Chapter 3 - Seen

Ania's POV

Nasadulo ako ng tulay. Sa gilid ng baluster or railings or kung ano bang tawag sa ganyan.

Ang sarap ng hangin. Tumingin ako sa baba. Ang lalim ng distanya mula sa tulay at sa ilog.

Tatalon kaya ako?

Hindi naman ako mamamatay diba? Patay na nga eh.

"Oi bata! Huwag ka diyan delikado!" Isang boses ng nag-aalalang lalaki ang su

Tumingin ako kung sinong batang tinutukoy ng tao. Wala naman eh.

Lumingon ako sa kanya. Tumitingin siya sa akin, mukhang nag-alala sa kapakanan ko.

"Ako? " tanong ko sa kanya sabay turo sa aking sarili.

"Wala namang ibang bata diba, kaya oo, ikaw. "

"Nakikita mo ako?" lumapit ako sa kanya at lumagpas yung katawan ko sa relis. Nanlaki yung mata niya. Tumingin ako sa paligid lahat ng tao nagbulong-bulongan.

Tumitingin sa amin. Hindi pala.

Tumitingin sa kanya.

Hindi nga pala nakikita.

Napansin ni kuya na nakuha na pala niya ang attensyon ng mga tao sa paligid. Nagbubulongan kung baliw ba siya o lasing o kung ano ano nalang. Bigla siyang lumakad papalayo.

"Kuya? " sigaw ko habang sumusunod sa kanya. Bigla siyang tumakbo.

"Kuya! Sandali lang! Nakikita mo ako? " Ang bilis ng takbo niya na hindi ko na siya naabutan.

Gabi na nang bumalik ako sa bahay. Wala na naman si ate. Nasa part-time niya siguro.

Humiga ako dito sa may damohan sa labas ng bahay kung saan minsan kami naglalaro ni ate, nagkukwentuhan, nagpipicnic. Sa gabi, minsan dito kami magcacamping ni ate at lumalabas ang mga ulo namin sa pinto ng tent para lamang tumingin sa mga bituin masiglang nagniningning sa dilim ng langit kasama ang ilaw ng buwan. Namimiss ko na ang nga panahon na iyon.

Meron na lamang akong ilang buwan para manatili dito sa mundo. Kaya bago paman ako mawala dito kailangan ko munang hanapin ang the one ni ate para maging panatag yug damdamin ko pag pupunta na ako sa mahiwagang lugar.

Kaya kailangan ko ng tulong ng lalaki kanina. Mabait naman ang kanyang itsura. Sigurado akong nakikita niya ako. Ang tanong... Saan kaya ko kaya siya hanapin?