Chereads / THE DANGEROUS EX-WIFE / Chapter 14 - CHAPTER 13: SHOWTIME

Chapter 14 - CHAPTER 13: SHOWTIME

MAHIGIT ISANG BUWAN ang ginugol ni Misha sa pag-iinsayong maging isang professional model sa tulong na rin ni Miss Lexie. Naging sobrang abala siya noon at walang sinayang na oras. Marami siyang dinaluhang mga workshops at seminars. May ilan na rin silang kinausap na sponsors upang gawin siyang modelo ng ilang commercial brands. Ang lahat ng paghihirap nila'y unti-unti na ring nagbubunga at masasabi niyang nagugustuhan na rin niya ang larangang ito.

"Good job, Misha!" Marahan siyang kinamayan ni Nagi pagpasok niya ng conference room.

"Thank you!" Ngayon lamang siya naging palagay sa loob ng conference room na kasama ito. At iyon ay dahil alam niyang nagagawa niya ng tama ang gusto ng institute.

Saglit din niyang sinulyapan si Harris mula sa kabilang bahagi ng mahabang lamesa sa pagitan nila upang makita ang reaksyon. Ngunit, katulad ng inaasahan, nakakunot pa rin ang noo nito. 'Tsk! Ano pa nga ba ang aasahan ko?'

"Okay. Now, pinatawag ko kayong dalawa to discuss your next mission."

Bahagyang tango lamang ang naging tugon ng dalawa. Kaya biglang nangunot ang noo ng babaeng Federal Agent nang walang nangahas na magsalita sa kanila-lalo na ang magprotesta na siyang kinasanayan na ni Nagi sa tuwing pag-uusapan ang planong misyon.

"Well..." Nakahinga ito ng maluwag dahil siguradong hindi ito mahihirapan ngayon sa gagawing pagpapaliwanag. "Ang misyong ito'y may kinalaman sa new profession ni Misha. May isang big sponsor company na maglo-launch ng kanilang new signature line."

"A-anong signature line?"

"Maglalabas ng bagong womenswear and lingerie ang W Company at ipapakilala nila iyon sa pamamagitan ng isang fashion show event. Isa iyong malaking event na dinadaluhan ng malalaking kompanya. It's like a Victoria's Secret's fashion show in the Philippines. At dahil nalilinya sa clothing line ang business ng dati mong asawa..." Tinitigan muna siya nito na tila gustong aprobahan muna niya ang sinabi bago nagpatuloy. "He's expecting to be there as well."

"Tapos, ano ang gagawin namin sa event?" Sa misyon siya mas interesado ngayon. At doon lang naman talaga dapat.

"Misha, you'll be one of the runway models. And after the event, magkakaroon ng grand ball as an extended celebration na gaganapin sa kaparehong venue," paliwanag nito. "At inaasahan na dadalo rin sa event na iyon ang ilang malalaking business names na pinaghihinalaang sangkot sa drug trade na kinabibilangan ni Mr. Lewis. At lahat ng runway models ay invited sa ball. That would be your chance para manmanan ang kilos ng dati mong asawa. Alamin mo rin kung sinu-sino ang mga makakausap niya sa event, makakasama, at makakasalamuha. At kung magkakaroon ka ng pagkakataong mapakinggan ang kanilang mapag-uusapan sa gabing iyon, mas mainam."

"Iyon lang ang gagawin ko?" Hindi na maaari pang maulit ang kapalpakang nagawa niya noon. This time, 'no more room for mistakes' ang motto niya.

"Yes. And one more, ikaw ang magiging mata at tainga ni Harris sa venue. Lahat ng makikita't mapapansin mo'y iri-report mo kay Harris. Cooperate. Okay?"

W Fashion Show Event

"MA'AM MISHA, follow me." Pinangunahan ng isang babaeng assistant ang daan patungo sa dressing room. Ang babaeng ito'y kasabwat din nila at siyang tutulong sa kanya sa paghahanda.

Masyadong mahaba ang corridor na tinatahak nila. Gawa iyon sa marmol at makakapal na salamin. Napakalawak din ng espasyo nito kung ikukumpara sa ordinaryong pasilyo ng mga establesimiento. Napakagara.

"Sabihin mo kay Dad na ako na ang bahala. Huwag na kamo siyang mag-alala. Okay?"

Isang boses sa 'di kalayuan ang umagaw sa atensyon ni Misha. Tila pamilyar din sa kanya ang boses niyon kaya nagpalinga-linga siya sa paligid upang hanapin ang nagmamay-ari ng tinig.

"I'll hang up here. Bye!"

Mula sa may hagdanan ng fire exit, muling nagsalubong ang landas ni Misha at ng lalaking nakilala niya noon sa party.

"Ikaw?" Halos magkasabay pa nilang bulalas.

"A-ahm, look, this is so unexpected! I-I thought I would never see you again. What a small world, isn't it?" Halata ang labis na pagkagulat sa mukha ng lalaki.

"Yeah!" Alanganin pa rin ang pagkakangiti niya.

"Ano nga pala ang ginagawa mo rito?"

"I... I'm one of the runway models... And you?" Bahagya pa lamang siyang nakakabawi sa pagkagulat ng mga sandaling iyon.

"Oh, great! Well, ah, it's business. Family business! So, ah... Anyways, gusto ko sanang mag-sorry sa nagawa ko last time. Alam mo na... nagpaka-assuming ako at-"

"No! Wala kang dapat na ihingi ng tawad. Ako nga ang dapat na humingi sa 'yo ng sorry." Hiyang-hiya siya sa ginawa niya noon sa lalaki. At dapat lang talaga na humingi siyang muli ng tawad.

"Miss Misha, kailangan na po nating magmadali," sabat ng babaeng assistant sa usapan nila. Maya't maya ang pagsipat nito sa suot na wristwatch. Halatang nagmamadali na ito.

"A-h, okay. I have to go." Baling niya sa lalaki.

"So, see you at the ball?"

"Sure!" tugon niya't mabilis nang hinabol ang assistant na handa na siyang iwanan.

DRESSING ROOM

"GOD! I can't believe this!" bulalas ng isang babaeng nakapuwesto sa unang makeup table. Iyon ang naging bungad nito kay Misha pagkakita pa lang sa kanya sa tapat ng pinto mula sa malaking salamin sa harapan nito.

Mukhang isa rin ito sa mga modelong rarampa sa event. Vanessa. Ito marahil ang pangalan ng babae dahil nang tingnan niya ang sariling puwesto'y naroong nakalagay din ang kanyang pangalan sa taas ng salamin-gayun din ang sa iba pa.

Tingin niya'y isa ito sa matatagal ng modelo kaya ganito na kung umasta.

Matapos suriin ang paligid ay muli niyang ibinalik ang tingin sa babae. Pansin niyang malakas ang loob nito dahil kung titingnan ang ilang mga modelo'y nakaaangat nga ang ganda nito. Idagdag pa ang mahaba't blonde nitong kulot na buhok na lalong nagpaangat ng kamalditahan nito na parang typical campus muse ng cheer leading squad sa mga teen movies.

Ilang sandali ring nagtagal ang pagtatama ng kanilang mga mata sa malaking salamin na naroon. At kitang-kita niya ang pagkadisgusto sa mukha nito. She even rolled her eyes while mocking by puckering her lips.

Hindi niya alam kung may problema ba ang babaeng ito sa kanya? Pero dedma na lang siya. At sa halip ay tinungo na lamang niya ang sariling makeup table kung saan isang puwesto lang ang pagitan sa babaeng mainit ata ang dugo sa kanya.

Nakalatag na sa harapan niya ang lahat ng cosmetics na sponsors din sa event. At sa tabi ng table niya'y naroon na ring nakahelera ang mga isusuot niya.

"Ma'am Misha, right?" A girl in uniform approached her.

"Yes!"

"I'm Lhian. Your assigned makeup artist for this event," pakilala nito. "Are you ready? Shall we start?"

"Sure!"

At hindi na nga ito nagsayang pa ng oras at mabilis nang ginawa ang trabaho.

"Gosh! I can't believe I'm seeing a lot of new faces here! Will I be able to maintain my enthusiasm while being surrounded by rookies? I think it's dragging me down!" mayamaya pa'y malakas na litanya ng babaeng nagngangalang Vanessa. Halatang may pinaparinggan ito't isa na siya.

Ikinataas iyon ng isang kilay niya. But, then again, she ignores it.

Hindi ito ang pakay niya sa event. And more than anything else, hindi na siya dapat pang pumalpak. Nangako siya sa sariling ibibigay niya ang lahat magawa lang ng tama ang misyon. At hindi niya hahayaang ang isang katulad lamang ng babaeng ito ang sisira ng lahat nang inihanda niya.

"Nes, ayaw mo ba no'n? You'll standout even more!" panggagatong naman ng babaeng nakapagitan sa kanilang dalawa.

"Yeah, but... I just think it's not worth my effort, Tiffany. You know, pinaghandaan ko 'to ng matagal. And to my dismay..." Matalim siya nitong tinitigan. Pagkuwa'y inirapan pa. "I'm going to compete with... Ugh!"

"Chill girl!" Tiffany rolled her eyes after glancing at her.

'Haist! Ano bang problema ng mga babaeng 'to't mukhang trip na trip ako?!' Nasabi niya sa sarili.

Hanggat maaari ay kailangan niya ng ibayo pang pagtitimpi. Kung alam lang niyang may mangyayaring ganito, nagbaon sana siya ng mas marami pang pasensya. Sayang... Dahil mukhang malapit na siyang maubusan.

Sunod-sunod namang pag-iling ang naging tugon sa kanya ng isa pang modelo sa gawing kaliwa niya nang mapadako ang tingin niya rito. Tila binabalaan na siyang huwag na niyang patulan pa ang dalawang maldita sa kanan niya. Kahit papaano'y nakalma siya nang mapagtantong may kasama rin pala silang may mabuting loob.

"Alright girls!" Mayamaya'y isang ipit na baritonong boses ang bigla na lang bumulabog sa kanilang lahat--hindi lamang sa lakas ng boses nito kundi pati na rin sa malalakas nitong palakpak--dahilan para matuon dito ang atensyon ng lahat.

A man in a cream colored Lian Martin neoprene vest approached the door. Slightly touching his blond emo hair that makes him look perfect matching the outfit. He also has a strong character that orders around by just one look.

"Listen, my name is Eric. At ako ang in charge sa ramp order ng buong event na ito. Kaya makinig kayong mabuti. Okay?" He paused for a second to hear them response. "Well, naayos ko na ang inyong order at nagbase ako sa mga portfolio na ipinasa ninyo. Since, the best reserved for last, Miss Vanessa?"

Halos ipagtulakan ng babae ang ilang modelo sa tabi nito para lang makalapit kay Eric.

"Yes?"

"You'll drop the bomb last for the last episode of the event. And you'll be wearing the most expensive collection ever created this season. Okay?" paliwanag ni Eric.

"O.M.G! That was an honor for me! Thanks, Eric! Well, wala namang ibang deserving, 'di ba?" At muli na naman siya nitong binato ng matatalim na titig.

'Gosh! Kunting-kunti na lang makakatikim na 'to sa'kin!' Aniya sa sarili. 'Talagang inuubos nito ang pasensya ko!'

"Okay... And Miss Misha Ramirez?"

"A-ako po!" Mabilis niyang itinaas ang isang kamay kaya napansin naman kaagad siya ni Eric.

"Oh, you are really gorgeous!" Nanlaki ang mga mata ng lalaki matapos siyang suriin mula ulo hanggang paa. At sandali pa siyang ipinagkumpara sa laman ng kanyang portfolio.

"Thank you!"

"I'm quite impressed with your portfolio. But, since it's your first time in runway... I'll put you third from the last. And next to you is Tiffany. Get it?" anito.

"That's... great! Okay..."

Matapos iyon ay inayos na rin nito ang pagkakasunod-sunod ng iba pa. Iyon na ang magiging order nila sa buong event. At malas niya dahil mas napalapit pa siya sa dalawang maldita.

HANDA na ang lahat. Ilang retouching na lang ang ginagawa ng kanilang mga stylist upang siguruhing perfect ang kanilang hitsura paglabas ng runway. Ang ilang mga mauuna ay nakapila na rin sa backstage. Dalawampu't apat silang lahat kaya matatagalan pa bago ang kanyang paglabas.

Habang naghihintay ay hindi niya maalis sa harapan ng salamin ang kanyang mga mata. Paulit-ulit niyang sinisipat ang sarili dahil gusto niyang makasigurong hindi magma-malfunction ang kanyang suot.

"You looked perfect!" papuri ng kanyang stylist na si Lhian. She has a full smile on her lips while looking at her through the mirror.

"Am I?" Hindi niya mapigilang nerbyosin habang tumatakbo ang oras. Hindi na niya magawang mag-relax sa isiping ipapakita't irarampa niya sa buong madla ang katawang nakasuot lamang ng maninipis na bikini.

"Of course! So, calm yourself. You'll be good!"

"Alright!" And she displayed a sweet smile on her face.

"Let's go backstage. Malapit na ang turn mo." At iginiya na siya nito palabas ng dressing room. Alalay na alalay ito sa kanyang suot na black feather wings dahil bukod sa may kalakihan iyon ay marami rin itong palamuti na madaling masira kung hindi iingatang mabuti.

...to be continued