sa pwesto ko."

Masigla paalam sakin, Hayys.

Nginitian ko nalang siya at siya naman ay pumunta na sa pinto at lumabas.

Ngayong wala na akong iintindihin masyado,Si Samantha naman na ang pagtutuunan ko ngayon ng pansin.May misyon pa ko na paibigin siya,haha.

~

Pauwi na ako nang biglang may tumawag sa Cellphone ko,Hininto ko naman na ang kotse at sinagot yun.

[Helloo!]

Tsk, Ang baliw lang pala na si Stanley.

"Oh?Problema mong ugok ka?"

[Maka-ugok ka naman! Sama mo! Sa gwapo kong ito?! (Saan naman banda yang sinasabi mong gwapo na yan, Huh? Stanley!Tumingin ka nga ng salamin!)]

Narinig ko namang sabi din ni Jasper sa kabilang linya,Magkasama pala ang dalawa.

"Ano bang problema niyong dalawa?! 'Bat kayo tumawag?"

[(Tumahimik ka nga dyang bakla ka!) Ehem,ehem. Punta ka dito ngayon sa Bar-nana, Celebrate tayo! Bilisan mo ah! Gege!]

Hindi na rin ako nakatanggi dahil bigla na niyang pinatay yung tawag, Baliw talaga! Tsk, Nakakatamad ngayong mag-bar eh!

Labag sa loob na nagu-turn ako at dumeretso sa Bar-nana.

Yung tumawag sakin si Stanley at Jasper .. Stanley Villafuerte at Jasper Villarma, Mga kaibigan kong takas sa mental.

Pagpasok ko naman ng Bar-nana,isang typical lang din na bar. Maiingay,Madaming tao, Amoy sigarilyo at alak, At madaming naglalandian sa paligid.

"Hi Sky, Long time no see ah?"

Napatingin ako sa babae na bigla nalang naglambitin sa leeg ko,Tsk sino ba 'to?

"Ah? Yea ge, See you around."

Sabi ko sabay medyo marahas na tinanggal ang braso niya sakin. Wala ako ngayon sa mood na makipag-landian.

Nilibot ko na ng tingin ang buong bar pero di ko namna nakita yung dalawa,Tss asan naman yung mga yun?Mga baliw talaga pinapunta ako pero di manlang ako sinabihan kung nasan banda sila.

Ite-text ko palang sana sila ng bigla na silang nagtext sakin.

From: 'Lokong Stanley

'Pre, Dito kami sa room 124.

PS: 'Bat ganun? Hindi ka pogi tulad ko kapag naghahanap ka 'pre? Hahaha. Ang pogi ko talaga! Shit!

Loko talaga 'tong Stanley na'to. Baliw eh.

Dumiretso nalang ako sa private room na nakuha nila sa second floor.

Pagdating ko sa room sinalubong lang naman ako ng mga may sariling mga mundo na baliw habang nakikipaglandian, Talaga naman!

"Oh! Nandito na si Sky 'pre!"

Tawag ni Stanley kay jasper na busy pa sa pakikipag-torrid dun sa babaeng sa pagkakaalam ko ay model.

Si Stanley naman pinagpatuloy na yung pakikipagmake-out dun sa babaeng sa pagkakaalam ko naman ay artista.

"Oh! Welcome Sky dude! sige! Enjoy ka lang jan!"

Sabi naman ni Jasper, Tangina talaga pinapunta pa ako dito wala naaman palang sasabihing maganda.

"Fuck you! Ba't niyo ba kasi ako pinapunta pa dito?! Tangina naman oh! Pagod yung tao eh, tas iistorbohin niyo!"

Inis na sabi ko sabay upo sa single sofa na kaharap nung dalawa.

Humiwalay naman na yung dalawa sa mga babae nila at nagpaalam muna sandali. Ha! Dapat lang nuh! Letcheng mga 'to.

Saka naman sila humarap sakin na seryoso na ang mga mukha. Tch.

"Kasi, ganito yan 'pre" -Stanley na bigla nalang inilapit pa sakin ang mukha na nagpataas naman ng kilay ko.

"Oh?" Bored kong tanong sakanya,sabay inom nung martini na nalagay sa center table.

"'Pre kasi may biglang sumugod sa bahay niyo kanina at pinaalam kina tita at tito na nabuntis ka daw niya!"

ha?!

"Gago! 'Pre mali yung pagkakasabi mo! Tanga-tanga talaga. Tsktsk"

Sabay batok sa kanya ni Jasper,tarantadong Stanley naman kasi mangaasar na nga lang mali-mali pa.

"Huh? Bakit? Ano bang sinabi ko?"

takang tanong niya.

"Tado! Sabi mo nabuntis si Sky nung babae!"

Sigaw ni Jasper sa kanya.

Bigla namang napakamot sa buhok niya si Stanley.

"Sorry naman nuh!? Di ko naisip na mali pala! Hahaha"

Stanley. Baliw talaga eh.

"tsk, Oh? Ano nga bakit ba kasi tayo nandito?!"

Tanong ko ulit sa kanila.

"Wala lang."

Sagot ni Stanley sabay inom sa beer niya.

"Letche kayo! pagod ako tas papapuntahin niyo ako dito ng walang dahilan?! Aiish! Natutulog na dapat ako ngayon eh! Tsk."

Sigaw ko sa kanila, mga trip talaga nitong dalawang 'to eh.

"Ang harsh mo naman Sky! parang ayaw mo talaga kaming makita!"

Sabi ni Jasper habang kunyari pang naluluha, Abnoy talaga.

"Ewan ko sa inyo! Tsk. Pass muna ko ngayong araw,Uwi nalang muna ako."

paalam ko sa kanila sabay tatayo na sana ng sofa

"Maya-maya na muna 'Pre! Dito muna tayo! Sige na!"- Jasper

"Oo nga! Dami pa namang bagong mukha ngayon oh!" - Stanley sabay turo sa mga nasa baba.

Ako naman si tanga tumingin din sa may baba kung saan kitang-kita mula sa pwesto namin ang dance floor. Nang napatingin ako sa baba hindi mga nagsasayaw ang napansin ko kung hindi yung babaeng nandon naka-upo sa isa sa mga upuan sa tapat ng bartender at tahimik na umiinom ng i think tequila? Si Samantha..

Agad-agad akong nagpaalam na sa dalawa kahit na mga halatang nagtataka,Dali-dali akong bumaba at pumunta sa kinauupuan ni Samantha.Dito ba sila pupunta ng mga kaibigan niya kaya siya nagpaalam na maagang uuwi? tsk, Dapat pala hindi ko nalang siya pinayagan. Mamaya baka mabastos pa siya dito eh.

Hindi pa man ako nakakarating sa kinauupuan niya kanina ng napansin ko na siyang nakaupo sa isa sa mga table kasama sina Janine? and Justine? Sila ang kaibigan niya?

Lalapitan ko na sana sila ng may nauna na saking nakalapit sa kanila na lalaki. Wait, Kilala ko 'to eh. He's one of my employee if i'm not mistaken he's Guiterrez?

"Sorry i'm late!" Rinig kong paumanhin niya kina Samantha nginitian lang naman siya ni Samantha tas nag-iwas ng tingin. Why she's acting like that? But in other side it's good that she's not that close to that guy Guiterrez.

"Ok lang di naman kami masyadong matagal nag-intay." Sagot naman ni Janine.

"So? Let's party na!" Biglang sigaw ni Justine, Yea i know that he's gay.

Pumunta naman sina Janice and Justine sa dance floor with their wine.

Nagdadalawang-isip ako na lumapit kina Samantha at sa Guiterrez na yun, ano nalang ang sasabihin ni Samantha malalaman niyang nasa bar ako. Pero shit naman! It's normal to a guy na pumunta sa Bar right? Aishh!

Napagdesisyunan ko na na lalapit ako sa kanila, Hahakbang palang sana ako papunta sa kanila ng biglang may humarang sakin at bigla nalang akong hinalikan.

Shit naman! Hinawakan ko sa magkabilang braso yung babae para itulak.

"Hi Sky babes, want me to warm your bed tonight?" Seductive na sabi niya but i'm not affected. I have many things to do, kaya naman umiling nalang ako sa kanya at pilit na ngumiti sabay punta na sa dereksyon nila Samantha but too late wala na sila doon.

Agad kong nilibot ang mata ko para hanapin sila at there! palabas na sila ng bar. Shit!

Tumakbo kaagad ako para maabutan sila at naabutan ko silang pumunta sa parking at doon huminto sa walang tao.

What are they going to do? Akala ko ba hindi sila close? O baka nagkamali lang ako? Shit! Naiinis ako! Anong meron sa kanila?

Hahakbang palang sana ako papunta sa kanila pero natigilan ako dahil sa nasaksihan ko, biglang hinila ni Guiterrez si Samantha para yakapin na siyang lalong nagpainis sakin at dahilan kung bakit hindi ko na napigilan yung sarili kong sugurin ng suntok 'tong lalaking yumayakap sa mahal ko.

Samantha POV

"Ano? Wala pa ba si Dave?" Salubong na tanong sakin ni Janine pagkagaling niya ng C.R

Sasagot palang sana ako pero biglang may nagsalita.

"Oh? Mga Bessy! Where's Fafa Dave na?!" Tanong naman ni Jus na may hawak-hawak na glass of tequila.

"Wala pa siya." Sagot ko naman.

Naku naman kasi talaga! Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko ngayon kay Dave dahil sa nangyari nung nakaraan. Dapat bang normal lang na parang walang nangyari? Pero baka naman kasi masaktan siya nun! Sabihin nun di ko sineseryoso sinabi niya.

Eh kung maging distant ako? Edi makakahalata naman yun na super affected ako. AnoBaNamanTalaga!

"Sorry i'm late!" Nawala ako sa mga iniisip ko dahil sa nagsalita.Si Dave.

Nginitian ko nalang siya ng napatingin siya sakin sabay iwas ng tingin. Awkward.

"Ok lang di naman kami masyadong matagal nag-intay." Sagot naman ni Janine sa kanya.

"So? Let's party na!" Biglang aya ni Jus.

Umalis naman na yung dalawa para sumayaw pero bago yun sabay pa akong kinindatan. Tsk, Mga sira eh. Haha

"Sam." Napatingin ako kay Dave ng magsalita siya. Nginitian ko lang naman siya ulit. Ano bayan! Ang awkward talaga! Hays.

"C-can we talk?" Tanong niya, Tumango nalang naman ako. Siguro nga kailangan talaga naming mag-usap.

Inaya niya akong lumabas, Hindi naman kasi kami makakapagusap kapag nandito kami sa loob masyadong maingay.

Dinala niya ako sa parking sa bandang walang tao.

"Uhh. A-ano, sorry." sabi niya nang nakayuko. Hays

"Ako ang dapat mag-sorry, pasensya na kung umiwas ako nitong mga nakaraang araw." paghingi ko din ng paumanhin.

"Ayos lang yun nuh. Ako naman may kasalanan eh, kung hindi kita binigla nun sa mga sinabi ko edi sana walang nagbago diba? Pero hindi ibig sabihin nun na hindi totoo yung mga sinabi ko nung gabing yun sayo Sam. Lahat yun totoo, pero sana bumalik na tayo sa dating tayo." sabi niya na bakas ng paghingi ng paumanhin at pagkatotoo.

"Oo naman nuh! Na-miss ko narin kaya na makipag-bonding sayo, sa inyong tatlo. Haha." sabi ko, ramdam ko na bigla nang gumaan yung pakiramdam sa pagitan naming dalawa.

"Haha, so? Friends? Again?" tanong niya sakin ng nakangiti, sabay abot sakin ng kamay niya.

"Yea, friends. Again haha" abot ko naman sa kamay niya pero nabigla ako ng bigla niyang hinila ang kamay ko at niyakap ako. Nabigla ako pero yayakap narin sana sa kanya ng biglang may humila kay Dave at nakita ko nalang siyang nakaupo sa sahig. Nilapitan ko naman agad siya para tulungang makatayo.

"Ano bang problema m--?!" Hindi natuloy na tanong ni Dave sa kung sinoman ang sumuntok sa kanya, at nahalata ko sa kanya ang gulat niya.

Nilingon ko naman ang taong nanugod sa kanya para malaman lang na kaya pala siya talaga natigilan.

"S-Sir Sky?!"

Hindi pa man din ako nakakbawi sa pagka-gulat at pagtatanong sa isip o kung bakit biglang sinugod ni Sir si Dave ay bigla nalang akong hinawakan ni Sir sa wrist sabay hila sakin kung saan.