Chereads / Midnight Latte (Tagalog/English) / Chapter 50 - Fighting with Inner Self

Chapter 50 - Fighting with Inner Self

Kulang nalang putulin ni Bea ang kanyang leeg para maitago niya ang kanyang mukha dahil sa sobrang hiya. Bakit ba kasi yun ang napag-usapan?

Ano nga ba talaga kasing ginawa niya para mahiya siya? Napatitig kay Cody? Eh ano ngayon? Nadala ng atmosphere? Nainlab? Agad agad? Mukhang hindi na tumatalab sa kanya ang mga ginawa niyang coffee rules ah.

Napakurap kurap ang dalaga habang gulung gulo na ang kanyang utak. Ano ba ang naging mali niya?

Then she quickly ran through her rules para malaman. Habang busy pa sa pagkain ang lahat, parang baliw niyang kinausap ang sarili niya sa utak.

'Coffee Rule #2: Think of all guys as a potential handsome boyfriend.'

'Ginawa ko naman eh, pero yan tuloy... mas nagmumukha akong malandi.'

'Mali kasi ang pagkakaintindi mo. Hindi naman kasi ibig sabihin na think all guys as a potential boyfriend, eh kailangan mo ng kiligin sa lahat ng lalaki. Just consider lang yung positive traits nila. Nakalimutan mo na ba kung bakit mo... I mean... natin pala... bakit natin nasulat 'to?'

'Pasensya. Parang tumatanda na yata ako. Hindi ko masyado maalala.'

'Hay naku. Myself. Sinulat mo 'to sa pagkatakot mo na baka maging choosy ka... gusto mo kasi sa sarili mo, tingnan ang lalaki hindi sa ityura, kundi sa ugali. Kaya nga think na lahat na lalaki, gwapo. Pero, te, anong nangyari sayo? Ba't para tuloy naging malandi ka? Lumagpas ka na dun sa rule.'

'Hindi naman ah.'

'Hays. Hindi nga ba? Coffee Rule #3: Bawal pagpantasyahan ang officially taken na.'

'Eh hindi pa naman taken si Cody.'

'Oh see. Tapos sinasabi mo nagmukha kang malandi sa no. 2 pero hindi mo iniisip na parang nilalandi mo si Cody. Tapos bakit si Cody? Meron ba akong sinabing pangalan? Oh. Dulas ka girl.'

'...'

'Oh see... di ka nasagot agad eh. Coffee Rule #5: Don't make an impression na ikaw ay naghahabol. Masama 'to sa image 'te. Napakarupok.'

'Hindi naman ah. Kaya nga don't make an impression.'

'Don't make an impression? Sige ituloy natin. Don't make an impression na IKAW AY NAG..HA..HA..BOL. Myself, naghahabol ka, hindi mo lang pinapahalata dahil sa rule na 'to. Kaya nga ang sabi don't make an impression...'

'eh... hindi ko alam.'

'Jan naman talaga tayo eh. Kapag di mo na kaya... sasabihin mo hindi mo alam.'

'Eh hindi naman yun ang ibig kong sabihin jan sa rule eh.'

'Kahit na. Kung talagang gusto mong hindi ka maging marupok then, ikaw mismo irerestrain mo sarili mo na maghabol.'

'Eh hindi naman nga ako naghahabol.'

'Mmh. Okay. Kung yan ang gusto mong sabihin sa sarili mo. Pero bakit mo ba isinulat 'tong Rule #6: Bawal magalit sa gwapong single? Ano toh? Mas magmumukha kang malandi nito eh! Hay naku. Hindi kita maintindihan, myself.'

'Eh pers yir palang ako nito eh nung sinulat ko.'

'Eh di tanggalin mo. Ayaw mong maging marupok pero ganto ang ginagawa mo. Yung rule #3: Bawal mamantasya... tapos ito bawal magalit sa gwapo? Sa gwapo lang? Eh di ibig sabihin hindi ka na magagalit sa lahat ng lalaki kasi rule #2, think of all guys as a potential handsome boyfriend. Galing. Magpapakamartyr ka na pala?'

'... Ah. Hindi ko kayang palitan. Sentimental eh.'

'Sentimental? Kaya pala isip bata ka pa rin hanggang ngayon. Hindi mo kayang bitawan ang ugaling pambata.'

'...'

'Rule #7 Hayaan mo sila? Hayaan mo sila na maghabol sayo? *facepalm* XB lang tayo te?'

'Eh ayaw ko kasi nung dating rule jan kaya pinalitan ko.'

'Tapos yung magmumukha kang malandi, hindi mo tinanggal? Gulo mo girl.'

'...'

'Rule #12: Don't fall for petty sweet talks. Asus. Hindi nga ba nahulog?'

'Tinatanong mo sarili mo?'

'Hmm.Ateng, matapos nung nagdrama sayo si Cody, ano naramdaman mo?'

'Wala.'

'Ha! Anong wala? Ateng wag kang magsinungaling ah. Ikaw ako... at ako ikaw. Pati ba sarili mo pagsisinungalingan mo? Sige tell me... nahulog ka ba? Okay... I will rephrase it... Nahulog ka na ba?'

'...'

' -_-'' Bala ka nga jan. Rule #14: Everyone deserves a second chance. Mm.'

'Tama naman di ba? May mali ba?'

'Nothing, sana nga magawa mo ito.'

'Huh?'

'Nevermind. Rule #17, ito... wag maging assuming.'

'Oh. Ano naman jan?'

'I think parang pang display lang ang rule na 'to.'

'Ha?'

'Ngayon ko kasi narealize na lagi mo 'tong nasasabi sa sarili mo. Noh. Mag-iisip ka nang kung anu ano tapos hahantong sa crazy thoughts na parang iniisip mo na nagkakagusto na sayo ang isang tao. In short. Assuming. Tapos sasabihin mo bigla. Hindi ako assuming! Ano yun? You just broke the rule pero sa huli sasabihin mo hindi ka assuming?'

'...'

'Myself. I hope maging totoo ka sa sarili mo ah. Please lang. Sarili lang natin ang masasaktan. Ah siya nga pala. Kailangan mo pa bang ang secret rule mo?'

'Huh?'

'Don't.fall.In.Love.With.Your.Bestfriend.'

'...'

'That's the only question na kailangan mong sagutan. After that, I think mas makikilala mo ang sarili mo.'

Bea heaved a sigh as the red tint still flushing on to her face. Nakayuko lang siya habang paikut ikoy ang utak. Kung mayroon lang na makakarinig kung anong iniisip ng dalaga ay tiyak, mapapagkamalan siyang baliw. Sino ba naman ang hindi? Baka nga pati ikaw mabaliw rin sa pagkalito.

However, habang nakarating na kung saan saan ang isipan ng dalaga ay hindi niya na napansin ang pinag-usapan ng mga kasama niya sa hapag. Haha. How rude. She was just invited pero siya itong hindi nakikinig. But that was far understandable, mukhang flustered pa masyado ang dilag sa panunukso ni Sir Arvin.

Related Books

Popular novel hashtag