Chereads / Naked Scar (Tag-Lish) / Chapter 47 - Cat fight

Chapter 47 - Cat fight

DALAWANG araw ang nagdaan. Sa mga araw na iyon, kahit busy ay naglalaan talaga siya nang oras para tawagan si Malik. Kung minsan naman ay ito ang tumatawag sa kanya.

Kasalukuyan siyang nasa Airport at binabasa ang itinerary ng kanyang Uncle Agonzillio. She saw on her list the Palawan and Cebu escapade.

"Excuse me. Do you know who the most beautiful woman is?"

Binaba niya ang binabasa para tingnan ang lalaki. "Jyra Keith Aldrich?" She shrugged.

"Wrong. It is Dutchess Zarine Agonzillio." The man uttered in a serious tone.

Muli siyang nagkibit balikat. "Who is Douche? Dutch? What?" Humalukipkip siya at nakipagtitigan dito.

Some of the people whose passing by stopped when they noticed them. Iniisip nilang may namumuong away sa pagitan nila. Nang biglang humagalpak nang tawa ang lalaki. Tinanggal nito ang bull cap na suot at nilipat sa kanya. "Kung narito si Dutchess, iirapan ka noon." Dugtong pa nito habang nangingilid ang luha sa walang patid na pagtawa.

Humagikgik siya sa sinabi nito. Nasa imahinasyon niya kasi ang itsura ng maarteng pinsan. "Uncle, how is she anyway?"

"Sakit pa rin ng ulo. Hindi ko na alam ang gagawin sa kanya." Tinulak nito ang dalang maleta.

Napansin niya ang suot nito. Mukha itong handa na sa bakasyong ipinunta nito rito. "Fishing, Uncle?" She asked when she noticed his badge.

"Iha, alam mo naman ang matatanda. Ito nalang ang hilig. Pagbigyan mo na ako. Tungkol nga pala kay Carla. Sobrang lungkot ng tita mo dahil hindi kami nakapunta. Ayaw naming pagbigyan ang nakasulat sa letter pero sa huli ang pagiging matigas ng ulo niya ang sinunod namin."

Nauunawaan niya kung bakit hindi ito nakaalis. Sakit sa side ng ina niya ang sakit sa puso. Nasa ospital din ito noon, isinugod dahil sa klima ng Portugal. She slightly twisted her mouth. "Sa tingin ko po ay mana kami ni Dutchess kay mommy."

Humagalpak nang tawa ang matanda. "Hindi. Mas malala ang anak ko." Umiling-iling ito.

Sinamahan niya ito sa Nightingale Palace para ilapag ang mga gamit. By twelve lilipad ito patungong Palawan. He is with the elders of Lazarde. Pinagbigyan niya nang hindi sumama sa kahilingan nitong ayaw siyang abalahin sa daily basis niya.

They were in the lobby when she spotted her best friend. Humalik siya sa pisngi ng Uncle niya at saglit na nagpaalam para lapitan si Winona. She was half running to get near her until Winona noticed her presence. Saglit silang nagkatitigan kaya ngumiti siya ng buong tamis. "Hi!" She greeted but Winona ignored her and go with some of the people coming through.

Natigilan siya dahil sa pagkapahiya. She even saw the five women under Vika's parade. I assumed she's in urgent. It's fine. She plastered a warm smile and looked back at her Uncle.

"Sino iyon, Iha?" Tanong nito nang makalapit siya.

"Si Vika po."

Kuryosong sinulyapan ng matanda sila Winona. "I knew her. She's on the magazine of Vogue. She's beautiful but something on her beauty lost its substance when she showed her face. Dutchess dislikes her now."

Her attention landed on the floor. Tatlong beses palang niya nakasama ang pinsan. Hindi sila close dahil arogante ito kung makatingin. Siya na ang dumidistansiya rito dahil sa tingin niya hindi niya kayang pantayan ang pagiging dugong bughaw nito. They both tall and elegant. But when she was around her, she felt low and out of the race.

Dinala niya sa isang esklusibong restaurant ito. They eat there and waited for his companion. Ilang minutong paghihintay ay dumating ang mga ito. Funny, they were all gear up the same with her uncle.

Hindi rin nagtagal ay umalis na ang mga ito.

She was alone going through the parking when she saw a woman. Namilog ang mata niya nang makilala kung sino iyon.

"Jessica?" She called out but the woman walked fast.

Sumakay ito sa humintong bus kaya nagmamadali siyang tumakbo upang habulin iyon. Oh, no, please look at me. Tinaas niya ang kamay para makuha ang atensyon ng driver, ang kaso ay agad itong kumilos. Hinihingal niyang pinanood ang papalayong bus. Sawi niyang inilingan iyon.

Hindi ako puwedeng magkamali. Siya iyon!

Nagmamadali niyang tinawagan si Peachy. Hindi siya mapakali. Hindi na niya alintana ang mga pares ng matang pinapanood siya na lakad nang lakad. She walked away the waiting area and proceeded on the parking lot.

"Come on, Peachy. Answer my call." Bulong niya nang makasakay sa BMW.

Darcy kept on glancing at her when they reached the main road. Naguguluhan sa inaakto niya.

"Oh, hello? Peachy?" She groaned when Peachy stayed silent on the other line. "Peachy?" she asked impatiently.

"Sweet Chic, my gosh. Two in the morning, what the hell!"

Umirap siya sa kawalan. Nahuli pa niyang pinapanood pala siya ni Darcy. "I saw my mother. I saw her with my naked eye." Aniya hindi malaman kung paano sasabihin dito ang nakita.

"W-what? Mother?"

"Just by now. Five minutes ago, I saw Jessica. Peachy, she's alive. Oh my god!" She covered her mouth using her free hand.

"Hindi nga? How is she?"

Huminga nang malalim si Jyra at pilit inaalala ang maamong mukha ni Jessica. Ang brunette nitong buhok na malayang umaalon sa saliw ng musikang turo ng hangin. That was the exact image she saw a few minutes ago. Until she realized maybe it wasn't her. By now Jessica should age. "I... I'm sorry. I am actually not sure if that was her. Parehas kasi ng built ng katawan, walang ipinagbago." Her hype loosened up.

"Sweet Chic, kumain ka ba? Baka hallucination mo lang?"

"I'm okay. Katatapos ko lang magtanghalian kasama si Uncle Agonzillio. Nakita ko siyang sumakay ng bus, hindi ko nakita ng buo ang mukha pero malakas ang kutob kong siya iyon. Peachy, please do something about her." Nangingilid ang luha sa kanyang mata nang balingan niya ang suot na pencil skirt. Gusto niyang makita ang ina. Gusto niya itong makausap at mayakap. If only she can run quick to chase her.

"Hush. What is her full name again? And that asshole step fucker father."

"Carmina Jessica Holmes and Andrei Holmes," she enumerated.

"Alright. I'll go back to you once I got their information. So far, stay safe and I need to sleep for Pete's sake, Sweet Chic."

She nodded her head. Wiping the unshed tears. "I wished she's safe. I wished she is truly alive."

"Hush. She will be fine. If that was truly Jessica then Andrei will keep her away from you for sure. Since he doesn't know your existence, that will be our chance. We have to find her. Mukha naman siyang maayos nang makita mo siya? I mean, healthy?"

Hindi siya nakasagot. Iniisip niya kasing baka nagkamali lamang siya. Pero kung sakaling itinatago nga ni Andrei ang ina niya, panalangin niyang sana ay hindi nito pinababayaan ang asawa. "Yes. I'm worried. I hope she's really fine."

"I'll contact my connection there. Hindi ako papayag na makawala sa kamay natin ang huling baraha."

Tulala niyang pinatay ang tawag nang mag-good night si Peachy. Kahit nang makabalik sa kanyang opisina ay lumulutang ang isip niya. Kung nasa kasagsagang asensadong buhay si Andrei, ano naman ang kalagayan ni Jessica ngayon?

Lumingon siya sa pinto noong may kumatok doon.

Winona on her cheerful smile greeted her clouded world. Tumayo agad siya upang salubungin ito. "Okay ka lang? Para kang nakakita ng multo?" tanong nito. Lumilunga sa kabuoan ng kanyang opisina.

She gave her a warm hugged and invited to sit on the couch.

"Nasa Dubai pala si Malik." Panimula nito, nakahilig ang mga braso sa arm rest. Metikolasa rin nitong idinikuwarto ang mga binti matapos ay pinanood siya.

She sat back in her swivel chair. She nodded her head.

"Salamat nga pala sa pag-alaga sa kanya habang wala ako. Alam mo naman busy, wala akong time para sa relasyon namin."

She shifted her seat when Roena entered with a cocktail juice and a paper on her hand. Ipinatong nito ang inumin sa harapan ni Winona at ang papel sa kanya. Nang makaalis ito ay huminga siya ng malalim.

"Winona."

Tumingin sa kanya ito nang may halong pangmamaliit. It makes her a bit uneasy and felt far from her. Ang pakikitungo nito buhat noong sa Friis Manor ay nanghahamak at malayo sa kilala niyang kaibigan.

"Can you give back to me my ring?"

Kumibot ang kilay nang kaibigan. Napainom din ito ng juice. "Naiwala ko," anito.

Napatayo siya dahil doon. "Saan? Bakit mo iwinala?"

"Teka, hindi ko naman sinasadya. Doon sa Palawan. Hindi ba't nag-banana boat tayo. Nalaglag yata."

Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Alam nitong mahalaga iyon tapos parang wala lang nang maiwala? Apologize to me. She clenched her teeth when Winona just looked away and enjoyed her juice. "Alam mo ba kung ano ang nawala mo?" Tanong niya rito nang may pait sa tono.

Tumingin sa kanya si Winona nang may halong iritasyon. Ang bilugang mata nito ay lalong naging mas mapusok at matapang. "Come on, it was just a ring. Papalitan ko ng mas maganda at mahal. Huwag kang mag-alala."

"Winona mahalaga sa akin ang singsing. Ibinigay ko iyon sa'yo hindi dahil sa wala lang."

Tumayo ito at umirap sa kawalan. "Anong gusto mong palabasin ngayon... na burara ako? Walang pakialam? Sing-sing lang iyon, Jyra!"

Saglit siyang tumahimik para pigilan ang bugso nang damdamin. Hindi iyon normal na sing-sing lang, kung naiwala na ay wala na siyang magagawa. Wala na ito ngayon. "Winona, kanino ba galing ang sing-sing? Sa akin. Sino ba ako? Kaibigan mo ako. You lost it, it was like you lost me too. I don't want to offend you but I guess people was right. You've changed. A lot."

"Anong ibig mong sabihin ngayon? Wala kang tiwala sa akin?"

"Winona, it is not like that. Ano bang iniisip mo? Nasaan na ang masayahin kong kaibigan-"

"I think you are right. It is not me who lost you. It was you who lost me. Akala mo ba hindi ko alam ang pang-aahas mo kay Malik. Graciella told me about you and Malik. Ahas ka!" Inilang hakbang nito ang pagitan nila upang sampalin at sabunutan.

She was trying to stopped her but Winona was too aggressive and driven by anger.

Nagbukas ang pinto at pumasok si Roena kasama ang ilang empleyado para pigilan si Winona. Sigaw ito nang sigaw habang inilalabas. Siya naman ay naiiyak.

Winona changed. Hindi niya na ito kilala. Hindi na ito ang minsang itinuring niyang kapatid na si Winona.