"Thaysky, hindi mo mauubos ang pagkain kapag tinitigan mo lang 'yan!"
Nagitla siya mula sa pagkakatulala nang batiin ng kanyang tiyahin. Nalaglag ang laman ng kutsara. Kaya sa natatarantang kilos ay sumandok siya at sumubo. Wala siyang gana pero pinilit niyang lamanan kahit kaunti ang sikmura bago tumulak pabalik sa kuwarto.
Palakad-lakad siya habang nakapamaywang. Hindi niya alam kung paano haharap bukas. Kahit iilan lang ang nakakita, tiyak siyang may pakpak ang balita
"Come in!" sigaw niya nang may kumatok sa pinto.
Bumukas iyon at iniluwa si Eury. "Narito si Simon. Titingnan kung bakit hindi ka maka-connect sa laptop."
Saglit na kumunot ang noo niya. Si Simon ang nag-uwi sa kanya kanina. Nahaklit kasi ang blusa niya kaya nasira. Sinamahan siya nito sa Principal's Office at laking pasasalamat na pinayagan. Ipinagtataka niya lang na hindi alam ni Eury ang tungkol sa pag-uwi niya. Kasi kung alam nito'y tiyak na inuusisa na ang nangyari.
Tinantsa niya ito bago tumango.
Itinulak naman ni Eury ang pinto dahilan para magkaroon siya ng view sa lalaki. "Sa tingin mo router ba ang problema o ang internet mismo?" baling ng kapatid niya rito.
Sa laptop niya agad nakatingin si Simon at lumapit. Dahil nagpapatugtog siya ay hindi na kinailangan ng lalaking itanong ang password. Ilang pindot at basa ay tumingin ito sa kanya. "Router. Kailangan wide range ang kuhanin. Kanina sa pinto ay hindi ko na masagap ang signal."
"Okay. Ako nang bahala." Si Eury na nakatingin sa laptop bago sa kanya. "Miss muna si Tita Axis, ano?" Ngumiti ito kinalaunan at lumapit sa kanya.
Tumalikod na si Simon at lumabas. Tinakpan naman ni Eury ang vision niya rito. "Makakausap mo rin siya. Kahit ang mga kaibigan mo sa Australia."
"Wala ka ba talagang alam sa nangyari kanina?"
"Kanina?" naguguluhang ulit nito.
"Never mind. I'll just take a bath then I'll go to your room."
Pagkalabas ni Eury ay naligo agad siya. Nagpapasalamat siyang hindi madaldal si Simon. Close ito sa ate niya pero nagawa nitong ilihim ang tungkol sa kanya. It's good but she found him uncomfortable to be with. His air is something suspicious and not trustworthy. But the way their father allowed him to enter the mansion means their family trusted him. Eury treat him nicely too.
Matapos tuyuin ang buhok at makapagbihis ay tumulak siya sa kuwarto ng kapatid. Dinala niya lahat ng takdang aralin at ang cellphone. Hinihintay niyang mag-online si Kevin. Bago damputin ang English notebook ay naririnig niya na ang umuulang notification. Tinapunan niya nang tingin ang walang pakialam na si Eury bago iyon sinilip.
Kevin: what makes you busy?
Kevin: Really, you're online yet you can't speak with me
Kevin: Sky, come on!
Kevin: This is nonsense
Nabitawan niya ang ballpen at sa dumadagundong na dibdib ay nag-reply. She is certain that Kevin is online because of the green circle near on his name. Saglit niyang binalingan ang homework. Nakailang sulyap siya sa cellphone pero ni-seen ay hindi ginawa ng kanyang boyfriend.
Maybe he is with his friend. She's trying to lighten up her mood. Walang mangyayari kapag pinaghari niya ang masamang ideya sa isip. Kilala niya ang lalaki, mahal siya nito.
Katahimikan ang saglit na namagitan sa kanila ni Eury. Nilingon niya ito noong hindi makuha ang tamang sagot sa math. Taliwas sa kanyang subsob naman sa pag-aaral.
"Aside from reading and studying, do you have any interest in life?"
"Cooking and swimming." Sagot nito habang patuloy sa pagsusulat. Nilingon siya kinalaunan. "Bakit? Mukha bang boring ang life ko rito?"
Gusto niya sanang magsinungaling, kaso hindi siya si Thaysky kapag nag-deny siya. "Kind of."
Umayos ito sa pagkakaupo at tuluyan siyang hinarap. "Sa Australia, madalas kang gumigimik?"
Tumango siya ng buong yabang. "Hindi lang. Madalas kaming mag-stroll. Mahilig din kaming mag-swimming pero mas madalas ang food trip." Tumigil siya nang makita ang inggit sa mata ni Eury. Gayunpaman, kung gagawin nito ang ginagawa niya noon ay tiyak magagalit ang daddy nila. Their parents preserved her sister for their personal likes. The reason why his father doesn't throw any attention with her.
"Maganda sigurong mag-swimming sa dagat... or... mag-stroll gaya ng sinasabi mo."
"Seriously? Hindi ka pa nakakapag-swimming sa dagat?" She's trying to lift her sister's mood. She can sense that Eury was about to cry because of jealousy. Her gloomy face told her so. If Eury could understand the feeling of being nothing with their parents. Surely she will choose to be a puppet than having this freedom.
She hardly swallowed that idea on her throat and stand up. "Gusto mo mag-swimming tayo sa beach ng Ruos De Rima?"
Eury's face brightened up. "Isama natin si Auntie Criselda para hindi tayo pagalitan," suhestiyon nito.
Tumango siya at nag-isip kung kailan naman. "Let's go on Saturday. What do you think?"
Masiglang tango ang isinukli nito. "Kakausapin ko si Auntie, bukas na bukas."
Just like how Eury promised with her last night, she speaks with their Auntie early in the morning. Kagat niya ang toast bread habang nakikinig.
"Wala akong lakad n'on. Sige, basta agahan natin," ang kanilang Auntie Criselda.
Pigil ang kilig nilang magkapatid. Nang makasakay sa sasakyan at makalayo sa mansion ay saka sila bumunghalit nang tawa.
"Finally, you will experience the beach."
Ang mamula-mulang pisngi ni Eury ay umangat dahil sa kakatawa. "Oo nga. Excited ako para sa bagong experience na 'to."
Her smiles faded when she realized how her parents jailed her sister's for seventeen years. If she wasn't staying here, there's a possibility that Eury will be buried on their mansion without experiencing freedom.
Malalim na buntong hininga ang ginawa niya nang tawagin siya ni Paige. Kinukulit siya nito kung saan siya nagpunta at bakit nawala kahapon. Pigtas ang pasensiyang pumihit siya para harapin ito. "I starved."
"Bakit ang sabi umuwi ka?"
"Because I'm not feeling well." She prayed that Paige won't ask more. Ayaw niyang pag-usapan ang nangyari kahapon dahil ibinaon niya na iyon sa ilalim ng lupa.
"Ganoon ba? Okay ka na ngayon?"
Patamad siyang tumango, kahit pa gusto niya itong asarin at sagutin ng sarkastiko. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Manhid sa atensyon na pinupukol ng mga nakakasalubong.
"Ngayon ang last membership. Ano hindi ka ba talaga sasali?" tanong ulit ni Paige.
Hindi siya sumagot. Buo na talaga ang pasya niyang hindi sasalita.
"Kalimutan mo na 'yung deal. Suko na ako."
Nagpatuloy siya habang sinisilip kung may signal sa gawi na iyon. Itinaas pa niya ang kamay. Bingibingihan sa drama ng kaibigan.
"Pero 'yung damit na ginuguhit mo. Ipapatahi ko talaga, basta samahan mo lang ako sa loob."
Ibinaba niya ang kamay at nilingon ito. "Why don't you bother your boyfriend instead?"
Pumitas ito ng dahon sa halamang katabi at ibinato sa kanya. Wari mo ay masasaktan siya kapag natamaan noon. "Graduating na kasi si Benny kaya hindi ko maabala. Ikaw ang gusto ko. Sige na, please!"
Gusto niya ang dress. Gustung-gusto, kaso ayaw niyang magpakita roon sa lalaking nasa loob. Lalo at naroon ang mga nakasaksi sa kahihiyan niya. Tumalikod siya at nagpasyang iwan ito. Hindi na talaga siya babalik doon.
"Kahit umiyak siya ng dugo. Hindi ako sasali dahil sa lalaki na 'yon. Kasalanan niyang nawala ang unique dress na abot-kamay ko na sana," bulong niya.
"Sinong lalaki?"
Nahintatakutan siya sa biglang pagsulpot ni Paige sa gilid niya. Ang buong akala niya ay dumiretso na ito sa HBR Club.
"Sino ngang lalaki?" pagpupumilit nito.
"Basta moreno, matangkad at may—" bato-batong katawan na parang si Thor pero grumpy version.
"Paige?" A baritone voice from the back interrupted her explanation.
"Kuya?" Nagliwanag ang mga mata at parang hindi na siya nakita ni Paige noong lagpasan.
Sinundan niya ito nang tingin hanggang sa gumawi sa lalaki at makilala.
He is smiling from ear to ear when he reached for Paige for a light hug while Paige kissed him on the cheek. They had a little talked and still smiling before he turned with her. Naglaho ang saya sa labi nito at mariing siyang tinitigan.
She can't move an inch, his gaze made her body froze. Kahit ang paghinga ay napigil niya rin.
"Kuya, tara. Ipapakilala kita sa new found friend ko." Hinawakan ni Paige ang malaking braso ng lalaki. Hirap na hirap sa paghila palapit sa kanya.
Ang mga titig naman ng lalaki patungo sa kanya ay nanunuri. Hindi niya mawari kung nang-aasar o nanghahamak.
"Ulap... si Kuya Zedrick nga pala. Pinsan ko."
Mula kay Paige ay parang ayaw niya nang lingunin ang lalaki. Pero sinulyapan niya ito bilang paggalang, kahit labag sa kalooban niya.
"Sasali ba kayo sa HBR Club?" Zedrick's voice became cautious and careful when he speaks with Paige. Far from the beast roar, she received yesterday.
Imbes na sagutin ang tanong, bumaling sa kanya si Paige.
Hindi niya sasagutin 'yon dahil hindi para sa kanya ang tanong.
"Your legs and arms are strong. Your weight is balance too. You had the potential to win the Grand Prix. Why not join the HBR?"
Now Zedrick's eye pointed at her. Siya na ang kausap nito.
Umabante si Paige at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Kilala niyo ang isat isa?"
"Not entirely," She said.
"Mauna ka na sa loob, Paige," Zedrick commanded his cousin. His eyes was following Paige.
Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "Sumunod ka, ha?"
It is not a request. Tunog umaasa iyon kaya napilitan siyang tumango.
Tuluyan itong tumalikod at umalis.
Hindi na siya makatingin kay Zedrick. His aura is quite intimidating. Tinatalo noon ang tapang niya sa buong katawan.
"About yesterday—" Huminto ito sa sasabihin nang mapansin na dumadami ang estudyanteng nakikiusyoso. Hinuli nito ang kaliwang kamay niya at hinila sa kamalig. Walang kahirap-hirap na humila ng monoblack at doon siya pinaupo. He squatted in front of her and his eyes suddenly become soft and tender.
She swallowed hard. Nakakalunod ang atensyong pinupukol nito sa kanya.
"I think you misunderstand me. I'm not against with your bravery. I'm just avoiding the effect of your plan."
Nananatili siyang tahimik. Ngayon ay suffocated sa distansiya nilang dalawa. Ang kaliwang braso pa nito ay umaalalay sa likod ng upuan niya.
"Hindi ka sa kabayo babagsak. Kapos ang talon mo kaya sa putik ka lalangoy. Worst you will end up with a broken legs," dagdag nito.
"I know. That's why I walked out. I can't face you because I was very ashamed. You tore my blouse and—" She stopped when his brows curled.
"I did?" Bumaba ang tingin nito sa dibdib niya. Nang may maalala ay umiwas nang tingin.
Tumango siya.
"That makes sense. I heard from the guard that you left the moment you go to Principal's Office." Huminga ito nang malalim bago sumulyap sa magkabilang braso niya. "Wala ka bang galos?" Susubukan sanang abutin ang braso niya, pero agad niyang pinigil.
"Okay naman ako, salamat nga pala," she said. She noticed that he was staring at her lips. Tinikom niya ang bibig at umiwas.
Tumayo ito at nilahad ang kamay patungo sa kanya. "So, are you going to join the HBR now?"
Tiningala niya ito at tinanggap ang kamay.
"Zedrick Dominic Hetch your new fan." Tukso nito, bago siya hinila nang walang kahirap-hirap.
Nahihiya siyang ngumiti at napansin ang maliit niyang kamay na sinakop ng malaking palad nito. Hinila niya iyon at yumuko. "Silly," aniya, nagtataka sa kakaibang kiliti na nararamdaman sa kanyang dibdib.
"Let's go back, then?"
Pagkahatid sa kanya ni Zedrick ay hindi na siya nilubayan ni Paige. Tuwang-tuwa rin ito nang malamang sasali na siya. Kahit pa sa loob niya ay nagsasabing ang lalaki lang ang dahilan. Kung tungkol naman sa Grand Prix, wala pa siya sa wisyo para isipin iyon.
"Anong year level na ba ni Zedrick?" Tanong niya kay Paige nang makabalik sa classroom.
"Akala ko magkakilala talaga kayo. College student 'yon si kuya. Engineering. Ang alam ko third year."
Tumango siya pero nananatiling naguguluhan sa pangsariling damdamin. Zedrick is obviously matured. Malayo sa mga lumalapit sa kanyang batchmate ng kapatid o kahit kay Kevin mismo. Hindi kailanman sumagi sa isip niya ang magkagusto sa mas matanda sa kanya. Pero si Zedrick ang tipo ng lalaking hindi mo matatakasan ang karisma. He is full of substance and appeal.
Natapos ang buong araw niyang problemado sa math. Magkakaroon sila ng quiz kaya nagsabi siya kay Eury na turuan.
"Sagutan mo 'yang sample saka mo ako balikan." Eury advised her before she turned on her own lesson.
Pinaliwanag sa kanya ng kapatid ang gagawin. Ngayon ay kailangan niya lang i-apply ang formula sa mga binigay nitong tanong. Lumipas ang ilang oras ay nakakatatlo palang siya.
Inip na sumulyap sa kanya ang kapatid at lumapit. "Nag-aya ako ng dalawang kaibigan sa swimming. Okay lang ba?"
She's counting using her finger when she glanced at her sister. "Of course." Sagot niya bago nagpatuloy.
Eury laid on the floor and watched her solve the problem. "Ikaw, sino ang inaya mo?"
Nawala siya sa bilang. Kinamot niya ang ulo at asar na lumingon dito. "Tapos ka na ba sa assignments mo?"
Eury pursed her lips before she nodded her head.
Nawala sa isip niyang matalino ang kapatid. Siya lang talaga itong nakatulog ng mga oras na nagsaboy ng talino sa mundo. Tuloy ngayon ay kailangan pa niyang aralin muli ang tinuro kanina ng guro. Ubos ang pasensiyang binitawan niya ang ballpen at humiga, gaya ng sa kapatid. "I forget about it. Maybe tomorrow, I will invite Paige and her boyfriend." Natulala siya nang maalala si Zedrick. Would it be comfortable if he come with them or not?
"Sinabihan ko rin si Simon. Okay lang ba?"
"Okay lang. Kasama naman si Benny. Tsaka, kaya tayo nag-set nito kasi gusto kong masaya ka."
Umupo ito sa kanyang gilid, na ginaya naman. "Bakit?"
Eury cocked her head as if she remembered something difficult. "Kailangan bang mag-bikini or kahit simpleng short at puting t-shirt?"
Pagak siyang natawa. Bigla niyang naalala na wala siya sa Australia, iniisip pa naman niyang suotin 'yung one piece niya. Napaisip din siya kung ano nga ba ang proper swimwear sa probinsiya. "Why not dress? Let's make our swimming party unique sometimes."
Tinawanan siya ng kanyang kapatid habang naiiling. "Baliw ka."
"Sometimes. Oh, I mean... yes, I am since I'm staying here for good. I am absolutely crazy now." She shrugged her shoulder with arrogance.
"Masasanay ka rin. Masaya kaya rito sa Casa De Rios."
Muli siyang nagkibit ng balikat habang kinukulekta ang mga gamit. Sinilip din niya ang cellphone kung may message galing kay Kevin at Violet. "I will surely enjoy my stay here, ate. I'll break the rules so that I can enjoy it." Wala sa sarili niyang binuksan ang pinto at lumabas.
Hindi pa man nakakalayo sa pinto ay natigilan siya sa nakita. Kevin changed his profile picture of a different woman. But what makes her chest throbbed painfully is that the woman on the picture is her best friend, Violet. Nag-unahan ang luha sa kanyang pisngi.
Pumihit siya pabalik. Kailangan niyang makausap ang mga herodes na iyon.
Nang mahawakan niya ang doorknob ay tumigil siya. Ipapakita ba niya kay Eury ang pag-iyak niya ngayon?
Parang napaso noong bumitaw siya at umatras. Marahas niyang pinalis ang luha at tahimik na humikbi. Hindi niya maintindihan. Nagpaliwanag naman siya. Alam nila ang problema niya, pero bakit parang pinagkaisahan siya?
Gumuhit ang malakas na kulog sa kalangitan. Sa gulat ay nagtatakbo siya papaosk sa kuwarto at sumubsob sa kama. She wanted to go back to Australia. She should go back.