Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

BUWAN

ALOINEESERENE
--
chs / week
--
NOT RATINGS
29.1k
Views
Synopsis
Halos mabiliw sa kakahanap ang isang lalake sa madilim na kagubatan malapit sa kanyang mansyon Pilit siyang nagsusumigaw kahit malat na ito dahil sa ilang araw na itong nagwawala dahil sa biglaang pagkawala ng kanyang minamahal Ganito magmahal ang isang Lucas Sevene Moonshire, ang panganay sa Moonshire Brothers. Date started:Dec 2, 2018 (wattpad) January 5, 2019 (Webnovel) English/Tagalog
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: Girl under the Moonlight

Nakatingin ang isang binatang lalake sa napakaganda at bilog na bilog na buwan mula sa kanyang bintana.

Bukod kasi rito tanaw niya ang buong isla kung saan kalmado ang dagat, payapa ang paligid at wala ni isang tao sa labas.

Nakatayo ang kanilang mansyon sa tuktok ng isang bundok kung saan ito ang napakagandang lugar para matanaw lahat ang buong isla na pagmamay-ari ng pamilya niya.

Biglang nakaramdam ng lamig ang lalake dahil sa pagdampi ng hangin sa mapuputi nitong balat kaya napagdesisyonan nitong pumasok na sa loob. Nakakadalawang hakbang palang ito papasok ay napatigil na agad siya dahil sa tunog ng isang pusa sa kanyang veranda.

" Meeooow "

Nangunot ang kanyang noo ng marinig ang tunog ng pusa kaya agad niya itong nilingon.

Bumungad sa kanya ang isang mabalahibong puting pusa pero ang nakaagaw ng kanyang pansin ay ang kulay lila nitong mga mata na mas lalo pang tumingkad dahil sa liwanag ng buwan na tumatama roon.

"Meoowww"

Agad siyang nagtungo sa kinaroroonan ng pusa at lumuhod para sana kunin pero pagkatapos nitong hawakan ay nagulat ito ng tumalon ito pababa mula sa ikatlong palapag ng mansyon. 

Agad niyang sinilip sa baba ang pusa kung ok lang ba ito, pero pagkasilip niya roon ay nakatingin ang pusa sa kanya habang nakaupo at sumasayaw ang kanyang buntot.

"meeeooow"

Matagal nakipagtitigan ang lalake sa pusa habang ito'y gumagawa ng tunog

"meooow " 

" meeooooo"

"Meoooooooowwwww"

Tila nakikipagusap ang pusa sa kanya pero hindi niya maintindihan ngunit alam niyang may nais ipahiwatig ito.

" What do you want, catty? "

" do you want some food? "

Pero tumingin lang ang pusa sa kanan at tumingin ulit sa lalake

" So,  kung ayaw mo kumain anong gusto mo? Tell me! " tanong nito sa galit na tono, napapataas na ang boses nito dahil sa frustration.

Napamura siya sa kanyang sarili dahil sa kabaliwan na nagagawa niya ngayon.

  Fuck! I'm going insane !

Pero sumagot ang pusa " Meoowww" at tumalikod na, ang akala ng lalake ay aalis na ito kaya babalik na sana ito sa loob pero nag salita ulit ang pusa

Meooowww

" Do you want me to follow you? "

" meooooww"

bago nagpatuloy sa paglalakad ang pusa, inabot niya ang kanyang jacket saglit sa loob ng kanyang kuwarto at bumaba at sinundan ang pusa.

Dumaan sila sa medyo mapunong part ng isla , sinusundan lang niya ang pusa dahil sa kanyang kuryosidad rito.

Ilang minuto ang lumipas ay nakalabas sila sa mapunong kagubatan at bumungad sa kanya ang sacred hill na tinatawag sa isla. May napakalaking puno sa gitna at laking gulat niya ng may nakaupong babae sa ilalim ng puno.

Nakatayo lang ito sa kanyang pwesto dahil hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Nakakita siya ng babae ngunit di niya makita ang mukha, patay na kaya ito?  Tanong niya sa kanyang sarili.

Nabalik ang kanyang atensyon sa pusa ng biglang lumapit ang pusa sa babae at muling tumingin sa kanya " meooowww"  habang nakatingin sa kin kaya pumunta ako sa kinaroroonan nila, Dahil tila ako'y tinatawag nito para puntahan ang babae.

Agad akong lumapit sa babae at tinapiktapik ang pisngi nito upang magising sa unang at pangalawang subok ay hindi parin ito nagigising ngunit sa pangatlong attempt niya ay unti-unting bumukas ang mga mata nito na siya ring pagtama ng puting ilaw ng buwan sa mukha nito para makita ang napakagandang mukha ng babae.

Napatitig ang lalake sa babae, bumilis ang tibok ng kanyang puso at namamawis ang kanyang mga palad dahil sa nararamdaman.

Shit, anong nangyayari sayo?  Tanong nito sa sarili.

" Sino ka? " tanong ng babae rito habang umaayos ito ng upo na tinulungan naman ng lalake.

" sorry kung medyo natakot kita, nakita lang kita rito dahil sa pusang ito" sabay turo sa gilid kung nasaan ang pusa kanina pero nagtaka ito ng makita na wala na ito roon.

Siguro lumayas na yun

Kumunot ang noo ng babae

" Nawala" sabay kamot sa batok ang lalake. Nahihiya ito sa babae dahil sa angking ganda nito idagdag mo pa ang mahaba at kulay tsokolate nitong buhok na maalon-alon sa dulo tulad ng dagat.

" Sige,  una na ako " sabay tayo ng babae at pagpag nito sa kulay puti nitong damit.  Di nakasagot ang lalake sa sinabing yun ng babae dahil nakatitig lamang siya rito.

Tumigil sa paglalakad ang babae at muling nilingon ang lalake

" Salamat sa pag-istorbo mo ng tulog ko sana wag nang maulit" at ngumiti ito ng matamis bago nagpatuloy sa paglalakad hanggang mawala ito sa kanyang paningin.

Napahawak siya sa kanyang dibdib habang nakatingin parin sa direkyson kung saan nagpunta ang babae. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya na ngayon lang nangyari sa tanang buhay niya.

" Sinisigurado kong magkikita tayo ulit " at naglakad narin ito pabalik sa mansyon habang may nakakalukong ngiti.