Mabuti na lang at nakarating kami ni Dan sa 7-Eleven 30 minutes bago ang liquor ban nila. Ang hinayupak pa naman kasi, sinabi ko nang magtawag na kami ng tricycle pero trip daw niyang maglakad kami papunta sa gate ng subdivision, para daw romantic. Kung di rin siya timang.
"Louie! Anong gusto mong inumin?" Wala talaga siyang pinalagpas na oras at dumiretso agad sa stante ng alak. "Saka anong gusto mong chaser?"
"Kahit tubig lang, ayos na iyan..." Sagot ko habang naghahanap ng tsitsirya para sa pulutan.
"Hanggang ngayon nakakaya mo iyon? Seryoso ka?"
"Hindi ka rin mabiro, no?" Halakhak ko. "Anyway, may Sprite ba sila?"
May basis rin naman ang tanong niya. Naalala ko pa nung una naming inom ni Dan sa bahay, parang tubig lang kung inumin ko ang Emperador kahit na para siyang lasang Tempra. Pero siya, todo tiis sa pag-inom at halatang nasusuka sa lasa. Ganun nga siguro kapag lumaki kang isolated sa mundo.
Kaya kahit nung kaming dalawa na lang ang magkasama, di pwedeng walang juice o softdrink kasabay ng inuman. Di rin pwede ang isaw o sisig, kaya puro junk food o tinapay ang nilalantakan namin.
"Okay lang ba sa 'yo? Mahal na pala softdrinks dito sa Pinas!"
"Ikaw nag-aya, ikaw din dapat magbayad. Kulang pa iyon sa lahat ng kasalanang ginawa mo." Di ko pa ring maiwasang sagutin siya ng pabalang kahit mukhang di na seryoso sa kaniya iyon.
"Oo na..." Madali rin namang nauto ang ewan. "Teka, sale Ice Cream nila dito..."
Napatingin ako sa fridge na puno ng iba't ibang flavor ng ice cream. "Ube! Isa lang pwedeng flavor ng ice cream sa bahay, wala nang iba..."
"Kahit Chocolate hindi? Cookies and cream? Black forest?"
"Mas kadiri iyon, lasang gamot iyon!"
"Parang di lasang gamot ang Emperador..."
"Iba iyon!" Sabay tingin ng ex ko sa akin, halata ang judgement sa mukha niya. "Kasalanan ko bang iyon lang pinapa-inom ng mga kaklase ko sa akin noon?"
"Sa bagay, beer is boring..." Kahit na ilang bote ng San Mig light ang kinuha niya sa ref? "Ay, buwisit, nakalimutan ko palang magpa-load..." Sabay tingin sa loading machine ng 7-Eleven na lagi namang offline sa bawat araw na ginawa ng Diyos.
"Huwag ka nang mag-abala diyan, wala iyang kwenta..." Inabot ko ang cellphone ko para loadan siya online. "Bayaran mo na lang ako later."
"Yieee, kinukuha niya ang number ko..." Grabe siya, inisipan pa talaga ako ng malisya!
"Di ako mahilig sa text, sorry." Banat ko pabalik.
"Facebook? I-add mo na rin kaya ako since nandito na rin naman tayo..."
"Wala kang makikita doon. Puro Facebook group at online shopping na lang tinitignan ko doon. Nakaka-stress ang memes at pulitika nauso lang ang Android!"
Wala akong kamalay-malay na na-offend ko na pala siya until nakita ko yung cellphone niya - seryoso, di man lang niya afford kahit Oppo or Vivo? Mas maliit pa ata screen nung phone niya kaysa sa junior ng average Pinoy...alam mo yung phones na may mapa sa likod? Iyon.
"Sorry naman, proud Pinoy kasi ako. Saka di na ako nago-online masyado...tawag and text okay na sa akin iyon. Wala rin naman akong makakausap in the first place."
"Ows, kahit hook-ups sa Grindr di mo ginawa ever? Ipokrito, ha."
"Oo na. Baka matunaw pa yung ice cream mo." I just let Jordan get off that track. Hindi ko alam pero kahit na kanina pa namin pinagtatawanan mga kalokohan namin, para bang he takes things too seriously. Everything I say seems to be offensive, kahit na feeling ko ako dapat yung mas may lisensyang maramdaman iyon?
"Okay, tapos na ang break. Spill the beans...or the tea...or whatever..." Bumalik ang seryoso kong mood habang nakalatag ang mga alak at pulutan sa mesa. Mukha tuloy interrogation room ang kusina dahil sa ilaw na nakatutuok sa gitna ng mesa, habang magka-harap kami sa magkabilang dulo. "Akala mo I'll let you off ng ganun-ganun na lang?"
"Anong bang kailangan kong ikuwento?"
"Everything. Lahat ng nangyari nung nasa Singapore ka. Sinong mga ka-chuk-chakan mo doon. At bakit iniwan mo na lang ako bigla without any notice?"
"Nakipag-break naman ako sa iyo noon, ah?" Kapal talaga ng mukha ng megane na 'to?
"I just want closure okay-" At napatakip ako ng bibig para bang nagsabi ako ng salitang taboo. "Oh God, I'm sorry, di ko dapat sinabi iyon, it's just...too corny..."
"Bakit corny?"
"Nababanas kasi ako pag naririnig ko iyon, okay?" Justification ko habang naghahanap ang ex ko ng shot glass sa kitchen cabinet. "I don't know bakit yung iba sobrang adik na adik sa mga ex nila kailangan pa nilang magmaka-awa sa radyo and things like that. If they failed, just fail early and forget that it happened. Bilyon-bilyon tao sa mundo tapos nagpapaka-baliw ka sa isang tao?"
"Parang ikaw, ngayong kausap mo na ako." Bingo. Sobrang galing talaga sa observation nitong gago.
"Fine, you win." Pagsakay ko sa banat niya. "But it doesn't let you off the hook. Umupo ka diyan at inumin mo na iyang Empi since ikaw na rin naman ang naglagay."
Ilang minuto din bago nagawa ni Jordan na magsalita...scratch it, mapa-iyak pala. Alam mo iyon, busy ako dito lantakan yung ube ice cream sa tub tapos makikita mo siyang ngumingiwing parang nasa acting workshop siya? Di mo ako maloloko, huy.
"Umiiyak ka diyan? Star Magic lang? Starstruck? PBB?"
"Hindi, makati lang mata ko..." Sabay hugot ng panyo mula sa pantalon niya. "Hindi mo talaga pwedeng takasan ang kasinungalingan, no?"
"Wala tayo sa spoken word, sige na...I'll listen." Assurance ko kahit na asar na asar na akong hindi pa rin niya magawang magsalita. Eventually, nakahanap rin naman siya ng buwelo.
"Totoo iyon na na-homesick ako nung nasa Singapore ako..." Pagsisimula niya habang hawak ang basong may laman na Sprite. "Namiss ko Pilipinas, namiss ko si tito't tita, mga friends ko, ikaw...alam mo yung feeling na sa sobrang depressed ka yung luha mo na ata yung ginagamit mong lube sa sarili mo?"
"Kadiri ka, dinamay mo pa talaga ako sa libog mo!" Sa bagay, we're getting older. Di na dapat pabebe mga usapan namin. But the imagery was so intense di siya mawala sa isip ko...like those times when we were young and we play with ourselves instead of video games.
"Real talk lang. Sabi mo sabihin ko yung totoo, di ba?" Dumiretso ang tagay sa lalamunan niya, walang paki sa lasa nuon. "Ayun na nga, I was tempted, putting it lightly. Marami akong nakilala doon, tapos mabili pa net nila doon kaysa sa Pinas tapos..."
"Basically...lumandi ka 'doon. Right?" Nakakagulat kung paanong walang paligoy-ligoy itong usapan namin. Gusto ko 'to. "Gwapo pa naman saka buff mga Singaporeans..."
"Iyan din ba yung reason kaya nahilig ka bigla sa muscle shirts?" Seryoso niyang tanong habang tinitignan ang black punk-rock kong damit na di ko naman talaga sinusuot masyado.
"Not really, di ako nagpaka-borta because of that. But go on..."
Teka lang, parang sunod-sunod ata ang pag-inom niya, di man lang niya ako bigyan? "Alam ko di ka maniniwala sa akin, Louie. Pero sinubukan kong di matukso. Kaso may ka-work ako, mabait siya tapos lagi niya akong kinakausap, iyon pala may motibo siya sa akin..."
"Pinoy?" Tuloy-tuloy na interrogasyon ko.
"Yeah."
"Babae?"
"Hindi, siyempre."
"Oo nga naman, nabanggit ko na rin naman yung mga bortang Singaporeans..." Realization ko. "So...masarap?"
"Di ko malaman yung galit ka ba talaga o napaka-dali lang sa iyo na mag-move on?" Pagtataka ng ex ko. "Ang dali lang sa iyong tanungin ako ng ganito..."
"No, because 10 years ago na rin naman iyon. Gusto ko lang talaga malaman what happened, that's all. Curious lang ba. Saka matatanda na 'tayo..."
"We're not even 40, Louie."
"But we're getting there."
Siguro nga niloloko ko lang sarili ko sa pag-deny na gusto ko talaga ng closure. Or may katiting pa ring hope sa puso kong we can have this fixed somehow. Sa tagal naming magkalayo - more than 10 years na rin - ganun lang ba iyon kadali? Our bodies have changed, so as our friends and our beliefs. Nasanay na akong wala siya and here he is, bumalik bigla at nagkukunwaring lahat ng masamang nangyari sa amin ay bangungot lang, gaya ko.
"So nag-confess nga siya sa akin. Nung una, tinatanggihan ko siya pero todo talaga siya sa pag-insist..." Pinaglalaruan lang ni Jordan ang fake veggie sisig sa harap niya gamit ang tinidor; hindi rin naman niya kakainin iyon kahit wala iyong baboy. "Tapos isang araw, nalasing kami pareho tapos ng isang party, tapos ayun..."
"Pag may alak, may balak." Sabi nga sa isang kanta. Parang kami lang ngayon.
"As if naman na-enjoy ko iyon..." Justification niya. "Pero na-guilty ako. Tapos naisip kita, kaya ayun, lahat ng katangahan nagawa ko ata noon..."
"Seryoso ka? Di mo man lang naisip na mag-sorry kung ano man? Akala ko pa naman matalino ka."
"Di natuturo sa eskwelahan ang pag-ibig, Lou." Pero sa bandang huli napilitan siyang kumurot sa sisig nang sinabi kong gawa iyon sa tokwa. "Alam mo naman kadalasan di ba, lalo na sa mga straight, 'pag nalaman ng mga girlfriend nila na may iba sila, may away-away sila sa kalsada ganun, tapos hiwalayan tapos i-dedelete lahat ng posts saka picture nilang magkasama? Inisip ko ganun din mararamdaman mo kung nalaman mo iyon. Tinablan lang ako ng hiya."
"Buti naman nakaramdam ka noon pagkatapos..." Di ko namamalayang naubos ko na yung laman ng ice cream tub nang di man lang siya nakatikim. "Pero di mo ba naisip na malay mo, mabait pala ako? Na tanga pala ako't mapagbibigyan pala kita? Hindi naman ako pabebeng babae, Jordan. I'm a man, too. Even back in our 20s nage-gets ko nang those phases will happen."
"Ang mature mo talaga." Pag-hanga niya pabalik.
"Hindi, one-time lang 'to." Pagharang ko sa kanyang attempt into flattery. "Pero di rin, baka napabili din siguro ako ng ticket ng de-oras noong panahong iyon para sapakin ka. But probably iiyakan ko rin lang iyon pagkatapos tatanungin kita like in the movies... 'Am I not enough? Panget ba ako? Kapalit-palit ba ako?' Ganun. Then I'll ask you how we can work it out."
My gosh, I'm becoming such a blabbermouth. Umeepekto na ata itong alak sa akin.
"So iyon na nga, kung ikaw ba tanungin kita ngayon, anong isasagot mo?"
Laking-gulat ko nang sagutin niya ako agad-agad, iyon pala wala rin pala yung laman na hinahanap ko sa sagot niya. "Wala, it's all my fault. Di ko nakontrol sarili ko."
"Huwag mo 'kong lokohin, Dan, you know di mo ako mabobola ng ganyan."
Binuksan muna niya ang isa sa mga pouch ng potato fries bago siya bumuwelo. "Bakit? Pag sinabi ko bang ginawa ko iyon kasi na-miss kita kasi parehas tayong busy at halos di mo na ako nakakausap nuon, tatanggapin mo ba iyon? Pag sinabi ko bang mas may oras ka sa trabaho mo noon, tatanggapin mo ba iyon? Hindi, di ba?"
"Ayan, at least nagiging honest na tayo sa isa't isa. But in reply to that, 10 years ago di ko matatanggap iyon. Mataas pa pride ko noon."
"Pero ngayon?"
"Mas madali ko nang matatanggap iyon. Sabi nga nila, millenials are receptive to feedback. Natutunan ko iyon sa coaching sessions ko sa trabaho."
"So kahit sa personal mong buhay, tatanggapin mo mga negative tungkol sa iyo kahit masakit?"
"Nasanay na. Kahit na nung nag-out ako sa pamilya namin."
"Yung totoo, saan ka humugot ng lakas ng loob?" Mukhang may tutulo na naman sa mata niya kung di ko lang inabang sa kanya ang paper towels galing kusina. O kaya, sipon. "Ayun na nga, long story short, nabaliw ako matapos nung nangyari. Natanggal ako sa trabaho, tapos nagpalakad-lakad ako sa kalsada for a while; kung di lang ako nakita nung Family Services tapos hinanap mga kasama ko sa boarding house. Tapos ayun, may nag-alok sa akin na lumipat na lang sa Johor Bahru."
"Don't tell me yung ahas iyan."
"Parang...ganun na nga." My God, di ko malaman saan nanggagaling ang apog nito. "May mga kamag-anak kasi siyang may chicken farm doon. So nagtrabaho muna ako doon, taga-audit ng mga nakatay na manok."
"Tapos kinakana pa rin niya after shift, ganun?!"
"No...not really. To my surprise di naman siya nagpaparamdam masyado doon. Pero inaaya pa rin niya ako minsan kumain, magshopping, dates..."
"Nagpa-ubaya ka rin naman. Kung di ka rin tanga, eh no?"
"As if may choice ako..." His mood turned sour, mas maasim pa ata sa Nestle Dalandan. "Alam ko itatanong mo sa akin, 'Bakit di ka na lang bumalik sa Pilipinas?' Alam mo namang wala naman akong babalikan dito, tinakwil ako ng magulang ko para lang sa iyo..."
Of all the things na pwede kong kalimutan, iyon pang fact na tinakwil siya ng ultra-conservative niyang mga magulang matapos na maging kami. Siguro nga hindi enough ang isang baldeng Betadine at isang bond paper na Band-aid para mahilom yung mga sugat ng pagkabata namin. Akong isa pang taklesa, lalo pang pinapahapdi iyon.
"Like I said kanina, di mo ba naisip na pwede mo naman akong balikan?" May sugat din naman akong di gumagaling di ba? Siguro naman pwede ko itong itanong? "You know, narealize ko tuloy siguro nga di talaga ganung ka-strong yung relationship natin nung bata pa tayo. Iba nga rin siguro talaga kapag sa internet lang nagkakilala."
"Kanina tinatanong mo ako anong mali tapos ngayon binabalik mo yung sisi sa akin. Iba ka rin, eh no?"
"I know, I know...ang hipokrito ko talaga!" Napatawa na lang ako na daig pa si Dracula. "Pero alam mo, thank you for facing this with me head-on. Honesty is the best policy talaga."
Sa lalim ng usapan di namin namalayang naubos na pala yung Emperador na binili namin. Yung San Mig Light na original na balak lintikan ni Jordan, nakalimutan na niyang nasa ref. Siguro in the mood lang siya for something...hard.
"May kailangan pa ba akong ikuwento?" Tanong niya. "Huwag mong sabihing gusto mo ding malaman hanggang sa paano kami mag-sex?"
"Kadiri, huwag na." Sa puntong iyon medyo nabubulol na ako't napapatigil sa pagsasalita - dala na siguro ng kalasingan, o dahil sa may limit lang ang pasabog na pwede kong malaman. "Napagkwentuhan na natin siya't lahat-lahat pero di mo nabanggit ang pangalan niya."
"Ganun ako ka-determined na kalimutan siya." Pagyayabang niya. "Tawagin mo na lang siyang Gio."
"Right. Di ko na rin aabalahing tignan pa ang Facebook niya." Kahit na pwede ko namang gawin iyon out of curiousity, bilang nagpapanggap na rin akong mature individual.
"At di mo pa rin nababanggit anong nangyari sa iyo pagkatapos nating maghiwalay."
"May kailangan pa ba akong ikuwento?" Alangan kong sagot. "Wala eh, si Rihanna spirit animal ko that time. Work, work, work lang ako. Saka dessert."
"Ni boyfriend, wala? Kahit hook-ups?"
"Oh no, don't challenge me on that...buff, twink, scruffy, bear, daddy, kahit foreigners I've tried after you." Pagyayabang ko naman. "Minsan top, minsan bottom, kahit nga orgy napagtripan ko din out of spite..."
"Ikaw na may safe and satisfying sex life."
"Hindi naman, it only worked out for a time." Napa-ubo na lang ako sa lamig ng tubig na nalunok ko ng biglaan. "Nagsawa rin ako kasi kahit anong gwapo ko, in the end one-time lang naman lahat ng iyon. Kasalanan mo 'to kaya di na ako naniniwala sa forever, eh. Kaya nakakaya kong kumain ng isang platong ampalaya kasi di na siya ganung kapait versus yung naramdaman ko sa iyo noon."
"Umamin ka ding naging bitter ka rin." Iba talaga nagagawa ng alak para mailabas mo emosyon mo.
"Hindi naman. But kung real talk na rin naman ang usapan, aminin na natin ang hirap makahanap ng matinong relasyon these days. Straights nga naghihiwalay, people like us pa kaya? Kaya sabi ko sa sarili ko, magtratrabaho ako ng todo. Kailangan may milyon sa bank account ko bago ako umuwi. Tapos ko na 'tong bahay, though I hope I can retire bago man lang mag-sikwenta..."
"Pero alam mo namang in the end malulungkot ka ring mabubuhay mag-isa, kahit marami kang pera?"
"Not a problem. Magpapa-aral ako ng pamangkin ko, o kahit yung Badjao diyan sa mga jeep. Or kung wala talaga, nandyan naman Spada sa Cubao."
"Mahal iyon."
"Hindi ko naman sinabing araw-araw!"
"Saka nandito naman ako, libre pa di ba..."
Iba din, lasing na nga talaga ito. "Now we're talking, Jordan. But no. Huwag mo akong biruin ng ganyan."
"I'm not even joking..." Iba din, napa-English na siya. Tapos bigla na lang siyang tumayo sa upuan niya at lumapit sa akin, linalapit ang ulo niya na para bang gusto niya akong halikan. "Can I?"
"Nope." Pagtanggi ko. "Saka lasing ka na talaga. Maghumus-dili ka."
"Alright, then. Naniniwala naman ako sa consent." Kumindat na lang siya bigla na parang may tinatago siyang malagim na balak. I should kick him out hangga't kaya pa.
But in the end di ko rin nagawang palayasin si Jordan. Buti na lang naka-ready na ang internet sa bahay, kaya napag-tripan niya ang Netflix sa smart TV saka siya naghanap ng mapapanuod. Kaysa Bird Box or some generic chick flick ang panuorin heto siya, nakatutok sa isang documentary tungkol sa mga umiinom ng gamot sa Oregon para mamatay na sila. How To Die In Oregon daw ang title.
"Napanuod ko 'to dati sa isang film festival..." Pag-amin niya sabay sabing kasama daw niya si "Gio" nung pinanuod niya iyon. "Noong mainstream na ang Netflix pinapanuod ko siya palagi kapag depressed ako. Nare-realize ko kasi na may ibang taong mas malala ang problema sa akin, na kahit anong laban nila di na sila pwedeng mabuhay. Doon ko naisip na di ko pwedeng sayangin ang buhay ko."
"Hindi ka ba nagpatingin sa psychologist noong nasa Malaysia ka?"
"Nah, sayang pera lang iyon." Mas lalo akong nag-alala sa sagot niya. "Saka di na rin naman masyadong bumabalik iyon. Iba lang talaga today kasi nakita kita."
"Sinisi mo pa talaga ako diyan sa drama mo."
"Nah, one day babalik din naman iyon ulit." Banat niya sabay kuha ng isa sa mga potato chips. "At least ngayon, may makakausap na ako. May pipigil na sa akin."
"Tumigil ka nga diyan, Dan. Diyos ko!"
Eventually, napahiga siya sa sahig na para bang pusang naghahanap na mayakap ng amo niya. To my surpise, kahit na naiiyak na ako doon sa mga bida sa documentary, poker-face na lang siyang nakatutok sa TV. Training daw iyon kung paano maging manhid, kasi ganun daw ako.
"Pero alam mo, thank you."
"Thank you ka diyan."
"And I'm sorry."
"Di mo na kailangang sabihin iyan. Matagal na iyong mga nangyari." Assurance ko dahil it's the most adult thing to do. "Though last question na, kumusta na kayo ni Gio?"
"Wala na. Inasikaso ko iyon bago ako umuwi." Kumpirmasyon niya pabalik. "Enough na ba iyon sa iyo?"
Hindi pa, dapat. Pero sige, hiramin natin yung title ng isang trending na kanta dati - nadarang. Iyon siguro ang isip ko nang naglapat ang mga labi namin.
Who knew a kiss can feel this good?