Chereads / There Will Be Love There / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

I've never been more lucky to work with a manager like Beata. Friendly siya in a professional way at I appreciate kung gaano siya dedicated sa trabaho namin. Ganun siguro kapag nagta-trabaho ka sa isang tech company, bata na mga katrabaho mo, isip bata pa, so she's a breath of fresh air. Madali mo siyang pagkamalan na masungit pero straight-forward lang talaga siguro mga Russians na gaya niya.

Parang noong bigla na lang niya akong linapitan para daw sa isang good news...

"I've worked out something you'd like..." Panimula niya habang palakad sa office namin with her signature pageant walk. "I'm going to assign you to Manila."

"Why the surprise?" Pagtataka kong tanong as if di ko nabanggit sa kanya ang matagal ko nang request – or should I say obligation.

"Louie, you gotta thank me as I always try to work around your life..." Buti na lang talaga sanay ako sa pagka-prangka nito. Or maybe nahawa na rin ako sa kanya. "I need you somewhere else but the stars are aligned! But there's a catch-"

Ano naman kayang pakulo nito?

"You think it's permanent? Nah. We're going to Europe after your vacation."

Ang Policy Deparment ng kumpanya namin ang gumagawa ng mga rules kung anong pwedeng i-post at di-ipost sa mga website namin. Sa dami pa naman ng users, di maiiwasang may makakalusot na kalokohan - viral rants, fake na Gucci at cellphones hanggang sa picture ng mga pinatay ng ISIS o mga live stream na suicide. Joke nga sa opisina, kami daw ang mga janitor ng kumpanya dahil kami ang naglilinis ng kalat sa mga apps namin. Kami din mga congressman bilang taga-gawa ng rules, at mga pulis na ring taga-huli sa mga nagkakalat ng lagim.

Nakakapag-taka nga ring paano akong napadpad dito mula sa isang accountancy career papunta sa technology industry. Mas lalo nang di nila kinuwestiyong bakit gusto ko ng career change. Kung tutuusin, di rin naman worth it magtrabaho sa auditing firm na overtime ka palagi. At least dito chill lang.

"How long it's going to be, exactly?"

"Probably a month or two. At least until the election there's done."

"Guess I have to thank you, Beata..." Word of appreciation ko sa kanya kahit na parang bitin iyong bakasyon kung tutuusin.

"No, thank you..." Pagbalik niya ng pasasalamat. "You're the only guy I can trust here...like you're the only real Pinoy on our team, not Fil-am. And I can still remember your pitch back then when I interviewed you..." Right...kung paanong nabago yung buhay ko ng dahil sa awayan namin ni Dan sa internet. Akalain mong makakakuha ako ng bagong career dahil sa kanya. "Take note though…this will be a huge challenge for you for sure."

"Perhaps you can give me a clue?" Napataas ang kilay ko doon.

"You have to create policies for the Philippines...as in everything. I'm sure you still have contract with people back home, right?" Kung pwede lang sabihing naka-hide silang lahat sa mga feeds ko? "They badly need your help, Louie. I hope you can do everything..."

"Everything?"

"Yeah...for now." Pag-amin niya. "There's some guides you can use anyway...not that you'll be alone in this as I'll let you hire someone to take over once you're done."

"So when do I pack up?" Not that may karapatan akong tumanggi…

"Can you start by Monday? I'll have it arranged for you..."

Hindi ko alam na natulala na pala ako while reflecting sa bilis ng mga pangyayari.

"Probably end of the week, please? I'll check with Mom about my flat."

"Ah yeah, I forgot...where will you be living there anyway?" Sabay tawa niya sa kanyang pagmamadali. "I mean, I should've asked if this is fine with you."

I should've have ranted tungkol sa pakiusap ng mga magulang kong umuwi sa Pilipinas – medyo marami na rin kasing Pasko at birthdays na akong napalampas. Kung pwede ko lang sanang diretsuhin nanay at tatay ko kung bakit para ko silang tinatakbuhan – mahirap na kasing makumpara ka sa mga kamaga-anak sa handaan, kung gaano sila kasayang may kanya-kanya nang pamilya, o kaya ikaw yung magiging token na bading na titong nagpapa-aral ng pamangkin o ninong sa binyag.

Same goes sa mga kaibigan at kaklase ko dati, na siguradong nagtataka kung anong meron sa buhay ko. Ayoko namang maging OP sa mga reunion nila habang nagkwekwentuhan sila tungkol sa mga asawa, anak at mga negosyo nila. O kaya maaya na lang biglang host ng kasal o taga-decor ng birthday – modern na dapat ngayon pero di pa rin nawawala mga ganung stereotype kung minsan. Gusto ko lang malagay sa tahimik nang di iniisip anong sasabihin sa akin ng iba.

"I'm okay with it, Bea...work calls." Pagsisinungaling ko dahil wala rin naman akong choice.

"I know you won't appreciate this for now, Louie...but work is work. Not that I'm clueless about your feelings..." Reaksyon niya after realizing ang unintended effects ng good intentions niya. "But eventually you'll thank me on this. You can't run away from them forever, so might as well take this time to resolve what matters you left there. And I hope you'll get back refreshed after!"

Darating nga rin naman ang ganitong punto, so siguro harapin ko na rin lang. Hindi ko nga lang na-expect na pati pala love life kailangan ko ring kumprontahin.

"For as long as you promise me I won't be back there after a while."

"Not a problem. You'll love it once we move to Ireland!" Excited niyang yabang sa akin. "Oh, by the way, will you be out tomorrow? You have to drop by the doctor, right?"

"Thanks for reminding me." Matagal ko na ring dine-delay na bumalik doon so might as well harapin ko na rin. Sulitin ko na rin ang oras para makapag-prepare sa pag-alis.

Wala pa ata sigurong tatlong oras ang tulog ko nang maalimpungatan ako sa sikat ng araw sa labas. Mga lagpas alas-sais na ata iyon – gulo-gulo ang kumot at mga bedsheets at di ko na rin nagawang makapag-suot ng damit dahil sa pagod. Kailangan ko sigurong bumili ng gamot pa-uwi dahil sa sakit ng katawan ko…

Nagulat na lang ako na wala si Jordan sa tabi ko pag-gising. Buti na lang alam kong nasa kabilang dulo lang siya ng block else bigla na lang sigurong tumugtog yung mga rap song ni Gloc-9 kung saan nagkalimutan na lang mga mag-syota matapos maglaro ng apoy. Kung anumang balak niya sunod, ewan ko na lang – kailangan rin naman niya ng tulog dahil sa pagod namin kagabi.

Iyon pala may iba siyang balak based sa note na iniwan niya sa kusina.

Bili lang ako breakfast natin. Just in case hanapin mo ako, i-add mo na lang ako sa Facebook… sabay sulat ng name niya doon. Isa rin itong pasimple, eh.

Ako namang curious, napahanap bigla sa kanya doon. Surprisingly, naka-smile siya sa lahat ng profile picture niya na parang wala siyang problema. Mas nakakapag-taka, puro selfie lang niya mga nandoon. Ni friends list niya nakatago kaya di ko alam sinong mga friends niya doon.

Pag bukas na drugstore bili ka paracetamol. O kaya yung hangover drink. Thanks. Message ko sa kanya. Hindi ko alam kung sasagot siya; inaantok na rin ako.

Di ko namalayang nakatulog nga pala ako nang marinig ko ang doorbell. Siya na siguro iyon.

"Hindi ko alam paano gamitin 'tong pinto mo!" Oo nga pala, naglagay ako ng biometric lock sa labas. "Nagising ba kita?"

"Obviously. Pero naalimpungatan na rin ako kanina..." Inaantok ko pang sagot habang nagkakamot ng mga mata. "Nag-abala ka pa para sa akin."

"Wala iyon. Ito na nga lang magagawa ko, eh." Nakangiti pa siya habang nilalabas lahat ng binili. "Ang layo pala ng palengke dito, no? Okay lang ba sa iyo itlog saka longganisa?"

"Paano ikaw?" Pagtataka ko dahil di naman siya kumakain nun dati. Mahirap tuloy siyang kasabay sa almusal noon.

"Kailangan ko na rin siguro masanay..." Reaksyon niya habang inaalala ang rason bakit siya ganon. "Sayang naman kung di kita nakakasabay ng almusal, di ba?"

"Sus, ang aga-aga binobola mo ako." Napangiti din naman ang timang.

Hinayaan ko na lang siyang magluto sa kusina habang ako naman, nakahiga sa sala dahil sa insistence niyang magpahinga daw muna ako. Mukhang masaya siya sa ginagawa niya, with how he's humming random tunes habang abala sa pag-prito. Sa bagay, kung ikaw pa naman maayos mo isa sa pinamalaki mong burden sa isang gabi lang...wait, naayos nga ba talaga?

Ilang saglit pa nakalatag na mga pagkain sa mesa. Di ko alam na may fiesta pala sa dami ng pagkain. May fresh milk na nga, may juice pa – kahit na mas gusto ko pa ang kape.

"Napasobra naman ata ang celebration mo..." Pagbibiro ko na may halong pagtataka.

"Siyempre, bilang nagkita na tayo ulit..." Reaksyon niya. "Kumain ka lang ng kumain para makainom ka ng gamot."

Parang gusto ko tuloy ng sinangag kaso kinulang pa pala yung sinaing sa amin kagabi.

"Diretsong uwi ka na ba pagkatapos nito?" Seryoso niyang tanong na siningit niya sa pagsubo ng tinapay. Hindi pa rin niya nagagalaw yung longganisa na prinomise niyang titikman niya.

"Oo. Sigurado hinahanap na nila ako doon sa bahay..."

"Kailan balik mo dito ulit?" Anong akala niya, di na ako babalik dito ulit? Para saan pang binili ko itong bahay?

"Di ko sure. Kukuha muna siguro ng mga gamit doon."

Rinig ko ang buntong-hininga niya na para bang nabunutan siya ng tinik.

"Ikumusta mo ako kaila mama't papa."

"Yeah, sure." Lakas lang maka-close. "Magugulat mga iyon pag nalaman nilang nandito ka sa Pinas!"

"Sama mo kaya ako minsan?" Excited niyang tanong na parang wala kaming pinag-awayan?

"Huwag na muna, sunod-sunod yung mga pasabog Diyos ko..." Natawa na lang kami. "Anyway, don't tell me mag-isa ka lang since umuwi ka?"

"Yeah. Sort of." At bumalik na naman sa pagiging emo ang mukha niya.

"Di ka pa nakabalik sa inyo?"

"Di pa."

Maybe I should've asked that.

"I'm sorry, akala ko naayos mo na yung sa inyo ng family mo..." Pag-aalala kong tanong after realizing naungkat ko na naman ang tungkol sa nakaraan.

"Ayos lang iyon. Ako din naman ang may kasalanan..." Pag-amin niya. "Kahit na nung naghiwalay tayo, di ko rin naisip na i-contact sila ulit, kahit na tempting. Alam ko na rin naman kasing tinakwil na nila ako."

"Pero it's been years na rin naman Jordan so..." As if certain ako sa sagot ko. "Wala kang balita sa kanila, as in?"

"Nah. Wala rin namang nag-aabalang hanapin ako." Halata ang tampo sa boses ng ex ko. Nakakgulat nga ring sa tagal na panahon nakaya niyang mabuhay nang mag-isa.

"So paano mo nabili 'tong bahay?" Pagtataka ko.

"May mga agents din naman doon sa SG na nag-asikaso para sa akin..." Sagot niya. "Saka si Gio..."

Made-depress na sana ako eh, napalitan pa ng asar nang narinig ko yung pangalan niya!

"No, no...don't get me wrong. He just helped me with paperwork saka silip-silipin itong bahay, that's all..." Clarification niya na para bang halata niyang uminit ang ulo ko. "Pagdating ko nga dito, walang gamit itong bahay. Di man nga lang ako inabalang patirahin muna sa mga AirBnB niya!"

Sosyal, mukhang big time nga talaga ang loko. Kaya nga siguro nahumaling itong ex ko sa kanya.

"Akala ko ba wala nang something sa inyo?"

"Iyon na nga. Ayun, naasar siya so binigay lang niya sa akin yung susi." Sa bagay, di rin naman magandang paghinalaan ko pa silang dalawa. Buhay nila iyon eh, labas na ako doon.

But then, there was the sex...my gosh. Ano ba itong napasukan ko.

"It's fine...wala naman akong dapat pagselosan, ano." Assurance ko. "Pero di pa rin siya nagawi sa bahay mo since umuwi ka dito?"

"Di pa." Diretso niyang sagot. "Siguro kailangan ko na ring papalitan ng lock yung akin. Gaya nung sa iyo."

"Huwag na, mahal kaya pagawa nun..." Discouragement ko sa kanya. Pero bago ko pa makalimutan, kailangan ko nang itanong: "Pero isa talaga mystery dito eh...out of all places na pwede mong bilhan ng bahay...bakit dito pa?"

"Inisip mo stina-stalk kita, no?" Napakindat pa talaga ang loko!

"Jordan, I'm asking you a serious question..." At umabot na sa limit ang init ng ulo kong kanina ko pa tinitiis. "I really doubt coincidence lang lahat ng 'to."

"Wala akong superpowers Louie, no..." Halatang pinipigil niya ang pagtawa niya sa mga ngiti niya. "As in, di ko talaga alam. Ito lang talaga yung murang bahay na in-offer sa akin noon. Dapat nga ibang lot kukunin ko kasi kumbinsi sa akin ni Gio, mas sulit daw ang corner lot."

"Maniwala ako sa iyo!"

"Saka kung may alam talaga ako, edi sana binili ko yung katabi ng sa iyo. Tapos pag nagbati tayo, i-combine natin para isa na lang bahay natin! Di ba?"

Sinubukan ko siyang abutin sa kabilang side ng mesa para pag-hahampasin siya. Napatakbo na lang siya at napahagalpak na para bang mga bata lang kami. Hindi talaga siya nauubsan ng biro.

Pagkatapos naming kumain, nagmadali akong mag-shower kahit na todo-aya pa rin siyang lulutuan daw niya ako ng tanghalian. Buti na lang, di niya sinubukang maki-sabay sa akin at baka maulit na naman mga nangyari sa amin kagabi. Doon ko nga lang na-realize na di na namin iyon napag-usapan simula nung nagising kami, na parang panaginip lang iyon na makakalimutan mo din mga detalye.

Which makes me pretty thankful kasi ayoko munang gumulo ang isip ko ngayon.

Paglabas ko ng pinto, nakita ko na lang na may nakahandang mga damit para sa akin.

"Alam ko wala kang baon, kaya suotin mo na iyan..." May kasama pang brief sa pahiram niya. Di rin talaga siya marunong makiramdam.

"Nag-abala ka pa talaga, Diyos ko..." Natatawa kong sagot habang tinitignan ang mga corny niyang damit. Mga sale ata 'to sa Uniqlo. "Sigurado magtataka sila sa akin 'pag nakita nila 'to."

"Ayaw mo nun, kita na agad ang surprise?"

"Surprise what...na ma, pa, nagkita po kami ng ex ko kasi magkapitbahay pala kami, tapos nag-lasingan po kami tapos nag-tukaan hanggang umaga? Magugulat talaga sila doon! Kaloka!"

"Baka nga matutuwa pa sila."

"Ewan ko sa iyo." Sabay pasok ko sa kwarto para makapag-palit ng damit. In fairness, kasya rin pala itong mga bigay niya. Medyo awkward nga lang ang pakiramdam na alam kong ginamit na niya 'to dati. Yung amoy na di mawala-wala sa isip ko kagabi, nandito din sa mga damit niya na para bang nasobrahan ata siya ng fabcon.

Lalo na yung brief...at ilang litrong gooey liquids ang tumulo't pinunas niya dito. Umagang-umaga Louie, tinitigasan ka na!

Bago pa may mangyari ulit nagmadali na akong magpa-alam sa kanya. Malayo pa biyahe, pagdadahilan ko, na tinanggap rin naman niya.

"Ikumusta mo ako sa kanila, ha..." Bilin niya.

"Yeah, I'll do."

Sinundan niya iyon ng pagyakap sa akin na parang wala talaga iyong malisya. "Next time, sana kasama mo na ako doon. Yung mapapakilala mo ako sa kanila ulit."

"Masyado kang advance mag-isip eh, no." Pwede naman. As friends? Siguro.

Lovers? Bahala na.