CURSE FOUR:
FOUR SENTRIES' ANCIENT CONTRACT
Corridors.....check!
Courtyards.....check!
Classrooms.....check!
Kahit para akong timang ay pinilit kong mag-ala presong nakawala sa bilangguan, tipong secret agent din habang patagong pumapasok sa school. Mas lalong naging complicated ang buhay ko ngayon.
Imagine, bukod sa nilalakad ko na ang school tuwing umaga dahil paubos na ang savings ko ay kailangan ko pang magtago sa mga apat na mokong na sinasabing sila ang guardians ko daw?
Hello....like HELL-oh?! Sino ba leader nang frank gang kung asa gang man sila at ako napiling nilang mapagdiskitahan?
Hindi kaya nagkaroon ng tambiola ng mga names ng students at sa kamalas-malasang pagkakataon ay napunta sa akin ang ninety-nine percent ng pagsangayon ni lucifer kaya nabunot ang pangalan ko?
Ganunpaman, hindi ko talaga nagugustuhan nangyayari sa'kin ngayon. Suddenly, nakakacreepy ang biglang kinikilos ng bawat isa sa kanila to think na dati ay halos wala silang pakialam sa akin.
Come to think of it, parang hindi ko nadin gustong balikan ang experience ko sa bus noong pabalik na kami but it can't be helped, it always go back inside my head.
***Flashback***
"Anise, dito ka na umupo sa tabi ko." aya ni Axel sa akin.
Bigla naman akong inakbayan ni Sky, "No. dito ka sa tabi ko uupo." Sabi nito.
And then out of nowhere ay humarang sa harapan naming tatlo si Saichi, "Hi Anise, gusto mo tabi nalang tayo?" ang nakangiting abot tenga pa na sabi niya with open arms pa.
Hindi ko alam sino titignan until Carlisle cleared his throat, "Actually, Anise will have to sit next to me since 'yon naman ang nasa arrangement, hindi ba?" Sabi nito sabay pakita ng bus seating arrangement.
End of argument as Carlisle won.
What happened was beyond my expectation. Hindi na sinunod no'ng tatlo ang sitting arrangement sa bus. Sa may left side ko si Carlisle, sa kabilang side si Axel, in front si Saichi and likod naman si Sky.
They keep on following me every where I go and it was even embarrassing na nakabantay sila sa labas ng comfort room ng girls waiting for me.
***End of Flashback***
I shook my head to returned back to my reality—my unfortunate reality.
"Anise, is there something wrong?" biglang approach sa'kin ni Saichi.
"Wala naman." Ang sagot ko and, "NYAAAAH?! ANONG GINAGAWA MO DITO?" biglang tanong ko pagkakitang si Saichi na nasa classroom ko.
Biglang naglean sa'kin si Saichi upang isubo sa nakabukaka kong bibig ang isang chocolate tube na inunwrapped niya mula sa isang candy wrapper. "Matamis ba?" tanong nito.
And I just nod.
Oo ang tamis nga ng mga pinatitikim niyang chocolate sa'kin pero natatakot nako baka may kung anong gayuma ito o lason na papatay sa'kin. Oh my, it's a sweet kill.
"Pero hindi mo padin sinasagot tanong ko. Ano bang ginagawa mo sa classroom ko? Diba magkaklase kayo ni Carlisle?" tanong ko kaagad pagkalunok ng chocolate.
Napangiti si Saichi nang sambitin niya ang, "I'm here... for you." sabay kindat.
Nagsimulang magtilian ang mga kaklase ko nang makita nila ang popular kid na si Saichi inside our classroom.
"Hi guys?" approach naman ng pachuchung si Saichi na kung irarank ko ay nasa elite kids.
Yes, ang apat na lalakeng ito ay nabibilang sa mga ranking ng elite kids kaso kumbaga sa story, kanya-kanya sila ng genre.
Itong si Saichi Ortega, sikat siya dahil bukod sa action star ang Dad niya ay isa siyang magaling na chef ng sarili nilang restaurant, plus according sa mga naririnig kong pinagsisigawan nila na side hobby daw nito ang pagmomodelo ng signature line ng clothing.
Next, Axel Lustre, galing ito sa pamilya ng mga artist pero siya ang bukod tanging walang hilig sa art, siya din ang captain ball ng basket ball team ng school since sophomore until now na asa junior year, see, such a sporty hunk?
Then si Schuyler Mendrez or mas kilala bilang 'Sky', no one exactly knows so much about his background. No one has ever seen any of his parents or kung meron man ba siya?
All we know is that he's a silent type with an arrogant and stingy attitude kapag kinakausap and there are rumors na isa nga daw siyang leader ng high class fraternity dito, minsan nga naiisip ko baka isang mayamang druglord ang magulang nito kaya siguro may pinagmanahan pero as the saying goes, 'do not judge the book by it's cover'.
Tapos heto nga si Carlisle Huzon, ang student Council President namin na after that bus incident no'ng elementary namin ay biglang nagbago ang kilos at galaw niya. Pero he's really that famous among students mapababae o lalaki man because of the different things he's good at.
These four are just few of those popular kids in school and now I don't know kung anong mala-barang na enchantment ang umihip sa kanila bakit nila ako trinatrato ng ganito?
"Anise?" biglang sabi ni Saichi habang nakatitig ito sa mukha ko at dumikit na nga 'yong peak ng nose niya sa peak ng nose ko.
Agad akong napatayo sa nangyari. That was so close, konti nalang at mahahalikan na niya ako! Good Grief!
Sa sobrang hiya ay nagwalk-out ako papalayo sa kanya. Bukod kasi sa nangyari ay nagsisimula nadin akong pagtinginan ng mga kaklase ko na hindi nadin kaaya-aya lalo na 'yong mga nakakalusaw at nanlilisik na mga tingin ng mga kaklase kong babae.
Napahinto ako sa may isang corner at napasandal, I want to breathe for a while baka kasi sa kakatakbo ko papalayo eh mas lalong pumatak ang luha sa mga mata ko.
Napatingala ako at minulat ng mabuti ang mga mata ko.
"Uhh...Anise? Anong ginagawa mo?" and then I was surprised by Axel's sudden appearance, he suddenly appeared out of nowhere with a ball resting sa kaliwang baiwang niya.
I give up. I think there are no reason for me to escape these boys after all.
"Gusto kong tumingala nalang. Right! Tumingala, because in this manner my tears will never drop from my eyes." sabi ko.
"Here." sabing bigla ni Axel at napatingin ako sa sinabi niya which made the tear from my eye drop—that tear which I have always been preventing all this time.
"Uh...you see, you might find it weak for me to say this pero if you want, pwede akong maging tulad ng panyong ito para sayo..."
"Panyo?" tanong ko.
"That tear." Sabay turo niya sa luhang tumulo sa mata ko, "mapasaya man o lungkot ang dala ng luhang yan, gusto ko paring magawang alisin sa mata mo yan dahil mas ikasasaya kong makitang lagi kang nakangiti."
"Natutuwa ka kapag nakangiti ako?" ang mahinang tanong ko na unti-unting namumula sa sinabi ni Axel.
And Axel just smiled as he bid goodbye after leaving his hankie for me to use dahil sa may basketball practice pa siya.
I ended walking alone somewhere where no one can see me and there ay iniyak ko lahat. I cried all alone under the Acasia tree malayo sa school building. Wala nadin akong ibang mapuntahan, it's like every corners ng building may mga may-ari ng studyante so I have to go far away.
I wanted to cry this way, away from the others. It's not that I'm being conceited, it is safer for me not to let others be concern for me, kasi aminin naman natin, not all people who asked what's the matter and shows concern are really concern, but rather sila 'yong mga taong curious lang or in short, nakikiosyoso lamang sila.
Habang kasagsagan ng paghaplos ko ng mga luha sa mata ko ay may biglang bumagsak sa harapan ko mula sa itaas ng puno.
Makita-kita ko na si Sky ito na nakaluhod pagbaba nito mula sa puno. Wow lang, para siyang ninja na bumaba sa puno—napakapoise!
Kaso nang akmang tatawagin ko na sana siya ay bigla niya akong pinasandal sa may puno.
Hawak ang magkabilang braso ko ay nagsalita siya, "Narinig kitang umiiyak. May maitutulong ba'ko?" sabi niya na nagpakabog sa dibdib ko hindi dahil sa mga salitang binitiwan niya kundi dahil sa distansiya ng mukha naming dalawa.
Kanino bang santa-santita nanggaling ang mga sumpang bumahid sa mga kalalakihang ito at bakit ganito nalang sila kaaggresibo? Juice-mayo!
With all my might ay itinulak ko si Sky papalayo sa akin. Kinabahan ako ng sobra-sobra sa ginawa niyang 'yon. Kung totoong fraternity leader itong si Sky, malamang madali lang sa kanyang sikmurain na gahasain ako. If I know, fraternity leader daw ang unang gumagawa ng gano'ng karumaldumal na kababalaghan sa gangster world.
Kaso sa halip na pagalitan ko siya ay napansin kong namumula ang braso niya, malamang sa pagbaba niya mula sa puno, "May galos ka, tara dalhin na natin sa infirmary yan, pero teka, anong ba kasi ginagawa mo sa may taas ng puno?" ang patuloy na halos walang prenong sinabi ko.
Napangiti sa'kin si Sky na tulad ng isang diamante ay napakarare para sa isang tulad niya, "Thanks sa concern, I'm so pleased." Ang nakakadrop-jaw na sinabi niya, para pala siyang anghel kung magpasalamat. And then tumingala siya sa may puno, "Wala, natutulog lang. Wag mo na akong intindihin mas nag-aalala ako sayo, may problema ka ba? Bakit ka ba umiiyak? May nanakit ba sayo? sabihin mo lang sino." Dugtong nitong pinagsasabi paglingon niyang muli sa'kin na may seryosong mukha.
Oh geez...he's sleeping sa may taas ng puno tapos bumaba siya na halos masugatan na dahil concern siya sa'kin?
"Ayos lang ako, wag mo na akong intindihin." ang patawa-tawa ko nalang na sagot para hindi na siya mag-aalala sa akin.
Malamang narinig niya ang pagso-sob ko kaya siya napababa ng di oras. Talaga lang naman eh, pinabibilib ako ng apat na lalaking ito sa biglang ikinikilos nila.
"Pero narinig kitang umiiyak." Sagot pa niyang muli.
"I wasn't."
Bigla niyang hinaplos 'yong traces ng luha sa mata kong for sure ay napunasan ko na, kaso napansin padin niya. His touch suddenly sends chills throughout my body.
And abruptly, Sky kissed my cheek kung nasaan 'yong trace no'ng tear, "sad tear." sabi niya pagkatapos akong halikan sa pisngi. Nanginginig padin ang mga mukha ko habang naglalakihan naman mga mata kong napatulala sa ginawa ni Sky.
"Anise?" Tanong ni Sky.
"Mmm...ma...ma...manya....AAAAAAAHHHH! PERVERT!" sigaw ko pagkatulak kay Sky sabay takbo papalayo sa kanya.
Nagtatakbo ako sa may corridor. Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta para magtago pero isa lang ang nasa isip ko, ang makalayo mula sa kanila.
Gawa ng pagtakbo ko ay hindi ko namalayang may nabunggo ako and to my surprise, ang student council president na si Carlisle ito.
"Didn't you know that running inside the corridors is strictly—" ang sasabihin sana niya habang pinapag-pagan ang uniform niya like he did last time this happened ay bigla siyang napahinto pagkakita sa'kin, "Anise...I mean miss Anise?" ang bahagyang pagkasurpresa ni Carlisle pagkakita sa'kin.
Agad naman niya akong inalalayan na tumayo kahit pa tanggihan ko ito.
"Ayos ka lang?" tanong niya na nakakapanibago sa pandinig dahil may halo itong lambing.
"Oo. Pasensiya na. hindi pala dapat ako tumakbo dito. Ah sige. Pupunta nalang ako sa detention mamaya after class." Tugon ko ngunit bago pa man din ako tuluyang makaalis ay pinigilan niya ako.
"Forget about the detention, it's alright Miss Anise. Aksidente lang 'yon." Sabi niya ng halos pabulong sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Carlisle. This is a sign of unfairness. Ano ba pinagsasabi ng student council president na ito?
Bigla akong napatingin sa kanya. "Carlisle, umamin ka nga sa'kin, ano ba talagang nangyayari sa inyong apat?" tanong ko out of the blue.
"What do you mean?" patuloy parin siya sa English niya, nandudugo na ilong ko.
"Bakit kayo nagkakaganitong apat? May bully gang ba kayo at bakit ako ang napili niyong pagtripan? Bakit niyo ginagawa ito? Umamin ka na because I'm starting to get—to get scared from you guys!" buong pag-amin ko.
Napabugtong-hininga si Carlisle bago muling nakapagsalita, "You wish for it didn't you?" sabi nito pagtalikod sa'kin.
"I wished for it?"
"We are here to fulfill any of your desires, Anise. Name it and we'll do our best to grant it."
"Huh? Panong--hindi mo naman ipinapaliwanag ng maayos sa akin eh, mas lalo mo lang ginugulo utak ko."
"Pardon me..." sagot lang nito.
"Sir President, would you please explain to me bakit nangyayari ito? Alam ko na chuva-whatever niyo lang yang command-command wish-wish tapos meron pang Arcana princess na yan. Please explain everything to me." Pakiusap ko.
"Not here then."
"Saan?"
Nagtungo kami ni Carlisle sa may Student Council office na nagkataon namang walang ibang tao maliban sa aming dalawa.
Pagkaupo namin sa loob ay nagsimulang magkwento si Carlisle, "To tell you the truth, whether we like it or not, we have to fulfill our duties as your guardians or sentries. We are born to protect you and fulfill all your desires. It might get awkward sometimes like right now, still we're binded with this oath or contract."
"Contract? What contract? Tsaka please magtagalog ka since tayong dalawa lang naman nandito?"
Muling napahinga ng malalim si Carlisle bago muling magsalita, "Narinig mo na ba ang kwento tungkol kay Arcana? Ayon sa kwento, there was this mysterious Goddess na tinawag nilang Arcana na pinatapon dito sa mundo dahil umibig siya sa isang mortal.
Naniniwala kasi sila noon that Gods and Goddesses should never interact physically nor be seen by humans pero sinuway 'yon ni Arcana at nagkaroon pa siya ng anak sa mortal na siya namang ikinagalit ng chief God na si Arcanus.
Hindi ko din masyadong alam ang full details dahil ang grandfather ko lang nagkwento sa akin nito.
What I know most ay ang blood contract. Pagkapanganak pa lang samin, itinakda na kaming maging tagaprotekta ng magiging tagapagmana ni Arcana sa henerasyong ito. Anise, ang tungkuling ito'y matagal ng iniatas pa sa kanununuan naming apat na minsang nakipagsandugo sa sinasabing dyosang si Arcana." Saad niya na this time tagalog na, well, taglish pa rin.
"Ano naman kinalaman ko diyan sa Arcana na yan?" sabat ko.
"Ikaw lang naman Anise ang sinasabi kong tagapagmana ni Arcana sa henerasyong ito. Ikaw ang Arcana princess na matagal na naming hinihintay na apat na mahanap. At dahil sa narito ka na, kailangan naming maprovide sayo ang kahit anong hilingin mo bilang iyon ang sinumpaan naming tungkulin. It's Arcana's gift to you to have your desires be granted kaso pilit 'yong pinipigilan ni Arcanus, Some stories tells na si Arcanus ay naging asawa ni Arcana at meron ding nagsasabing matinding kalaban niya ito. But to cut the story short, matagal nang ipinapasa sa pamilya namin ang paghihintay sa pagdating ng Arcana princess who appears every after sixteen years, do you possibly know kung gaano katagal ng naghihintay ang angkan namin mula pa noon?"
"so ano naman tungkulin ko bilang Arcana Princess, magpakadyosa?"
"I have little detail about the Arcana Princess." Agad siyang napatayo at lumapit sa akin as he slowly—slowly leans on me habang nagsasalita, "But aside from having all your desires be granted, your duty is to become the destined woman ng isa sa aming apat to continue to blood lineage of Arcana."
"KYAAA?!" Napatumba ako sa silyang kinauupuan ko pagkasabi iyon ng malapitan ni Carlisle.
"Miss Anise?" tanong nito pagkapatayo sa akin.
Agad kong hinigit ang kamay ko papalayo sa kanya. "Anong pinagsasabi mong destined woman? Continue the blood lineage?"
"Tradition na ito sa mga Arcana Princess, Anise. Isa sa mga apat na sentries mo ang dapat na maging ama ng susunod na Arcana Princess."
"Tradition? What for?" parang pamilyar ang pangalan nito na parang nabasa ko na somewhere na hindi ko lang matandaan.
"Once you turn sixteen, kailangan mo ng makapagdecide para sa magaganap na coupling." Sabi niya pagkadistansiya sa'kin.
"Coupling? You mean—?"
"Anise, hindi dapat maputol sayo ang linya ng arcana princess unless you can defeat arcanus or else mamatay ka kasama ang pag-asa na makalaya ang mundong ito sa unos na dadalhin nanaman ni Arcanus once na maawaken siya."
"Ano bang kalokohan mga pinagsasabi Carlisle, bakit naman dumako sa ganito 'yong simpleng tanong ko na bakit ganyan kayo kumilos na apat?"
Tumingin sa'kin si Carlisle ng seryoso, "you honestly want an answer, then that's my answer." Muli niya akong sinagot in english.
Hindi ko na siya sinagot at umalis nakong Student Council office na halos manlumo sa narinig ko.
Totoo kaya 'yon? Hindi ba gawa-gawa lang 'yon ni Carlisle? Kasi kung totoo talagang kinakabahan na akong mag-sixteen. Sana nga gawa-gawa lang 'yon at hindi totoo. Nakakatakot isipin na kailangan dumating sa puntong ganoon.
*****
*****
CURSE OF ARCANA
PROPERTY OF AMEDRIANNE
FINAL THREE ENTRY FOR WATTPAD WRITING BATTLE OF THE YEAR 2014
♡ CURSE OF ARCANA is now published under Lifebooks publishing. Please continue supporting it by buying your own copy from bookstores near you. Thank you. ♡
●If you like this story, you can also check my new fantasy story ROSE EVE. Here's the direct link: http://my.w.tt/UiNb/WlcGqcwrWu ●