DYLAN
"Sir, di po ba kayo ngayon uuwi sa bahay? Baka magtaka po si Mam kapag naabutan kayo na wala sa bahay? Papagalitan na naman po ako nun sigurado."
Di ko kinibo si Manong Bert, ang aking driver na bodyguard na butler na kung anu ano pa. Limang taon lang ang tanda nito sa akin. At anak ito ng aking yaya Leni na syang nag-alaga naman sa akin mula pagkabata.
Mas itinuturing ko pa nga na nanay si Yaya Leni kesa sa mom ko na walang ginawa kundi magtravel abroad dahil sa trabaho. Katulad ng daddy ko na halos di ko narin mahagilap everyday. May kanya kanya silang lakad ni mom sa araw araw, maswerte na kung makita ko sila pero mas madalas puro tawag o text lang ang communications namin.
I understand na gusto nilang bigyan ako ng magandang buhay with my younger sister na si Bela pero mas kelangan namin yung love, presence, affection at alaga ng parents...na puro si yaya nalang ang nagpaparamdam sa amin.
I let my deep breathe gone.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang binabaybay namin ang daan papunta sa bagong apartment na aking uupahan.
Gusto ko na ngayon na magkaroon ng sariling space. Tutal wala rin naman lagi ang aking parents, mas okay narin na hindi ko na sila makita ng tuluyan.
Lalo lang sumasama ang aking loob.
I chose a new place to stay to be alone. Alone from everything. I want to live with my own.
Malayo kina mom and dad.
Malayo sa kanilang anino.
Malayo sa marangyang buhay...
...dahil sa pera...kaya di mabuo buo ang aming pamilya.
Marami kaming pera. Nasusunod ang gusto at mga luho namin. Nag aaral sa exclusive schools, may sariling alalay at kung anu ano pa.
Pero i feel empty.
I would rather choose my parents presence than spending those insane wealth.
Yun ang hindi maintindihan nina mom and dad.
They keep on insisting na kapag magwowork hard sila, magkakaroon sila ng mas maraming pera...mabibigay nila lahat ng gusto namin...at mapapasaya nila kami.
They are wrong.
I don't need money.
I need them!
"Definitely di sya magagalit Kuya. And I am sure...di sya makakauwi ngayon. Nasa Hongkong padin sya as of the moment." Sagot ko at pinakawalan muli ang malalim na buntunghininga.
Napagdesisyunan kong kumuha ng isang simpleng lugar na malapit sa university na aking napili para dun mag-aral.
Di pa alam nina mom and dad na mas pinili kong sa Wilford University nalang mag-aral kesa sa Lasalle at Ateneo.
Gusto nila na pumili ako sa dalawang university pero paano ako makakalayo sa sinusuka kong karangyaan kung dun parin ako papasok.
Gusto ko ng simpleng buhay.
Buhay na ako lang mag-isa..... muna.
Ang buhayin ang aking sarili.
I will let my parents pay my tuition since responsibility naman nila yun, pero in terms of my personal needs....gusto ko ako nalang ang magpoprovide para sa sarili.
"Eh pano po si Bela sir? Baka umiyak yun at hanapin kayo lagi?" Tanong ulit ni Bert.
"Don't worry about that. I will take time to see her as much as possible but please Kuya...tell yaya to take care of her everytime my parents are out of the country. And also you..please take care of my baby sister kapag wala ako sa bahay."
Ang aking kapatid na si Bela ang pumipigil sa akin gawin ang aking plano. Sa edad nitong 10 years old...hindi pa nito mauunawaan ang aking pinagdadaanan.
I know that Yaya Leny, Bert and the two extra yayas of Bela will definitely take care of my sister kaya hindi ako masyado nag-alala.
Since both of my parents are coming home twice in a week. Hindi rin siguro nila mapapansin na wala ako sa bahay.
Dadalawin ko nalang ang aking kapatid every other day if I have time.
Avocado Street
"Ayan na kuya. Iliko mo dyan. Ibaba mo ako sa harap ng convenience store. And then you can go home na." Utos ko sa kanya.
Buong buo na ang aking loob na manirahan sa apartment. Nakakita ako ng isang magandang space...isang studio apartment sa rooftop ng isang 3 storey building.
Nakita ko ito after a week ng paghahanap. Apartment building ito, at napakaswerte ko dahil sa nakuha ko ang isang medyo may kalakihan at tamang tamang kwarto sa rooftop nito.
Saktong sakto ang lugar para sa binabalak kong pagsasarili. Ayaw ko ng may nakakasama, magulo at maingay na apartment.
Marami ring halaman sa extra space ng rooftop since may mini garden dito. Isang bagay rin na aking nagustuhan since mukhang magiging magandang tambayan ito with overlooking view of the city.
Gusto ko mapag-isa.
Binigyan ko narin ng extra payment ang landlady para gawing pribado ang rooftop.
Ako lang ang may access dito.
Only me and no one else.
"Sigurado kanaba talaga sa balak mo sir?"
I know nag-aalala si Kuya Bert. Sa limang taon na serbisyo nito sa aming pamilya, ito narin ang nagsilbing kuya ko at kaibigan. Pamilya na ang turing ko sa kanila ni yaya.
"Oo Kuya. But still, if I need you. I will call you..okay?"
Tumingin sya sa akin.
Nag-aalala ito dahil siguro alam nyang mahihirapan ako sa aking binabalak.
Alam nitong nasanay ako sa bahay na tipong pagsubo ng pagkain ay meron pang gagawa para sayo.
And I hate those things. Feeling ko masyado na akong dependent at disabled para gawin ang mga simpleng bagay.
He nodded.
Alam nyang wala na syang magagawa para pigilan pa ako.
Huminto kami sa tapat ng convenience store. I will but some foods muna bago umakyat sa aking apartment. Katabi lang ng store ang aking titirhan.
I am really excited to live on my own!
Bumaba ako at nilinga linga ang lugar.
Di masyado crowded ang lugar at mapuno.
Kaya medyo may kapreskuhan pa ang hangin kahit maunlad na ito.
Binuksan ni Kuya Bert ang trunk ng sasakyan para ilabas ang dalawang luggage.
Laman kasi ng luggage ang aking mga iilang gamit. Pinagkasya ko nalang ang aking mga napiling dalhin na gamit at iniwan ang mga di mahahalgang bagay.
A new life!
A new beginning for me!
Goodluck to my student life in the university!
Kinuha ko sa kanya ang mga luggages at sinabihan na ito para umuwi sa bahay.
Hinintay ko na maglaho muna sa aking paningin ang sasakyan bago pumasok sa loob ng 711 store.
Pagkatapos ko bayaran sa counter ang pinamili, I occupied the seat facing the glass wall with the view of the road.
And someone caught my attention.
Hirap na hirap ang isang babaeng halos kasing edad ko lamang sa bitbit nitong malaking bag na gawa sa sack of rice...if not mistaken.
Sa payat ng babae, mukhang triple mg kanyang katawan ang binibitbit nito.
Tumutulo na ang pawis nito mula sa ulo at halatang pawis na pawis na.
Maya maya ay tinanggal nito ang suot na sumbrero at ginawang pamaypay.
Napangiti ako habang nakatingin sa kanya.
She is a simple girl na walang pakialam sa itsura. Sa kilos nya, malalaman mong di nito alam na maganda sya.
Bihira lamang ang katulad nya. Karamihan sa mga babae ngayon ay wala nang alam kundi ang magpaganda at magselfie sa phone para ipost sa mga social media.
Ang babaeng ito, nakasuot lamang ng simpleng shirt at shorts na panlalaki.
Muli akong napangiti.
Kahit gaano man kagusto ng babae na itago ang kanyang kagandahan sa suot nito, pilit paring nangingibabaw ang kanyang angking kagandahan.
Naisip isip ko kung saan patungo ang babae.
Marahil papunta rin ito sa loob ng store since tinutunton nito ang aking kinalalagyan.
Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa babae at halos magkaharap na kami.
Isang metro nalang ang distansya namin at tanging glass wall nalang ang nakaharang.
Nagpupunas parin ito ng pawis sa noo at pinapaypayan ang katawan gamit ang suot na damit.
Maya maya pa ay napatingin sa akin ang babae.
Nagtama ang aming mga mata.
Pero di ko inaasahan ang magiging reaction nito.
As far as i know, kapag may babae akong nakakatitigan, automatic mapapangiti sila at kikiligin.
Pero sa babaeng ito, hindi!
Nakasimangot ito at nakataas ang kilay habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
Those beautiful eyes are like saying..."why are you looking at me?"
Binawi ko nalang ang aking paningin. Baka mamisinterpret pa ng babaeng ito ang aking pagtitig. Parang naramdaman ko ang biglang mawalan ng confidence sa sarili.
Am i handsome no more?
Anywhere I go, girls will definitely fall for me. But her? .....hmmmm
Agad kong tinapos kainin ang hotdog sandwich at lumabas ng store sakto naman na papasok na rin pala ang babae.
Nagkasagian ang aming mga kamay kaya automatic na nagkatinginan kami.
Nabigla ako nang makita ko na tila galit na galit ang magandang babae.
Nakasimangot na ito sa akin.
Hindi man sinasadya ang nangyari, I said sorry nalang sa kanya and smiled
Pero inirapan lang ako nito at tuluyang pumasok sa tindahan.
Napangiti ako deep inside.
"This girl really is interesting." I said to myself.
No one can't resist my killer smile...but she did.
I shrugged.
Tinunton ko na ang daan para tumungo na sa aking apartment at makapagpahinga narin.
I need to take a rest well para di ako antukin sa aking first day sa university bukas.