Chereads / The Scent of Savage / Chapter 43 - Worst

Chapter 43 - Worst

HINILA siya nito palabas ng club.

Holding the last piece of herself, she tried to control her outburst. She won't let her knees trembled with his sudden appearance. Maybe for him, they had a thing but for her, they are already over. She needed to be professional. They are just a partner at work. Team. Hindi na dapat siya mag-alala rito. Ano kung mawala siya ng ilang Linggo? Kaya niyang maghintay ng kahit taon pa para sa paliwanag nito. Iyon ay kung gusto pa nitong magpaliwanag.

But he seemed tight lip too. Why? Did her presence bother him that much? She wanted to see his expression but the darkness was on his side.

Mapait siyang pumiksi. Saktong may paparating na taxi kaya pinara niya at agad sumakay. Pinalo niya ang likurang upuan ng Taxi Driver. "Let's go, kuya."

Pagkauwi'y nakatulog agad siya. Iyon nga lang tinangghali siya ng gising. At nagkakagulong empleyado ang nabungaran niya.

"Nicks, what's up with the commotion?"

"Nariyan po kasi sa office ni Sir Zedrick ang pinsan, kapatid at katrabaho niya. At ano po kasi... ang gaguwapo nilang lahat!"

Natawa siya nang impit na tumili ang kanyang sekretarya. Buhat kagabi ay nauunawaan niya na kung bakit nagkakaganyan ito. Single and ready to mingle! "Get my schedule. Did you asked Rovie's team if there are done with their post?"

"Yes, Ma'am. Finalize and fitting po mamaya."

Tumango siya. Sumulyap sa glass door. Kinakabahan siyang makabangga si Zedrick. Magiging pormal ba siya? Casual?

Her forehead creased when she saw Paula, Rovie, and two more ladies of her team ducked their heads at Zedrick's office. One glanced they will giggle and talk about something. They are pulling her interest.

Why would the hell Zedrick bring his lad here?

Kinuha niya ang hawak na papeles ni Nicky at taas noong nagmartsa sa loob.

"Kahit isa lang diyan. Puwede na sa akin," bulong ni Paula.

Agresibong tumango si Rovie na katabi nito. Parang sinilihan ang tumbong noong humagikgik. "Si Malik 'yon, hindi ba? Titig niya palang mabubuntis na yata ako. Pare-parehas silang magpipinsan. Ang guwapo talaga ng mga Hetch."

"Guwapo rin si Mr. Paulite. Iyon ang pinakabata pero pinakamayaman."

Tumikhim siya.

Nanigas naman ang dalawa. Kabadong lumingon sa kanya. "Good morning Miss Majesty," magkasabay na bati nito sa kanya.

That synchronized noise made the people inside turned their gaze at them. Joffrey and Brandon's eye were like they saw a ghost while the rest including Zedrick remained casual.

"Is that you, Thaysky?" Joffrey asked. He wanted to talk with her but Zedrick immediately stopped him.

Umalis na siya roon at pumasok sa loob ng kanyang opisina. Kinabahan siya sa paraan nang paninitig ni Malik at Brandon kanina. Naupo siya sa kanyang swivel chair at pumikit saglit. Bakit ganoon? Parang siya pa ang may atraso sa mga ito?

She opened her eyes when she felt someone is staring at her. She looked at her right side and saw Zedrick. She shivered from his intense attention. She cleared her throat and took the paper in front of her to cover her face.

Why I forgot about my glass wall?

Sinarado niya iyon para mabigyan siya ng pribadong espasyo. Itinuon nalang niya ang atensyon sa mga emails ni Nicky tungkol sa Swizz at Majesty's progress. Tiningnan niya ang chart ng nakaraang buwan hanggang ngayon. "It's going down," she mumbled. Worrying now why and how?

Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang kanyang dalawang manager para sa dalawang branch. The first one tells her they are doing well, she knew it right. On the feasibility they are getting progress unlike on the second branch near in the Beaufort is getting down.

"You know, Miss Majesty since this Mortiz Boutique opened near us I was very disturbed. I don't actually know how they got our VIP patrons but they did really."

She didn't see that coming. She chose the Beaufort branch because it's near to Denver and Charli's place. And when the Majesty dotted there, monthly they always hit the quota. The place essentially benefits from her shop's popularity the fact that it was alone there. People came there crazily attracting other establishments to open too.

She researched the location through GPS and even the nearby shops. Namangha siya na mga kilalang signature shop ang tumabi talaga. "We are still baby to be considered that maybe their influence is higher. That's one of the factors to be considered."

"Here's my friend texted me. Mortiz was owned by a Korean actress named, Chunsa Hetch. I don't have any doubt now why, Miss Majesty."

Nanlamig ang tiyan niya sa narinig. Posible ba 'yon? Sinasadya ba ng babaeng 'yon na kalabanin siya?

Her reverie brought back to reality when the Nicky slammed open the door. "Sorry, Miss Majesty. But I need your presence in the fitting room. Our very own, Vika didn't approve your design. She is kind of... grumbling."

"I'll call you back." She dropped the phone and run with Nicky going to the Fitting Room.

Naabutan niyang pinipigilan ng kanyang Team B leader, ang modelong ginagalang niya noong nagsisimula siya. Kilala niya itong tahimik at masungit ngunit kailanman hindi ito umakto ng ganito.

Lumingon ito sa kanya. Galit na lumapit at sinampal sa kanyang mukha ang damit na hindi nagustuhan. "Narinig ko ang issue mo. Hindi ako makapaniwalang gagawin mo rin ito sa akin. Mukha ba akong normal na modelo para sa'yo? Ha, Majesty?"

"Grabe ka naman, Vika. This is Majesty, right in front of you!" Si Paula na pumagitna at tinulak ito palayo.

Natumba ito at tumama sa kanto ng upuan ang balakang. Sa gulat ay agad niyang dinaluhan ito. Ganoon din ang ibang nakasaksi. Baka sang matinding sakit kay Vika nang dumaloy ang luha sa pisngi. Tinulak silang lahat nito at tinitigan si Paula.

Paula looked scared as hell. She shook her head and guilty until few of men entered the Fitting Room. One of them is Malik Hetch who immediately attend Vika.

"What happened here?" Pause asked Vika's Manager who is now looking suspicious as he eyed everyone inside until his attention stop on her.

"This is all her fault. She asked that bitch to push me. I will sue you if something happenedĀ to me!"

Nilamon ang boses ni Vika sa lakas ng kalabog ng dibdib niya. Malik looked at her for a few before he brought Vika out, and now she is surfacing Pause's question and even Zedrick's cold gaze.

She wanted to explain herself but he immediately left. Leaving her alone, bullied, and humiliated.

"Hindi kasalanan ni Miss Majesty, Sir." Si Paula na hindi na napigilang maiyak sa sobrang takot.

Team B was very down and remained silent. She's the same. She can't say anything. All her logic scattered on the floor like a broken glass.

"I've known you, young lady. You are very humble and generous. I will help you to avoid the issue just prayed she'll be alright. Talk to your people too." Lumapit ito nang bahagya sa kanya para bumulong, "I know you are not at fault. Just in case it brought to the court. Used the CCTV."

Dismayado siyang umalis doon. Umakyat siya sa office niya para magkulong. Lunch break na pero hindi pa rin siya lumalabas. Ang bigat ng dibdib niya. Parang may nakadagan doong mabigat na bato na unti-unting binabasag ang kanyang mga buto.

What just happen a while ago?

Isang katok ay bumukas ang pinto kahit hindi niya pinahihintulutan. Si Gatus iyon na malungkot na nakangiti sa kanya. "Ayaw ko sanang dagdagan ang problema pero nagkaroon ng aksidente sa telang hinihintay natin galing sa Saudi Arabia. Kaya naming gawin ang damit within three days, basta hanggang bukas sana ay makahanap ng kaparehas na tela."

"Did you check with our supplier? Any recommendations?"

Malungkot itong umiling bilang tugon.

"Give me some spare time, Gatus. Bababa ako mamaya para sa meeting natin. Pakisabi nalang na three."

Tumango ito bago umalis.

Huminga siya nang malalim bago sumandal sa swivel chair habang nakapikit. Dumaloy ang luha sa kanyang pisngi habang iniisip ang magkakasunod na problema. Bakit nangyayari ang lahat ng ito kung kailan wala siyang makapitan? Kung kailan mag-isa lang siya?

Sumagi sa imahinasyon niya ang luhaang si Eury, habang nakakulong sa madilim nitong kuwarto at mag-isa. Siguro ay ganito rin ang pasan nitong bigat sa mga balikat. Nangangailangan ito ng tulong ngunit walang naglakas loob na tumulong.

Nahihirapan na rin ako, ate. Nauunawaan ko na ang pinagdaanan mo. Kailangan ko rin bang talikuran ang lahat ng ito? Mahirap ang pinagdaanan ko para marating ito, pero hindi ko alam na mas mahirap pala kapag narito ka na. Marami ang hihila sa'yo pababa. Mararanasan mong maiwan sa ere at tumayo sa sarili mong mga paa. Nang walang tumutulong sa'yo.

Ate, baka bumigay din akong kagaya mo. Anong dapat kong gawin?

Tinakpan niya ng braso ang kanyang mga mata.

Is running away again is the right action? Can the wrong be right because of that? What if she made it worst?