Chapter 3 - iii

"Ay Madam! Gising na po pala kayo. Parine ka na at ako'y maghahanda na ng kakainin mo", tarantang sabi ni Aling Sally.

Medyo napangiwi siya sa tawag nito sa kanya.

Ito ang namamahala sa mga katulong sa buong bahay. Naipaliwanag na ni Muel sa lahat ang kalagayan niya kaya't nagpapakilala muna ang mga ito bago siya kausapin.

"Salamat po. I woke up late. Nasaan po si uhm.."

"Si Sir Muel po? Naku! Maaga pa lang po eh sinundo na ni Ma'am Kate."

Napataas ang isang kilay niya pagkarinig sa pangalan na iyon.

He is with a woman?

"Kate?"

I dunno but I don't like that name. Hmm...

Bigla naman napahawak sa bibig nito si Aling Sally. "Yung sekretarya po ni Sir Muel. May business trip daw po sila na pupuntahan."

Business trip? Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya.

"I see", tugon niya.

Tumayo na siya at nagpaalam na babalik sa kwarto. Hindi niya maipaliwanag ang bigat sa dibdib niya.

Be honest because you are plainly jealous.

No way! I AM NOT! It's his secretary. I'm pretty sure it's just an old woman. Pinagwalang bahala niya ang naiisip.

****

"You got to be kidding me?", nakangiwi siyang nakatingin sa closet na napagpasyahan niyang tingnan. Tila wardrobe iyon ni Miss Tapia. Ang pagkaalala niya ay laging sunod sa uso ang mga suot niya.

What's up with these outfit? I can't believe I wore these plain clothes.

It is either gray or black ang nakikita niya. Suits and straight cut skirts. For sure ay pampasok niya lahat ng ito sa opisina. Naikwento ni Muel sa kanya na nagtatrabaho siya sa isang law firm.

"Law firm", she chuckles.

Naiimagine pa lang niya na hawak-hawak niya ang makakapal na libro at binabasa ang mga iyon parang mamamatay na sila sa kabagutan.

Geez what got into me?

She dreamt of being a designer. She wanted to have a fashion house someday. There's got to be reason why I become like this.

Hindi niya yata kakayaning suutin ang mga damit na tila pinaglumaan na ng panahon.

Nakita niya ang wallet at atm sa drawer niya. Dali-dali siyang nagpaalam kay Aling Sally. Gusto rin sana niyang magtanong dito ngunit napansin niyang tila umiiwas ito.

Wierd. Anyway, she needs to get new clothes faster.

****

Hindi na niya napansin ang oras sa sobrang enjoy niya. Namangha siya sa ganda ng mga design na nakita.

Wow. Mas naging daring ang mga damit ngayon. I can't wait to try this on.

Malalim na ang gabi ng makauwi siya. Dumaan pa siya sa salon at nagpaayos. She felt new and comfortable ng makita niya ang result ng transformation niya. She got her hair perm and had some highlights. She also bought some make up for her face. She look more of herself now after her transformation.

Goodbye old fashion look! Haha!

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Madilim ang salang nabungaran niya. Tiyak na tulog na ang mga ito.

Magustuhan kaya ito ni Muel? Napangiti siya sa naiimagine niyang reaksiyon nito.

Ibinagsak niya ang katawan sa mahabang sofa. Gusto lang niyang umungot ng konting lakas.

God! I'm exhausted!

Nakarinig siya ng mahinang ungol. Napansin niyang bahagyang gumalaw ang sofang kinauupuan niya.

What the?!

Bigla siyang napatili ng may baritong boses ang nagsalita.

"Tarra, remind me of enrolling you to a gym. Your weight can kill me."

Para siyang sinilihan sa pagtayo.

Sa sobrang dilim ng paligid hindi niya napansin na may nakahiga pala sa sofa. Binuksan niya ang switch ng ilaw. Namangha siya sa lalaking nakita niya sa harapan.

Speaking of "namangha". Parang buhay na manika ang mukha nito. Kung hindi lang sa barito nitong boses at maskuladon pangangatawan ay iisipin niyang isa itong babae. Napaka'ganda nito. Ito lang yata ang nakita niyang binagayan ang mahabang buhok. And he is not wearing any shirt!

He is almost naked!

"Why are you naked?! What are you doing here?!" Pamilyar ang mukha nito ngunit hindi niya maalala ang detalye kung saan niya ito nakita.

"Hey! I cancelled all my trips after hearing about your accident. But you look so fine yourself. Aren't you supposed to kiss me?"

"Kiss?! At sino ka naman?" Bigla siyang lumayo rito.

Nakita niyang pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo niya sa pagtataka.

Inilagay nito ang isang kamay sa baba nito at umaktong parang nag-iisip ng malalim. "I'm pretty sure ikaw si Tarra at hindi isang alien na nakatayo sa harapan ko. I want to thank the person who made you visit the salon kahit na halos lumuhod na ako dati just to change your style. You're just kidding right?"

Tinitigan niya lang ito.

"I'm sorry I really don't know you."

Lumapit ito at hinawakan ang dalawang pisngi niya. Nakakapagtakang wala siyang nararamdamang pagkailang dito. Tila alam ng katawan niyang mapagkakatiwalaan ito. Marahil ay bahagi ito ng nakaraan niyang hindi pa rin niya maalala. Siguro ay hindi pa nito alam na naaksidente siya.

"Ahm..whoever you are...as you know I met an accident two days ago. And.... I lost my memory. I just remembered the things up until I was seventeen. So if you don't mind, you might want to introduce yourself."

Napansin niyang bahagyang natigilan ito.

"Wala kang natatandaan? Totally?" Tanong nito.

Tango lang ang tinugon niya rito.

"Hmmm.... This is fun." Then he smiled playfully.

"Fun? Papaanong naging fun yon?" May saltik yata ito.

"Well I am your------"

Biglang bumukas ang pinto at nakita niyang iniluwa niyon si Muel. Kaagad na nagsalubong ang kilay nito pagkakita sa kanila. Bigla naman siyang inakbayan ng di pa nagpapakilalang lalaki.

"H-Hey! What are you do----!"

"Can't even help yourself not to see each other for a while and decided to meet at my house?" Madilim ang mukhang sinabi ni Muel sakanila.

Napaawang ang mga labi niya. Halos mag apoy ang mga mata nito habang nakatitig sa kanila.

"Is this how you welcome me?" Sagot ng lalaki. Mukhang hindi man lang ito naapektuhan sa matatalim na tinging ibinabato ni Muel.

Nalilito siya sa nangyayari. "Teka nga! Ako ang nalilito sa inyo e." Inialis niya ang kamay nitong nakapalupot sa kanya. Bumaling siya kay Muel.

"Excuse me, I don't know what you are thinking but you're wrong. At ikaw namang lalaki ka, kapag hindi ka pa nagsalita kung sino ka ibibitin kita sa chandelier na yan."

"Kahit nawala ang memorya mo ikaw pa rin ang mataray na Tamarra", sinabayan pa nito ng malulutong na tawa. "Tarra, my name is Ethan."

"And?" Tila ibinibitin pa siya nito.

"Well...I am part of your past." Tumingin ito kay Muel na parang nangiinis. "Thanks to your husband.

"What do you mean by that?"

"He is your ex-boyfriend Tamarra", tinapos ni Muel ang mga tanong sa utak niya.

"E-Ex-boyfriend?" What? He is my ex? But why is he in our house? Ano daw? Siya naman ngayon ang parang walang masabi. Nakatingin lang siya sa dalawang tila nagtatagisan sa tingin.

"Why darling? Am I not enough to be considered? You said before you fell for my charisma...rather than my....." Tumawa muna ito. "rather than my brother here."

He is his brother?!

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag