Chereads / THE DANGEROUS EX-WIFE / Chapter 9 - CHAPTER 8: Misha's Roller Coaster

Chapter 9 - CHAPTER 8: Misha's Roller Coaster

BAGO TULUYANG lumabas ng kanyang silid ay mataman munang sinuri ni Misha ang mahabang pasilyo. Nang walang Harris Falcon na nakita sa mga agents na paroo't parito ay saka pa lamang siya nagpasyang tuluyang lumabas.

Nagsuot din siya ng dark shades para mag-disguise at para na rin itago ang nangingitim niyang eye bags. At kahit haggard pa siya dahil sa hang over, hindi pa rin niya nakalimutan ang pagiging fashionista. Though she's wearing an agent's uniform—tucked in white sleeveless undershirt, gray jagger pants, and a pair of black boots na lalong nagpalitaw ng slim niyang katawan—she wore it sexily.

"Where's the sun?"

"Ay, tae!" Halos mapatalon siya sa pagkagulat nang biglang may nagsalita mula sa kanyang likuran.

Si Harris.

"Hmm, tae? Saan?" Nang-iinis na iginala pa nito ang paningin sa paligid at kunwari'y hinahanap ang dumi. "Alam mo, may nakapagsabi sa'kin na kung gusto mo raw malaman kung gaano kadumi ang bibig ng isang tao... gulatin mo lang siya and you'll find out."

"What?!"

"Now I know... At nangangalingasaw pa!" Bahagya pa nitong ikinumpas ang isang kamay sa harapan ng ilong. Sabay tawa ng malakas na puno ng pang-aasar.

"Seriously? Kung 'di mo ba naman ako ginulat, e!"

"Nagtanong lang ako. Hindi kita ginulat."

Hindi niya naiwasang mapatingin sa natural nitong mapupulang mga labi nang sandali itong ngumiti. At dahil doon, muli na namang nanumbalik sa kanyang alaala ang matamis na paghahalikang pinagsaluhan nila kagabi.

Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang mainit at malambot nitong mga labi. Nakakabaliw iyon na parang gusto pa niyang ulitin. Pero, sa tuwing iisipin din niya kung gaano kasama ang ugali nito sa kanya, natu-turn off lang siya.

"If so, wala ka na ring pakialam kung trip ko mang magsuot ng shades dito sa loob ng institute! May problema ka ba ro'n?" Sinadya nga ba siya nitong pansinin para lamang asarin?

"Wala. Curious lang ako na baka mabangga ka. Take note ah!  Curious not concern!" Sabay talikod at nagtuloy-tuloy nang maglakad palayo. Habang siya nama'y naiwang natitigilan sa pagka-inis.

"The nerve of this man!" palatak niya gabang nasundan na lang ng tingin ang papalayong lalaki.

VIPER INSTITUTE CONFERENCE ROOM 

"OKAY! SO... Tell me what happened on your mission?"

Sandali munang nagtinginan sina Misha at Harris. Tila nagpapasahan sila kung sino ang dapat na sumagot sa tanong ni Nagi.

"Wala tayong nakuhang lead sa kaso. At gumastos ng napakamahal ang Viper Institute para lang sa wala! So, I guess... there's an acceptable reason for this. May magpapaliwanag ba sa inyong dalawa?" patuloy nito.

"She can explain well..." Mabilis na turan ni Harris. At dahil siya ang sinisisi nito, inaasahan na niyang ididiin nga siya ng lalaki sa mga nakatataas.

Lalo tuloy siyang kinabahan at sunod-sunod na napalunok ng sariling laway nang ibaling sa kanya ni Nagi ang nagtatanong nitong mga mata. Kahit si Nagi lang naman ang taong naroon para tumanggap ng kanilang report, hindi pa rin niya magawang kumalma dahil inaamin niyang siya nga ang dahilan kung bakit sila pumalpak. 

"A-ah, s-sandali naman... Bakit ako lang ang magpapaliwanag? I was drunk last night kaya hindi ko na matandaan lahat ng mga n-nangyari." Pilit ang mga ngiti niya sa harap ni Nagi. Pero, halos nanlilisik ang kanyang mga mata tuwing mapapagawi ang tingin niya kay Harris.

"Of course! Dahil sa halip na gawin ang misyon... wala kang ibang inatupag kundi ang magpakalasing at magpapansin sa ex-husband mo! Right?" pang-uuyam pa ng lalaki.

"Tsk! Oo. Inaamin ko na! I'm sorry, okay? Nagkamali ako. And for once, nagpakatanga na naman ako!" inis na bulyaw niya kay Harris. "But, that was the first time I've seen him after divorce kaya hindi ko pa alam kung paano kikilos ng natural sa harapan niya. I'm not ready for this!" 

"Sa tingin ko, she did very well last night!" sabat ni Rod pagpasok sa loob ng conference room. May dala itong apat na kape at isa-isa iyong ipinamigay sa kanila bago ito naupo sa unahan ng mahabang lamesa. 

"What are you saying? Do you even have an idea what had happened on their mission for you to say that?" May halong inis ang tono ng boses ni Nagi. At nakataas pa ang isang kilay nito habang titig na titig sa kasamahang si Rod. 

"She did nothing? Yes! But, she didn't ruined anything. Ang misyon ay kumalap lamang ng ebidensya laban sa mga kilalang taong nasa listahang hawak natin. Nakakapanghinayang lang na gumastos tayo para lang sa wala. Pero, kung iisipin niyo... we gained something over the said 'ruined mission'!" paliwanag nito nang may pagdidiin sa mga huling sinabi. 

"Talaga ba?" hindi makapaniwalang bulalas ni Misha. Hindi niya inasahan na may magtatanggol sa kanyang kapalpakan. 

"She made an innocent impression to her ex-husband. I know for sure, na hindi iyon mag-iisip ng kung ano kay Ms Ramirez base sa nangyari kagabi. In that case, malaya siyang makakalapit sa dati niyang asawa in the future missions!" ngingiti-ngiting turan ni Rod. 

May punto ang lalaking Federal Agent. Kailangan na lang niya ng ibayong pag-iingat sa susunod at matinding acting skill para maisagawa ng maayos ang kanyang mga misyon. 

"I love you, Rod! The best ka talaga!" aniya. Pagkuwa'y bahagya pang kumindat sa lalaki at nag-flying kiss--bagay na lalo namang ikina-inis nina Harris at Nagi.

"Pero, naging productive sana ang misyon kagabi kung hindi siya nagpadala sa kanyang imosyon! Kung patuloy siyang magiging marupok sa harapan ng kanyang dating asawa, mas mabuti pang solohin ko na lang ang misyong ito!" Hindi pa rin nawawala ang galit at panghihinayang ni Harris sa kinalabasan ng kanilang misyon. Kampante ito na kung siya lamang mag-isa ang gumawa noon ay marahil nakakuha na siya ng malaking edidensya.

"Uy, 'wag naman, Bes!" mabilis na salungat ni Misha sa sinabi ng kanyang partner.  "Grabe ka sa'kin! Bigyan mo pa ako ng chance. Promise... Promise ko talagang pagbubutihan ko na sa susunod."

Ngunit, sa halip na sumagot ay tumayo na ito't diretsong tinungo ang pinto palabas ng conference room. Napasimangot na lang siya sa kanyang upuan. Ngunit, sa loob-loob niya'y nakahinga siya nang maluwag sa isiping hindi naman pala siya ganoon kapalpak. 

HALOS nahalughog na ni Misha ang buong silid at nakalkal na rin ang lahat ng kanyang mga gamit ngunit hindi pa rin niya makita ang hinahanap. 

"Nasaan na ba 'yong lipstick ko? Ginamit ko pa lang 'yon kagabi, e! Sa'n ko ba nalagay 'yon?" Pasimple na nga lang niya iyong kinupit sa kanilang fashion and etiquette master nang ayusan siya bago ang nakaraang party tapos naiwala pa niya.

Linggo pa naman ngayon at araw kung kailan maaaring makalabas ng institute ang mga agents para gumala saan man nila gusto. Sa madaling salita ay day off nila. Kaya naman, balak niya sanang gumimik ngayong gabi para linawin ang isip at maglabas ng stress. 

"Teka!" Bigla niyang natampal ng palad ang noo nang may maalala. "Pati iyong purse ko nawawala! Hindi kaya..." Natigilan siya nang maisip na baka naiwan niya iyon sa sasakyang ginamit nila sa party. Paano pa niya makukuha iyon? 

"Ah, bahala na!" Dali-dali na niyang tinapos ang pag-aayos sa sarili. Petroleum Jelly na lang muna ang pinagtyagaan niyang pamalit sa lipstick. Nagmukha siyang naka-lipgloss dahil natural naman ng mamula-mula ang kanyang mga labi. 

Patungo na siya ng parking lot nang matanaw si Harris sa 'di kalayuan na may inaayos mula sa compartment ng kanyang sasakyan. Bihis na bihis ito't mukhang may lakad. 

Mabilis niyang itinago ang sarili sa isa sa mga naka-park na sasakyan para hindi siya nito makita. Nasa may unahan lamang ng sasakyan ng lalaki ang shuttle bus na sasakyan niya palabas ng Viper Institute. Wala kasing nakakapasok na public transportation sa loob ng compound dahil isa itong restricted area at tanging mga nagtatrabaho lamang sa institute ang maaaring makapasok. Kaya sa mga katulad niyang walang sariling sasakyan ay shuttle bus ang maghahatid sa kanila papasok at palabas ng compound. 

Dahan-dahan ang ginagawa niyang paglapit sa kinaroroonan ng shuttle bus para hindi mapansin ng lalaki. Hanggat maaari kasi ay ayaw na niyang masira pa ang araw niya dahil siguradong wala itong magandang sasabihin sa kanya. 

"Ano ka ba, Rod! Huwag ka ngang makulit! Heto na nga, 'di ba? Palabas na tayo..."

Agad siyang napapitlag sa pagkagulat nang marinig ang bulungang iyon sa may gawing likuran niya. Muntik pa siyang mapatili. Mabuti na lang at agad niyang napigilan ang sarili. Natanaw niya ang papalapit na sina Nagi at Rod habang naghaharutan sa daan. 

Manaka-nakang pinapalo ni Rod ang matambok na puwet ni Nagi. At ang babae nama'y tila bulateng binuhusan ng asin kung kiligin.

Halos mapanganga siya sa mga nakikita. Hindi kasi lingid sa kanyang kaalaman na may asawa na si Nagi at sigurado siyang hindi iyon si Rod. 

'So, this means... may affair silang dalawa?! O.M.G!' nasabi niya sa sarili. 'But, wait! Hindi nila ako puweding makita. Kailangan kong magtago!'

Sandali rin muna niyang tiningnan ang gawi ni Harris pero wala na ito roon. Kaya dali-dali siyang lumipat sa isa pang sasakyan kung saan katabi na ng SUV ng lalaki. Ngunit, sa kalagitnaan ng pagtatago ay naaninang niya mula sa loob ng sasakyang pinagtataguan ang isang larawang naka-display sa may dashboard niyon. Wedding picture iyon ni Nagi kasama ang asawa. Ibig sabihin, pagmamay-ari ni Nagi ang sasakyang kanyang pinagtataguan. 

Tatlong sasakyan na lang din ang pagitan at nariyan na sina Nagi at Rod. Kaya wala na siyang pagpipilian kundi ang magtago na muna sa loob ng compartment ng sasakyan ni Harris habang wala pa ang lalaki. Isinara rin niya ang pinto upang tiyak na walang makakakita sa kanya. Pilit niyang pinagkasya ang sarili ng pahiga katabi ng ilang mga combat shoes at inaalikabok ng bag sa loob niyon.

Ilang sandali lang ay nakaalis na rin sa wakas ang sasakyan ni Nagi. Akma na sana siyang lalabas nang siya namang pagdating ni Harris kaya muli siyang napahiga sa kaninang pinagtataguan. 

"Naisara ko ba ang compartment kanina?" Narinig niyang bulong-bulong ni Harris habang nakatayo sa tapat niyon. 

Halos panawan siya ng ulirat sa sobrang kaba at takot na baka muling buksan ng lalaki ang compartment. Kapag nangyari iyon, patay talaga siya! Sobrang lakas na rin ng kabog ng kanyang dibdib habang impit na nagdarasal na sana'y umalis na ang lalaki't hayaan na lang iyong nakasara. 

'Ano ba? Umalis ka na d'yan! Please lang...' anas niya sa sarili. Halos pigilin na rin niya ang paghinga huwag lang nitong mabuko. 

Tila dininig naman ang kanyang mga dasal nang magpasya ang lalaking huwag nang buksan pa iyon. Ngunit, ganoon na lamang ang kanyang panlulumo nang marinig na binuhay na ng lalaki ang makina ng sasakyan. Paano pa siya makakalabas nito ngayon? 

...to be continued