Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

A Week to Remember

mischa143kelvin
--
chs / week
--
NOT RATINGS
46.7k
Views
Synopsis
It changes everything in a matter of seconds. Everything is falling apart. One simple mistake. One single moment that changes their life. One fateful day. One week to remember.
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Isang buwan na lamang ang nalalabi at graduation na. May isang dalaga na masayang-masaya sa kanyang ibabalita sa kanyang pinsan. Sapagkat ang dalaga ay isa sa magtatapos na may karangalan.

Ang dalaga ay simpleng babae na ang nais lamang ay makapagtapos nang pag-aaral upang makatulong sa kanyang Ina na may karamdaman. Dalawa na lamang sila ng kanyang Ina sapagkat maagang namayapa ang kanyang Ama noong siya'y musmos pa lamang.

Mag-isang tinaguyod siya ng kanyang Ina noong maliit pa lamang siya pero kapag wala siyang pasok ay kasama siya ng kanyang Ina na nagtitinda ng mga prutas sa bangketa.

Na kung minsan ay napipilitan silang umalis ng pwesto dahil di maiwasang magkahulihan kung saan nakapwesto ang kanilang tindang mga prutas.

Silang mag-ina ay nangungupahan lamang sa isang maliit na bahay. Ngayon ay malaki na sya at malapit nang magtapos ng high school.

Pansamantalang nakatira siya sa bahay ng kaniyang pinsan upang may kasama ito sa bahay habang nasa abroad at nagtatrabaho ang asawa nito.

Sa kasalukuyan ay nagdadalang tao na kasi ang kanyang pinsan. Pitong buwan na itong buntis kung kaya't nahihirapan na din ito sa mga gawaing bahay sapagkat mag-isa lamang ito sa kanilang bahay.

Kung kaya't napakiusapan na samahan muna niya ito sa bahay tutal isang buwan na lamang ang nalalabi bago ang graduation ng dalaga.

Ngayon ay masayang uuwi ang dalaga na may ngiti na abot hanggang tainga ang kasiyahan. Sapagkat dala niya ang magandang balita sa kaniyang pinsan.

Pagpasok pa lamang ng dalaga ay sinalubong na niya ng ngiti ang pinsan nang makita niya ito na nakaupo sa sofa at mahinang kinakausap ang baby na nasa sinapupunan nito.

Dahan-dahan na lumapit ang dalaga sa kanyang pinsan at hinalikan ito sa pisngi at tinabihan ito. Hinintay muna niya na makatapos ang pinsan sa pakikipag-usap sa kanyang baby.

Inilapag ng dalaga ang kanyang bag sa side table na katabi ng kanilang kinauupuang sofa. Nang matapos ang pakikipag-usap ng pinsan niya sa kanyang baby ay humarap ito at ngumiti sa dalaga.

Hindi napigil ng dalaga ang kasiyahan at naibulalas ang magandang balita sa kanyang pinsan. Na sobrang ikinatuwa iyon ng kanyang pinsan.

At may magandang balita din ang kanyang pinsan. Ibinalita nito sa dalaga na darating ang kanyang asawa na may kasamang bisita.

Nakilala ng kanyang asawa ang kanilang bisita sa isang expedition. Mahilig maglakbay ang kanyang asawa sa iba't ibang lugar.

At dahil din doon ay nagkakilala sila at naging mag-asawa. Sa ngayon ay bakasyon ng kanyang asawa dahil na rin sa malapit na siyang manganak.

Ngayon ang araw ng pag-uwi ng bayaw sa pinsan ng dalaga. Ito ang unang beses na makikita ng personal ng dalaga ang asawa ng kanyang pinsan.

Nasa loob lamang ng van na kanilang inarkila ang pinsan ng dalaga. Para hindi na ito mahirapan pa.

Nang isa-isa ng maglabasan sa Arrival ang mga pasahero. Nagtaas ng placard ang dalaga na may nakasulat na "Paulo Smith".

Maya-maya lamang ay may lumapit na dalawang matangkad na lalaki. Kapwa mestizo ngunit parang hinahabol na ng gunting sa kapal at haba ng bigote at balbas ng mga ito sa mukha.

Nakaramdam ng kaunting kaba ang dalaga ngunit hindi niya pinahalata ito. Ngumiti ang isa sa mga lalaki at nagsabing, "Hi, are you, Tessa? Cousin of Jenica?" Nakangiting sambit ng lalaki.

At tumango lamang ang dalaga at bahagyang ngumiti. At sabay na silang nagtungo sa kinaroroonan ng van.

Habang nasa byahe ay aksidenteng napasulyap ang dalaga sa rear mirror. Nagulat siya nang makita niya na nakatanaw sa kaniya ang lalaking kasama ng kaniyang bayaw.

Kaya agad na umiwas siya ng tingin pero pasimpleng pasulyap-sulyap na tinatanaw ng dalaga sa rear mirror ang lalaki.

Napabuntong hininga na lang ang dalaga nang makita niya na di na nakatanaw ang lalaki. Hindi alam ng dalaga na muling itiningin ng lalaki ang paningin sa dalaga.

Nang makarating na sa bahay at maibaba na ang mga bagahe ay nauna nang nagpaalam ang dalaga sa kanila upang makapagpahinga na.

Maaga pa kasi ang pasok ng dalaga kinabukasan. Habang naglalakad ang dalaga patungo sa kanyang kwarto ay lihim na nakamasid ang lalaki sa dalaga.

Kinabukasan ay maagang nagising ang dalaga na gumayak. Pagkatapos makapaligo at magbihis ay lumabas na siya ng kwarto niya upang ipaghanda ng almusal ang mga bisita.

Nagulat ang dalaga nang makita niyang may nakahain ng pagkain sa lamesa. Mas namangha siya ng makita niya kung paano mabilis kumilos ang lalaki sa paghahanda ng pagkain.

Agad na lumapit ang dalaga upang siya na lamang ang gumawa. At sabay nilang nahawakan ang baso. Kaya nagkatinginan sila ng magdampi ang kanilang mga kamay.

Nagkatitigan na lamang sila. Agad na umiwas ng tingin ang dalaga at sinabing, "You don't have to do this you are the visitor here". Ang mahinang sambit ng dalaga.

Magsasalita sana ang lalaki ng biglang magsalita si Jenica, "Tessa, pabayaan mo na si Brian. Sanay na ko na ganyan sya." At naghikab na lang si Jenica habang dahan-dahang tumalikod sa kanila upang bumalik ng kanilang kwarto.

At napatingin na lang si Tessa sa lalaki. "Brian pala ang pangalan ng lalaking ito". Ang nasambit ng dalaga sa kanyang isip.

Lumipas ang ilang araw na si Tessa ang nag-aasikaso sa mga gawaing bahay bago siya pumasok at pagkagaling sa school.

Sa kadahilanang laging umaalis ng bahay sina Paulo at Brian. Tanging ang pinsan na si Jenica lamang ang naiiwan sa bahay.

Bihirang makita ng dalaga ang mga ito sapagkat madalas na wala ang mga ito sa bahay.

At pag dumating naman ay agad na ipinaghahanda ni Tessa ang dalawang lalaki na magkuminsan ay tinatanaw ng lalaki ang dalaga habang ito'y nag-aasikaso sa kanila.

Minsan isang araw, maagang umuwi ang dalaga dahil half day lang ang naging pasok niya. Nagulat siya ng makita ang lalaki na matiim na nakatuon ang atensyon sa kaniyang laptop.

Pasimpleng itinanong ng dalaga kung saan naroroon ang kanyang pinsan at asawa nito. Tumingin saglit ang lalaki sa dalaga at naggrunt nang "Hospital" at "Check-up". Tila masungit na tugon nito.

Bahagyang nainis ang dalaga sa naging tugon ng lalaki sa kaniya. Kaya naglabas na lamang siya ng aklat sa kaniyang bag upang magbasa ng lectures niya.

Pero pasimpleng sinusulyapan ng dalaga ang lalaki na msyado ang focus sa kaniyang laptop. Hindi malaman ng dalaga kung ano ang gagawin kaya nagbasa na lamang sya habang hinihintay ang pinsan.

Hindi namalayan ng dalaga na nakatulog na pala sya. Nagulat na lang sya ng imulat ang kanyang mata at nakita niya na nasa harap niya ang lalaki at nagsabi, "I thought you might fall down."

Nahiya naman ang dalaga sa lalaki at nagsabing, "Thanks." Na tinanguan lang ng lalaki at bumalik sa kanyang laptop.

"Ano ka ba? Tulog ka ng tulog, mamaya nyan tulo pa ang laway mo, nakakahiya". Ang admonished niya sa kaniyang sarili. "Pero ang sweet naman pala nito. Akala ko sadyang masungit lang talaga sya." At namula ang mukha niya.

Maya-maya lamang ay dumating ang mag-asawa sabay silang napalingon sa pintuan. Agad na tumayo si Tessa upang tulungan sa mga dala-dalahan ang pinsan na makapasok ng bahay.

Kinabukasan ay aalis sana sina Paulo at Brian ngunit hiniling ni Jenica na maiwan na muna sa bahay si Paulo. Kaya hiniling ni Jenica sa dalaga na samahang mamasyal ang lalaki dahil wala naman itong pasok nang araw na yaon.

Nahihiya man ay pumayag na rin ang dalaga na samahan ang lalaki. Sila ay nagpunta ng Divisoria upang mag-ikot ikot sa mga mall nito.

Nakita ng dalaga sa mukha ng lalaki ang pagkaaliw sa mga nakikitang murang pamilihin sa Divisoria.

Bandang tanghalian ay nagyaya na itong kumain sa food court. Habang kumakain sila ay napagmasdan ng dalaga ang mukha ng lalaki.

Napansin ng dalaga na bata pa ito. Kung hindi lamang nababalot ng balbas at bigote ang mukha nito ay malamang na magandang lalaki ito.

"Foreigner nga natural gwapo yan". Ang sabat naman ng isip ng dalaga.

Napahinto sa pagkain ang lalaki ng mapansing hindi kumakain ang dalaga at nakatitig lamang ito sa kanya.

"Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain dito?" May accent na tanong ng lalaki.

Napamaang ang dalaga sa tagalog na salita ng lalaki.

"Marunong kang magtagalog?" Ang manghang tanong ng dalaga. "Not really but I understand tagalog. Konti lang ang alam kong salitang tagalog." Casual na sagot ng lalaki at muling kumain.

"Sige na, kain ka na." Ang anyaya muli ng lalaki sa dalaga. At napatango na lang ang dalaga sa lalaki at sinimulang kumain.

"Oh my gosh! Buti na lang hindi ako madaldal". Ang nasambit ng dalaga sa kanyang isip. At maya-maya lamang ay naglibot silang muli.

Sa paglalakad nila pauwi sa bahay ay nagsalitang mahina ang lalaki.

"Thank you, Tessa". At napalingon ang dalaga sa lalaki. "Para saan?" Ang tanong naman ng dalaga.

"For this and everything. You are a nice girl. You help your cousin in everything she needs. Even when you are tired yourself. You help us. You help me." At patuloy pa din sila sa paglalakad. "It's okay. She help us, too." At wala nang masabi ang dalaga kaya tumahimik na lang sya.

Pagdating nila sa bahay ay nagulat na lang sila na may mga nakahandang pagkain at may bote ng red wine.

Iyon pala ay sa kadahilanang aalis na si Brian at babalik na sa abroad.

Bahagyang nalungkot ang dalaga sa biglaang pag-alis ng lalaki. Inisip kasi niya na magtatagal pa ito ngunit hindi pala.

Sa kinagabihang iyon ay nagkwentuhan sila pagkatapos kumain ng hapunan. Nang sumapit na ang alas-diyes ng gabi ay una nang nagpaalam ang dalaga upang magpahinga.

Napagod din kasi siya sa naging lakad nila ng lalaki. Maya-maya lamang ay sumunod na rin si Jenica na matulog.

Ang dalawang lalaki ay naiwan pa na nagkukuwentuhan at umiinom ng red wine. Nang mag alas-dose na, nag-aya ng matulog si Brian dahil may flight pa sya kinabukasan. Medyo nakakaramdam na din siya ng kaunting pagkahilo.

Nagpunta pansamantala si Paulo ng banyo. Inubos lang ni Brian ang natirang red wine bago tumayo at pumasok sa kaniyang kwarto.

Dahil sa pagkahilo hindi na nagawang i-lock ng lalaki ang kanyang kwarto. Naghubad lang nang pang itaas ang lalaki at nahiga. Tulog agad ang lalaki.

Kinabukasan ay dumating ang kumare ni Jenica upang kunin ang damit na hinihiram kay Tessa. Kaya pinatuloy ni Jenica hanggang sa kwarto ni Tessa.

Nang pagbukas nito nang pintuan ay tumambad sa kanya ang magkayakap na babae at lalake. Hindi na nakapagsalita, sinara niya ang pinto at umalis na.

Pagkasara ng pinto ay biglang nagising ang dalawang natutulog.

Nagulat sila sa isa't-isa.