Chapter 4 - CHAPTER 3

Hahaha! 😈😈

--------------------------------------------------------------------------------

οΏΌ

BONITA P.O.V

Matapos kong kumain at nakiligo na rin, suot ko ang ilang damit na nadala ko na maayos-ayos pa. Isang fitted na pantalon at t-shirt na itim may printed na heart, umalis ako ng dapit hapon sa mansion nang hindi nagpaalam.

Kasalukuyan na lakad takbo ang ginagawa ko ngayon dahil hindi ko alam kung saan talaga ako pupunta dahil isang masukal na kagubatan ang napadparan ko.

Habang naglalakad ako hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kakaiba dahil parang may nakatingin o nakamasid sa bawat galaw ko. Hindi ko na lang pinansin dahil sa gusto ko ng makaalis sa lugar na 'to dahil nakakaramdam ako ng kaba at takot.

"Mukhang naliligaw ka ata?"

Halos lumandag ang puso ko sa gulat nang may lumitaw sa harapan ko na lalaki. Kahawig siya ng crush ko na koreano si ano... Gong Yoo, seryosong nakatingin siya sa akin ngayon kaya naman nakaramdam ako ng pagkailang. At kakaiba sa kanya katulad rin ang anyo niya 'dun kay Kuya, bampira rin ata 'to. Wooohhh....

"Ha? A-a, eh... Oo. Tama ka! Naliligaw ako, puwede mo ba ituro sa akin kung saan palabas 'yung may kalsada kasi uwing-uwi na ako." naiilang na sagot ko na may halong ngiti na hindi ko malaman kasi 'yung tingin niya iba ang dating sa akin.

"Yeah, sure." ngiting sagot niya sa akin at pinakatitigan na naman niya ako. "Mag-iingat ka lagi, dahil marami ang hahabol sa'yo." mahinang salita pa nito.

Natigilan naman ako at saglit na napaisip at bigla ako'ng natawa.

"Salamat naman, pero wala naman ako'ng pakialam sa mga naghahabol sa akin. Kasi my precious body lang naman ang habol nila, dahil 'yang mga lalaki na yan. Mga manloloko!" mangiyak-ngiyak na bigkas ko sa kanya.

Bigla naman itong tumawa na pinagtaka ko, napapahid tuloy ako ng luha ko sa gilid nang mata ko.

"Hey, i'm mean... Nevermind. Halika na samahan na kitang makalabas rito," nag-aalangan na ngiti nito sa akin.

Nagugluhan man ako dahil mali yata ang pagkakaintindi ko, shemay! Nakakahiya talaga.

"At saan mo naman siya balak dalhin Tomothy?"

Napahinto kami pareho sa balak na paghakbang dahil sa baritonong boses na nagsalita sa likuran namin. Naramdaman ko nalang ang kamay nitong kamukha ni Gong Yoo na hatakin ang braso ko palapit sa kanya at tinago niya ako sa likuran niya.

Amoy na amoy ko naman ang mabangong pabango nito dahil sa halos dikit na ang nguso ko sa likuran niya.

"Huwag mo siyang gagalawin, hindi pa natin sigurado ang propesiya dahil maaari pa rin itong magbago o may lumabas pa na bagong propesiya." salita nito 'dun sa lalaki na bigla na lang sumulpot kung saan.

"Kinakalaban mo ba ako? Bakit hindi mo subukan kagatin ang babae na 'yan nang masawi ka agad ng maaga." salitang muli nito sa malaking boses.

Naguguluhan naman ako sa usapan nila, propesiya? Ang labo naman nila. Pero infairness ah, busog ang mata ko sa puro gwapo na nakikita ko simula kaninang madaling araw.

Pero pinagtataka ko rin, bakit kaya namatay 'yung sumalakay na dalawang panget sa akin? May rabies ba ako?

Nagulantang na lang ako na parang may nagsasagupan na kung ano at mga bumabagsak sa kung saan. Ganun na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko ang lumilipad at sobrang bilis na paparating papunta rito sa kintatayuan ko.

Pu-pu-pupuno? Sigaw ng isip ko dahil kunti na lang lalanding sa mukha ko ang hinating puno. Mabuti na lang 'ay may mabilis na bumahat sa akin at nailipat ako sa ibang lugar. Jusko po! Katakot sila pati puno pinalilipad nila.

"Dito ka lang muna at huwag na huwag kang aalis dito." paalam nito sa akin na titig na titig sa mata ko.

Si Gong Yoo, Timothy pala ang pangalan niya. Gosh! Ba't parang kinikilig ako kanina?

Muli nabalik ang atensyon ko sa dalawang naglalaban ngayon na parang walang katapusan dahil pareho silang malakas. Ganito ang mga gusto ko eh, yung kahit na ibalibag ka kung saan tatayo ka na parang walang nangyari.

Nakakahanga si Timothy lumaban dahil sa seryoso at kampante ng itsura niya. Pero minsan hindi ko masundan ang laban nila dahil sa sobrang bilis nang mga kilos nila hindi ko na halos nakikita kung ano ang nangyayari. Nalalaman koΒ  nalang kapag may biglang tumilapon kung saan.

Katulad ngayon si... God! Si Timothy sumalpok sa isang malapad na puno, bumakas sa makinis na mukha nito na nakaramdam siya nang sakit.

"Kung sino man ang humarang sa mga plano ko, kahit kalahi pa kita papatayin ko." malakas na bigkas nitong kalaban ni Timothy habang sinasabayan ng tawa.

Mabilis na tumakbo si Timothy palapit dito sa lalaki at sinuntok ito, tabingi ang mukha niya pero parang goma lang ito at muling bumalik sa ayos. Nakangisi lang ito 'kay Timothy at sinipa siya tiyan muling tumalsik siya sa napakalayong lugar.

Bigla naman ako'ng nakaramdam ng takot nang magsimula na siyang maglakad papunta sa kung saan ako ngayon nakatayo. Bumuka ang bibig niya at naglabasan ang dalawang matutulis na pangil nito, ang mata nito na naging pula pero bumagay pa rin sa kanya. Akala ko kagagatin niya na ako dahil biglang siyang lumapit sa harapan ko.

"Di mo ako maloloko, ayoko pang mamatay ng maaga." ngising salita nito sa akin. "At isa pa--" naputol ang sasabihin niya.

Bigla na lang kasi may lumanding na kung ano'ng malaking bagay sa pagmumukha niya na kinayupi nang mukha niya. Tumalsik ito kung saan at sa isang iglap karga ako ni Timothy habang mabilis siyang tumatakbo sa kung saan. Mas mabilis pa at ng sampung beses siya sa kabayong nakikipagkarera.

Halos mapunit ko na ang suot niya dahil sa tindi ng kapit ko sa kanya. Dahil sa tuwing lulundag siya ng pataas pati puso ko parang lumulundag rin sa kaba.

"Sino 'yang babaeng dala mo?"

"Bahagi siya ng propesiya." sagot lang nito dito sa lalaki na sumasabay sa bawat lundag at takbo ni Timothy.

Ang galing alam niya na agad na may kasabay siya at ang galing pa ulit dahil nakakapag-usap sila kahit tumatakbo ng mabilis. Sumusunod lang ito sa amin at siya ang taga-tanggal ng mga nakaharang na malalaking sanga sa daraanan namin. Ang galing talaga nila siguro kaibigan niya ito.

Hindi nagtagal bumagal na ang takbo nila at hindi ko namalayan na lumapag na ang mga paa ko sa lupa.

"Hi, Anderson pala."

Nagulat pa ako sa pagpapakilala sa akin nitong lalaki na nakasabay namin ni Timothy.

"H-hello, Bonita pala." kiming ngiti na sagot ko habang ang mata ko nakatanaw 'kay Timothy na pumasok sa isang magandang bahay.

"Oh... Nice name, welcome pala dito sa tambayan namin. At kami ang taga-pangalaga ng propesiya, hangga't hindi pa ito lubos na malinaw." ngiting salita nito na sumingkit ang mata nito.

Gwapo rin siya pero mukhang mas bata siya sa akin. Pero sandali? Kanina ko pa naririnig ang propesiya na 'yan ah. Bakit nasali ako 'dun?

"Ah, A-Anderson. Ano ang kinalaman ko sa propesiya na simula kanina ko pa naririnig?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin.

"Halika muna sa loob at gagamutin natin 'yang sugat sa paa mo. Dahil naaamoy nila ang dugo mo," turan nito at bumaba ang mata nito sa banda sa paa ko.

Saka ko lang napansin na dami palang sugat at mga maliit na hiwa sa palibot ng paa ko na walang sapin. Magksabay na pumasok kami sa loob ng bahay na pinasukan ni Timothy kanina lang.

Week4Tambayan

-----------------------

-Yon, tapos na. Hahaha! Nakakaloka ang challenge na 'to, kunti na lang tuyo na utak ko. Baka nga maging toyo na. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ anyway hope nag-enjoy kayo sa version ng vampire ko. Hahahaha! 😈😈😈